You are on page 1of 7

TUMANGAN, MA. ESTELA LEONOR ANGELA, P.

GED117 – B23 SW#2-A


09/15/2019

REAKSYON AT DAMDAMIN NG KABANATA 8

A. TEORYA

Ang teorya na aking napuna sa kabanatang ito ay ang teoryang klasismo sapagkat simple
lamang ang pagpapahayag na ginamit ng may akda.

B. MGA PANSIN AT PUNA


1. TAUHAN – Ang mga tauhan ay si Meni at Delfin na naguusap sa pamamagitan ng
pagsusulat sa isa’t isa. Nabanggit sa usapang ito ang pagkaselosa ni Meni at ang pagiging
maunawain ni Delfin bilang kasintahan.
2. GALAW NG PANGYAYARI – Makikita sa kabanatang ito kung paano natunghayan ni
Delfin ang ugat ng ugali ni Meni noong siya’y sumabay sa paghatid kay Marcela sa
Concordia
C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisa sa Isip

Ang aking napagkuru-kuruan ng mabasa ko ang kabanatang ito ay pagiging maarte


ni Meni bilang isang babae lalo na’t nabanggit muli ni Delfin ang paguugali ng isang babae at
lalaki. Kahit noong sinaunang panahon pa pala’y ganoon na kalala ang pagiisip ng isang
babae lalo na kung tungkol sa kaniyang sinisinta.

2. Bisa sa Damdamin

Ang aking naramdaman tungkol sa kabanatang ito ay kaunting pagkainis sa


paguugali ni Meni ngunit siya’y may mga rason naman lalo na kung ang rason na ito ay
makita kung tunay nga bang siya’y iniibig ni Delfin.

3. Bisa sa Kaasalan/Balyus

Makikita sa kabanatang ito ang pagiging malawak ang isipan at ang mahabang
pasensya ng mga kalalakihan sa mga selosa nilang iniirog.

4. Bisa sa Lipunan

Anf kabanatang ito ay sumasalamin sa sinauna at sa kasalukuyang talastasan ng mga


magkasintahan lalo na sa sitwasyon ng mga kabataan ngayon na hindi rin nalalayo sa
nakaraan.

REAKSYON AT DAMDAMIN NG KABANATA 9

A. TEORYA

Ang teoryang aking napuna sa kabanatang ito ay ang teoryang sosyolohikal sapagkat pinapakita
dito ang kahirapang dinanas ng pamilya ni Tentay ngunit kitang kita naman din sa kabanatang ito
ang pagiging matatag nila dahil sa isa’t isa.
B. MGA PANSIN AT PUNA
1. TAUHAN – Makikita sa kabanatang ito ang mga tauhan na si Tentay at si Mang Andoy na
siyang ama ng pamilya ni Tentay. Naipakita rin si Felipe na umiibig kay Tentay at ang
katrabaho nito at kapatid ni Tentay na si Lucio. Kasama din sa kabanatang ito ang iba
pang miyembro ng pamilya ni Tentay.
2. GALAW NG PANGYAYARI – Mahusay ang pagkakapahayag ng may akda. Patungkol sa
damdamin at takbo ng pangyayari sa kabanatang ito. Makikita natin ang lubos na
kagustuhan ng ama ni Tentay na si Mang Andoy na makausap si Felipe.
C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisa sa Isip

Ang aking napagisipan sa kabanatang ito ay kung gaano kahalaga ang pamilya at ang
natatanging yaman na maipagmamalaki ng mahihirap ay ang kanilang pamilya. Walang
ibang mas hihigit pa kundi ang mga anak ng mga magulang.

2. Bisa sa Damdamin

Aking naramdaman ang pangungulila ko sa mama ko ng matapos kong basahin ang


kabanata. Naramdaman ko rin ang lubos na pagmamahal nila dahil pumayag silang pag-
aralin ako sa malayo kahit parehas kaming mahihirapan.

3. Bisa sa Kaasalan/Balyus

Pinaalala nito na dapat kong pahalagahan ang pagmamahal ng aking pamilya kaya’t
mas lalo kong pagiigihan ang aking pagaaral para kapalit sa mga sakripisyo ng aking pamilya
upang mapag-aral ako ngayon.

4. Bisa sa Lipunan

Ang kabanatang ito ay nagsisilbing paalala, lalo na sa kabataan na mahalin ang


kanilang mga magulang habang may oras pa sila sa mundo. Higit na mas masakit sa parte
nila kung hindi manlang nila naramdaman na mahal sila ng kanilang anak.

REAKSYON AT DAMDAMIN NG KABANATA 10

A. TEORYA

Ang teoryang aking napuna sa kabanatang ito ay ang teoryang realismo sapagkat pinapakita nito
ang katotohanang haharapin nating lahat sa dulo at ito ay ang Kamatayan.

