You are on page 1of 18

7

Filipino 7

ly
On
Ikaapat na Markahan –
Modyul 2

m
ea
tT
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong

en
Adarna
m
op
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong
l

Adarna
ve
De
he
yt
db
te
es
aT
ph
Al

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ibong Adarna
Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng
Ibong Adarna (F7PSIVa-b-18); Naisusulat nang sistematiko ang mga
nasaliksik na impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng
Ibong Adarna (F7PU-IVa-b-18)
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

ly
magkaroon ng karapatang-isipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas, Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o

On
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang

m
pagtakda ng kaukulnag bayad.

ea
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula,

tT
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot

en
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul
na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
m
op
ma ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
l
ve

ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.


Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
De

Kalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
he

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul


yt

Manunulat : Michael Maneja Manugas


db

Tagasuri : Janalyn Moradas at Mary Anne Yrabon


Tagawasto : Janeizza Lumambas
Tagaguhit : Christina Macario
te

Tagalapat : Ramelita Georpe at Randy Patlingrao


es

Tagapamahala:
Schools Division Superintendent:
aT

Marilyn S. Andales
Assistant Schools Division Superintendents:
ph

Anelito A. Bongcawil
Fay C. Luarez
Al

Lorenzo M. Dizon
Chief, CID: Mary Ann P. Flores
EPS, LRMS: Isaiash T. Wagas
EPSVR, Filipino: Araceli A. Cabahug

Department of Education –Region VII-Division of Cebu Province


Office Address: IPHO Bldg. Sudlon, Lahug Cebu City Telefax:
(032) 255-640
E-mail Address cebu province@deped.gov.ph

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Filipino 7

ly
Ikaapat na Markahan –

On
Modyul 2

m
ea
tT
Naibabahagi ang sariling ideya tungkol

en
sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna m
l op
Naisusulat nang sistematiko ang mga
ve
De

nasaliksik na impormasyon kaugnay


ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong
he

Adarna
yt
db
te
es
aT
ph
Al

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
ALAMIN

Mayaman ang ating bansa sa panitikan. Ang panitikan ng Pilipinas ay


nauugnay mula pa noong sinaunang panahon, sa pamamagitan ng mga
pamanang kolonyal hanggang sa kasalukuyan.

ly
Sa araling ito, mababasa mo ang kaligirang pangkasaysayan ng

On
koridong Ibong Adarna. Malalaman mong ito’y lumaganap sa panahon ng mga
Espanyol. Mababatid mo ring hindi tukoy ang tunay na manunulat ng akdang

m
ito dahil batay sa kasaysayan ng akda, sinasabing maaring hinango lamang

ea
ito sa kuwentong-bayan mula sa Europa.

tT
Makikita mo rin sa araling ito ang mga tauhan ng korido, partikular

en
ang mga kasapi sa pamilya ni Haring Fernando na binubuo ng hari, ni Reyna
Valeriana, at ang kanilang tatlong prinsepe: sina Don Pedro, Don Diego at
m
op
Don Juan. Maligaya at masaganang namumuhay ang kaharian sa
l
pamumuno ng butihing hari at reyna, subalit ang tahimik at maayos na
ve

pamumuhay ng lahat ay nagambala nang magkaroon ng misteryosong sakit


De

ang hari na tanging ang awit ng Ibong Adarna lamang ang makagagamot.
he

Ang modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo upang maunawaan


yt

ang pinakamahalagang kasanayan sa pampagkatuto na:


db

Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng


Ibong Adarna (F7PSIVa-b-18); Naisusulat nang sistematiko ang mga
te

nasaliksik na impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng


es

Ibong Adarna (F7PU-IVa-b-18)


aT

Pagkatapos ng mga gawain ay inaasahang makamit mo ang


ph

sumusunod na mga layunin:


Al

1. naisasalaysay ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna;


2. nakasusulat ng isang maikling pananaliksik ukol sa mga bagong ideya
tungkol sa Ibong Adarna; at
3. napahahalagahan ang pag-aaral ng Ibong Adarna.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
SUBUKIN
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang Ibong Adarna ay isang tulang pasalaysay na tinatawag na ___________.
A. Korido C. Moro-moro
B. Awit D. Duplo

ly
2. Ang buong pamagat nito ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong

