You are on page 1of 18

Filipino

ly
On
m
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:

ea
Angkop na mga Kataga o Ekspresyon sa

tT
en
Iba’t Ibang Anyo ng Pagpapahayag
m
l op
ve
De
he
yt
db
te
es
aT
ph
Al

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Filipino – Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Noli Me Tangere: Angkop na mga Kataga o Ekspresyon sa Iba’t
Ibang Anyo ng Pagpapahayag
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.

ly
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang

On
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng

m
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

ea
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang

tT
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang

en
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin
m
op
o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
l
ve

Kalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
De

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Rachel G. Aberion
he

Tagasuri : Aida F. Tabañag


Tagawasto : Ester B. Arafol
yt

Tagaguhit : Jiemond D. Catam-isan


Tagalapat : Rollynda Ruth T. Dacillo/ Wendie F. Gallamoso
db

Tagapamahala
Schools Division Superintendent:
te

Marilyn S. Andales
es

Assistant Schools Division Superintendents:


aT

Fay C. Luarez
Lorenzo M. Dizon
ph

Anelito A. Bongcawil
Mary Ann P. Flores
Al

Isaiash T. Wagas
Araceli A. Cabahug
Inilimbag sa Pilipinas ___________________
Department of Education – Region VII - Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu
Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

i
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
ly
On
Filipino

m
ea
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:

tT
en
Angkop na mga Kataga o Ekspresyon sa
Iba’t Ibang Anyo ng Pagpapahayag m
l op
ve
De
he
yt
db
te
es
aT
ph
Al

ii
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Maligayang pagbabalik mga mag-aaral. Sa Modyul 1, napag-aralan
natin ang tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.
Malinaw na tinalakay at binahagi roon ang mga layunin ng may-akda sa

ly
pagsulat ng nobela, mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito, at

On
pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang
panahon sa lipunang Pilipino. Maayos na inilahad din ang mga epekto nito

m
matapos maisulat ang nobelang Noli Me Tangere hanggang sa
kasalukuyang panahon.

ea
Sa bahaging ito, pag-aralan natin ang iba’t ibang anyo ng

tT
pagpapahayag gamit ang mga angkop na salita o ekspresyon sa
paglalarawan, paglalahad ng sariling pananaw, pag-iisa-isa, at

en
pagpapatunay. Malaking tulong ito upang higit na papaniwalaan ang ating
tagapakinig sa mga sinasabi natin. Makatutulong din ito upang maging
epektibo at katanggap-tanggap ang ating paglalarawan, pagpapaliwanag, at m
op
pinatutunayan.
l
Sa pag-aaral ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
ve

 nagagamit ang mga angkop na salita o ekspresyon sa paglalarawan,


De

paglalahad ng sariling pananaw, pag-iisa-isa at pagpapatunay


(F9WG- IVa-b-57);
he

 naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik (F9PU-IVa-b-58).


yt

Sa huling bahagi ng modyul na ito, inaasahang matamo ang kaalaman


db

sa mga sumusunod na layunin:


 nakikilala ang iba’t ibang anyo ng pagpapayahag at ang mga angkop na
te

salita/ ekspresyon sa paglalarawan, paglalahad ng sariling pananaw, pag-


iisa-isa, at pagpapatunay;
es

 nakabubuo ng mga pangungusap at pahayag gamit ang angkop na salita


aT

o ekspresyon sa paglalarawan, paglalahad ng sariling pananaw, pag-iisa-


isa, at pagpapatunay; at
ph

 naibabahagi ang pagpapahalaga sa natutunan kaugnay sa paksang


tinalakay.
Al

1
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Angkop na mga Kataga o Ekspresyon sa Iba’t
Ibang Anyo ng Pagpapahayag

ly
Tara! Sagutin natin ang mga

On
sumusunod na pagsasanay upang
subukin ang inyong kaalaman sa

m
paksang ating tatalakayin ngayon.

ea
Pagsasanay 1

tT
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong sa bawat bilang.

