You are on page 1of 46

BORACAY BEACH

BOHOL CHOCOLATE HILLS


BANAUE RICE TERRACES
Tekstong Deskriptibo
“kahit hindi ka pintor ay makabubuo ka ng isang
larawan gamit ang mga salitang titimo sa
damdamin at isipan”
Prepared by: REDEMTOR M. SIAPEL
• Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat ibang
Layunin: teksong binasa
• Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
mahahalagang salitang ginamit ng ibat ibang uri ng
tekstong binasa
• Nababahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t
ibang uri ng teksto
• Nakasusulat ng ilang halimabawa ng iba’t ibang uri
ng teksto
• Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng
sariling halimbawang teksto
• Nakukuha ng angkop na datus upang mapaunlad
ang sariling tekstong isinulat
• Naiuugnay ang kaisipang nakapaloob sa binasang
teksto sa sarili, pamilya,kominidad, bansa, at
daigdig
• Naipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa
tekstong binasa
Tekstong deskriptibo

• Ay maihahalintulad sa isang larawang


ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita
ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang
orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit,
sa halip na pintura o pangkulay, mga salita
ang ginagamit ng manunulat upang mabuo
sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan
sa tekstong deskriptibo.
Tekstong deskriptibo
•Mga pang-uri at pang-abay ang
karaniwang ginagamit ng manunulat
upang mailarawan ang bawat
tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw,
o anumang bagay na nais niyang
mabigyang-buhay sa imahinasyon
ng mambabasa.
Tekstong deskriptibo
•Mula sa epektibong paglalarawan ay
halos makikita, maaamoy, maririnig,
malalasahan, o mahahawakan na ng
mambabasa ang mga bagay na
inilalarawan kahit pa sa isipan
lamang niya nabubuo ang mga
imaheng ito.
Tekstong deskriptibo
• Bagama’t mga pang-uri at pang abay ang
karaniwang ginagamit na mga salita sa
pagbuo ng tekstong deskriptibo, madalas
ding ginagamit ang iba pang paraan ng
paglalarawan tulad ng paggamit ng mga
pang-ngalan at pandiwang ginagawa ng mga
ito gayundin ng mga tayutay tulad ng
pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao at iba
Dapat tandaan!!!
• Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng
tektong deskriptibo ay ang relasyon nito sa
iba pang uri ng teksto. Ang pag lalarawan
kasing ginagawa sa tekstong dekriptibo ay
laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto
partikular ang tekstong naratibo kung saan
kinakailangana ilarawan ang mga tauhan,
tagpuan, ang damdamin, ang tono ng
pagsasalaysay, at iba pa.
• Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig
na pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa
tekstong argumentatibo, gayundin sa mas
epektibong pangungumbinsi para sa
tekstong persuweysib, o paglalahad kung
paano mas magagawa o mabubuo nang
maayos ang isang bagay para sa tekstong
prosidyural. Bibihirang magamit ang
tekstong deskriptibo nang hindi kabahagi
ng iba pang uri ng teksto.
2 uri ng paglalarawan
subhetibo
• Ang paglalarawan kung ang manunulat ay
maglalarawan ng napakalinaw at halos
madama na ng mambabasa subalit ang
paglalarawan ay nakabatay lamang sa
kanyang mayamang imahinasyon at hindo
nakabatay sa katotohonan sa totoong buhay.
•Ito ay karaniwang nangyayari sa
paglalarawan sa mga tekstong naratibo
tulad ng mga tauhan sa maikling kwento.
Likhang-isip lamang ng manunulat ang
mga tauhan kaya’t ang lahat ng mga
katangiang taglay nila ay batay lamang
sa kanyang imahinasyon.
obhetibo
•Ang paglalarawan kung ito’y may
pinagbabatayang katotohanan.
•Halimbawa: “kung ang lugar na
inilalarawan ng isang manunulat ay isa
sa magagandang lugar sa bansa na kilala
rin ng kanyang mga mambabasa,
gagamit pa rin siya ng sarili niyang mga
salitang maglalarawan sa lugar subalit
hindi siya maaaring maglagay ng mga
detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa
Gamit ng cohesive devices o kohesyong
grammatical sa pagsulat ng tekstong
Deskriptibo
•Upang mas maging mahusay ang
pagkakahabi ng tekstong deskriptibo
bilang bahagi ng iba pang uri ng
teksto o kaya’y maging mas
malinaw ang anumang uri ng
tekstong susulatin, kinakailangan
ang paggamit ng mga cohesive
device o kohesyong gramatikal.
Limang pangunahing cohesive device o
kohesyong gramatikal
ReperensiyS (reference)
•Ito ang paggamit ng mga salitang
maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-
uusapan sa pangungusap.
•Maaari itong maging anapora (kung
kailangan bumalik sa teksto upang
malaman kung ano o sino ang
tinutukoy) o kaya’y katapora (kung
nauna ang panghalip at malalaman
lang kung sino o ano ang tinutukoy
kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa
sa teksto)
Halimbawa:
Anapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi
ay maaaring maging mabuting
kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy
sa aso na nasa unang pangungusap. Kailangang