On
Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina
Valerina sa Cahariang___________.

m
A. Arabia C. Albania

ea
B. Crystales D. Berbania

tT
3. Dahil sa lawak ng pananakop ng mga____________, nakakarating ito sa

en
Mexico at kalaunan ay nakaabot sa Pilipinas.
A. Kastila C. Britanya
B. Amerikano m D. Dominiko
op
4. Galing ang salitang korido sa wikang Mehikanong ___________na ang ibig
l
ve

sabihin ay kasalukuyang pangyayari na hinango naman sa Kastilang


De

occurido.
A. Awit C. Corridor
he

B. Corrigendum D. Nobela
yt

5. Ang kasalukuyang bersyon ng Ibong Adarna na ginagamit ngayon sa mga


db

paaralan ay ibinabatay sa salin ni ______________noong 1949.


A. Marcelo P. Garcia C. Jose Rizal
te

B. Jose Villa Panganiban D. Francisco Baltazar


es

6. Binubuo ito ng _______________ na saknong.


aT

A. 1,056 C. 7,107
B. 1,001 D. 6,302
ph

7. Ayon sa talang sinulat ni __________________, et al. sa aklat na


Al

pinamagatang Panitikan ng Pilipinas, ang panitikan noong panahon ng


Espanyol ay sinasabing may tatlong katangian.
A. Marcelo P. Garcia C. Jose Rizal
B. Jose Villa Panganiban D. Francisco Baltazar

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
8. Lumaganap sa larangan ng __________ang mga tulang liriko, mga awit, mga
korido at ang pasyon.
A. panulaan C. tuluyan
B. drama D. nobela
9. Dahil sa layunin ng mga Espanyol na mapalaganap ang_____________,
sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng ating mga ninuno.

ly
A. Katolisismo C. Balagtasan

On
B. Kasalan D. Dupluhan
10. Mayroong tatlong pangunahing layunin ang mga Espanyol sa pananakop

m
sa Pilipinas maliban sa isa.

ea
A. upang lubusang mapalaganap ang Katolisismo sa Pilipinas

tT
B. ang pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng

en
pagpaparami ng mga sakop na bansa
C. ang paghahanap ng mga pampalasa, masaganang likas-yaman,
m
op
at mga hilaw na materyales upang matustusan ang kanilang
mga pangangailangang pang-ekspedisyon
l
ve

D. lumaganap sa larangan ng panulaan ang mga tulang liriko, mga


De

awit, mga korido


he

BALIKAN
yt
db
te

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang T kung Tama ang
es

ipinapahayag at M kung mali naman ang isinasaad nito. Isulat ang tamang
sagot sa inyong sagutang papel.
aT

______1. Ang halimbawa ng korido ay Ibong Adarna.


ph

______2. Ang korido ay sadyang para awitin.


Al

______3. Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang
mga taludtod, lalabindalawahing pantig lamang.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
______4. Ang mga tauhan ay walang kapangyarihang supernatural o
kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng
karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok, pag-iibang anyo, at iba pa.

______5. Ang korido ay tungkol sa bayani.

ly
TUKLASIN

On
KALIGIRANG

m
PANGKASAYSAYAN NG

ea
IBONG ADARNA

tT
en
Ang Ibong Adarna ay isang tulang pasalaysay na may buong pamagat
m
op
na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid
na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valerina sa Cahariang Berbania.
l
ve

Kinikilalang bahagi ito ng panitikang Pilipino bagama’t hindi orihinal na


De

nagmula sa Pilipinas. Tulad ng kuwentong-bayang Bernardo Carpio, nag-


ugat ang akdang ito sa Europa. Dahil sa lawak ng pananakop ng mga Kastila,
he

nakakarating ito sa Mexico at kalaunan ay nakaabot sa Pilipinas.


yt

Bagama’t ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas sa pangunguna


db

ni Ferdinand Magellan ay naitala noong Marso 16, 1521, sinasabing ang


kasaysayan ng pananakop ng mga Espanyol sa ating Inang Bayan ay
te

nagsimula noong taong 1565 nang dumating si Miguel Lopez de Legaspi sa


es

bansa at nagtatag ng unang pamana sa Cebu.