en
Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ito’y isang uri ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol
sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari sa pamamagitan ng makukulay,
m
op
mahuhugis o maanyo at iba pang mapapandamang pagbibigay-katangian.
a. Pagpapahayag ng Pananaw c. Pagbibigay Patunay
l
ve

b. Pagpapahayag ng Pagkakasunod-sunod d. Paglalarawan


2. Ang mga katagang ayon, sa tingin ko, at sa aking palagay ay katagang
De

ginagamit sa ___________________.
he

a. Pagpapahayag ng Pananaw c. Pagbibigay Patunay


b. Pagpapahayag ng Pagkakasunod-sunod d. Paglalarawan
yt

3. Sa palagay ko, kailangan pa ring pairalin ng bawat isa ang makataong


db

pakikitungo sa kapwa sa kabila ng pandemyang nararanasan ngayon.


Anong ekspresyon ang may salungguhit?
te

a. Pagpapahayag ng Pananaw c. Pagbibigay Patunay


b. Pagpapahayag ng Pagkakasunod-sunod d. Paglalarawan
es

4. Ito’y mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng isang bagay.


aT

a. Pagpapahayag ng Pananaw c. Pagbibigay Patunay


b. Pagpapahayag ng Pagkakasunod-sunod d. Paglalarawan
ph

5. Ang mga katagang ito ay ginagamit sa maayos na pagkakasunod-sunod


Al

ng mga pangyayari upang masundan nang maayos ang kuwento.


a. Pagpapahayag ng Pananaw c. Pagbibigay Patunay
b. Pagpapahayag ng Pagkakasunod-sunod d. Paglalarawan
6. Bilang simula ng kuwento, ang buong mag-anak ay nasa sala ng bahay
at nagbabahagian ng mga pangarap nila sa buhay. Sa pangngusap na ito,

2
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
alin sa mga sumusunod na salita o lipon ng mga salita ang nagsasaad ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
a. buong mag-anak c. pangarap
b. Bilang simula ng kuwento d. nasa sala ng bahay

Pagsasanay 2
Panuto: Punan ng angkop na salitang naglalarawan ang patlang upang
mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang titik lamang ng

ly
tamang

On
sagot sa inyong sagutang papel.
7. Ang mga puno ay ____________________ na tumubo.

m
a. matatangkad b. mayayabong c. matataas d. malilim

ea
8. Si Mattheus ay ___________________ sa probinsiya ng Oslob.
a. tumubo b. lumaki c. luminang d. lumawig

tT
9. Tulad ng isang ____________________ tupa si Pedro.

en
a. mabagsik b. maamong c. matayog d. mabait

10. Naniniwala akong makakabangon din ang bawat mamamayang Pilipino,


m
op
at malalagpasan ng lahat ang pandemyang sumubok sa katatagan ng bawat
isa. Ang pangungusap na ito ay nagpapahayag ng _________________________.
l
ve

a. patunay b. pananaw c. paglalarawan d. pagkakasunod-sunod


De

Gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa pahina


14 sa bahaging SUBUKIN, tama ba lahat ng iyong
he

naging kasagutan?
yt

Kung lahat ay tama, binabati kita sa iyong


ipinakitang husay at talinong taglay!
db

Kung may mali naman, huwag kang madismaya


at malungkot! Pagtutulungan nating alamin at mapag-
te

aralan ang bagong paksang tatalakayin sa araling ito.


es
aT
ph

Tinalakay sa Modyul 1, Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli


Al

Me Tangere upang mabalikan ang mga naganap noong sinulat ang


nasabing nobela ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal.
Pagkatapos ng aralin natin ngayon, mailalahad mo kaya nang
malinaw ang iyong sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa
sarili at sa nakararami gamit ang mga angkop na salita o ekspresyon sa
pagpapahayag?
Simulan natin sa pagbabalik-tanaw sa inyong natutunan sa
Modyul 1.

3
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay layunin
o kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ang nobelang
Noli Me Tangere. Punan ang tsart sa ibaba.

