You are on page 1of 1

Tula (Dulaang Pascualian)

Nariring mo ba?

Ang mga kabog ng dibdib na hindi kayang huminahon

Mga dugong rumaragasa sa mithiing makasulong

Ang mga sigaw na hindi mahanap ang kanilang mga layon

Pinakikinggan mo ba? Ang huni ng mga ibong nagpupumilit maka-bangon

Nakikita mo ba?

Ang mga luhang dumapi sa mata ng mga nasawi ng dapi’t hapon

Mga kamay na nangangapa sa pagasang makaaahon

Mga diwang sakim at hindi kayang umurong, tiwalang hindi maaapektuhan ng lason

Sapagkat inaakala nilang hindi ito ang tunay na hamon

Tinitignan mo ba? Ang ihip ng tadhanang hindi masabayan ng mga ibon

Kaakibat ng paggising ang pag-asa, ng pagsulong ang pagsasama-sama

Hindi sa kulay binabase ang ang bugkos ng pagkakaisa

Hindi ikaw o sila ang kalabang kinahaharap ng masa

Hindi ang pandemya ang sisira sa bayang minamahal at pinaglaya

Kundi ang mga tengang takot mapakinggan ang hinaing ng mga tunay na napinsala

Mga matang pilit na ipinipikit sa mga taong tunay na may sala.

Kaya mo ba?

Mamulat sa idlip na tila matagal na upang tayo’y makabangon

Sa pantasyang kayang mag-isa ang pagsulong

Bigyang hustisya ang mga taong biktima lang din ng mga hamon

Maging kayumanggi sa dinami-raming kulay na isinisigaw ng mga alon

Ikaw, ako, sila, tayong lahat ay iisa. Uurong upang maka-sulong sa pagbangon.

You might also like