You are on page 1of 1

Unan At Kumot

Ni John Lucio Lorzano Tabaosares

Habang nagduruyan ang gabing mapamihag,


Kapisan ang unan sa kanyang habag
At sa lundo ng sinutlang liwanag;
Ng buwang ninikat sa bintana'y nakamatyag

Sa sangmundong dusa ng pagkalula't kalungkutan,


Sandalang tunay ng aking kapintasan;
Kayakap sa tuwina't karamay na minsan,
Kung saan ang luha tumutulo't isinisimpan

Mga luhang simpait ng mira't dalamhati,


Puspos ng matwira't palanigan na wari
Sa malamig na gabi ay ikaw ang baluti;
Kapares ng unan na sa aki'y humihele

Kung minsan nama'y sa gabing maalinsangan,


Natatandaan mong hindi kita pinakisamahan;
Ang lagkit ng pawis na sa iba'y karumihan,
Ang kumot na malambot ang aking katipan

Sa aking pagtulog ay panaginip na kay tamis,


Ang unan at kumot na sa tuwinang malinis
Siyang bumabalot at sandalan ng hapis;
Sa bangungot ng lagim ako'y nalilihis

2021©️Umbrella04

You might also like