B. MGA PANSIN AT PUNA


1. TAUHAN – Ang mga tauhan sa kabanatang ito ay sila Mang Andoy na ama ni Tentay, si
Aling Marta na ina ni Tentay, si Tentay na kasintahan ni Felipe, at si Felipe na siyang
kasintahan ni Tentay.
2. GALAW NG PANGYAYARI – Makikita sa kabanatang ito na hanggang sa paghihingalo ay
nagaalala parin siya sa kanyang pamilya. Makikita dito na labis-labis ang pagmamahal ni
Mang Andoy sa kaniyang pamilya.
C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisa sa Isip
Napagisipan ko ang tunay na kalagayan ng mga taong mahihirap. Nariyan yung
kulang ang kinakain sa araw-araw. Kapag naman may sakit ay mas pipiliing huwag magpunta
sa doktor upang mapangbili nalang ng pagkain sa araw na iyon.

2. Bisa sa Damdamin

Naramdaman ko ang lungkot ng mabasa ko ang kabanata ngunit hindi ko rin


maiwasang tanggapin ang mga pangyayari sapagkat lahat naman tayo ay mawawala din sa
mundo pagdating ng panahon. Mangyayari at mangyayari ang dapat mangyayari kaya’t
malungkot man ay dapat natin itong tanggapin bilang kapalaran natin.

3. Bisa sa Kaasalan/Balyus

Naisip ko na patuloy parin tayo sa paglaban kahit na mahirap ang buhay. Hindi tayo
dapat madaling susuko at kung maaari ay huwag tayo susuko. Mas mabuti na yung
masabing sinubukan kesa naman sa sumuko nalang agad ng walang kalaban-laban.

4. Bisa sa Lipunan

Ang kabanatang ito ang sumasalamin sa buhay ng karamihan sa ating mga Pilipino.
Kung titingin tayo sa paligid natin at hindi lang sa ating mga telepono ay makikita natin ang
mga maralita sa paligid. Hindi sila iilan kundi marami.

REAKSYON AT DAMDAMIN SA KABANATA 11

A. TEORYA

Ang teorya na aking napuna sa kabanatang ito ay ang teoryang siko-analitiko sapagkat
pinapakita ng kabanatang ito ang pagiging madiskarte ng mga tauhan sa kanilang magiging desisyon.

B. MGA PANSIN AT PUNA


1. TAUHAN – Ang mga tauhan ay sila Talia na anak ni Don Ramon at magiging asawa ni
Yoyong, si Yoyong na abogado nila Don Ramon at magiging asawa ni Talia, si Meni na
kapatid ni Talia at iniirog ni Delfin, si Delfin na siyang kasintahan ni Meni, at si Don
Ramon na ama nina Talia at Meni
2. GALAW NG PANGYAYARI – Makikita dito sa kabanatang ito ang ugali nina Talia at
Yoyong dahil sa kanilang mga desisyon sa magiging handa ng kanilang kasal.
C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisa sa Isip

Aking naisip ang iba’t ibang klase ng paghahanda sa tuwing may kasalan na
magaganap. Lalo na sa mga taong iniimbitahan ang mga hindi naman kilala ng tunay.
Napaisip ako kung bakit kailangan imbitahan ang mga ganoon. Naisip ko na baka gusto lang
nila ipamalas ang kaligayahan ng bagong kasal o may iba pang dahilan bukod doon.

2. Bisa sa Damdamin

Ako ay tunay na namangha sa labis-labis na paghahanda sa kasalan nina Yoyong at


Talia. Lalo na sa tradisyon at mga dekorasyon ng kanilang handaan.

3. Bisa sa Kaasalan/Balyus
Sinasalamin ng kabanatang ito ang asal ng mga kawani ng El Progreso sa kanilang
amo. Pinapaalala nito na nararapat lang na magbigay galang sa mga nagbibigay sakanila ng
trabaho kahit maliit ang sweldo dahil ito ay ang tinatawag ng mga tao na respeto sa kapwa.

4. Bisa sa Lipunan

Makikita sa kabanatang ito ang iba’t ibang koponan ng lipunan sa paghahanda ng


kanilang mga kasuotan at kanilang handog para sa bagong kasal. Lahat ng ito ay kakikitaan
ng pagkakaiba ng estado sa buhay ng mga imbitado sa kasalan.

REAKSYON AT DAMDAMIN NG KABANATA 12

A. TEORYA

Aking teorya na nakita sa kabanatang ito ay ang teoryang sosyolohikal sapagkat pinakita rito ang
pangaaping pananalita ni Kapitan Loloy sa kanyang anak na si Felipe at pati narin ang mga salitang
mapanakit na kanilang tawag sa mga mahihirap.

