You are on page 1of 17

BALANGKAS NG PAGSUSURI NG BAWAT KABANATA NG NOBELA

KABANATA 1

I. PAMAGAT NG KABANATA: SA BATIS NG ANTIPULO

II. PAGTATANGGAL NG BALAKAID


A. Talasalitaan
a. balisbisan – daluyan ng tubig, bubong
b. gugo – isang katutubong shampoo
c. kamalig – tahanan ng may-ari o bantay-batis
d. kapilya – Simbahan
e. maghalinhinan – Magpapalit-palit
f. pagkaigaya – Pagkaakit o pagkagusto

B. Tayutay
a. Simili
b. Metapora
c. Personipikasyon

III. MGA TAUHAN AT DISKRIPYON:

a. Don Ramon – isang mayamang pumakyaw sa lahat ng pansol.


b. Don Filemon – isang mayaman at kaibigan ni Don Ramon.
c. Talia at Meni – anak ni Don Ramon.
d. Nora Loleng – asawa ni Don Filemon
e. Isiang –
f. Honorio at Turing Madlang-Layon – magkapatid na abogado.
g. Bentus at Pepito – kapwa mayaman na kaibigan ni Isiang.
h. Martin Morales – Parmaseutiko.
i. Delfin – Sosyalista.
j. Felipe – Anarkista.

IV. PAGLALAHAD NG MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI NG KABANATA:


Gamiting gabay ang mga bahagi ng maikling kwento:
Panimula:

Sa simula ay ipinakilala ang mga tauhan na sangkot sa unang


kabanata at mapupuna agad kung anong klase ng tao ang mga
pangunahing tauhan at ang pagkakaiba sa kaugalian ng mayayaman
at mahihirap at ang paunang sapi ng diskriminasyon sa eksena.
Saglit na kasiglahan:

Sa kasiglahan ay makikita natin ang pagpitas ng magkakaibigan sa


puno ng duhat. Ipinapakita dito ang simbolismo ng duhat kung saan
ang pagiging marupok ng katawan nito at ang pag-akyat ng mayaman
sa punong ito para pitasin ang bunga ay tulad lamang ng paggamit ng
mayayaman sa mahihirap. Nagiging marupok ang pagkatao ng mga
mahihirap dahil sa perang kapalit ng mga bungang iniaalay nila.

Suliraning inihahanap ng lunas:

Ang suliraning inihahanap ng lunas ay ang pag-iibigan ni Meni at


Delfin at ang pagiging sakim ng mga mayayaman.

Kasukdulan:

Sa saglit na kasiglahan ay ang pag-uusap ni Meni at Delfin sa labas


ng paliguan, kung saan ipinakita ang sitwasyon sa pag-iibigan sa
pagitan ng dalawang taong may magkaibang antas ng pamumuhay sa
lipunang ginagalawan.

Kakalasan:

Sa kakalasan ay tiyak na makikita ang pagkatakot ng dalawang nag-


iibigan sa magulang ng dalaga. Ipinakita kung gaano ang
impluwensiya ng ama sa kanyang anak at iniibig.

V. TEORYANG PAMPANITIKANG GAMIT NG AKDA


A. Anong teorya o mga teorya ang nagingibabaw sa akda. Bigyang
patunay.
a. Romantisismo – Ipinakita sa kabanatang ito ang pagpapaalam
ni Delfin ng kanyang pag-ibig kay Meni. Ipinakita rin ang
paraan ng panliligaw ni Delfin kay Meni.
b. Kultural – Ipinakita dito ang pagiging konserbatibo ni Meni na
isa sa mga kultura ng mga kababaihan sa Pilipinas.