 Ipinakilala niya ang kaibahan ng tunay at di-tunay na relihiyon


upang matigil ang paggamit ng Banal na Kasulutan bilang
instrumento ng paghahasik ng kasinungalingan upang malinlang ang
mga Pilipino.

ly
 Mahigpit ang sensura kaya’t hindi pinapayagang mailathala ang mga

On
sulating tumutuligsa sa pamahalaang Espanyol.
 Dahil sa pagmamalupit at pang-aabuso ng mga Espanyol,

m
nagsisimula nang mag-alsa at lumaban ang mga Pilipino.

ea
 Itinambad niya ang mga pagpapaimbabaw ng balatkayong relihiyon
upang ipabatid na ito ang nagpapahirap at nagmamalupit sa mga

tT
Pilipino.

en
 Inangat niya ang tabing upang maipakita kung ano ang nasa likod ng
mga madaya at nakasisilaw na pangako ng pamahalaan.
Layunin ng May-akda sa Pagsulat
m
Kondisyon sa Panahong Isinulat
l op
ve
De
he
yt

Naging kasiya-siya ba ang iyong pagbabalik-tanaw? Alam kong


db

aktibo at maayos mong ginawa ang gawaing nasa BALIKAN. Tiyak na sa


ngayon ay handa ka na sa panibagong paksang ating tatalakayin.
te

Ngunit bilang bahagi ng paghahanda sa pag-aaral ng araling ito,


es

basahin at unawain ang teksto sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga


katanungan.
aT

Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili


ph

at ang iba laban sa COVID-19


Al

12 March 2020
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang
nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus.
Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay
makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit
ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
matatanda at mga may dati ng karamdaman. Narito ang ilang
mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang
maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.
Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat,
ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa
lugar na may COVID-19.

ly
Una, hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.

On
Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit
ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon

m
at tubig.
Pangalawa, iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong

ea
at bibig.

tT
Madalas nating hinahawakan ang ating mukha nang
hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at

en
iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
Pangatlo, takpan ang iyong ubo at bahing.
Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo ay m
op
sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito
ay ang pagtatakip ng bibig at ilong gamit ang panyo o tisyu
l
ve

kapag uubo o babahing.


Pang-apat, iwasan ang matatao na lugar at malapit na
De

pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo.


Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung ang iyong
he

edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng


yt

altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser.


Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo
db

at sa kung sinumang may lagnat o ubo.


Panlima, manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit.
te

Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang


es

sakit, kahit sinat at ubo lang.


Pang-anim, kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa
aT

paghinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna


ang health facility. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at
ph

hirap sa paghinga, magpakonsulta nang


Al

maaga – kung kakayanin, tumawag


muna sa ospital o health center para
masabihan ka kung saan ka pupunta.

5
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Panghuli, kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwa-
laang awtoridad.
Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa
COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang awtoridad.
Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga
tagapagsalita – ang Department of Health, World Health
Organization (WHO), o iyong local health worker. Dapat ay
alam ng lahat na sintomas–sa karamihan ay nagsisimula ang

ly
On
COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.
https://www.who.int/philippines/news/feature-
stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-upang-

m
maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban-sa-covid-19

ea
tT
1. Tungkol saan ang binasang teksto? _____________________________________

en
2. Ayon sa teksto, ano ang coronavirus disease o COVID-19? ______________
3. Paano inilahad ang pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang
m
op
sarili at ang iba laban sa COVID-19? ______________________________________
4. Ano kaya ang tawag sa mga salitang ito? _______________________________
l
ve

5. Gaano kahalaga ang mga ito sa pagkakabuo ng teksto? _________________


De
he
yt

Ang Pagpapahayag ay pagsisiwalat ng tao ng kanyang mga


db

nasasaloob, ng kanyang mga paniniwala, ng lahat ng kanyang


mga nalalaman. May iba’t ibang anyo ng pagpapahayag na
te

maaaring gamitin tulad ng paglalarawan, pagsasalaysay,


paglalahad, at pangangatwiran sa pasalita o pasulat na paraan.
es

Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, ang kanyang


kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng
aT

nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay


ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang
ph

kapwa.
Ang paggamit ng angkop na mga kataga o ekspresyon sa
Al

paglalarawan, paglalahad ng sariling pananaw, pag-iisa-isa at


pagpapatunay ay malaking tulong upang maging malinaw ang
nais ipabatid o ipaabot na mensahe.

