You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Malolos
Marcelo H. Del Pilar National High School
Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan

LEARNING ACTIVITY SHEET

FILIPINO 10

Ikalawang Markahan

Aralin 2.3
Ang Aking Pag-ibig Tulang Pandamdamin mula sa
England

Ralph Joseph G. Robles

ARTURO N. LACONSAY JR.

MANUNULAT
Learning Activity Sheet

FILIPINO 10
Panitikang Pandaigdig

IKALAWANG MARKAHAN

YUGTO NG PAGKATUTO

LINANGIN

Alam mo ba na…

Ang tulang liriko o tula ng damdamin ay puno ng masidhing damdamin ng tao tulad ng
pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at iba pa. Maikli at payak ang
uring ito ng tula.

Mga Elemento ng Tula

1. Sukat- Ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod ay


karaniwang may 8,12, at 16 na pantig o sukat.

2. Tugma- Ito’y ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng


bawat taludtod. Maaaring ganito ang tugma ng hulihan: a-a-a-a, a-b-a-
b, o kaya ay a-b-d-a.

3. Talinghaga- Ito’y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata.


Ayon kay A. Abadilla, tugma at hindi tula ang binabasa kapag sa unang
pagbasa ay nauunawaan agad ang ibig sabihin. Kailangang may
naitatagong kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan ang
paggamit ng tayutay o matalinghagang mga pahayag.

4. Kariktan- Ito’y ang malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal


sa isipan ng mambabasa. Mahusay ang tula kapag may naibibigay na
impormasyong mahirap mabura sa puso at isipan ng bumabasa.

PAGSUSURI

I. Simulan Natin:
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na may matalinhagang
pagpapahayag ng isipan at damdamin. Mababasa sa mga tula ang mga
kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan. May apat na
pangkahalatang tula tulang pangdamdamin o tulang liriko, tulang pasalaysay,
tulang padula at tulang patnigan.

makinig sa isang awitin:


Awit Kay Inay

May hihigit pa ba sa isang katulad mo


Inang mapagmahal na totoo
Lahat ng buti ay naroon sa puso
Buhay man ay handing ialay mo
Walang inang matitiis ang isang anak
Ika’y dakila at higit ka sa lahat

Ang awit na ito ay alay ko sa iyo


Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
Ika’y nag-iisa ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas ganyan ang tulad mo

Lahat ibibigay lahat gagawin mo


Ganyan lagi ikaw sa anak mo
Lahat ng buti niya ang lagging hangad mo
Patawad ay lagi sa puso mo…

Walang inang matitiis ang kanyang anak


Ika’y dakila at higit ka sa lahat

Ang awit na ito


Ay alay ko sa iyo
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
Ika’y nag-iisa ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas ganyan ang tulad mo

1. Lantad-Damdamin
1.1 Ilahad ang mga damdamin na naghahari sa nasabing awitin. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.

1.2 Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Tungkol saan ang awit na iyong pinakinggan?
2. May mga damdamin ba ng pag-ibig?
3. Makatotohanan ba o hindi makatotohanan ang nilalaman ng awit?
4. Anong kongklusyon ang nabuo sa iyong imahinasyon matapos mong
Mapakinggan ang nasabing awit?

2. Tula-Awit… Ano ang pinagkaiba?


Makinig sa isahang pagbigkas ng tula. Suriin kung paano binigkas ang tula.
Pagkatapos, ihambing mo ito sa awit na iyong pinakinggan (Awit Kay Inay). Gayahin
mo ang kasunod na pormat sa sagutang papel.
PAGLALAPAT

Tunghayan ang sumusunod na tulang liriko ng tanyag na manunulat na si


Elizabeth
Barrett Browning ng Inglatera (hango sa Sonnet 43) at isagawa ang hinihingi
ng kasunod na mga Gawain.

Ang Aking Pag-ibig

(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning


Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, Ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko”y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula. Isulat sa kasunod
na tsar tang sagot. Gayahin sa sagutang papel ang tsart.

1. Lipad ng kaluluwang ibig na marating


Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

2. Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

3. Yaring pag-ibig ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

PAGTATAYA
Pagsubok sa Kaalaman

Sumulat ng isang tula na may malayang taludturan na may kaugnayan


sa pag-ibig. Maaari mong ibahagi ang iyong sariling karanasan o pananaw sa
iyong gagawing tula.

Rubrics:

a. Malinaw na mensahe 10 puntos


- Piling-pili ang mga salitang ginamit
- May malinaw na pagpapahayag ng damdamin

b. Matalinghaga 10 puntos
- Malalim ang kahulugan / may simbolismo
- Malikhain at matayutay na pagpapahayag
Ng kaisipan
c. May kariktan 10 puntos
- May kakintalan
- Mapagparanas

KARAGDAGANG GAWAIN

Magbigay pa ng sampung halimbawa ng matatalinhagang salita at


ibigay ang mga kahulugan nito.

You might also like