VI. REAKSYON AT DAMDAMIN


A. Mga Pansin at Puna
a. Mga Tauhan
-Makikita sa mga tauhan ang taglay na kaugalian. Ito’y may
ibat ibang impluwensiya mula sa magulang hanggang sa lugar na
ginagalawan. Ngunit makikita dito ang pagiging masunurin at
matatakutin ng tauhan sa kanilang magulang at ang matinding pag-
ibig na handing subukin lahat ng dahan kahit ito’y maaring magresulta
sa kapahamakan.
b. Galaw ng Pangyayari
-Ang pagpasok at pagpapakilala sa mga tauhan at ang
pagpapakilala sa Batis ng Antipulo na pinagmimilagrohan at ang pag-
uusap ng mga tauhan ay tunay na nabigyang halaga at diin. Malinaw
na naiparating ang mga simbolo na tulad ng batis ng antipulo na
pinagmimilagrohan kung saan pinagliliguan naman ng mga taong puro
kasamaan ay tulad ng mga saliwang paniniwala.
B. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
-Naipakita ang pagkakaiba ng mga tauhan at antas ng
pamumuhay.
b. Bisa sa Damdamin
-Umpisa pa lamang ay nakapag-uudyok na sa mambabasa ng
mga pangyayaring patungkol sa diskriminasyon.
c. Bisa sa Kaasalan
-Ipinakita ang pagiging matatakutin ng mga anak sa magulang
ngunit handing lumaban basta’t nasa katwiran.

I. KONGKLUSYON
-Umpisa palang ng kabanata’y nakakapukaw at nakapagmumulat
na ng mga matang sarado sa katotohanan. Ito’y maaring
maihalintulad sa mga nobelang naisulat ni Rizal na nagsilbi naman
na bibliya ng mga mahihirap kung saan inumpisahan sa kabanatang
ito ang pagmulat ng mga isip ng mga manggagawa sa mga
karapatan at karapat dapat nila na tinatamasa.

KABANATA 2

II. PAMAGAT NG KABANATA: SINO SI DON RAMON?

III. PAGTATANGGAL NG BALAKAID


A. Talasalitaan
a. Batangan – tawag sa wika ng mga taga-Batangas
b. Iuukilkil – sumisiksik sa utak ng tao
c. Kaupasalaan – walang kahulugan o walang kuwenta
d. Kulilin – Pagsawa sa pakikinig o marindi
e. Matatalos – Malaman o matuto

B. Tayutay
a. Simili
b. Metapora
c. Personipikasyon
IV. MGA TAUHAN AT DISKRIPYON:
a. Don Ramon – mayaman at ninong ni Felipe sa kanyang kumpil.
b. Don Filemon – mayaman at kasosyo ni Don Ramon sa negosyo.
c. Delfin – umiibig kay Meni at isang manunulat.
d. Nora Loleng – asawa ni Don Filemon.
V. PAGLALAHAD NG MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI NG KABANATA:
Gamiting gabay ang mga bahagi ng maikling kwento:
Panimula:

Sa panimula ay ang pagpasok ng mga tauhan sa eksena at kung saan


inihalintulad rin si Don Ramon sa kanyang mobil na puro baho ang
taglay at polusyon lamang sa lipunan.

Saglit na kasiglahan:

Sa saglit na kasiglahan ay patungkol naman sa El Progreso na isang


pagawaan ng takbo na pinapatakbo ni Don Filemon at Don Ramon.
Ipinakita ang magandang nangyayari sa kanilang negosyo at ang kita
na kanilang nalilikom.

Kasukdulan:
Nagkaroon ng sagutan sa pagitan ni Delfin, Don Filemon at Don
Ramon. Ang kanilang pagtatalo ay sa isang maayos na paraan at
edukadong pamamaraan.

VI. TEORYANG PAMPANITIKANG GAMIT NG AKDA


A. Anong teorya o mga teorya ang nagingibabaw sa akda. Bigyang
patunay.
a. Dekonstraksyon – Sa kabanatang ito, nagkaroon ng pagtatalo
o debate sa pagitan nina Delfin at Don Ramon. Dito makikita
ang pagkakaroon ng iba’t ibang pananaw na nais iparating ng
manunulat.

VII. REAKSYON AT DAMDAMIN


A. Mga Pansin at Puna
a. Mga Tauhan
-Maayos at tiyak ang pagkakalarawan sa mga tauhan.
b. Galaw ng Pangyayari
-Maayos rin ang galaw ng pangyayari at maayos na
napagsunod sunod ang mga pangyayari mula sa pagpapakilala ng mga
karakter, suliranin, kasukdulan at kakalasan.
B. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
-Naipakita ang pagkakaiba ng mga tauhan at antas ng
pamumuhay.
b. Bisa sa Damdamin
-Umpisa pa lamang ay nakapag-uudyok na sa mambabasa ng
mga pangyayaring patungkol sa diskriminasyon.
c. Bisa sa Kaasalan
-Ipinakita ang maayos na sagutan kahit na may
pinagtatalunan at naglalaban ang magkakaiba nilang pinaniniwalaan.

