You are on page 1of 1

ANG MATAMPUHIN ni Lope K.

Santos ANG MATAMPUHIN Damong makahiya na munting masanggiy nangunguyumpis nat buong nakikimi, matalsikan lamang hamog na kontit halik ng amihay mabigla sa dampi mga kinaliskis na dahoy tutupit tila na totoong lanta nat unsyami. Mutyang balintataw ng buwang maningning sa salang mabiro ng masayang hangiy pipikit na agad sa likod ng dilim, panakaw-nakaw na sa lupay titingin, sa tanaw ng ulap at ng panganorin. Malinaw na batis ng mahinhing bukal na napalalabo ng bahagyang ulan, kahit dahong tuyo na malaglag lamang ay nagdaramdam nang tila nasugatan; isang munting batong sa kanyay magalaw ay dumaraing na at natitigilan. Matingkad na kulay ng mayuming sutlang kay-sarap damitin at napakagara, munting mapatakan ng hamog o luha, ay natulukot nat agad namumutla; salang malibangan sa taguang sadya y pinamamahayan ng ipis at tanga. Kalapating puting may batik sa pakpak, munting makalayay malayo ang lipad; habang masagana sa sariling pugad, ay napakaamo at di lumalayas; nguni, pag sa palay ay minsang manalat, sa may-alagad man ay nagmamailap. Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay ay wala sa pusong laging mapagdamdam; hindi nagluluwat ang kapayapaang mamahay sa palad na hubad sa lumbay; lalo sa pag-irog, ang tampoy di bagay kaning mayat-maya at, nakamamatay!

You might also like