B. MGA PANSIN AT PUNA


1. TAUHAN – Ang mga tauhan na nabanggit sa kabanata ay sina Don Ramon, Felipe, si
Tentay na kasintahan ni Felipe, ang ina nitong si Aling Tere, si Marcela na kapatid ni
Felipe, si Delfin, si Gudyo na kabataan ng ama ni Felipe at si Kapitan Loloy na siyang ama
ni Felipe.
2. GALAWA NG PANGYAYARI – Tunay ngang hindi magkasundo ang mag-amang sina
Felipe at Kapitan Loloy. Makikita sa kabanatang ito na labis ang galit ng ama sa kaniyang
anak dahil sa hindi pagsunod nito sa kanyang gustong mangyari. Sinasalamin nitong
kabanatang ito ang isang suwail na anak.
C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisa sa Isip

Maiisip natin na ang pangyayaring ito ay hindi na nangyayari sa kasalukuyan ngunit


sa katotohanan ay may mangilan-ngilan na kabataan ganito rin ang sitwasyon nila sa buhay.
Sa aking palagay ay hindi parin ito maiiwasan sapagkat ang tao ay natural sa kanilang
gustuhin ang kalayaan at sariling pagpapasya

2. Bisa sa Damdamin

Naramdaman ko ang kaunting lungkot para sa kalagayan ni Felipe at sa kung iisipin


naman ang kalagayan ni Kapitan Loloy na nawalan ng kaisa-isang mapagkakatiwalaan sa
negosyo ay hindi ko mawari kung bakit kailangan nyang pagsalitaan ng ganoon ang kaniyang
sariling anak. Ako mismo ang nasaktan sa mga salitang kaniyang binitawan.

3. Bisa sa Kaasalan/Balyus

Pinapakita nitong kabanatang ito kung ano ang posibleng mangyari sa mga anak na
hindi sinusunod ang gusto ng kanilang magulang. Pinapaalala nito na marapat natin silang
sundin sapagkat sila ang mas may alam sa buhay at sila’y nagdedesisyon ng iniisip ang ating
kinabukasan.

4. Bisa sa Lipunan
Hindi talaga natin maiiwasan ang mga ganitong klaseng pangyayari sa lipunan
sapagkat iba-iba tayo ng estado sa buhay. Ang mga mahihirap ay nangangarap at ang mga
mayayaman ay nagsusumikap upang huwag humirap ang kanilang buhay. Kaya’t ganoon na
lamang ang pagpupumilit ni Kapitan Loloy kay Felipe.

REAKSYON AT DAMDAMIN SA KABANATA 13

A. TEORYA

Ang teoryang aking nabatid sa kabanatang ito ay ang teoryang feminismo-markismo sapagkat
pinakita nito kung paano nalutas ni Talia ang problemang balak ihatid ni Meni na pakikipagtanan kay
Delfin.

B. MGA PANSIN AT PUNA


1. TAUHAN – Ang mga tauhan na nabanggit sa kabanatang ito ay ang magkapatid na si
Meni at Talia, at si Yoyong na siyang asawa ni Talia.
2. GALAW NG PANGYAYARI – Makikita natin sa patuloy na pagpapahayag ng may akda
kung gaano kamahal ni Talia ang kaniyang bunsong kapatid na si Meni. Makikita din
natin sa kabanatang ito ang suporta ni Yoyong sa kaniyang asawa.
C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisa sa Isip

Aking napagnilayan ang pagmamahalan ng isang magkapatid. Tunay nga lubos at


puro ang ganitong klaseng pagmamahalan. Lalo na kung ang magkapatid na ito ay parehas
nilang naiintindihan ang isa’t isa.

2. Bisa sa Damdamin

Ipinamalas ng kabanatang ito ang walang kapantay na pagmamahalan ng isang


magkapatid sa gayon ay naramdaman ko rin ang pagmamahal ni Talia sa kaniyang bunsong
kapatid. Nagmistulang ako iyong kapatid ni Talia nang maramdaman ko ang labis na
kalungkutan at pighati ni Talia.

3. Bisa sa Kaasalan/Balyus

Naalala ko ang aking sariling kapatid na naiwan ko sa probinsiya ng ako’y mag-aral


dito sa Maynila. Talagang mangiyak-ngiyak siya’t halos magmakaawa na huwag ako tumuloy
ngunit kailangan ko. Nakaramdam ako ng pangungulila ng mabasa ko ang kabanatang ito.

4. Bisa sa Lipunan

Ako ay namangha ng mabasa ko ito sapagkat sinasalamin ng kabanatang ito ang


sitwasyon ng mga kabataan ngayon. Kung iisipin natin mabuti ay hanggang ngayong ay may
nagtatanan parin kabataan kahit ito’y bibihira lamang.