balikan ang unang pangungusap upang malaman
ang tinutukoy sa pangungusap.
Halimbawa:
Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong
bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa
gabi. Ang matamis niyang ngiti at mainit na
yakap sa aking pagdating ay sapat para sa
kapaguran hindi lang ang aking katawan
kundi ng aking puso at damdamin. Siya si
Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang
taon pa lamang
(ang siya sa unang pangungusap
ay tumutukoy kay Bella, ang
bunsong kapatid. Malalaman
lamang kung sino ang tinutukoy
ng siya o niya kapag
ipnagpatuloy ang pagbasa.)
Substitusyon (substitution)
•Paggamit ng ibang salitang ipapalit
sa halip na muling ulitin ang salita.
Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na
lang kita ng bago.
(Ang salitang aklat sa unang
pangungusap ay napalitan ng
salitang bago sa ikalawang
pangungusap. Ang dalawang
salita’y parehong tumutukoy sa
iisang bagay ang aklat.)
ellipsis
•May binabawas na bahagi ng
pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw
pa rin sa mambabasa ang
pangungusap dahil makakatulong
ang unang pahayag para matukoy
ang nais ipahiwatig ng nawawalang
Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat
at si Rina nama’y tatlo.
(nawala ang salitang bumuli gayundin ang
salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit
naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad
ni Gina, siya’y bumuli rin ng tatlong aklat
dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.)
Pang-ugnay
•Nagagamit ang mga salitang pang-ugnay
tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa
sugnay, parirala sa parirala, at
pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito ay higit na
nauunawaan ng mambabasa o
tagapakinig ang relasyon sapagitan ng
mga pinag-ugnay.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay
nagsasakripisyo para sa mga anak
at ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa
kanilang mga magulang.
Kohesyong leksikal
•Mabibisang salitang ginagamit sa teksto
upang magkaroon ito ng kohesyon.
Maari itong mauri sa dalawa:
reiterasyon at ang kolokasyon
Reiterasyon
•Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit
nang ilang beses. Maaari itong mauuri sa
tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-
isa, at pagbibigay-kahulugan
Pag-uulit o repetisyon
Halimbawa:
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa
paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtratrabaho na sa murang gulang pa
lamang
Pag-iisa-isa
Halimbawa:
Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran.
Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw,
kalabasa, at ampalaya.
Pagbibigay kahulugan
Halimbawa:
Marami sa mga batang manggagawa ay
nagmula sa mga pamilyang dukha.
Mahirap sila kaya ang pag aaral ay
naiisantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
kolokasyon
•Mga salitang karaniwang nagagamit
nang magkapareha may kaugnayan sa
isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa
ay naiisip din ang isa. Maaaring
magkapareha omaaari ding
magkasalungat.
Halimbawa:
Nanay-tatay, guro-mag-aaral,
hilga-timog, doctor-pasyente,
puti-itim, maliit-Malaki,
mayaman-mahirap
Page 30 TB. Naipaliwang ang mga kaisipang
nakapaloob sa tekstong binasa
Page 31 TB. Pagsusulat ng
Journal: “paano nakatutulong ang
paggamit ng angkop na
paglalarawan o deskripsiyon
upang higit na kalugdang basahin
ang isang teksto?”
Ilang tekstong deskriptibong bahagi ng ibang
teksto
Paglalarawan sa tauhan
• Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat
na mailarawan ang itsura at mga detalye
patungkol sa tauhan kundi kailangang
maging makatotohanan din ang
pagkakalarawan ditto. Hindi sapat na
sabihing “ ang aking kaibigan ay maliit,
maikli at unat ang buhok, at mahilig
magsuot ng pantalong maog at putting
ang ganitong paglalarawan bagama’t tama
ang mga detalye ay hindi magmamarka sa
isipan at pandama ng mambabasa.
Katunayan, kung sakali’t isang suspek na
pinaghahanap ng mga pulis ang
inilalarawan ay mahihirapan silang
maghanap gamit lang ang unang
paglalarawan. Kulang na kulang ito sa
mga tiyak at magmamarkang katangian.
Ang mga halimbawang salitang maliit,
matangkad, bata, at iba pa ay pangkalahatang
paglalarawan lamang at hindi nakapagdadala
ng mabisang imahe sa isipan ng mambabasa.
Sa makatuwid mahalagang maging mabisa
ang paglalarawan sa tauhan. Iyon halos
nabubuo sa isipan ang mambabasa ang anyo,
gayak, amoy, kulay at iba pang katangian ng
tauhan gamit ang pinaka angkop na mga
pang-uri
Mahalaga ring pakilusin ang tauhan
para mas magmarka ang mga
katangiang taglay niya tulad
halimbawa ng kung paano siya
ngumiti, maglakad, humalakhak,
magsalita, at iba pa.
Sinasabing ang pinakamahusay na
tauhan ay yaong nabubuhay hindi
lang sa pahina ng akda kundi sa puso
at isipan ng mambabasa kaya
namankahit sila’y produkto lang ng
mayamang imahinasyon ng
manunulat, hindi sila basta
nakalilimutan.

You might also like