Professional Documents
Culture Documents
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Deskriptibo
Panimula:
Subhetibo
•Ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at
halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang
sa kanyang mayamangimahinasyon at hindo nakabatay sa katotohonan sa totoong
buhay.
•Ito ay karaniwang nangyayari sa paglalarawan sa mga tekstong naratibo tulad ng
mga tauhan sa maikling kwento. Likhang-isip lamang ng manunulat ang mga
tauhan kaya’t ang lahat ng mga katangiang taglay nila ay batay lamang sa
kanyang imahinasyon.
Obhetibo
•Ang paglalarawan kung ito’y may pinagbabatayang katotohanan.
•Halimbawa: “kung ang lugar na inilalarawan ng isang manunulat ay isa sa
magagandang lugar sa bansa na kilala rin ng kanyang mga mambabasa, gagamit
pa rin siya ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa lugar subalit hindi siya
maaaring maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa
Tekstong deskriptibo
•Ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iguhit kung saan kapag nakita
ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat
upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong
deskriptibo.
Reperensiya(reference)
Halimbawa:
Anapora : Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting
kaibigan. (Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang
pangungusap. Kailangang balikan ang unang pangungusap upang malaman ang
tinutukoy sa pangungusap.
Halimbawa:
Katapora : Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at
masiglang umuwi sa gabi. Ang matamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking
pagdating ay sapat para sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng
aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang
taon pa lamang
(ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid.
Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipnagpatuloy
ang pagbasa.)
Substitusyon (substitution)
Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa
ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong tumutukoy sa iisang
bagay ang aklat.)
Ellipsis
Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo. (nawala ang salitang bumuli
gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng
mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumuli rin ng tatlong aklat dahil nakalahad
na ito sa unang bahagi.)
Pang-ugnay
•Nagagamit ang mga salitang pang- ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay
sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang
relasyon sapagitan ng mga pinag-ugnay.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak
naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
Kohesyong leksikal
•Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.
Maari itong mauri sa dalawa: reiterasyon at ang kolokasyon
Reiterasyon •Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari
itong mauuri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-
kahulugan
Pag-uulit o repetisyon
(Halimbawa): Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtratrabaho na sa murang gulang pa lamang.
Pag-iisa-isa
(Halimbawa:) Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay
tatlong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
Pagbibigay kahulugan
Kolokasyon
Paglalarawan sa Tauhan
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang
putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na
mata. Kupas ang damit niyang suot, may ga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod
niyang yari sa matibay na sUpot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa
harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga na isa sa
nakalusot sa mga pulis na sumawata sa nagkakagulong tao.
Mula sa “Tata Selo” ni Rogetio R. Sicat
Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at nanginginig ang boses, si Pak Idjo
ay walang iniwan sa isang taong irraatake ng malaria. Ang totoo’y may sakit nga
siyang talaga. Parang nakasabit na lang ang tagpi-tagpi at maruming damit sa
napakanipis niyang katawan, at nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang
kanyang namumula at nagluluhang mata.
Mula sa “Takipsilim sa Dyakarta” ni Mochtar
Lubis
(salin ni Aurora E. Batnag)
Halimbawa:
Halimbawa: “Umalis ka na!” ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa habang tiim-
bagang na nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa
nagpupumilit bumalong mula sa kanyang mga mata.
“And now, Miss Kinder ’83, ladies and gentlemen… because of her simplicity, her
freshness, poise and total persona14…” pause. Birada ng tugtog. Mga nakabiting
hininga. “Maria Natalia Gascon!” Napalundag si Ding. At sa kabila ng damdamin
niya, napalundag din si Lea. Pati puso yata niya ay tumalon at nawala sa lugar. Pero
siyempre, di dapat malimutan ang kamera laio na sa pagkakataong ito. Klik! Teka,
ang likot ng kamera! Nanginginig ba ang kamay niya? Klik! Habang sa tabi niya’y
hindi makontrol ni Ding ang buhos ng kaligayahan. Klik! Anak ko ‘yon! Hahahaha!
Mga kaibigan, si Maya ko ‘yon! Klik! Narinig n’yo ba? Anak ko ‘yon!
Mula sa Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?
ni Lualhati Bautista
May kumurot sa aking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig. Saka
ako napabuntunghininga. Nararamdaman kong may nagpupumilit bumalong sa
aking mata. Ngayon ko lamang nadamang kilala ko ang silid ng aking ama; dati-rati
ko nang napapasok ang kapirasong pook na ito.
Mula sa “Dayuhan”
ni Buenaventura S. Medina
Paglalarawan sa Tagpuan
Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag nalalapit na ang kapaskuhan ay parang
laging may kulang, pilit kong dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi basta-basta
palamuti, ‘ yung mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumunod na
taon ay magagandang bulaklak naman ang binili ko. Maraming pulang poinsettia na
nakapaligid sa krismas tri. “Ang ganda!” Ang may pagkamanghang sabi ng bawat
nakakikita. Malalaki at makikintab na pulang bola, malalaki at magagandang
pulang poinsettia… ah! Pero bakit ba tila may kulang pa rin?
Mula sa “Ang Aking Krismas
Tri”
ni Mary Grace Del Rosario
Sapul nang pag-ukulan niya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay nakadama
siya ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib: Ibig niyang magkaroon ng lantsa
balang araw. Pag nagkaroon siya ng lantsa’y hindi na siya gagamit ng maliit na
motor; hindi na siya sasagihan ng munti mang pangamba, magngitngit man ang
habagat, magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na pansumandaling lalabas siya sa
karagatan. Maaari na niyang marating ang inaabot ng mga lantsa ni Don Cesar.
Makalalabas na siya nang lingguhan. At pagbabalik niya’y daan-daang tiklis ng isda
ang kanyang iaahon. Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi siya
nakababayad ng gasol ina at langis. Matititigan na niya ang naniningkit na mga
mata ni Fides. Makapagpapakarga na siya ng kung ilang litrong gasolina sa
kanyang barko. Kung makakatabi ng kanyang barko ang kay Don Cesar ay
magkakaabutan na lamang sila ng mga mangingisda ni Don Cesar. “Ilang araw
Ang puno ng ginto ay dinumog. Hawak ang matatalim na bakal, tinaga, tinapyas,
binali-bali. Pinagtutuklap ang puno. At sila’y nag-agawan, nagtutulakan,
nagsasakitan na, nagsisipaan, nagkakabalian ng buto.
Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puno; patuloy rin ang pagkaubos ng katawan
ng puno. Bumibigat na ang yumayabong at patuloy na tumataas na puno.
Mula sa “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng
Cailao”
ni Simplicio P. Bisa