VIII. KONGKLUSYON
-Napakaganda ng sagutan at argumento kung ito’y ginagampanan
ng edukadong tao. Nawa’y sa panahon ngayon ay gayundin kung
saan isinasabuhay ang pagiging edukado.

KABANATA 3

I. PAMAGAT NG KABANATA: SALAPI AT PAWIS

II. PAGTATANGGAL NG BALAKAID


A. Talasalitaan
 Punahin – pansinin
 Masugpo – mapigil
 Asam-asam - nagisip
B. Tayutay
 Simile
 Metapor
 Personipikasyon

III. MGA TAUHAN AT DISKRIPYON:


 Delfin at Felipe – mga bida
 Don Ramon – mayaman, kontrabida
 Meni – iniibig ni Delfin
 Ñora Loleng – hindi nahihiwalay sa anumang lakaran ng
mag-anak ni Don Filemon

IV. PAGLALAHAD NG MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI NG KABANATA:


Gamiting gabay ang mga bahagi ng maikling kwento:
Si Don Ramon ay naiinis at nagagalit dahil sa naganap sa
nakaraang kabanata, nagsimula na ang paguusap na kinasasangkutan
ni Delfin at mga kasama ni Don Ramon sa pagiging kapitalista.
Matapos ang ilang salitaan ay humantong ito sa painit nang painit na
sagutan at banggaan ng paniniwala. Hanggang matapos ang salitaan
at nagbigay pa din ng respeto ang nakababatang si Delfin sa matanda,
at sila ay umalis na kasama si Felipe.
V. TEORYANG PAMPANITIKANG GAMIT NG AKDA
 Sikolohikal – dahil sa mga paniniwala ng mga tauhan sa
kwento.
 Eksistensyalismo – dahil sa kalayaan ng tauhan na pumili
ng kanilang paniniwalaan.
VI. REAKSYON AT DAMDAMIN
A. Mga Pansin at Puna
a. Mga Tauhan
 Ang mga tauhan ay nagamit upang ipakita ang
pagkakaiba ng dalawang pinaka tauhan sa kwento, o ang
mga pinakaimportanteng parte nito.
b. Galaw ng Pangyayari
 Naging maganda ang galaw ng pangyayari dahil sa
desisyon ng may akda na magkaroon ng kaunting
komplikasyon sa pagitan ng bida at kalaban nito.
B. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
 Dahil sa kabanatang ito ay nailathala sa mambabasa ang
pananaw ng may akda.
c. Bisa sa Damdamin
 Nabigyan ng matinding damdamin ang mambabasa na
nagiwan sa kanila ng pagkabigla at kaunting kasiyahan
dahil sa pangyayari.
d. Bisa sa Kaasalan
 Naging maganda ang kabanatang ito, dahil nagpapakitaa
nang paggalang sa matanda na siya naman talagang
nararapat.
e. Bisa sa Lipunan
 Ito ay naging magandang ehemplo para sa lipunan pati
sa kabataan.

VII. KONGKLUSYON
 Ang kabanatang ito ay maganda sa pang-kalahatan
sapagkat ito ay nagpapakita ng mga katangian na dapat
taglayin ng kabataan, ang mga katangiang ito ay
magiging mabisa pa rin sa ating kasalukuyang panahon
lalo na’t tayo ay patungo na sa mas modernong
henerasyon.
KABANATA 4

I. PAMAGAT NG KABANATA: SA ISANG PASULATAN

II. PAGTATANGGAL NG BALAKAID


A. Talasalitaan
a. napaparool - napahamak
b. adwana - sangay ng pamahaal noong panahon ng espanyol na
naniningil ng buwis
c. hugkag - walang saysay na saloobin
d. magkabisala - buluo ng ilang depekto
B. Tayutay
a. simili
b. metapora
c. pagmamalabis