aT

Tatlo ang pangunahing layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa


ph

Pilipinas. Una, upang palaganapin ang Katolisismo. Ikalawa, ang


Al

pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga


sakop na bansa. Ikatlo, ang paghahanap ng mga pampalasa, masaganang
likas-yaman, at mga hilaw na materyales upang matustusan ang kanilang
mga pangangailangang pang-ekspedisyon.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Dahil sa layunin ng mga Espanyol na mapalaganap ang Katolisismo,
sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng ating mga ninuno sa halip
ay pinalitan nila. Ito ang naging sanhi kung bakit ang panitikan sa panahong
ito ay naging mapanghuwad o may pagkakatulad sa mga anyo at paksang
Espanyol. Lumaganap sa larangan ng panulaan ang mga tulang liriko, mga
awit, mga korido at ang pasyon. Sa larangan naman ng drama ay namayani

ly
ang duplo, karagatan, komedya o moro-moro, mga dulang panrelihiyon,

On
senakulo, at sarswela. Samantalang ang mga akdang tuluyan o prosa ay may
paksang panrelihiyon at karaniwang tungkol sa talambuhay ng mga santo.

m
ea
Ayon sa talang sinulat ni Jose Villa Panganiban, et al. sa aklat na
pinamagatang Panitikan ng Pilipinas, ang panitikan noong panahon ng

tT
Espanyol ay sinasabing may tatlong katangian:

en
•May sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit,
korido, pasyon, duplo, karagatan, komedya, senakulo, sarswela, talambuhay, m
op
at mga pagsasaling-wika.
l
ve

•Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon.


De

•Ang lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa, o tradisyong


he

Espanyol.
yt

Naging isang mabisang behikulo ang panitikan upang mabilis na


db

mapalaganap ang relihiyong Katolisismo sa bansa. Isa sa pinakatanyag na


uri ng panitikang nagbibigay-halaga sa diwang Kristiyanismo ay ang mga
te

tulang romansa na nauuri sa dalawang anyo – awit at ang korido. Madalas


es

ang mga ito ay nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda sa Birhen o


aT

sa isang santo. Kalimitang ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran at


kabayanihang karaniwang kinasasangkutan ng mga prinsipe at prinsesa at
ph

mga maharlikang tao kung saan ang pangunahing tauhan ay nagtatagumpay


Al

dahil sa kanyang mataimtim na pananalig at matiyagang pagtawag sa Diyos.

Ang Ibong Adarna ay nabibilang sa panitikan na tinatawag na korido.


Galing ang salitang korido sa wikang Mehikanong corridor na ang ibig sabihin
ay kasalukuyang pangyayari na hinango naman sa Kastilang occurido. Isang
anyo ito ng tulang romansa na may tugma at binubuo ng wawaluhing pantig

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
ang bawat taludtud. Itinuring itong isang mataas na uri ng libangan ng mga
bansa sa Europa at maging sa China at Malayo Polynesia nang mga panahong
una. Sinabi naman ni Santillan-Castrence (1940) na ang kasaysayan ng Ibong
Adarna ay maaaring hango sa mga kuwentong-bayan ng iba’t ibang bansa,
tulad ng Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Finland, Indonesia, at iba
pa.

ly
Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang itoý

On
isalin sa katutubong wika. Sulat-kamay lamang ang mga unang salin nito.

m
Kung sino ang unang nagsasalin at kung kailan ito nasalin ay walang

ea
nakatitiyak. Ipinagbibili umano sa mga perya ang mga unang kopya nito
subalit dahil kaunti lamang ang mga marunong magbasa noon, iilan lamang

tT
ang naipalimbag. Hindi naglaon itinanghal ito sa entablado at naging sikat

en
na panoorin katulad ng moro-moro at komedya. Dahilan na rin sa kawalan
ng iba pang mapaglilibangan, tinangkilik ito ng mga Pilipino. Naisapelikula
m
op
rin ito noong araw at tinangkilik ito ng publiko.
l
ve