6
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Paggamit ng mga Kataga/ Ekspresyon sa:
*Paglalarawan
 Isang uri ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-
palagay tungkol sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari sa
pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at iba
pang pandama – naaamoy, nalalasa, naririnig.
 Karaniwan, ang mga salitang naglalarawan ay ginagamit

ly
sa paglalarawan ng tao, hayop, bagay, pangyayari, kilos,

On
katangian, at kung paano isinagawa ang isang kilos.
Halimbawa, sa pangungusap na:
“Matangkad ang puno.”

m
Matangkad ang salitang naglalarawan ngunit hindi angkop ang

ea
salita para ilarawan ang isang puno. Ang matangkad ay para sa
tao.

tT
“Mataas ang puno.”

en
Mataas ang salitang naglalarawan sa puno na nagsasabing
angkop ang salitang mataas para sa paglalarawan ng puno.
*Pagpapahayag ng Pananaw
 Isang personal na pagpapahayag ang pagbibigay ng kuro- m
op
kuro o opinyon. Ito’y ang sariling paniniwala tungkol sa
isang bagay. Maaari itong ibatay sa isang katotohanan o
l
ve

karanasan.
 Walang maling opinyon o kuro-kuro.
De

Karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng kuro-kuro o


opinyon ang:
he

a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa


 Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang
yt

wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.


db

b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay…


ni/ng
 Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating
te

kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa


es

buhay para sa kanilang kinabukasan.


c. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip
aT

 Pinaniniwalaan kong dapat pagtuonan ng bawat mag-


aaral ang edukasyon sa kabila ng pandemya ngayon.
ph
Al

7
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
d. Sa ganang akin, Sa tingin ko, Akala, Palagay ko
 Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga
pamahalaang lokal ang pagbabantay sa kabataang nasa
lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang krimen.
*Paggamit ng mga Kataga/ Pahayag na May Pagkakasunud-
sunod ng mga Pangyayari
 Karaniwang ginagamitan ng mga kataga/ pahayag na una,

ly
pangalawa, pangatlong pangyayari, nagsimula ang

On
kuwento, sumunod, susunod, kasunod, bilang wakas ng
kuwento, at iba pa. Isang kasanayan sa pagbasa ang

m
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
 Nagiging gabay ang nasabing kataga/ pahayag kung

ea
anong bahagi ng kuwento ang isinasalaysay.
Halimbawa: Si Ethan ay taga-Cebu City na nais pumunta sa

tT
Oslob upang mag-whale watching. Ano-ano kaya ang dapat

en
niyang tandaan upang hindi siya maligaw?
Una, sasakay siya ng bus (Ceres bus o Sunrays bus) sa
South Terminal na may biyaheng Bato Oslob.
Pagkatapos, papara siya sa barangay Poblacion at m
op
hahanapin ang Malonzo Pension House upang doon tumuloy.
l
Nang sumunod na araw, maaga siyang gigising at aarkila
ve

ng motorsiklo upang magpahatid sa barangay Tan-awan kung


saan naroroon ang kilalang “The Gentle Giants ng Oslob”. Tiyak
De

na magsasaya at magsasawa siyang panoorin ang mga naturang


tanawing biyaya ng karagatan.
he

At sa pagwawakas ng kaniyang maikling bakasyon, uuwi


siyang may baong masayang alaala sa naturang lugar.
yt

*Pagbibigay Patunay
db

 May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng


katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang mga
pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay ng ating
te

paliwanag at maging katanggap-tanggap at kapani-


es

paniwala sa mga tagapakinig.


aT

 Kalimitang ginagamit ang mga pahayag na:


Nagpapahiwatig, Nagpapakita, May
dokumentaryong Ebidensiya, Nagpapa-
ph

tunay/ Katunayan/ Napatunayan ko,


Taglay ang matibay na Konklusyon,
Al

Kapani-paniwala, Pinatutunayan ng mga


Detalye, Maliwanag na, at ibang mga
salitang nagpapatunay.