III. MGA TAUHAN AT DISKRIPYON:


a. Delfin at Felipe - matalik na magkaibigan at parang kapatid na ang
turing sa isa’t-isa; parehong nagtatrabaho sa Palimbagan ng Bagong Araw
b. Mga kapwa kapahayagan - mga katrabaho nila Delfin at Felipe sa
palimbagan

IV. PAGLALAHAD NG MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI NG KABANATA:


Gamiting gabay ang mga bahagi ng maikling kwento:
Panimula:
Inilahad ang tunay na karanasan at patuloy na dinadanas ng mga
manunulat at kanilang mga kapalaran. Kahit sa kakarampot na kita ng
mga manunulat ay gunagawa parin nila ang kanilang trabaho ng tapat
at marangal.

Saglit na Kasiglaan:
Matapos ang nangyari sa batis ng antipulo mga 4 na araw ng hindi
pumapasok si felipe sa limbangan ng bagong araw - nagpagisip isip ni
delfin kung ano nga mga ang sanhi ng hindi pag pasok ni felipe.

Suliraning Inihahanap ng Lunas:


Dito patuloy ang pagiisip ni Delfin kung ano nga ba ang nangyari
kay Felipe at kun bakit hindi parin ito pumapasok sa palimbagan.

Kasukdulan:
Habang nagdedebatihan ang mga maglalahatla kung ano ang mga
balita na kanilang ilalagay ay may biglang dumating at yun nga ay si
felipe at dito biglang nabuhayan ng loob si delfin at makikita dito na
may dala dalang sulat si felipe para kay delfin na galing kay meni.
Kakalasan:
Dito pinaguusapan lamang nila si meni hanngang sa naisiwalat ni
felipe kung ano nga ba ang maibabalita ni felipe kay delfin patungkol
kay tentay na nakita rin niya sa antipulo pero itoy naudyok dahil
kinakailangan na nilang gumawa ng balita sa kanilang limbangan.

V. TEORYANG PAMPANITIKANG GAMIT NG AKDA


A. Anong teorya o mga teorya ang nagingibabaw sa akda. Bigyang
patunay.
Realismo - pinapakita sa kabanatang ito ang realidad ng buhay
ng mga mamamahayag na kahit kakaunti lang ang kita marangal
parin silang nagtatrabaho.
Sosyolohikal - pinapakita rin ang antas ng pamumuhay ng mga
karakter sa panahong iyon.

VI. REAKSYON AT DAMDAMIN


A. Mga Pansin at Puna
a. Mga Tauhan
Maganda ang pagpapakita sa mga karakter sa kabanata tulad ng
pag alala ni Delfin kay Felipe dahil sa hindi nito pagpapasok sa
palimbagan ng Bagong Araw at dito makikita ang pagmamahal at
pagaalala ng isang taong kanyang kinakapatid. Sa mga kapahayagan
naman makikita na ginagawa nila ng mabuti ang kanilang mga trabaho
kahit ng marangal.
f. Galaw ng Pangyayari
Sa pagkakalahad ng pangyayari o ang transisyon nito ay
maayos dahil makikita na maiuunay o naibabahagi parin sa
kabanatang ito ang mga nakaraang kabanata kaya naman
mas maiintindihan ito ng mga mambabasa.
B. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
Mapapansin dito ang pagiisip ni Delfin sa hindi pagpasok ni Felipe
sa palimbagan ng ilang araw at sa mga nangyari sa Antipulo ay
bumabagaba.
b. Bisa sa Damdamin
Mapapansin ang pagaalala ni Delfin kay Felipe dahil nga sa hindi
pagpasok at ang pagtingin ni Delfin kay Meni hingid sa nangyari sa
Antipulo.
c. Bisa sa Kaasalan
Makikita na gustong-gusto na makita ni Delfin si Meni ngunit ito’y
ipinahintulot ni Felipe sa pamamagitan ng sulat na galing kay Meni
upang hindi na magalit ang kanyang ama.
d. Bisa sa Lipunan
Makikita dito ang impluwensiya ng mayayaman kaya naman
nagagawa nila ang kanilang mga gusto sa buhay.

