You are on page 1of 4

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan

Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes (1924)

1 LAKANDIWA: Yamang ako’y siyang Haring 12 PARUPARO: Sa aking paglanghap ay laon


inihalal nang patay
Binubuksan ko na itong Balagtasan, Ang bango ng mga bulaklak sa parang
Lahat ng makata’y inaanyayahang Ngunit ang puso’y may
Sa gawang pagtula ay makipaglaban. napanagimpang
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.
2 Ang makasasali’y batikang makata 13 Ang bulaklak ko pong pinakaiirog
At ang bibigkasi’y magagandang tula, Ubod na ng ganda’t puti ang talutot
Magandang kumilos, may gata sa dila Bulaklak po ito ng lupang Tagalog,
At kung hindi ay mapapahiya. Kapatak na luhang pangala’y
kampupot.
3 Itong Balagtasa’y galing kay Balagtas
Na Hari ng mga Manunulang lahat, 14 Kung kaya po naman di ko masansala
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag Ang taghoy ng dibdib na kanyang
Balagtasan ngayon ang ipinamagat. dinaya.
Matapos na siya’y diligan ng luha
4 At sa gabing ito’y sa harap ng bayan Nang siya’y umunlad, nagtago ...
Binubuksan ko na itong Balagtasan nawala!
Saka ang ibig kong dito’y pag-usapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINIS- 15 Isang dapit-hapong palubog ang araw
LINISAN. Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,
Paruparo, an’ya kita’y tatalian,
5 Tinatawagan ko ang mga makata, Ako’y hanapin mo’t kung makita’y
Ang lalong kilabot sa gawang pagtula, hagkan.
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa sariling wika. 16 Isang panyong puting may dagta ng
lason
6 PARUPARO: Magandang gabi sa Ang sa aking mata’y itinakip noon,
kanilang lahat At ang bulaklak ko’y bumaba sa
Mga nalilimpang kawal ni Balagtas dahon,
Ako’y paruparong may itim na pakpak Nagtago pa mandin at aking hinabol.
At nagbabalita ng masamang oras.
17 Hinabol-habol ko ang bango at samyo
7 Nananawagan po, bunying Lakandiwa, Hanggang makarating ako sa malayo,
Ang uod na dating ngayo’y At nang alisin na ang takip na panyo
nagmakata, Wala si Kampupot, wala yaring puso.
Naging paruparo sa gitna ng tula
At isang bulaklak ang pinipithaya. 18 Ang taguang biro’y naging totohanan
Hanggang tunay na ngang mawala sa
8 Sa ulilang harding pinanggagalingan tanaw,
ko At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,
Laon nang panahong nagtampo ang Baliw na mistula sa pagsisintahan.
bango,
Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito 19 Sa lahat ng sulok at lahat ng panig
Ay may kabanguhang binubuhay ako. Ay siya ang laging lamang niring isip,
Matulog man ako’y napapanaginip,
9 May ilang taon nang nagtampo sa akin Mistulang nalimbag sa sugatang
Ang bango ng mga bulaklak sa hardin, dibdib.
Luksang Paruparo kung ako’y tawagin,
mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y 20 Sa apat na sulok ng mundong payapa
itim. Ang aking anino’y tulang nabandila,
Paruparo akong sa mata’y may luha,
10 Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo, Ang mga pakpak ko’y may patak na
Yaring kasawia’y pagpapyuhan ninyo, luksa.
At si Lakan-ilaw ang gagamitin ko
Upang matalunton ang naglahong 21 Ang sakdal kung ito, Lakandiwang
bango. mahal,
Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
11 LAKANDIWA: Sa kapangyarihan na taglay At kung si kampupot ay ayaw po
ko na rin naman,
Ikinagagalak na kayo’y tanggapin, Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.
Magtuloy po kayo at dito sa hardin,
Tingnan sa kanila kung sino at alin. 22 BUBUYOG: Hindi mangyayari at ang
puso niya’y
Karugtong ng aking pusong Lumaki ako’t tumibay ang pakpak,
nagdurusa, At nang sa butas ko ako’y makalipad
‘ Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha Ang unang hinagka’y katabing
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga. bulaklak.