May mga nagpapalagay na si Jose dela Cruz o Huseng Sisiw ang


nagsalin ng Ibong Adarna noong panahon ng Kastila pero walang
De

makapagpapatunay nito. Dahil pasalin-salin ang paglalahad ng akda,


he

maaring may mga nabago na sa pagsasalaysay. Ang kasalukuyang bersyon


yt

ng Ibong Adarna na ginagamit ngayon sa mga paaralan ay ibinabatay sa salin


ni Marcelo P. Garcia noong 1949. Binubuo ito ng 1,056 na saknong.
db

Taglay ng Ibong Adarna ang motif ng cycle na matatagpuan sa mga


te

kuwentong bayan o folklore. Ito’y ang sumusunod: maysakit ang ina (isang
es

reyna) isang ama (isang hari) at kailangan ng isang mahiwagang bagay upang
aT

gumaling, tulad ng ibong umaawit, tubig ng buhay, halaman, at iba pa.


Maglalakbay ang tatlong anak ngunit ang bunso ang magtatagumpay (dahil
ph

matulungin) na makuha ang makalulunas na bagay sa tulong ng matandang


Al

ermitanyo. Pagtutulungan siya ng nakatatandang mga kapatid upang agawan


ng karangalan, at magdaranas siya ng maraming hirap, ngunit
magtatagumpay rin sa huli.

Ilan sa mga kuwentong-bayan na hawig ng Ibong Adarna ay ang sumusunod:

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
1. Mula sa kuwentong “Scala Celi” (1300)

2. Mula sa Hessen, Alemanya (1812)

3. Mula sa Paderborn, Alemanya

4. Mula sa Vaderbon, isinulat ni Gretchen Wild ang “Ang Maputing Kalapati”


(1808)

ly
5. Mula sa Denmark (1696)

On
6. Mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi”

m
ea
7. Mula sa Malayo-Polinesya ni Renward Brandsetter

tT
8. Mula sa Malische- Marchen na tinipon ni Paul Ambruch

en
Ang mga kuwentong-bayan na ito ay may pagkakahawig ngunit may
pagkakaiba dahil sa kulturang pinagmulan ng bansa.
m
op
Mga Kaisipan o Aral na itinuro:
l
ve

Ang mga natutunan dito ay ang pagiging tapat, pagiging masunurin at


pinapakita rin dito ang mga maling gawain tulad ng pagtataksil at pang-aapi
De

na hindi dapat gawin. Ito rin ay nagtataglay ng pantasya at kasaysayan ng


he

kuwento at ng gumaganap.
yt

Panuto: Gamitin ang Fish Bone Organizer para matukoy ang impormasyon
db

kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna


te
es

Mga uri ng akda Mga taong sangkot


aT
ph
Al

Mga lugar na nabanggit

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
SURIIN
BUOD NG IBONG ADARNA

Ang haring Don Fernando ng kahariang Berbanya ay napamahal sa


kanyang nasasakupan dahil sa kanyang matalinong pamamahala. Siya ay
may tatlong magigiting na anak. Si Don Pedro ang pinakamatanda sa lahat,

ly
si Don Diego ang pangalawa at ang pinakabunso ay si Don Juan. Mahal na

On
mahal ng hari ang bunso niyang anak.

m
Nagkasakit ang mahal na hari dahil sa masama niyang panaginip.

ea
Isang manggagamot ang nagsabi na ang tanging lunas sa sakit ng hari ay ang

tT
awit ng Ibong Adarna na matatagpuan lamang sa Bundok Tabor.

en
Inutusan ng Hari si Don Pedro na hanapin ang Ibong Adarna. Sumunod
si Don Diego nang hindi makabalik si Don Pedro. Nang hindi makabalik ang
m
op
dalawang anak ng hari ay humingi naman ng pahintulot si Don Juan sa ama
na siya ang maghahanap ng Ibong Adarna at sa dalawa niyang kapatid. Ayaw
l
ve

man ng hari ay pinayagan niya si Don Juan.


