You are on page 1of 11

Tekstong Deskriptibo

Tekstong Deskriptibo

 Nagbibigay ng malinaw na impresyon sa mga mambabasa


 Naglalarawan
 Detalyado/Tiyak /kongkreto
 Layunin nitong pukawin ang mga pandama ng mambabasa sa pamamagitan ng mga salita

Obhetibo
 Pagpapakita ng katangiang makatotohanan
Halimbawa: Matangos ang ilong ni Ana.

Subhetibo
 Naglalaman ng matatalinghagang paglalarawan
 Personal na persepsiyon

Halimbawa:
Si Ana ang aking takbuhan sa oras ng pangangailangan.
Ang araw ay isang malaking bolang nakapaloob sa isang lumbo ng nagbabaga ring
liwanag.
Ang tekstong deskriptibo ay:

May kaugnayan sa iba pang teksto gaya ng:


 Tekstong Naratibo kung saan kailangang ilarawan ang ang mga tauhan, tagpuan,
damdamin, kilos at iba pa.
 Ginagamit din ang paglalarawan sa tekstong argumentatibo upang ipaglaban at
ilarawan ang panig na pinaniniwalaan;
 Gayundin sa tekstong persweysib upang makumbinsi ang mga mambabasa at;
 Tekstong prosidyural upang ilarawan ang pagkakasunod-sunod ng isang bagay o
paano magagawa nang mas epektibo ang isang bagay.

Samakatuwid, nagagamit ang paglalarawan sa lahat ng uri ng teksto.


Mga cohesive devices sa pagsulat ng tekstong deskriptibo:

1. Reperensya:
• Anapora
• Katapora
2. Substitusyon
3. Elipsis
4. Pang-ugnay
5. Kohesyong leksikal
• Reitirasyon
o Pag-uulit
o Pag-iisa-isa
o Pagbibigay-kahulugan
• Kolokasyon
Reperensya
- Paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy sa paksang pinag-
uusapan sa pangungusap.

• Anapora: (kung kailangang malaman kung sino o ano ang tinutukoy)


Hal: Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting
kaibigan.
• Katapora: (kung nauna ang panghalip at malalaman lang ang tinutukoy
kapag tinapos ang pahayag o pangungusap.)
Hal: Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at
masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa
aking pagdating ay sapat na upang mapawi ang aking pagod. Siya si Bella, ang
bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
• Anapora: Ang paghalip na ginagamit sa
hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan.
• Katapora: Ito ang panghalip na ginagamit
sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan.
Substistusyon:
Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.

Hal: Nawala ko ang aklat mo, ibibili na lang kita ng bago.

Elipsis:
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiiintindihan pa rin sa mga mambabasa
ang pangungusap dahil makakatulong ang unang pahayag upang matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang
pahayag.

Hal: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina naman ay tatlo.

Pang-ugnay:
Ginagamit ito upang higit na maunawaan ng mambabasa ang relasyon sa pagitan ng pinag-uugnay.

Mga Pang-ugnay:

Pang-angkop: g, ng, na
Pang-ukol: laban sa, ayon sa/kay, para kay/sa
Pangatnig: at, kapag, ngunit, dahil, bagaman, o, pati, maliban, sakali, samantala
Kohesyong leksiskal:
1. Reitirasyon - Inuulit nang ilang beses ang sinasabi o ginagawa.
• Pag-uulit
Hal: Maraming bata ang hindi nakakapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho sa murang
gulang pa lamang.
• Pag-iisa-isa
Hal: Nagtatamin sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa at
ampalaya.
• Pagbibigay-kahulugan
Hal: Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-
aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila sa hapag-kainan.
2. Kolokasyon – Mga salitang karaniwang nagagamit nang pareho o magkaugnay sa isa’t isa. Maaaring
magkapareha o magkasalungat.

Hal:
Nanay-tatay
Guro-mag-aaral
Puti-itim
Malaki-maliit
Mapula ang sikat ng araw ng hapong iyon. Sa langit, walang nag-iisang ulap; ang laganap na
kabughawan kanginang umaga ay tila kinulapulan ngayon ng mapulang dampol. Ang araw ay isang
malaking bolang nakapaloob sa isang lumbo ng nagbabaga ring liwanag. Tuwid na tuwid at nakaturo
sa langit ang mga naninilaw na damo sa pilapil. Hindi kumikilos, wari’y nabibigatan sa liwanag ng
araw ang mga tuyong dahoon ng anyas at kugon. Sa pantay bukong-bukong na tubig sa linang, halos
nakikita na ang sumisingaw na init.

Uulan mamaya, nasa isip ni Tano habang nakatayo sa pilapil at nakatingala sa langit. Hindi siya
kalakihang lalaki ngunit matipuno at siksik ang kanyang katawan. Namumula ang kanyang
kayumangging balat, halos nagkukulay tanso. Hawak niya sa kaliwang kamay ang isang bigkis na
punla; sa kanan naman, nakaipit sa tatlong daliri, ang isang punlang handa nang itundos. Mahaba
ang manggas ng kanyang kupasing gris at may bahid ng natuyong putik ang kanyang lampas-tuhod
na kutod. Madalang ngunit mahaba na at matigas ang kanyang balbas. Namamalikaskas ang
kanyang binti. Kanginang umaga, at hanggang nang hapong iyon, matiyaga niyang hinuhulipan ang
mga bahagi ng kaniyang pinitak na nakaligtaang tamnan ng pangkat ng manananim. Mabibilis silang
tumondos at palibhasa’y di nila bukid, hindi nila pinagbubuti ang pagtatanim. May labis pang punla si
Tano at ibig niyang maitanim iyon sa mga bahaging maaari pang tamnan. Pinanghihinayangan niya
ang maging isang dangkal na lupag di matatamnan.

Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio R. Sicat


Gumawa ng isang talatang susuma sa
kalagayan ng mga kababaihan sa
Pakistan.

You might also like