VII. KONGKLUSYON

Ang kwento sa kabanatang ito ay maaaring maihalintulad sa panahon


ngayon sapagkat makikita ang pagpupusurgi ng mga karakter sa kabanata
na kahit kakarampot lang ang kita ay kanilang ginagawa ng marangal at
mabuti ang kani-kanilang mga trabaho at mas lalo nilang pinagsisikapan
hindi pang para sa kanilang sarili kundi pati narin sa mga mahal nila sa
buhay.

Maraming mapupulot na aral sa kabanatang ito tulad ng pagaala sa isang


kinakapatid o sa isang kaibigan dahil dito makikita na mahalaga ang isang
kaibigan sa buhay ng isang tao at kapag ito’y nawala ay kanya itong
hahanap-hanapin dahil nga nagging parte na ito ng iyong buhay.
KABANATA 5

I. PAMAGAT NG KABANATA: MAGNANAKAW

II. PAGTATANGGAL NG BALAKAID


A. Talasalitaan
a. Manibughuin – seloso/selosa
b. Napaghulo – napag-isipan
c. Samyo – bango o halimuyak

B. Tayutay
a. “Ang sikat na Benus sa dibdib ni Kupido.”
b. “Ang patak ng ulan sa uhaw na lupa.”
c. “Ang lunas ng pag-asa sa lason ng pagkainip.”
d. “Isang piping salita, ngunit matunog at pasulat sa mayuming
baba.”

III. MGA TAUHAN AT DISKRIPYON:


a. Delfin at Meni – mga pangunahing tauhan sa ika-limang
kabanata
b. Felipe – maaasahang kaibigan ni Delfin
c. Don Ramon – ama ni Meni
d. Don Filemon at Ñora Loleng – nagbalita kay Don Ramon ng mga
nangyari sa pabrika
e. Talia at Martin Morales – mag-asawang dumalaw sa tahanan nila
Don Ramon

IV. PAGLALAHAD NG MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI NG KABANATA:


Gamiting gabay ang mga bahagi ng maikling kwento:

Panimula
Ang paghihintay ng dalawang binata na sina Delfin at Felipe sa
dalagang si Meni na nasa taas ng kanilang bahay, upang sina Delfin at
Meni ay makapag-usap na tungkol sa kanilang nararamdaman sa isa’t
isa.

Saglit na kasiglahan
Nang makuha ni Delfin ang matamis na “Oo” ni Meni na matagal
na niyang hinihintay.

Suliraning inihahanap ng lunas


Ang nagging suliranin sa kabanatang ito ay ang maaaring pagtutol
ni Don Ramon sa kanilang relasyon dahil wala pang maipagmamalaki
si Delfin sa kanilang pamilya dahil siya ay nag-aaral pa lamang.
Kasukdulan
Nang dumating si Don Filemon at Ñora Loleng galling sa pabrika
upang ipahayag at ilahad ang mga nangyari sa welga ar ang pagtigil
nito. Nagpaalam naman sina Talia na sila ay aalis dahil sa mga bagong
dating na sila Don Filemon at Ñora Loleng. Bago makaalis sina Talia ay
nagkasagutan pa at nagtalo ang dalawang babae.

Kakalasan
Natapos ang kabanatang ito nang pumaog na si Meni sa kanilang
tahanan na may dalang sampagita, kasabay nito ay ang pag-alis nila
Talia at ng kanyang asawa na abogado na si Martin Morales.

V. TEORYANG PAMPANITIKANG GAMIT NG AKDA


A. Anong teorya o mga teorya ang nagingibabaw sa akda. Bigyang
patunay.
a. Klasismo – ang pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang
nag-iibigan na sina Meni at Delfin
b. Romantisismo – ang pag-aalay ni Delfin ng kanyang pag-ibig
kay Meni at gagawin niya ang lahat mapasagot lamang ito.
c. Realismo – ipinakita sa kabanatang ito ang mga totoong
nangyayari at kalagayan ng lipunan.