REAKSYON AT DAMDAMIN SA KABANATA 14

A. TEORYA
May dalawang teorya akong napuna at ito ay ang mga teoryang dekonstruksyon at
instrukturalismo sapagkat ang diskurso ng dalawang tauhan na si Yoyong at Delfin ay umiikot sa usaping
dunong at lipunan.

B. MGA PANSIN AT PUNA


1. TAUHAN – Ang mga tauhan na nagpakita sa kabanatang ito ay si Delfin, si Yoyong at si
Talia.
2. GALAW NG PANGYAYARI – Mapapansin sa kabanatang ito ang malawak na kaalamanan
ni Delfin sa lipunan tungkol sa indibidwalismo at sosyalismo. Mahusay na ipinarating ng
may akda ang kaniyang pananaw tungkol sa dalawang paksang ito at narating ko ang
puntong ibig ipamalas ng may akda
C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisa sa Isip

Aking napagisipan ang ang naintindihang ang mga paksang anarkismo, sosyalismo,
indibidwalismo at ang karalitaan matapos kong basahin ang kabanata. Lubos kong
naintindihan ang mga paksang ito.

2. Bisa sa Damdamin

Naramdaman ko ang mga nadama ni Delfin noong siya’y nakikipag-argumento sa


dalawang Don noon. Umaliwalas ang aking pagiisip at damdamin ng mas lubos kong
maintindihan ang puntong gustong ipamalas ni Delfin patungkol sa lipunan.

3. Bisa sa Kaasalan/Balyus

Pinaalala ng kabanatang ito na marapat muna nating alamin ng mataimtim ang isang
paksa bago tayo magbigay opinyon tungkol dito. Marapat lang din na respetuhin natin ang
opinyon ng isa’t isa at wag ito ipilit sa ayaw.

4. Bisa sa Lipunan

Ang mga paksang tinalakay ng may akda sa pamamagitan ng diskurso nila Yoyong at
Delfin ay tunay na sinasalamin ang kasalukuyang pangyayari sa lipunan ngayon. Mas marami
ang indibidwalista kesa sa sosyolista ang lipunan ngayon kumpara sa dati.

REAKSYON AT DAMDAMIN SA KABANATA 15

A. TEORYA

Ang mga teoryang aking napuna sa kabanatang ito ay ang teoryang siko-analitiko, at sikolohikal
sapagkat ipinakita nito ang mga reaksyon at desisyon ng pamilya Miranda sa kalagayan ng kanilang
bunso na si Meni.

B. MGA PANSIN AT PUNA


1. TAUHAN – Sa kabanatang ito ay nagpakita sina Don Ramon, Yoyong, Talia, Meni, Delfin,
at ang kapatid na lalaking si Siano
2. GALAW NG PANGYAYARI – Makikita natin sa kabanatang ito kung gaano kataas ang puri
ng mga mayayaman na kung ito’y madungisan man ay magaalimpuyo sila sa galit at
mananakit pa kung sinoman ang susugat sa puri ng mga ito. Malinaw na ipinamalas
saakin ng may akda ang ganito.
C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisa sa Isip

Naisip ko na hindi ito nalalayo sa kasalukuyang panahon. May mangilan-ngilan na


tulad ni Don Ramon ang magiging reaksyon kung matuklasan man nila ang kalagayan ng
kanilang anak. Sa palagay ko ay may ilan sa mga taong ganito ang mananakit at karamihan
ay hindi.

2. Bisa sa Damdamin

Naramdaman ko ang sakit at lungkot ng magkapatid na si Talia at Meni lalo na sa


nangyari kay Meni. Pisikal kong naramdaman yung sakit na akala mo’y ako yung sinampal at
sinipa ng ama. Nalulungkot ako para kay Meni.

3. Bisa sa Kaasalan/Balyus

Dito sa kabanatang ito pinaalala ang mahusay na pagiisip. Marapat lang na pagisipan
muna natin ang ating mga kilos bago ito gawin. Kailangan ng masusing pagiisip upang hindi
marungisan ang puri mo o puri ng pamilya. Dapat natin unahin ang mga dapat at hindi ang
kung ano ang gusto.

4. Bisa sa Lipunan

Sinasalamin ng kabanatang ito ang madalas na pangyayari sa lipunan noon at maski


sa kasalukuyan. Maraming kabataan ang nakikipag-niig ng maaga dahil nagpapadala sa
bugso ng damdamin kaya’t madalas ay hindi sila nakakapagtapos ng pagaaral kung mangyari
man iyon. Marami ding matatanggap na panghuhusga kapag ito’y nabalitaan ng mga
kakilala.

You might also like