De

Sa matapat at malinis na kalooban ni Don Juan ay nahuli niya ang


he

Ibong Adarna. Ang dalawa niyang kapatid na naingkanto at naging bato ay


nabuhay na muli nang buhusan niya ng mahiwagang tubig na ipinakuha sa
yt

Ermitanyo.
db

Habang naglalakbay ang tatlo pauwi sa kanilang kaharian ay nakaisip


te

ng kataksilan si Don Pedro. Naisip niyang kahiya-hiya siya sa hari niyang


es

ama kung hindi siya ang makapag-uwi ng Ibong Adarna. Kaya hinimok niya
aT

si Don Diego na patayin ang kapatid. Sa pakiusap ni Don Diego na huwag


patayin ang kapatid ay binugbog na lamang si Don Juan at iniwan sa gitna
ph

ng kaparangan. Umuwi sina Don Pedro at Don Diego na dala ang Ibong
Al

Adarna ngunit matamlay ang ibon at ayaw umawit nang dumating sa palasyo.
Sa tulong ng matandang Ermitanyo ay gumaling si Don Juan hanggang siya
ay nakauwi sa kanilang kaharian. Pinatawad ng hari si Don Pedro at Don
Diego dahil na rin sa kahilingan ni Don Juan.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Mahigpit na pinabantayan ng hari ang Ibong Adarna sa kanyang
tatlong anak, sa pagkakataong ito ay nakaisip na naman ng kabuktutan si
Don Pedro. Binalak ni Don Pedro na pawalan ang Ibong Adarna sa oras ng
pagbabantay ni Don Juan. Nakatulog si Don Juan nang pawalan ang Ibong
Adarna. Sa takot ni Don Juan na makagalitan ng hari dahil sa pagkawala ng
Ibong Adarna ay umalis siya sa palasyo at hinanap ang ibon. Sa utos ng hari

ly
ay sinundan at hinanap nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan. Sa

On
pagkikita ng magkakapatid ay nakakita sila ng isang balong malalim na may
kaharian sa loob ng balon. Nailigtas ni Don Juan ang magkakapatid na

m
Prinsesa Leonora at Juana sa kamay ng higante at ahas na pito ang ulo.

ea
Humanga ang magkapatid na Don Pedro at Don Diego sa kagandahan ng

tT
dalawang prinsesa. Nang balikan ni Don Juan ang singsing na naiwan ni

en
Leonora sa ilalim ng balon ay pinutol ang lubid na gamit ni Don Juan sa
paglusong sa balon. Pinawalan ni Leonora ang kanyang lobo na siyang
m
op
gumamot at nag-ahon kay Don Juan.
l
Hindi malaman ni Don Juan kung siya ay uuwi o hahanap ng bagong
ve

kapalaran. Sa kanyang pagod at hirap ay nakatulog siya sa ilalim ng puno ng


De

kahoy. Nagising si Don Juan sa awit ng Ibong Adarna. Sinabi ng Ibong Adarna
he

na may magandang kapalarang naghihintay sa kanya sa Reyno delos Crystal.


Na doon niya makikita si Donya Maria na isa sa tatlong anak ni Haring
yt

Salermo.
db

Nilakbay niya ang malayong lugar na patungo sa Cristales sa tulong ng


te

Ermitanyo. Sa tulong ng isang malaking agila ay nakarating siya sa hardin


es

nina Donya Maria. Naligo noon ang tatlong prinsesa. Ninakaw ni Don Juan
aT

ang kasuotan o damit ni Donya Maria. Ang galit ni Donya Maria kay Don
Juan ay nauwi sa pag-ibig at pagmamahalan.
ph

Pinagbilinan si Don Juan ni Donya Maria na huwag haharap sa


Al

kanyang amang hari sakaling siya ay ipatawag sa palasyo. Ginawang bato ng


hari ang sinumang pangahas na pumasok sa kanilang kaharian. Sinunod nga
ni Don Juan ang bilin ni Donya Maria. Sinabi ni Don Juan sa sugo na hindi
siya makahaharap sa hari kaya binigyan siya ng maraming pagsubok. Si
Donya Maria ang gumawa ng lahat ng inuutos ng hari kay Don Juan. Malakas

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
ang agimat o karunungan ni Don Juan. Subalit tumakas sina Don Juan at
Donya Maria nang malaman na ipapatay si Don Juan.

