You are on page 1of 1

Magsaya Ka, Inang!

ni Catalino V. Flores Inang, pahirin mo ang luha sa mata Pagkat ngayon naman, Inay, ay Pasko na; Sa lahat ng Paskoy ngayon ka magsaya, Ganap nang may layang Paskoy daratnan ka. Tipunin mong lahat ang aking kapatid At kayoy magdiwang nang taos sa dibdib! Ang lahat ng tampot madlang hinanakit, Sa puso at diway ganap nang iwaglit. Ang pagbabalik koy huwag nang hintayin, Pagkat ako, Inang, ay di na darating; Akong nang iwan kay halos himatayin, Butot bungo ngayong arawit ulanin. Yaring butot bungo, ngayoy magpapasko Sa piling ng tanang kayakap na damo; Subalit gayunmay dadalawin kayo Ng aking gunita ngayong Paskong ito. Inang, aking Inang, huwag kang umiyak, Pahirin ang luha, ngayon ka magalak; Ako mang bunso moy sa ilang nasadlak, Ang gapos mo namay nalagot nakalag. Sanggunian: Zamora, Benigno at Villanueva, P.R. Diwang Ginto - Ikalawang Bahagi. Manila: Philippine Book Company, 1949, p. 58.

You might also like