23 Pusong pinagtali ng isang pag-ibig 33 Sa kanyang talutot unang isinangla


Pag pinaghiwalay kapanga-panganib Ang tamis ng aking halik na sariwa,
Dagat ma’t hatiin ang agos ng tubig, At sa aking bulong na matalinghaga
Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik. Napamukadkad ko ang kanyang
sanghaya.
24 Ang dalawang ibon na magkasintahan,
Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay, 34 Nang mamukadkad na ang aking
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay, kampupot
Bangkay ang umalis, patay ang Sa araw at gabi ako’y nagtatanod,
nilisan. Langgam at tutubing dumapo sa ubod
Sa panibugho ko’y aking tinatapos.
25 Paruparong sawing may pakpak na
itim 35 Ngayon, tanda ko ngang kayo’y
Waring ang mata mo’y nagtaguan
nagtatakipsilim, Habang ako’y kanlong sa isang
At sa dahil sa diwang baliw na halaman,
paggiliw Luksang paruparo nang ikaw’y
Di man Kampupot mo’y iyong maligaw
inaangkin. Ang aking halakhak ay nakabulahaw.

26 Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo 36 Ang inyong taguan, akala ko’y biro,
At sa kasawia’y magkauri tayo Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,
Ako ma’y mayroong nawawalang Ngani’t nang sang saya’y tumagos sa
bango puso
Ng isang bulaklak kaya naparito. Sa akin man pala ay nakapagtago.

27 Buhat pa kanginang ikaw’y 37 Lumubog ang araw hanggang sa


nangungusap dumilim
Bawat salita mo’y matulis na sibat, Giliw kong bulaklak di dumarating,
Saka ang hanap mong mabangong Nang kinabukasa’t muling nangulimlim
bulaklak, Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.
Luksang paruparo, siya ko ring hanap.
38 Nilipad ko halos ang taas ng langit
28 Ipinahintulot mo, Paruparong luksa, At tinalunton ko ang bakas ng ibig,
Dalitin ko yairng matinding dalita. Ang kawikaan ko sa aking pag-alis
Itulot mo rin po, hukom na dakila, Kung di makita’y di na magbabalik.
Bubuyog sa sawi’y makapagsalita.
39 Sa malaong araw na nilipad-lipad
29 PARUPARO: ‘Di ko pinigil ang Dito ko natunton ang aking bulaklak,
pagsasalaysay Bukong sa halik ko kaya namukadkad
Lalo’t magniningning ang isang ‘Di ko papayagang mapaibang palad.
katwiran,
Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan 40 Luksang Paruparo, kampupot na iyan
Ang bawa’t maganda’y pinag- Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,
aagawan. Ang unang halik kong katamis-tamisan
Sa talutot niya ay nakalarawan.
30 LAKANDIWA: Magsaklita kayo at
ipaliwanag 41 PARUPARO: Hindi mangyayaring sa isang
Ang ubod ng lungkot na inyong bulaklak
dinanas,’ Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Paano at saan ninyo napagmalas Kung ikaw at ako’y kanyang
Na ito ang siya ninyong hinahanap? tinatanggap
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.
31 BUBUYOG: Sa isang malungkot at
ulilang hardin 42 Ikaw ay Bubuyog, sa unang sumilang
Ang binhi ng isang halama’y Nang makalabas ka’y saka mo
sumupling, hinagkan:
Sa butas ng bakod ba tahanan naming Ako ay lumabas sa kanya ring
Ay kasabay akong isinisilang din. tangkay,
Sino ang malapit sa pagliligawan?
32 Nang iyang halama’y lumaki,
umunlad, 43 Una muna akong nag-uod sa sanga
Na ballot ng sapot ng pagkaulila, Kung dinig ng lahat nag panambitan
Nang buksan ng Diyos yaring mga mo
mata Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.
Bulo’t dahon naming ay magkasama
na. 54 BUBUYOG: Kundi iniibig ang nakikiusap
Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat,
44 Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw Kung ang magsalita’y di-magtamong-
Nagduruyan kaming dalawa sa palad
tangkay, Lalo na ang dungong di
At kung bumabagyo’t malakas ang makapangusap.
ulan,
Ang kanya ring dahon ang aking 55 Lilipad-lipad ka na payao’t ditto
balabal. Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Pag ligaw-matanda sa panahong ito
45 Sa kanyang talutot kung may Pagtatawanan ka ng liligawan mo.
dumadaloy
Na patak ng hamog, aking iniinom; 56 Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog
Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,
Sa init ng araw sa buong maghapon. Nguni’t saang panig nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris mong uod?
46 Paano ngang siya ay pagkakamalan
Na kami’y lumaki sa iisang tangkay, 57 Saka, Paruparo, dapat mong
Kaya nga kun g ako’y sa kanya malamang
nabuhay Sa mula’t mula pa’y ‘di ka minamahal,
Ibig ko rin naming sa kanya mamatay. Ang panyong panali nang ikaw ay
takpan
47 BUBUYOG: Huwag kang matuwa Ikaw ang may sabing may lason pang
sapagka’t kaniig taglay.
Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag- 58 PARUPARO: Ganyan ang hinalang namugad
ibig sa dibdib
Malayo ma’t ibig, daig ang malapit. Pagka’t napaligaw ang aking
pangmasid,
48 Saka ang sabi mong sa mutyang Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig
kampupot Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.
Nakikiinom ka ng patak ng hamong,
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos, 59 BUBUYOG: Dadayain ka nga’t taksil
Tapang ng hiya mong ikaw ang kang talaga
lumagok. At sa mga daho’y nagtatago ka pa.

