You are on page 1of 2

Dugo sa Bukang-Liwayway

ni Rogelio R. Sikat

Mapula ang sikat ng araw ng hapong iyon. Sa langit, walang nag-iisang


ulap; ang laganap na kabughawan kaninang umaga ay tila kinulapulan ngayon
ng mapulang dampol. Ang araw ay isang malaking bolang nakapaloob sa isang
lumbo na nagbabaga ring liwanag. Tuwid na tuwid na nakaturo sa langit ang mga naninilaw
na damo sa pilapil. Hindi kumikilos, wari’y nabibigatan sa liwanag ngaraw ang mga tuyong
dahon ng anyas at kugon. Sa pantay bukung-bukong natubig sa linang, halos nakikita na ang
sumisingaw na init.

Uulan mamaya, naiisip ni Tano habang nakatayo sa pilapil at nakatingala


sa langit. Hindi siya kalakihang lalaki ngunit matipuno at siksik ang kaniyang
katawan. Namumula ang kaniyang kayumangging balat, halos nagkukulay-tanso. Hawak niya
sa kaliwang kamay ang isang bigkis na punla; sa kanan naman, nakaipit sa tatlong daliri, ang
isang punlang handa nang itundos. Mahaba ang manggas ng kaniyang kupasing gris at may
bahid ng natuyong putik ang kaniyang lampas-tuhod na kutod. Madalang ngunit mahaba na
at matigas ang kaniyang balbas. Namamalikaskas ang kaniyang binti. Kaninang umaga at
hanggang nang hapong iyon, matiyaga niyang hinuhulipan ang mga bahagi ng kaniyang
pinitak na nakaligtaang tamnan ng pangkat ng manananim. Mabibilis silang tumundos at
palibhasa’y ‘di nila bukid, hindi nila pinagbubuti ang pagtatanim. May labis pang punla si Tano
at ibig niyang maitanim iyon sa mga bahaging maari pang tamnan. Pinanghihinayangan niya
ang maging isang dangkal na lupang ‘dimatatamnan.

Uulan nga mamaya, may galak sa pusong muling naisip ni Tano. May kumislap sa tila
may kalawang na niyang mata, bumuka ang kaniyang makakapal na labi sa isang piping
pagpapasalamat. Tumingin siya sa silangan. Humagod ang kaniyang tanaw sa malawak at
nakalat at dugtong-dugtong na pinitak. Sa liwanag ng ‘di lalo’y lulubog nang araw, hindi na
niya makita ang kabughawan ng Sierra Madre. Ang nakikita niya’y ang nagbibigting banig-
banig at maiitim na ulap. A, uulan nga mamaya. Mamaya lamang, hihipan na ng hangin ang
mga ulap na iyon sa bundok. Mamaya’y uulan, papatak ang ulan, at ang kaniyang uhaw at
naninilaw na pananim ay magtatamasa ng malamig at sariwang ulan. Nang maubos ang
punla, umunat si Tano at tinunghayan ang pinitak. Kasabay ng paghagod niya sa nananakit at
basa na ng pawis na baywang. Isang malalim na buntung-hininga ang kumawala sa kaniyang
matipunong dibdib. Wala nang dapat tamnan pa, ang buong pinitak ay nahulipan na niya.
Ngayon ay uuwi na siya. May maganda siyang balitang ihahatid kay Melang, ang kaniyang
kabiyak.

Isulat ang sagot sa (1/2 crosswise) na papel. Huwag sulatan ang papel na ito. Isauli matapos
basahin at sagutan ang mga tanong.

Mga gabay na tanong:

1. Ano-ano ang mga salitang ginamit ng may-akda upang ilarawan ang kaniyang
pangunahing tauhan sa loob ng teksto? Magbigay ng ‘di bababa sa lima.

2. Ano-ano ang mga salitang ginamit ng may-akda upang bigyang kulay at larawan ang
panahon at tagpuan ng mga kaganapan sa loob ng teksto?

3. Anong uri ng teksto ang Dugo sa Bukang-liwayway ni Rogelio R. Sikat? Pangatwiranan


ang sagot.
Name of the Product:
Use of the Product:
Overview of the Product:
Component/Ingredients:
Price:

You might also like