VI. REAKSYON AT DAMDAMIN


A. Mga Pansin at Puna
a. Mga Tauhan
Maganda ang pagkakalarawan sa mga tauhan tulad na
lamang sa karakter ni Delfin dahil maihahalintulad siya sa mga
lalaking gagawin ang lahat makausap lamang at mahagkan ang
iniirog. Sa karakter naman ni Meni makikita ang isang halimbawa
ng dalagang Pilipina kung saan hindi agad nagpapadala sa
mabubulaklak na salita at sa pagiging konserbatiba nito. Sa
karakter naman ni Felipe makikita ang isang maaasahang kaibigan
na gagawin din ang lahat para sa ikasasaya at ikabubuti ng matalik
na kaibigan.

g. Galaw ng Pangyayari
Maganda ang transisyon ng kwento kung saan may mga
maiikling paglalarawan ng lugar kung saan tinalakay ang estado ng
pamilya sa istorya. May mga paglalarawan din na
makakapaghikayat sa mga mambabasa na basahin pa nang tuloy
tuloy ang kwento ng Banaag at Sikat.
B. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
Sa kabanatang ito makikita ang labis na kagustuhan ng binata
na makausap ang dalaga, nakakamanghang isipin na sa kabila ng
pagbabawal ng ama ng dalaga na makipagkita ito sa binata, ay
nagawan nila ito ng paraan sa kadahilanang sila ay lubos na
nagmamahalan.
b. Bisa sa Damdamin
Nakakalungkot na sa kabila ng kanilang pagmamahalan ay
mayroong humahadlang.
c. Bisa sa Kaasalan
Makikita sa kabanatang ito na handang maghintay ang binata
makausap lamang ang kanyang iniibig.
d. Bisa sa Lipunan
Makikita dito sa kabanatang ito na di mapipigilan ng anomang
estado sa buhay ang pagmamahalan ng mga tao.

VII. KONGKLUSYON
Ang kwento sa loob ng kabanatang ito ay maihahalintulad at
makikita pa rin sa kultura ng mga Pilipino sa kasalukuyan dahil hanggang sa
ngayon ay marami pa ring mga magulang ang tumututol sa mga kasintahan
ng kanilang mga anak lalo na kung ang kasintahan nito ay nasa mababang
estado lamang ng pamumuhay at wala pang napapatunayan sa buhay.

Sa pagbasa ng ika-limang kabanata, maraming aral ang


mapupulot at makukuha. Isa na rito ay ang kaugaliang gagawin ang lahat
para lamang makuha ang ninanais at hindi pagsuko sa anumang pagsubok
na iyong haharapin. Isa pa ay ang pagiging mapagkumbaba at
pagsusumikap upang makamit ang mga pangarap.
KABANATA 6

I. PAMAGAT NG KABANATA: SI FELIPE

II. PAGTATANGGAL NG BALAKAID


A. Talasalitaan
B. Tayutay

III. MGA TAUHAN AT DISKRIPYON:


A. Felipe - Anak ng isang mayamang ginoo sa Lalaguna
- Iniluwas ng magulang nang 18 na taon na
- Umaral sa ADMU ng Comercio