Iniwan ni Don Juan si Donya Maria sa isang kubo na malayu-layo sa


kanilang kaharian. Nalimutan ni Don Juan si Donya Maria nang dumating
siya sa palasyo. Hindi kasi sinunod ang bilin ni Donya Maria. Nagalit si Donya
Maria nang mabalitaan na ikakasal si Don Juan Kay Prinsesa Leonora. Dali-

ly
dali siyang nagpunta sa palasyo na sakay ng magarang karwahe. Nakabihis

On
si Donya Maria ng magarang damit na para siyang isang emperatris.

m
Nagkaroon ng palabas si Donya Maria sa pamamagitan ng Negrita at

ea
Negrito sa loob ng isang prasko. Pagkatapos ng tugtug ng musiko ay nagsalita

tT
ang Negrita. Pinaalalahanan ng Negrita ang Negrito ukol sa kahapong buhay

en
ni Don Juan kay Donya Maria. Papaluin ng Negrita ang Negrito pag hindi
naalala ang sinabi ng Negrita. Ang masasaktan ay si Don Juan. Sa galit ni
Donya Maria ay babasagin na ang prasko ng tubig upang pabahain o m
op
palalimin ang tubig sa palasyo subalit pinigilan ni Don Juan at humingi siya
l
ve

ng tawad kay Donya Maria.


De

Ikinasal si Donya Maria at Don Juan. Umuwi sila sa kaharian nina


Donya Maria. Silang mag-asawa ang namahala sa kaharian nang malaman
he

nilang patay na ang ama, kapatid at kamag-anak ni Donya Maria. Ikinasal si


yt

Don Pedro kay Prinsesa Leonora. Ang mag-asawang Don Diego at Prinsesa
db

Juana ay naging maligaya din sa kaharian.


te
es

PAGYAMANIN
aT

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa kaligirang


ph

pangkasaysayan na binasa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.


Al

. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Mga Kaisipan o Aral na itinuro nito Uri ng tula ang Ibong Adarna
________________________ ___________________________________

Saan ito unang nagsimula? Ano ang katangian ng Ibong Adarna?


__________________________________ __________________________________
____

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
ISAISIP
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Bakit itinuturing na mapanghuwad ang uri ng panitikang lumaganap
sa ating bansa noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol?

ly
___________________________________________________________________________

On
2. Sa iyong palagay, bakit ang karaniwang paksain ng panitikan noong

m
unang panahon ng pananakop ng Espanyol ay may kinalaman sa

ea
relihiyon?
___________________________________________________________________________

tT
en
3. Bakit sa kabila ng pagiging mahigpit ng mga Espanyol ay pinayagan
nila ang pagpapalaganap ng mga korido kabilang ang Ibong Adarna?
___________________________________________________________________________ m
op
4. Bakit tinatawag na "panitikang pantakas" ang Ibong Adarna?
l
ve

___________________________________________________________________________
De
he

ISAGAWA
yt
db

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Bakit mahalagang basahin at pag-aralan ang klasikong akdang
te

Pilipino tulad ng Ibong Adarna?


es

__________________________________________________________________
aT

2. Kung ikaw ay isa sa mga taong nabubuhay noong panahon ng


ph

pananakop ng mga Espanyol, tatangkilikin mo rin ba ang koridong


Ibong Adarna? Bakit?
Al

_________________________________________________________________
3. Paano makatutulong sa pagkakaroon ng maayos na kaalaman ng
kasaysayan?
___________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
TAYAHIN
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang Ibong Adarna ay isang tulang pasalaysay na tinatawag na
___________.
A. Korido C. Moro-moro

ly
B. Awit D. Duplo

On
2. Ang buong pamagat nito ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang
Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang

m
Reina Valerina sa Cahariang___________.

ea
A. Arabia C. Albania

tT
B. Crystales D. Berbania

en
3. Dahil sa lawak ng pananakop ng mga____________, nakakarating ito sa
Mexico at kalaunan ay nakaabot sa Pilipinas.
A. Kastila m C. Britanya
op
B. Amerikano D. Dominiko
l
ve

