You are on page 1of 2

Damong 

makahiya na munting masanggi’y


nangunguyumpis na’t buong nakikimi,
matalsikan lamang hamog na konti’t
halik ng amiha’y mabigla sa dampi
mga kinaliskis na daho’y tutupi’t
tila na totoong lanta na’t uns’yami.
Mutyang balintataw ng buwang maningning
sa salang mabiro ng masayang hangi’y
pipikit na agad sa likod ng dilim,
panakaw-nakaw na sa lupa’y titingin,
sa tanaw ng ulap at ng panganorin.

Malinaw na batis ng mahinhing bukal


na napalalabo ng bahagyang ulan,
kahit dahong tuyo na malaglag lamang
ay nagdaramdam nang tila nasugatan;
isang munting batong sa kanya’y magalaw
ay dumaraing na at natitigilan.

Matingkad na kulay ng mayuming sutlang


kay-sarap damitin at napakagara,
munting mapatakan ng hamog o luha,
ay natulukot na’t agad namumutla;
salang malibangan sa taguang sadya’ y
pinamamahayan ng ipis at tanga.

Kalapating puting may batik sa pakpak,


munting makalaya’y malayo ang lipad;
habang masagana sa sariling pugad,
ay napakaamo at di lumalayas;
nguni, pag sa palay ay minsang manalat,
sa may-alagad man ay nagmamailap.

Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay


ay wala sa pusong laging mapagdamdam;
hindi nagluluwat ang kapayapaang
mamahay sa palad na hubad sa lumbay;
lalo sa pag-irog, ang tampo’y di bagay
kaning maya’t-maya at, nakamamatay!
“BANAAG AT SIKAT”
Ni LOPE K.SANTOS
Hingil sa mga buhay ng magkibigang Delfin at Felipe ang nobelang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos.

Si Delfin ay sosyalista, samantalang si Felipe ay isang anarkista.Bilang sosyalista,naniniwala at hinahangad ni


Delfin na mapalaganap ang kaisipang sosyalismo sa lipunan,kung saan ang mga mamamayan ang may higit na
karapatan sa lahat ng mga gawaing pangangalakal,mga pag-aari,at mga pagawaing pambansa.Bagaman isang
mahirap na nag-aaral ng abogasya at nagtatrabaho bilang manunulat sa isang pahayagan,matindi ang
paniwawala ni Delfin na matatamo lamang ang isang lipunang makamaralita sa pamamagitan ng mapayapang
pamamaraan,isang pakikibakang hindi nababahiran ng pagdanak ng dugo.

Si Felipe naman- na may adhikaing anarkismo-ay naniniwala sa marahas na pagbuwag sa mga namamayaning
kapangyarihan at kalupitan ng mga mayayamang may-lupa,Ibig niyang pawiin anngmga abusadong may
kapangyarihan na naghahari sa lipunan.Bagaman anak ng isang mayamang pinuno ng isang
bayan,kinamumuhihan ni Felipe ang mga gawi at karanasan ng kaniyang ama .Mas mamarapatin niiyang
magkaroon ng pagkapantay pantay ang lahat ng uri ng mga mamamayanwalang pagkakaiba ang mga mahihirap at
ang mga mamayaman.

Dahil nga sa pagkamuhi sa nakagisnang buhay bilang mayaman at anak ng isang marahas na may- salapi,nilisan
ni Felipe ang tahanan ng kaniyang ama para mamuhay bilang kaisa ng mga maralita.Iniwan nya ang marangyang
pamumuhay upang makasama ang mga karaniwang uri ng mga mamamayan ng lipunan.Nakatira si Felipe sa
tahanan ng isang amain sa kumpil sa Maynila.Subalit kinamuhian din niya ang amaing si Don Ramon dahil wala
itong pinagkaiba sa kanyang ama: mayaman din at malupit sa mga tauhan nito.Umibig s Felipe kay tentay,isang
babaeng mahirap subalit may dangal.PInilit si Felipe ng kaniyang ama na magbalik sa kanilang kabahayan sa
bayan ng Silangan,ngunit napalayas lamang dahil sa pagtuturo ni felipe sa mga tauhang magbubukid at utusan sa
bahay ng kanilang mga likas na karapatan bilang tao.

May tatlong anak si Don Ramon na amain ni Felipe at inibig ni Delfin ang isa sa mga ito.Nang magbunga at
magdalang tao si Meni,itinakwil ito ni Don Ramon.Sumama si Meni sa kasintahang si Delfin at namuhay bilang
isang mahirap.Dahil sa ginawang ito ni Meni,nilisan ni Do Ramon ang

You might also like