Professional Documents
Culture Documents
Ortigrapiyang Filpino 2019
Ortigrapiyang Filpino 2019
Isang buhay na wika ang Filipino. Patuloy itong nagkakaroon ng mga pagbabago at
umuunlad sa paglipas ng mga panahon.
Masasabing nagsimula ang ortograpiya ng wikang Filipino noong unang panahon,
kung kailan ginamit ng mga Pilipino ang katutubong paraan ng pagsulat na
tinatawag na baybayin.
Binubuo ng labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga mga titik ang
Baybayin ayon sa sumusunod:
Noong 1899, nalathala ang Estudios sobre la lengua tagala na sinulat ni Jose Rizal habang
nakadestiyero siya sa Dapitan.
Kasama sa panukala ni Rizal sa ortograpiyag Tagalog ang alpabetong may limang patinig at
labinlimang katinig, na naging batayan naman ng abakada na binuo ni Lope K. Santos sa
kanyang Balarila na nalathala noong 1940 at naging dahilan kaya tinagurian siyang “Ama ng
Balarila g Pilipinas.
Ginawang lima ang patinig: A, E, I, O, U at idinagdag ang letrang R kaya naging dalawampung
letra na ang mga titik ng lumaganap na abakada hanggang sa panahon na mula sa Tagalog,
tinatawag ang Wikang Pambansa na wikang Pilipino.
Hinango rin sa mga tuntunin sa Balarila ni Santos ang iba pang gabay sa pagsulat , tulad ng
tamang gamit ng ng at nang, pagpapalit ng R sa D, o kung bakit nagiging U ang O ng salita
kapag inuulit.
Tinipon ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ang mga makabuluhang tuntunin pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ginawan ito ng isang hiwalay at nakamimeograp na polyeto
na pinamagatang “Mga Batayang Tuntuning Sinusunod sa Pagsusuring Aklat ni Bienvinido V.
Reyes. Ginamit ang polyetong ito bilang gabay ng mga guro, manunulat at editor.
Bagama’t pinangalanan nang “Pilipino” ang Wikang Pambansa sa bisa ng isang kautusang
pangkagawaran ni Kalihim Jose Romano noong 1959, inusig pa rin ni Kongresista Inocencio
Ferrer ang Surian at ibang ahensya ng pamahalaan dahil sa diumano’y pagpapalaganap nito ng
isang “puristang Tagalog” bilang Wikang Pambansa noong 1965.
Nagpetisyon pa sa hukuman ang Madyaas Pro-Hiligaynon Society, isang pangkating pangwika
upang pigilin ang gawain ng Surian noong 1969.
Dahil sa mga ito, muling sinuri ang konsepto ng Wikang Pambansa at Konstitusyong 1973,
tinawag na “Filipino” ang Wikang Pambansa. Nakabuo ng bagong gabay sa ortograpiya noong
1976 – ang “Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino” na nalathala sa anyong mimeograph
noong 1977.
Kabilang sa nilalaman ng bagong gabay ang pagbabago sa abakada na naging 31 letra dahil sa
pagdagdag ng 11 letra kaya tinaguriang “pinagyamang alpabeto” dahil sa dami ng letra nito na
umani naman ng mga pagpuna.
Kaya’t muling sinuri at binawasan ng titik ang alpabeto na binubuo na lamang ng 28 letra nang
malathala ito noong 1987 sa gabay na “Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” ng
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, ang binagong pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa.
Ito ang Bagong Alpabetong Filipino na binabasa ang mga titik sa paraang Ingles, maliban sa Ñ
Malakin N
A B C D E F G H I J K L M N Ñ O P Q R S T U V W X Y Z
g Titik G
Maliit na
Titik
a b c d e f g h i j k l m n ñ ng O p q r s t u v w x y z
k, dʒ, v, ks,
Ponema a b d e f g h i k l m n ɲ ŋ o p k r s t u w j z
s h b z