B. Kapitang Loloy - Mayamang ginoo sa Lalaguna


- Ama ni Felipe
- Kumpre ni Don Ramon

C. Don Ramon - Sa kanya nanirahan si Felipe habang na sa


Maynila
- Kumpare ni Kapitang Loloy

D. Marcela - Kapatid na babae ni Felipe


- Pinaaral sa Concorida

E. Ina Ni Felipe - Iniluwas si Felipe ng Maynila

F. Delfin - Taga Laguna na mag-aabogado

IV. PAGLALAHAD NG MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI NG KABANATA:


Gamiting gabay ang mga bahagi ng maikling kwento:
Nagsimula ang kwentong ito sa pagpapakilala kay Felipe, ang anak ng
isang mayamang ginoo sa Lalaguna na si Kaptinan Loloy. Siya’y pina
aral sa Ateneo De Manila. Sa simula na nirahan siya sa loob ng
campus nguni’t nang mapansin ng kanyang ama na pumapayat siya
roon ay nilipiat siya sa bahay ni Don Ramon na kumpare ni Kapitan
loloy.
Nang lumipas ang ilang taon napagtanto ni Felipe ang kanyang
kinukuhang kurso ay di niya gusto at sa gayon ay tumatambay na
lang siya sa Maria Christina hanggang matapos ang kaniyang klase.
At dahil dito, bumagsak siya sa kanyang ikalawang pagsusulit ng
kanyang pangatlong taon sa colehiyo. Napansin ni Don Ramon na
nakakasira na si Felipe sa paga-aral ni Talia kaya’t sinumbong ni Don
Ramon si Felipe sa kanyang magulang at nagalit ang mga magulang
niya. Gusto nilang pauwiin si Felipe pero ayaw ni Felipe umuwi. Isang
kahihiyan daw ang ginawa ni Felipe at tinanggalan siya ng mana sa
pamilya nila sapagka’t hindi maganda ang nakikitang imahen
sakanya. Nag isip si Felipe ng masidhing pagiisip, at napagtanto niya
na mag trabaho na lang siya sa para hindi siya maging pabigat.
Binibiro siya ng mga kasama niya sapagka’t hindi pa niya alam kung
paano ang takbo sa trabaho niya. Nguni’t ng dumating ang ilang taon
ay siya na ang nagbibiro sa mga katrabaho niya at umabot rin ang
oras na tumaas ang kaniyang suweldo nguni’t nung hindi siya
pinagbigyan na taasan ang kaniyang suweldo, siya ay lumipat sa
bagong pahayagan. Doon niya naging kaibigan si Delfin. At ng na
andon siya ay doon siya unang nakatikim ng suntok at sampal ng
kanyang kabisilya at kanyang katrabaho. Dumating sa Manila ang
kaniyang magulang at siya’y umiyak.

V. TEORYANG PAMPANITIKANG GAMIT NG AKDA


A. Anong teorya o mga teorya ang nagingibabaw sa akda. Bigyang
patunay.
a. Sikolohikal - Ang teoryang pampanitikan ng kabanata ay
Sikolohikal sapagkat pinapakita dito ang antas ng buhay at may
pinaniniwalaan at pinagdadaanan ang sentro na karakter sa kwento.

VI. REAKSYON AT DAMDAMIN


A. Mga Pansin at Puna
a. Mga Tauhan
Ang pagkakalarawan sa mga tauhan ay malinaw dahil
mababasa mo talaga dito ang pinagdaanan ng isang karakter
kagaya ni Felipe kung saan siya ay nag desisyon na
manirahan sa Maynila upang mag-aral para sa kanyang
kinabukasan; ngunit makikita mo dito kung ano ang nangyari
sa kanya sa Maynila kung siya ba ay naging matagumpay o
kung siya ba ay nabigo sa buhay.

b. Galaw ng Pangyayari
Malinaw ang paglalahad ng kwento kung saan ay makikita
mo talaga ang galaw ng pangyayari sa buhay ni Felipe. Tinalakay
dito kung ano ang mga pinagdaanan nya at kung saan siya sa
buhay.
B. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
Sa kabanatang ito, makikita mo ang buhay ni Felipe kung
saan gusto niyang lumuwas papunta ng Maynila para mag aral
pero siya ay nagdalawang isip sa kanyang kurso na Comercio
at tumigil siya sa kanyang huling taon. Mababasa mo din dito
ang ang mga paniniwala at pinaninindigan ni Felipe.

b. Bisa sa Damdamin
Makikita mo dito ang kalungkutan ng buhay ni Felipe kung
saan siya ay nabigo sa pag-aaral at kung saan malaking
kalungkutan na katotohanan ang kanyang pinaniniwalaan.

c. Bisa sa Kaasalan
Makikita sa kabanatang ito kahit ano mangyari ay hindi
iiba ang maniniwala at pinaninindigan ng karakter sa kwento.

d. Bisa sa Lipunan
Maihahalintulad si Felipe sa mga taong may pinaniniwalaan
ngunit ito’y hindi pinapansin o mapapansin ng ibang tao.

VII. KONGKLUSYON

Ang kabanatang ito ay umiikot sa pagpapakilala kay Felipe.