8
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Halimbawa:

ly
On
Ang Pasko ay taunang

m
ipinagdiriwang ng halos lahat ng

ea
taong naniniwala sa
kapanganakan ng batang Hesus.

tT
Pinatutunayan lamang ng

en
larawang ito, na naging masaya
ang bawat isa at sama-samang
mipinagdiwang ang Pasko.
l op
ve
De

Ngayong batid mo na ang salita o ekspresyon sa


he

paglalarawan, pagpapahayag ng pananaw, pag-iisa, at


pagpapatunay, tiyak na handa ka ng gawin ang
yt

sumusunod na pagsasanay.
db

Sige na at iyong simulan!


te

Pagsasanay 1
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na ekspresyong nagpapahayag ng
es

pananaw upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Hanapin sa


aT

loob ng kahon ang tamang sagot.

Sa tingin ng ayon sa Iniisip


ph

Sa palagay ko akala ng Sa ganang akin


Al

1. Malaking pinsala ang dulot ng bagyong Rolly sa rehiyon ng Bicol,


_____________________ balitang aking napanood.
2. _____________________ maraming gurong nagsasabi na ang pagkatuto ng
mga mag-aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga
magulang na nagbibigay patnubay at suporta sa kanilang mga anak.

9
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
3. ______________, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa
mga batang lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa
kalsada.
4. ________________ ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng
kaparusahan ang DENR kaya patuloy silang lumalabag sa batas
pangkalikasan.
5. ______________________, ang pag-aaral ngayon ay nangangailangan ng
sipag, tiyaga, at pagtutulungan ng bawat isa upang tiyak ang pagkatuto.

ly
Pagsasanay 2

On
Panuto: Batay sa larawang makikita sa ibaba, bumuo ng sariling

m
pangungusap na naglalarawan. Salungguhitan ang ginamit na
salitang naglalarawan. (2 puntos)

ea
tT
__________________________________________________________

en
__________________________________________________________
__________________________________________________________

m
op
Pagsasanay 3
l
ve

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang bilang 1-5 ayon
sa pagkakasunud-sunod ng mga ito.
De

_______ 1. Nang sumunod na araw, naghanap na naman ang mga magulang


ni Nathalia at nagustuhan nilang lahat ito.
he

_______ 2. Pangatlong pangyayari, nakakita sila ngunit may problema dahil


yt

malapit ito sa ilog at baka pag malakas ang ulan, bahain sila.
db

_______ 3. Nagsimula ang kuwento sa paghahanap ng bahay na malilipatan


ng pamilya ni Nathalia.
te

_______ 4. Pangalawa nilang ginawa ay ang pag-uusap kung anong mga


hakbang at plano ang nararapat upang mabigyang solusyon ang kanilang
es

problema.
aT

_______ 5. Sa huli, lumipat sina Nathalia sa pangarap nilang bahay at


naging masaya ang kaniyang pamilya.
ph
Al

Binabati kita sa ipinakita mong


husay sa pagsunod at paggawa sa mga
gawaing inihanda! Ngayon naman ay
subukan mong gawin ito.

10
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Gawain 1
Panuto: Punan ng wastong impormasyon ang sumusunod na
Talahanayan. Gawin sa iyong sagutang papel.
Mga Salita/ Ekspresyon sa… Halimbawa ng mga ito …

ly
On
Gawain 2: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

m
Bilang mag-aaral, dapat kong pahalagahan ang aking mga

ea
natutunan sa mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag sapagkat
_______________________________________________________________________

tT
en
Ngayong alam na natin ang kahalagahan ng bawat m
op
ekspresyon sa pagpapahayag at naisagawa na rin ang bawat
gawaing ipinapagawa sa atin, pagkakataon mo naman na
l
ve

bumuo ng sariling kaalaman sa iyong natutunan.


