You are on page 1of 4

Modyu

5 URI NG PAGPAPAHAYAG
PAGLALARAWAN (Deskriptibo)

B. ANG PAGLALARAWAN
Ang paglalarawan ay pagpapahayag ng ating nakikita naririnig at nadarama. Ang pagbuo
ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig ang pangunahing layunin
ng paglalarawan. Ang sumusulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na
gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan. Ang tanging kaibahan lamang ay pinsel at pintura
ang ginagamit ng pintor samantalang mga slaita ang ginagamit ng isang manunulat o
nagpapahayag nang pagsalita.

Ang Mabisang Paglalarawan


Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang upang maging mabisa ang paglalarawan:
1. Maingat na pagpili ng paksa – Makabubuting piliin ang paksang may lubos na kaalaman ang
mga mag-aaral sapagkat ito’y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang karanasan.
2. Pagpili ng pansariling pananaw – Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa
paksang kanyang nilalarawan.
3. Pagbuo ng isang pangunahing larawan – Ito’y nangangailangan ng maingat at masusing
pagmamasid. Ito ang unang kakintahan ng paksang inilalarawan. Ang tao at bagay ay may
kakanyahan ay ang naturang kakanyahang ikinaiiba nito ay dapat na bigyang diin na batay sa
pagmamasid ng naglalarawan.
4. Wastong pagpili ng mga sangkap – Ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong
sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama ang napakaraming
sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan. Piliin lamang ang mga sangkap na magiging
kapansin-pansin at makapgbibigay ng malinaw na larawan.
5. Maingat na pagsasaayos ng mga sangkap – Ang pangunahing larawan at mapalitaw sa
pamamagitan ng maingat na pagsasama-sama ng mga sangkap. Naiiba ang paglalarawan sa
pagsasalaysay na kailangang sunud-sunod ang mga pangyayari sa kaya ang isang naglalarawan
ay malayang pumili ng paraang sa palagay niya’y mapagitaw sa isipan ng bumabasa o nakikinig.
Mga Uri ng Paglalarawan
1. Pangkaraniwan – Ang uring ito’y nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito
naglalaman ng damdamin at kuro-kuro ng naglalarawan. Ang ibinibigay lamang nito ay ang
karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas na panlahat. Mga halimbawa:
a. “Noong huli akong dumalaw sa tanahan ni Tiya Pilar sa lalawigan ng ganito rin ang ayos ng
bakuran nila. Sariwa at malalago ang mga halaman, naghuhunihan ang mga ibon sa sanga ng
punungkahoy at nalalanghap sa hangin ang halimuyak ng mga bulaklak. Ang kanilang malaking
bahay sa loob ng bakod na mga alambreng may tinik ay halos wala pa ring ipinagbago. Naroon
din ang mga hawla na kanaryo na nagsabit sa bintana. Naroon din ang mga puno ng halamang
nakahalayhay sa mga pagpanhik ng handaan. Kaytulin ng mga araw! Isang buong taon na ang
nakalipas ay parang hindi ko napansin.”
Mula sa: Panata ni Pilar
Ni: Amado V. Hernandez
b. Si Leoncio ay laging malinis – pati ang kanyang damit, bagaman ang karamihan sa mga ito ay
hindi agpang sa kanya. Ang ilan ay totoong mahahaba at ang ilan ay maiikli naman – na tila
pinagkalakhan.
Mula sa: Walong taong Gulang
Ni: Genoveva D. Edroza
c. Ang bata ay nakapantalon ng ,aruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilies ang
laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw
ng kanyang butuhan at maruming dibdib.
Mula sa: Ang Kalupu
Ni: Benjamin P. Pascual
2. Masining na paglalarawan – Ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang Makita ang
isang buhay ng buhay na larawan. Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat.
Ibinibigay niya ang isang buhay ng larawan ayon sa kanyang namalas at nadama. Mga
halimbawa:
a. “ Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing bilang ay sukat ang pangungusap. Hindi niya ako
inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung magkakagayon ay maikli ang kanyang
pananalita: Lumigpit ka!.. At kailangang din a niya ako Makita. Kailangang di ko na masaksihan
ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang di ako na mamalas ang pagkagat niya sa
kanyang labi. Kailangang di ko na Makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang
katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal.
Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang
uhaw…”
Mula sa: Uhaw ang Tigang na Lupa
Ni: Liwayway A. Arceo
b. Nakapanlulumo ang dagundong ng nag-aalim-puyong tubig na sa mga panahon gayon, mula
sa kahinhinan ng katag-arawan, ay nagiging mistulang dambuhalang padabog na lumulundag
mula sa itaas ng tagastas at walang hunos-diling kumakaladlad, sa lahat ng bagay na maraanan
nito sa ibaba, bagay na nakapagdudulot ng pangambang gumagahis sa katiningan ng loob ng
sinumang may balak tumawid.
Mula sa: Dahuyo ng Kalikasan
Ni: Cezar Francisco
c. Sa malas ni Isagani, sa tatlong oras na pagpupuyos ng bagyo ay higit pang malaki ang
ipinagbago ng Magdalo kaysa sampung taong pagkawalay niya sa nayong ito. Halos lahat nang
nakikita niyang kabaguhan ay likha ng kapagaalimpuyong pang hangin at ulan. Gaya ng dati, ang
malumot nang minting simbahanag bato sa ibabaw ng burol ay tila nagmamalaki pa sa
humahampas na hangin. Ang sabi ng tindahan ni Aling Barang ay ibinagsak ng hangin, ngunit
nakatayo pa sa harapan ang luklukang kawayang nahahabang oras ding pinapag-init niya
samanatalang nakikipag-inuman siya ng tuba, nakikipagtayugan ng mga pangarap, at
nakikipagparangyaan ng mga naabot na karanasan sa kanyang mga kapwa binata. Sa mga taong
naglalabasan upang magsiyasat sa mga “paman” ng bagyo ay napansin niyang wala ring gaanong
pagbabago, - sa pangingilos, sa pananalita at sa anyo. Maliban sa ilang guhit sa noo at sa anyong
may mga bakas na ng karanasan, maging ang mangilan-ngilang kabataang nakakasalubong niya
sa daan ay wala ring ipinag-iiba.
Mula sa: Bahay na bato
Ni: Antonio B.L. Rosales