49 Ikaw’y isang uod, may bulo kang 60 PARUPARO: Kung ako’y dinaya’t ikaw ang
taglay; tatawa
Sa isang bulaklak laso’t kamatayan, Sa taglay kong bulo nilason na kita.
At akong bubuyog ang dala ko’y buhay
Bulong ng hiningang katamis-tamisan. 61 BUBUYOG: Pagka’t ikaw’y taksil, akin si
Kampupot
50 PARUPARO: Akong malapit na’y Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod.
napipintasan mo,
Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no? 62 PARUPARO: Bulaklak nga siya’t ako’y kanyang
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino, uod.:
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.
63 LAKANDIWA: Tigil na Bubuyog, tigil
51 Bubuyog na lagging may ungol at Paruparo,
bulong Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;
Ay nakayayamot saan man pumaroon, Yamang di-malaman ang may-ari nito,
At ang katawan mo’y mayroong Kampupot na iya’y paghatian ninyo.
karayom
Pa’no kang lalapit, di naduro tuloy? 64 BUBUYOG: Kapag hahatiin ang aking
bulaklak
52 Di ka humahalik sa mga bulaklak Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;
Talbos ng kamote ang siya mong liyag, Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap
Ang mga bintana’y iyong binubutas, Kaya ang talutot niya ang malagas.
Doon ang bahay mo, bubuyog na
sukab. 65 PARUPARO: Kung hahatiin po’y ayoko rin
naman
53 Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo, Pagka’t pati ako’y kusang
Iyong mga bulong ay naririnig ko; mamamatay;
Kab’yak na kampupot, aanhin ko iyan Yamang ang panahon ay inyong
Buo o wala ngunit akin lamang. sinayang
66 LAKANDIWA: Maging si Solomong kilabot Kaya’t nararapat na maparusahan.
sa dunong
Dito’y masisira sa gawang paghatol; 77 Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol, Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo,
Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol. At ang “Pasalubong” sa babaing lilo,
Bubuyog, tulainm, ito ang hatol ko.
67 ipahintulot pong sa mutyang narito
Na siyang kampupot sabihin kung sino (pagkatapos tumula ni Paruparo)
Kung sino ang kanyang binigyan n 78 LAKANDIWA: Sang-ayon sa aking
goo, inilagdang hatol,
O kung si Bubuyog, o kung si Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Paruparo. Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”
Ng kabuhayan mong tigib ng
68 KAMPUPOT: Ang kasintahan ko’y ang luha linggatong.
ng langit
Ang araw, ang Buwan sa gabing (Pagkatapos tumula ni Bubuyog)
tahimik, 79 Minahal nami’t sinisintang bayan,
At si Bbuyog po’t Paruparong bukid, Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan;
Ay kapwa hindi ko sila iniibig. At kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.
69 PARUPARO: Matanong nga kita, sinta kong
bulaklak,
Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong
magdamag
Pinapayungan ka ng dalawang
pakpak?

70 KAMPUPOT: Tila nga, tila nga sa aki’y


mayroong
Sa hambog ng gabi ay may
nagkakanlong,
Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy
At di inakala na sinuman yaon.

71 BUBUYOG: At ako ba, Mutya, hindi mo na


batid
Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig
Ang akin bang samo at mga pahibik
Na bulong sa iyo’y di mob a narinig?

72 KAMPUPOT: Tila nga, tila nga ako’y may


napansing
Daing at panaghoy na kung saan
galling,
Ngunit akala ko’y paspas lang ng
hangin
At di inakala na sinuma’t alin.

73 PARUPARO: Sa minsang ligaya’y tali ng


kasunod
Makapitong lumbay o hanggang
matapos.
74 PARUPARO: Dito napatunayan yaong
kawikaan
Na ang pagliliyo’y nasa kagandahan.

75 BUBUYOG at PARUPARO: ang isang sanglang


naiwan sa akin
Ay di mananakaw magpahanggang
libing.

76 LAKANDIWA: Ang hatol ko’y ito sa


dalawang hibang
Nabaliw nang hindi kinababaliwan;

You might also like