De

Panuto: Magbahagi ng iyong sariling kaisipan gamit ang mga angkop na


kataga/ ekspresyon sa pagpapahayag. Isagawa ang mga panutong nasa
he

loob ng kahon sa loob ng 2 o 3 pangungusap lamang.


yt

Maglahad ng iyong sariling pananaw kung bakit sa kabila ng


db

pandemya ngayon ay kailangang ipagpatuloy pa rin ng mga


kabataan ang kanilang pag-aaral.
te

(Sa ganang akin … sa aking paniniwala, at iba pa.)


es

__________________________________________________________________
_________________________________________________________________
aT
ph
Al

Isa-isahin ang mga bagay na iyong ginawa para


mapagtagumpayan ang iyong pag-aaral ngayon.
(Una … sumunod … sa huli, at iba pa.)
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

11
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Ngayong natapos mo na ang aralin,
subukin mong sagutan ang mga sumusunod
na katanungan at gawain upang matiyak ang
iyong mga natutunan sa bahagi ng modyul na

ly
ito.

On
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at punan ang patlang ng pinaka-

m
angkop na salita o ekspresyong naglalarawan, naglalahad ng sariling

ea
opinyon, at nagpapatunay na dapat gamitin sa pangungusap. Piliin
ang titik lamang ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

tT
en
1. ___________________ ng “I-Witness” na sadyang maraming kabataan ang
nagsusumikap sa buhay makatapos lang ng pag-aaral. Sa pangungusap na
ito, anong angkop na salita sa pagbibigay patunay ang gagamitin?
m
op
a. Kapani-paniwala b. Pinatunayan c. Nagpapakita d. Nagpapahiwatig
2. Napakagandang tingnan ng mga bulaklak na __________ sa hardin ni Ana.
l
ve

a. ngumingiti b. humahalimuyak c. namumukadkad d. humahalina


3. Ang ginagawa ng pamahalaan ay _______________ batas.
De

a. alinsunod sa b. tungkol sa c. para sa d. ayon sa


he

4. Mas ______________ si Arthur kaysa kay Thor.


a. matangkad b. mataas c. mahaba d. matayog
yt

5. Ang Pilipinas ay nakapaloob sa tinatawag na Pacific Typhoon Belt na


db

nangangahulugang dinaraanan ito taon-taon ng maraming bagyo.


______________, sa bawat taon ay may 8 o 9 na bagyo ang pumapasok sa
te

ating PAR o Philippine Area of Responsibility.


a. Kapani-paniwala b. Katunayan c. Nagpapakita d. Nagpapahiwatig
es

6. ___________________ dating senador Manny Villar, sipag at tiyaga ang


aT

kailangan para sa ikatatagumpay ng buhay.


a. Ayon kay b. Ayon sa c. Ayon ni d. Sang-ayon sa
ph

7. Batay sa mga larawang naka-post sa social media, ______________ nga na


Al

ang matinding pagbaha ang pangunahing problema ng mga taga-Luzon.


a. kapani-paniwala c. pinatutunayan
b. nagpapahiwatig d. nagpapakita
8. _______________, likas na sa mga Pilipino ang pagiging matatag at
masiyahin sa kabila ng maraming pagsubok na pinagdadaanan.
a. Batay sa akin b. Hinggil sa akin c. Para sa akin d. Ayon sa akin

12
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
9. Ang pagtulong ng ilang kilalang personalidad sa mga mamamayang
nangangailangan ngayon ay ______________ ng pagiging mabuti nila.
a. nagpapahiwatig b. naglalarawan c. nagpapaubaya d. nagsasabi
10. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng tamang dapat
gawin kapag may lindol?

a. c.

ly
On
b. d.

m
ea
Upang lalong madagdagan ang iyong kaalaman batay sa

tT
paksang natalakay sa araling ito, sumulat ng isang sanaysay na

en
nagpapahayag ng iyong sariling saloobin bilang isang mag-aaral
ngayong nasa gitna ng pandemya. Maaaring magsaliksik o magsagawa
ng isang panayam sa iba pang mag-aaral na nasa kahit na anong lebel.
m
op
Kinakailangan lang umabot ng 7-10 pangungusap at salungguhitan
ang ginamit na mga kataga o ekspresyon sa paglalarawan,
l
pagpapahayag ng pananaw, o pagbibigay patunay. (F9PU-IVa-b-58)
ve
De

Gamiting gabay ang mga pamantayan sa ibaba.