Modyul 6- Uri ng Pagpapahayag ( Paglalarawan)


Pangalan ___________________________________________ Course & Section ___________________

Gawain. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


A. Ano ang pinakapangunahing layunin ng paglalarawan?Paano ito makakatulong sa masining
na pagpapahayag?

B. Tukuyin ang titik kung ang mga sumusunod na talata ay naglalarawan ng:

a. Tauhan/katauhan b.pookc. pangyayari d.damdamin


_______ 1. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Halos bumaha ang mga lansangan. Halos
mabutas ang mga bubungan sa pahkakalaking patak na dito’y humahagupit.
_______ 2. Payapa ang tubig ng Pasig. Ngunit gumagalaw-galaw ang tila mga munting
alon.Pasali-salit na gumuguhit ang liwanag. Minsan ginituan, minsan ay bughaw
_______ 3. 2.Hinagod niya ng tingin ang binata. Mataas, matipuno ang pangangatawan.sunog sa
araw ang balat ngunit makinis ang kuti na anakiy tanso.

_______ 4. Ang panlalamig ng kanyang mga kamay at paa ay pinipilit niya ngayong isipiang
bunga lamang ng panlalamig ng silid- hintayan

_______ 5. . Biglang inalis ni Big Boss ang tabako niya at isang madagundong na halakhak ang
tila yumanig sa namimintog niyang tiyan.

C. Tukuyin kung ang mga pahayag ay nagtataglay ng MASINING o KARANIWAN na


paglalarawan.

___________________1. Ang kanyang kutis ay mapulapulang kawangis ng makopa

___________________2. Madali niyang ipinikit na muli ang mga mata sa sumisilay na liwanag ng
panghapong araw buhat sa rehas na bintana ng kusina.

___________________3. . Ang kanyang pinilakang buhok ay nagpapatingkad ng kanyang katandaan.

___________________4. Nakakabaliw ang tinig na iyon. Paulit- lit…humihimok…bumubulong..


naghuhumiyaw.Katulad ng tinig na pumupuno sa buo niyang pagkatao

___________________5. Hinagod niya ng tingin ang binata. Mataas, matipuno ang


pangangatawan.sunog sa araw ang balat ngunit makinis ang kuti na anakiy tanso.

D. Bilang isang mag-aaral ng BSTM. Paano mo ipapakilala o Roxas City o Capiz sa buong mundo.
Gumawa ng isang paglalarawan tungkol sa ating Probinsya. Pumili lamang ng isang gawain sa baba.
a. Maaring isang Vlog na nagpapakita ng kaganadahan ng ating probinsiya. Ipasasa sa ating
goggle classroom
b. Maaring video ng mga kompaylasyon ng mga magagandang tanawin at paglalarawan ng
mga magagandang lugar sa ating probinsya. Ipasasa sa ating goggle classroom
c. Sa pamamagitan naman ng pagsulat ng malikhaing paglalarawan.Gamitin ang espasyo sa
ibaba. Sundin lang ang font style na century gothic, font size na 12 at 1.5 na
spacing.Maging malikhain sa iyong paglalarawan. Maari kang gumamit ng mga
larawan.

You might also like