4. Galing ang salitang korido sa wikang Mehikanong ___________na ang ibig


De

sabihin ay kasalukuyang pangyayari na hinango naman sa Kastilang


occurido.
he

A. Awit C. Corridor
yt

B. Corrigendum D. Nobela
db

5. Ang kasalukuyang bersyon ng Ibong Adarna na ginagamit ngayon sa mga


paaralan ay ibinabatay sa salin ni ______________noong 1949.
te

A. Marcelo P. Garcia C. Jose Rizal


es

B. Jose Villa Panganiban D. Francisco Baltazar


aT

6. Binubuo ito ng _______________ na saknong.


A. 1,056 C. 7,107
ph

B. 1,001 D. 6,302
Al

7. Ayon sa talang sinulat ni __________________, et al. sa aklat na


pinamagatang Panitikan ng Pilipinas, ang panitikan noong panahon ng
Espanyol ay sinasabing may tatlong katangian.
A. Marcelo P. Garcia C. Jose Rizal
B. Jose Villa Panganiban D. Francisco Baltazar

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
8. Lumaganap sa larangan ng __________ang mga tulang liriko, mga awit,
mga korido at ang pasyon.
A. panulaan C. tuluyan
B. drama D. nobela
9. Dahil sa layunin ng mga Espanyol na mapalaganap ang_____________,
sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng ating mga ninuno.

ly
A. Katolisismo C. Balagtasan

On
B. Kasalan D. Dupluhan
10. Mayroong tatlong pangunahing layunin ang mga Espanyol sa

m
pananakop sa Pilipinas maliban sa isa.

ea
A. upang lubusang mapalaganap ang Katolisismo sa Pilipinas

tT
B. ang pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng

en
pagpaparami ng mga sakop na bansa
C. ang paghahanap ng mga pampalasa, masaganang likas-yaman,
m
op
at mga hilaw na materyales upang matustusan ang kanilang mga
pangangailangang pang-ekspedisyon
l
ve

D. lumaganap sa larangan ng panulaan ang mga tulang liriko, mga


De

awit, mga korido


he

KARAGDAGANG GAWAIN
yt
db

Panuto: Sa kabila ng pagkakaroon ng impluwensyang dayuhan ng Ibong


Adarna, tinangkilik pa rin ng mga Pilipino ang akda sa panahong naisulat
te

ito. Gamit ang salitang ADARNA, bumuo ng akrostik na naglalarawan ng


es

mga tauhan.
aT

A-_________________________________________________________________________
ph

D-________________________________________________________________________
Al

A-_________________________________________________________________________
R-________________________________________________________________________
N-________________________________________________________________________
A-_________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
SUSI SA PAGWAWASTO

10. D
9. A M 5.
8. A M 4. kasagutan kasagutan
7. B M 3. Ibat’ iba ang Ibat’ iba ang

ly
6. A M 2.

On
5. A T 1. BALIKAN PAGYAMANIN
4. C
3. A BALIKAN

m
2. D

ea
1. A
TAYAHIN kasagutan kasagutan

tT
SURIIN/ Ibat’ iba ang Ibat’ iba ang

en
ISAISIP ISAGAWA

m
op
Sanggunian
l
ve

➢ Baisa-Julian, Aileen. Et. al. Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix


De

Publishing House, 2015.


he
yt

➢ Panitikang Rehiyonal - Ikapitong Baitang.Meralco Avenue, Pasig City:


db

Fep Printing Corporation. 2020


te

➢ https://www.rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-
es

2/Supplemental
aT

➢ https://books.google.com.ph/books?id=10nvBGKU6HQC&printsec=frontcover
ph

&dq=buod+ng+ibong+adarna&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwjR5N7F9aHwAh
Al

WwGKYKHegODOMQ6AEwAXoECAEQAg#v=onepage&q=buod%20ng%20ibo
ng%20adarna&f=true

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
ly
On
m
ea
tT
en
m
l op
ve
De
he
yt
db

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


te
es

Department of Education – Deped Cebu Province


aT

Office Address: IPHO Bldg. Sudlon, Lahug, Cebu City


ph

Telefax: (032)255 6405


Al

Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.

You might also like