Mga Pamantayan Laang Aking
he

Puntos Puntos
Nilalaman
yt

(Kaugnay sa paksa, Kalinawan sa paglalahad, Orihinalidad)


db

Organisasyon ng mga Kaisipan


(Kaisahan, Pagkakaugnay, Diin)
te

Mekaniks
(Pagpili at Wastong gamit ng salita, Bantas, Baybay
es

5 – Napakahusay 2 – Di Mahusay
aT

4 – Mahusay 1 – Maraming Kakulangan


3 – Katamtaman
ph

Binabati kita dahil napakagaling mo!


Al

Natapos at napagtagumpayan mo ang aralin.


Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga
napag-aralan natin sa araw na ito.
Bagaman tapos na tayo sa araling ito,
ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na
namang aralin, ang Modyul 3: Ang Mga Tauhan
ng Noli Me Tangere – Pang-uri at Monologo.

13
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
14
Subukin Tayahin
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 1. b 6. a
1. d 7. c 2. c 7. a
2. a 8. b 3. a 8. c
3. a 9. b 4. a 9. a
4. c 10. b 5. b 10. b
Al

5. b Karagdagang Gawain
6. b Iba-iba ang sagot
ph

Balikan
Layunin Kondisyon
aT

*Ipinakilala niya ang kaibahan ng *Mahigpit ang sensura kaya’t hindi…


tunay…
es

*Dahil sa pagmamalupit at pang-


*Itinambad niya ang mga aabuso
te

pagpapaimbabaw ng balatkayong…
*Inangat niya ang tabing upang…
db

Tuklasin
1. Ang teksto ay tungkol sa pitong simpleng hakbang upang maprotektahan
yt

ang sarili at ang iba laban sa COVID-19.


2. Ayon sa teksto, ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang
he

nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus.


3. Inilahad ang pitong simpleng hakbang sa pamamagitan ng pagsasalaysay
De

gamit ang mga salitang una, ikalawa, pangatlo, pang-apat, panlima, pang-
anim at panghuli.
ve

4. Ito ay mga salitang nagsasaad ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.


l
5. Mahalaga ang mga ito upang malinaw na maipaabot o maisalaysay ang mga
pangyayari.
Pagyamanin
op
Isagawa
m
Pagsasanay 1 Pagsasanay 3 Gawain 1
1. Ayon sa _4_ 1. Iba-iba ang sagot.

en
2. Sa tingin ng _3_ 2.
3. Sa palagay ko _1_ 3.

tT
4. Iniisip _2_ 4.
5. Sa ganang akin _5_ 5. Isaisip

ea
Pagsasanay 2 Gawain 2

m
Iba-iba ang sagot. Iba-iba ang sagot.
Isaisip

On
Gawain 1

ly
Mga Salita/ Ekspresyon … Halimbawa …
Gawing batayan ang nasa Suriin.
 Most Essential Learning Competencies (MELCS)
 Dayag, Alma M. et al. (2017). Pinagyamang Pluma 9 (Aklat 2).
Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City, pp. 435-436; 439.
 Malirong, Mary Arr D. et al. (2014). Hiyas ng Lahi 9. Vibal Group, Inc.,

ly
Quezon City, pp. 36; 97; 111.

On
 https://www.slideshare.net/akivakirin/anyo-ng-pagpapahayag
 http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-paglalarawan-na-

m
pagpapahayag.html

ea
 https://www.who.int/philippines/news/feature-
stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-

tT
sarili-at-ang-iba-laban-sa-covid-19
 https://www.slideshare.net/RoelDancel/4-na-makrong-kasanayan-

en
65959478
 https://www.jing.fm/iclip/xTimoJ_stencil-certificate-border-
certificate-design-borders-frames-and/ m
op
 https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/paper-scroll-
l
feather-and-inkwell-vector-1565609
ve

 https://web.facebook.com/CivilDefenseRegionXII/posts/alamin-ang-
De

mga-dapat-gawin-kapag-may-lindol-at-pagkatapos-ng-lindol-maging-
handa/2906537162741951/?_rdc=1&_rdr
he

 www.bitmoji.com
yt
db
te
es
aT
ph

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Al

Department of Education-Region VII-Division of Cebu Province


Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

15
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.

You might also like