You are on page 1of 3

TAKDANG-ARALIN #1 FILIPINO 7

Pangalan:

Gawain 1
Basahin at unawain ang mga sumusunod na linya mula sa iba’t ibang tula. Ipaliwanag
kung anong gustong ipahiwatig o iparating nito. Hindi dapat bababa sa tatlong pangungusap ang
gagawing pagpapaliwanag. (15 PUNTOS)

Pag-ibig anaki’y aking nakilala,


Di dapat palakhin ang bata sa saya;
At sa katuwaa’y kapag namihasa,
Kung lumaki’y walang hihinting ginhawa

Sapagka’t ang mundo’y bayan ng hinagpis,


Mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib;
Lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis….
Ano’ng ilalaban sa dahas ng sakit?

Para sa akin tungkol siya sa mga problema sa buhay ngayon na kapag bata pa lang hindi
ka pinalalaki ng masaya o pag laki mo halos wala kang pahinga sa buhay. Sa pangalawang
taludtod tungkol siya sa nangyayari sa mundo ngayon kagaya sa COVID19 at sa ugali ng
mundo o mga tao ngayon, at dahil doon kahit parang nasasaktan ka kailangan rin mag
hintay at mastitibay ang ating mga puso at hindi na tayo masyadong maaapektuhan.

Ang bayang kong Pilipinas


Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig na sa kaniyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.

At sa kaniyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad


Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

Sa unang taludtod pinaglalarawan niya kung gaano kaganda ang pilipinas. Sa pangalawang
taludtod tungkol naman siya sa mga dayuyhan na pumupunta sa pilipinas dahil sa kagandahan ng
pilipinas. Sa pangatlo at pangapat na taludtod sabi doon na pwede pa rin maging maganda at may
kalayaan ang pilipinas sa mga pakikibaka at iba pa.

Namatay ka upang mabigyan ng laya


Ang sinilangan mo na lahi at lupa…
Sa tulog na isip ng liping mahina
Dugo mo ang siyang nagbigay ng diwa.

Nabubuo sa lupa ang mahal mong dugo-


Ang galit ng bayan naman ay kumulo…
Kaya’t nang mabutas ang mahal mong bungo,
Ay laya ng lahi naman ang nabuo!

Sa buong tula na ito parang tungkol siya sa sakripisyo ng isang kilalang tao na nagdala ng laya sa
buong lahi kahit na nabuo ang mahal niyang dugo sa lupa at may galit ang bayan sa kanya.

Gawain 2
Sumulat ng isang bukas na liham tungkol sa iyong mensahe sa mga manunulat o mga
taong gusto ring maging manunulat. Gumawa ka ng mensahe na kung saan ikaw ay magpapakita
ng suporta at pagbibigay ng mga salitang makapagbibigay motibasyon sa kanila. (15 PUNTOS)

Petsa: 9/3/2020

Minamahal kong mga manunulat at mga gustong maging manunulat,


Ako po ay isang tao na nagsusuporta sa mga manunulat. Sinusulat ko po ito para
matulungan ko kayong mga manunulat, lalo na sa mga taong gustong maging isang
manunulat at sa mga bago bago lang sa pagsusulat. Masaya po ako na naisip niyo po
subukan maging manunulat dahil masarap talaga sa feeling na sinusulat mo ang
damdamin mo, yung mga pangyayari sa iyong buhay, kung ano ang iniimagine mo, at iba
pa. Kasi merong mga tao na gustong basahin o pakinggan yung mga kuwento at kanta ng
isang tao. At magkakaroon rin ng mga bagong kaibigan at fans dahil nakakarelate sila
sayo o gusto nila ikaw pakinggan ikaw. Makakatulong din ito sa pagpapagaan ng stress sa
pagsusulat ng mga damdamin mo at iba pa. Kaya kung gusto niyo maging masaya,
ramdam na minamahal ka ng mga ibang tao na hindi mo kilala o kaya mapansin ka ng
crush mo, makakatulong talaga ang pagsusulat sa inyo. GOODLUCK!

Gawain 3
Pumili ng isang awiting-bayan, kabisaduhin at kantahin ito. Kunan ng video ang inyong
pagkanta at i-send sa gmail ng guro. Ipaliwanag din kung bakit ito ang iyong napili at kung ano
ang mensahe ng napiling awiting-bayan. (20 PUNTOS)

You might also like