You are on page 1of 2

Minsan ako’y nakahiga, dinilat ko ang aking mga mata at Nakita ko ang isang magandang

umaga. Isang mundo na puno ng pangarap, mundo nap uno ng pag asa, isang mundo na
nakalaan para sa pagmamahal at pagibig sa isa’t isa

Minsan ako’y nakahiga, at sa pagkakataong ito ay ikinalat ko ang aking mga mata, ikinalat ko habang
lumilinga-linga at Nakita ko ang isang mapagpanggap na mundo na nagtatago sa isang mundong puno ng
magagandang pangako

Minsang isang gabi ay narinig ko ang masisiglang ingay ng mga tao, malakas at masaya. Narinig ko ang
saya mula sa kanilang mga pandam.

Minsan isang gabi ay narinig ko ang masiglang ingay ng mga tao, at sa pagkakataong ito ay pinakinggan
kong maigi ang mga ingay na ito. Puno ito ng takot, ng pangamba, ng galit at ng poot.

Minsan ako’y nakinig, ngunit hindi sa tunog ng masasayang himig, sa gitna ng masiglang awit, dinig ang
mensahe ng mga pigil na hikbi, ang bigat ng luhang pilit na pinapawi

Minsan ako’y nakabalot sa dilim, wala nang makita ngunit aktibo ang pandinig.

Minsan aking pinakiramdaman, mga nangyayari sa paligid na ti la hindi na kaibig-ibig Ang


dati ng payapang paraiso ngayo'y isa na lamang mundong nawalan ng kulay at sigla Ang
mga huni ng sama samang ti nig na nagkakaisa ay tuluyan nang nawala sakanilang tono at
melodiya Napuno ng lungkot sa bawat bigkas at siyang pighati ang umalingawngaw sa
tahimik na gabi Nang dumilim ang kalangitan at nagsimulang bumuhos ang ulan Dumampi
saaking mga kamay ang bawat patak na siyang nagpaalala sakin ng mga luhang ibinuhos
ng nagpipighati ng bayan

Minsan ako’y napahinto, naantig sa kutsaritang gumagawa ng along kayumanggi, pinagmamasdan ang
singaw na malayang napapadpad sa himpapawid tulad ng layang matagal nang nakamit. Ang aromang
kalian ma’y hindi maitatanggi ang simoy ng bayang hindi napipilit.

Minsan ako’y napahinto, subalit sa pagkakataong ito’y- dahil sa pait. Sa barakong nasobrahan sa init,
kinulang ng tamis at tubig. Naguumapaw sa inggit at lait. Ang Singaw ng hindi napalayang kasakiman at
galit.
(dagdag) sa education gender at race

Kaakibat ng paggising ang pag-asa, ng pagsulong ang pagsasama-sama

At hindi sa kulay binabase ang ang bugkos ng pagkakaisa

Sapagkat hindi ikaw o sila ang kalabang kinahaharap ng masa

Hindi ang pandemya ang sisira sa sanlibutang minamahal at pinaglaya

Kundi ang mga tengang takot mapakinggan ang hinaing ng mga tunay na napinsala

Mga matang pilit na ipinipikit sa mga taong tunay na nagkakasala.

Mamulat na sa idlip na tila matagal na upang tayo’y makasulong

Sa pantasyang kawalan ng probilehiyo ang sumira sa dapit-hapon

Bigyang hustisya ang mga taong biktima lang din ng mga hamon

Maging ikaw sa dinami-raming kulay na isinisigaw ng mga alon

You might also like