You are on page 1of 4

Villaluna, Jocelle M.

3SEDF-A
SFM116-MAIKLING KWENTO AT NOBELA

GAWAING PAGSUSURI: SA PANDAYAN NG KARALITAAN


1. TAUHAN
• Pangunahing Tauhan Fermin- Siya ay panganay na anak at bata pa lamang ay
natuto ng maghanap-buhay. May mataas na pangarap
kahit kapos palad.
Ama- Empleyado sa isang maliit na kompanya na kumikita
lamang ng dose pesos sa isang araw.
Boy- nag-iisang kapatid na lalaki ni Fermin na ngayon ay
nasa Canada na.
Felissa-kapatid ni fermin na nakapagtapos ng komerso at
kasalukuyang nagtratrabaho bilang isang accountant sa
isang bangko sa bayan.
Maria- kapatid ni Fermin na naging sekretarya.
Henia- kasama ni Fermin sa paglalako ng mga kakanin
noon at sa kasalukuyan ay nag-aaral ng medisina.
Ina-isang mapagmahal na ilaw ng tahanan at labandera ni
Impong Angelina.

• Iba pang tauhan Impong Angelina- nagbigay ng hanap-buhay sa nanay ni


Fermin.

2. TAGPUAN
• Lugar Bukana ng ilog sa kanilang bayan- lugar kung saan
namimingwit si Fermin pagkatapos ng eskwela.

Maynila- lugar kung saan tumungo si Fermin upang


makipagsapalaran.
3. PROBLEMA
• Pangunahing Problema Ang pangunahing problema sa kwento ay ang kahirapan
at ang laki ng kanilang pamilya na siyang dahilan ng
pagpupursigi ni Fermin sa buhay.
4. PANGYAYARI
• Pasakalye/Simula Maliit pa lamang ako ako ay natuto na akong
maghanapbuhay. Noon, natatandaan ko pa, pagkagaling
ko mula sa eskuwela ay namimingwit ako sa bukana ng
ilog sa aming bayan, upang may maiulam ang tatlo kung
maliliit na kapatid.
• Simula ng Problema Ang aking ama ay empleyado sa isang maliit na
kompanya na kumikita ng dose pesos isang araw. Halos
hindi makasapat sa aming pamilya ang kanyang kinikita.
Walo kaming magkakapatid, ako ang panganay, tatlong
sunod-sunod na babae ang sumunod sa akin, ikaapat ay
si boy at ang iba pang sumunod sa kanya ay babae nang
lahat.

• Pananabik/Pataas ng Isang araw, kinausap ako ni Itay. "Hindi ka na mag-aaral sa


Aksyon kolehiyo, Fermin. Tama na sa iyo ang makapagtapos
hayskul, tutal maari ka namang mamasukan sa ilang
kompanya riyan." Parang dumagan ang daigdig sa akin sa
sinabi ni Itay. Kilala ko siya kung magpasya. Ang sinabi niya
ay sinabi na niya. Ngunit nagbabasakali pa rin ako. "Itay,
kahit na ho sa kapitolyo, gusto ko ho kasing kumuha ng
inhenyeriya, magtatrabaho na lamang ho ako sa araw."
Subalit isang nakatutulig na "hindi" ang nagpatahimik sa
akin. "Huwag mong yakapin anf di mo kayang yakapin,
napakataas ng iyong ambisyon."

• Kasukdulan Ngunit matigas man ang pasiya ni Itay ay lalong matigas


ang aking pasiya, pinatigas ng masidhing pagnanasang
umunlad. Makaahon sa burak ng kahirapan.

Dala ang ilang pirasong damit at kaunting naipon sa


pagkakargador ng palay sa mga makina ay walang
paalam akong umalis sa amin. Pumunta ako sa Maynila at
nakipagsapalaran. Kaloob marahil ng Diyos ay napasok
ako sa publikasyon. Pumasa ako bilang dibuhista ng
komiks dahil sa kaunting kaalaman sa paaralang
bokasyonal noon sa probinsiya at sa tulong ng mga
kasamahang tapos ng Fine Arts. Sa dahilang likas ang
kahusayan ko sa pagguhit ay nabuhay ako, nakaupa sa
isang maliit na apartment.