Ipinapakita dito ang pamumuhay, katangian, trabaho, pamilya, at
kaisipan ni Felipe. Bukod pa dito, ipinapakilala si Felipe bilang kaibigan
ni Delfin, at makikita din na si Felipe ay isang mahalagang karakter sa
nobelang ito.
KABANATA 7

I. PAMAGAT NG KABANATA: SA CONCORDIA

II. PAGTATANGGAL NG BALAKAID


A. Talasalitaan
a. Bato-balani- “Magnet”
b. Balintataw- Itim na bahagi ng mata
c. Gumigiyagis- Gumugulo sa isip
B. Tayutay
a. “At napasakay pa ako sa tinapay na kabayo”
b. “Huwad sa dalawang makitid na talulot ng bagong bukang
Alejandra”
c. “Ang dibdib niya ay lalo nang binagyo ng kutob.”
d. “Isang hanay at isang pook ng mga luklukhan.”

III. MGA TAUHAN AT DISKRIPYON:


a. Felipe- Kapatid ni Marsela
b. Marsela- Batang kapatid ni Felipe at ang nagustuhan ni Delfin
c. Delfin- Kaibigan ni Felipe at iniibig ni Meni
d. Meni- Kaibigan ni Felipe at Marsela at iniibig ni Delfin
e. Nanay- Nanay ni Felipe at Meni
f. Mga Madre sa Concordia- mga tagapamahala ng Concordia

IV. PAGLALAHAD NG MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI NG KABANATA:


Gamiting gabay ang mga bahagi ng maikling kwento:
Panimula- Naghihintay si Delfin kila Felipe at sa mga kasama nito sa
kanilang usapang tagpuan sa Paco Manila upang ihatid ang kapatid ni
Felipe na si Marsela sa Concordia na kung saan doon siya mag-aaral.
Saglit na kasiglahan- Ang masilayang muli ni Delfin si Meni ngunit
nagbago ito nang makita niya si Marsela na nakasakay sa kalesa
kasama ang kapatid, nanay at si Meni.
Suliraning inihahanap ng lunas- Nang mahalata ni Meni na may
pag tingin si Delfin sa kapatid ni Felipe na si Marsela at si Marsela na
mismo ang umiwas para hindi na masaktan si Meni.
Kasukdulan- Nang nagkaroon ng tahimik na alitan sina Meni at
Delfin.
Kakalasan- Umalis si delfin at iniwan si Meni ng walang maayos nap
ag uusap.

V. TEORYANG PAMPANITIKANG GAMIT NG AKDA


A. Anong teorya o mga teorya ang nagingibabaw sa akda. Bigyang
patunay.
a. Sosyolohikal- Inilarawan ditto ang kalagayan ng lipunan sa
panahon ngayon.
b. Marxismo- Dahil ipinakita sa kabanatang ito kung gaano karangya
ang paaralang Concordia.

VI. REAKSYON AT DAMDAMIN


A. Mga Pansin at Puna
a. Mga Tauhan
Nailarawan ng may akda ang mabuting pag kakaibigan ni
Delfin at Felipe at ang pag aalala ni Delfin sa kanyng kapatid
na mailagay muna sa ayos bago dumalo sap ag pupulong. At
nailarwan din ang sakit na naramdaman ni Meni kung paano
tignan ni Delfin si Marsela na may malaking pagkahanga
nailarawan dito na ang taong umiibig ay madaling masaktan
kahit sa simpleng kilos lamang. Nailarawan kay Delfin ang
pagiging mahina na kahit sa harap ng kanyang sinisintang si
Meni ay hindi niya maiwasang humanga sa kagandahan ni
marsela.
b. Galaw ng Pangyayari
B. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
Naipakita sa kabanta na ito ang kagustuhan ni Delfin na Makita
muli si Meni ay pumayag siya na makipagkita kay Felipe sa Paco kahit
matagal.
b. Bisa sa Damdamin
Naipakita sa kabanata na kahit sa harapan ng sinisinta niyang
si Meni ay nagawang iparamdam ni Delfin na may pag tingin siya kay
Marsela.
c. Bisa sa Kaasalan
Ang kasalanan dito ay ang pagkahumaling ni Delfin sa ibang
babae.
e. Bisa sa Lipunan
Naipakita dito na hindi marunong makuntento ang isang tao
sa kung ano ang mayroon sila.

VII. KONGKLUSYON
Inilalarawan ang kuwentong ito sa mga ibat ibang taong gumagalaw sa
lipunan. Mayaman, mahirap, mga kabataan na may ambisyon sa buhay
simple man o marangya, humahanga at umiibig.

You might also like