• Wakas Ipinagpaaral pala ni Itay ang perang ipinadadala ko, at


ang iba ay ginamit sa pagmamanukan at pagbababuyan.
Nagkatulong-tulong na iyon sa pag-aaral ng aking mga
kapatid at pagpupundar ng magandang tahanan at mga
kagamitan. Ayaw raw nilang mapahiya sa kung sakali at
maisipan kung umuwi ng tahanan.

Hatinggabi na, marahil ay tulog na silang lahat, ngunit


nanatili akong gising, nangingiti ako sa mga pangyayari.
At naiisip kong kayganda ng bukas, may landas ang
tagumpay, sa mga nagsisikap. May kaginhawaan sa
pandayan ng karalitaan at kahirapan. At may umagang
sumisilay pagkatapos ng takipsilim.
5. PUNTO-DE-BISTA Ang ginamit na punto-de-bista sa kwento ay ang unang
panauhan sapagkat ito ang mainam gamitin sa
pagsasalaysay ng isang personal na karanasan. Ito ay
karaniwang gumagamit ng salitang “ako” bilang
pangunahing tauhan. Ibig sabihin, ang tagapagsalaysay ay
ang pangunahing tauhan.

6. ESTILO NG PASALAYSAY Ang estilong ginamit sa pagsasalaysay ng may akda ay


kronolohikal sapagkat may maayos na daloy ang kwento
at sunod-sunod ang mga detalyeng nakatala dito.
Ginamit din sa kwentong ito ang daloy ng kamalayan
sapagkat ipinakita ang damdamin ng tauhan.

7. DETALYENG FILIPINO Ang detalyeng Filipino na ipinapakita sa kwento ay ang


pagmamahal sa pamilya. Atin ng nakagisnan na kapag
may trabaho na ang isang anak ay kailangan o
obligasyon nila ang tumulong sa kaniyang mga magulang.
Ngunit kung atin mababatid na sa ating bansa lamang
ang ganitong sitwasyon ay buhay na buhay. Tinatawag
itong pagtanaw ng utang na loob.

8. PAHIWATIG Ang ipinapahiwatig ng kwentong ito ay walang hadlang sa


isang taong may paninindigan sa kaniyang pangarap.

9. SIMBOLISMO Ang pagtiis ni Fermin na hindi makita at umuwi sa


kanyang pamilya ay sumisimbolo ng katapangan at
pagmamahal. Mahirap ang malayo sa mahal natin sa
buhay ngunit matapang itong hinarap ni Fermin dahil
gusto niyang patunayan sa ama na hindi hadlang ang
kahirapan upang umunlad sa buhay. At sa pagmamahal
niya sakanyang pamilya ang siyang naging rason ng hindi
niya paglimot at pagbibigay suportang pinansyal dito.

10. PAGLALAPAT Ang malaking pamilya ay sadyang masaya ngunit katulad ng


sitwasyon ni Fermin na marami silang magkakapatid kaya
hirap ang kanyang mga magulang na pag-aralin sila ay
makikita sa maraming pamilyang Pilipino. Ang tanging
paraan upang makatakas sa kahirapan ay ang pangarap na
siyang magiging dahilan ng pagsusumikap ng bawat isa.
11. ESTILO/KASININGAN Ang pagbibigay ng motibasyon at mensahe ng kwento ay
ang tumatak sa aking puso bilang mambabasa at
tagapanuod. Ang pagsasalaysay ng paghihirap at sa huli
ang kaginhawaan.

12. PINAKATEMA Ang pinakatema ng kwentong “Sa pandayan ng


karalitaan” ay ang kahirap ay kailanman ay hindi
magiging hadlang sa mga pangarap na ating inaasam.
Ang isang bagay na pinaglalaban at pinaghihirapan, sa
huli ay kasaganahan ang makakamtan. Ating tatandaan
na hindi natin kasalanan ang mabuhay ng mahirap
ngunit kung tayo ay mamamatay na mahirap, kasalanan
na natin yun.

You might also like