You are on page 1of 68

IKALIMANG LINGGO

NOBELANG
BANAAG AT
SIKAT:
KABANATA VII-XII
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA VII: Sa Concordia

Tungkol sa Tradisyon o Kulturang Pilipino

Bagamat kaumpok din si Delfin at si


Felipe, silang dalawa’y nalalayu-layo at
may pasaglit-saglit na salitaang bukod
sa usapan ng mga babae.
Pinagmamalas nilang isa-isa ang mga
kuwadro, at ang iba pang mga
larawang sa kabi-kabila’y natitingala.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA VIII: Mga sulat ang nag-usap

Tungkol sa halaga ng komunikasyon/relasyon

Meni: -- aantayin ko sanang ikaw ang


sumulat sa akin.. Ikaw ang may
katungkulang magpaliwanag ng di ko
madalu-dalumat na mga sanhi ng
pagkagalit mong yaon kahapon.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA IX: Kayamanan ng Mahirap

Tungkol sa halaga ng Pamilya o Relasyong Pang-tao


Nariyan sa anim na iyan ang kayamanan
mo. Ang yaman ng mahirap ay mga anak.

Oh.. Mga anak na kayamanan ng mahirap!


Magdarang pang-aliw ng Sosyedad sa mga
sawimpalad na alipin ng karalitaa?
Sampung kamatayan’y ipinaaaring buhay.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA IX: Kayamanan ng Mahirap
Tungkol sa kalagayan ng mahihirap ng manggagawa
Dumaraing ng uhaw! Ang bulong ni
Felipe-mayroon ba kayong sabaw ng karne,
upang makalakas-lakas sa katawan?
Ang mag-ina ay parang pinagtiyap na
nagkakatinginan, nang marinig ang tanong
na ito, at si Tentay ay bahagya nang
makailing waring ibig magsabi ng isang
masaklap na wala!.. – Kahit na am o sabaw
ng nilugaw.
THE 1987 CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF
THE PHILIPPINES – ARTICLE XIII
SOCIAL JUSTICE AND HUMAN RIGHTS
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA X: Huling Pati ng Isang Ama
Tungkol sa Lalaking dapat ibigin ng babae sa
pananaw ng isang Ama
Ako’y mamamatay na at hindi ako magtitiis
kung sakali. Datapwa’t kung sa mga binate
rin lamang na napaparito sa atin, ako’y
talagang kay Felipe na. Ang kabaitan niya
ay inaakala kong labis na maipaiibabaw sa
kapangyarihan ng nila. Hindi naman ang
yaman ang ikinaiibig ko sa kanya kundi ang
bait.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA X: Huling Pati ng Isang Ama

Tungkol sa pagbibigay ng tiwala

Ikaw na sana……….ang bahala


sa kanila: kahabag-habag na
totoo ang mag-iinang iyan…kung
maiwan ko.. Nang walang
mapaghabilinang paris mo..
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XI: Si Talia at SI Yoyong

Tungkol sa nagagawa ng pangalan o kapangyarihan sa mga


pahayagan
-sa bahaging ito, malinaw na ang mga pahayagan ay wala o mayroong pinipiling
impormasyon o pangalan na nais nilang iparating sa bayan. Sa pangyayaring kasalanan
ni Talia at yoyong, masasaksihan ang kaibahan ng buhay ng mayaman at ang patuloy na
kalagayan ng mahihirap (manggagawa, katulong, alila kung ito ay arawan lamang ang
bayad). Sa kasalukuyan, makikita pa rin naman ang ganitong sitwasyon at kung paanong
binibuo nito ang kulturang popular ngayon sa Pilipinas.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XI: Si Talia at SI Yoyong

Tungkol sa kultural na selebrasyon ng mayayaman


Sa Kabanata 11 ay ipinakita ni Ka Lope ang lipunan ay nahahati sa iba’t ibang uring
nagtutunggalian (conflicting socio - economic classes) tulad na lamang na
selebrasyon ng mayayaman tuwing kasalan o handaan na nalalaman ng mga
taga-rito sa pamamagitan ng kasal nina Yoyong at Talia. Matutunghayan pananamit,
pananalita, pagkilos, usapan, pagbibigay respeto at paghahanda ng mga tao sa
pagdiriwang batay sa katayuan nito sa lipunan sa pamamagitan ng iba’t ibang
karakter sa kwento

Tungkol sa kalagayan ng mga manggagawa


Makikita sa kabanata ang kalagayan ng mga manggagawa sa ilalim ng
pamamahala ni Don Ramon. Ang kanilang kalagayan na “Magtiis ka
muna tiyan sa araw ng linggong ito!”. Ang ganitong kalagayan ay
matutunghayan pa rin sa kasalukuyan. Sa mukha ng mga Pilipinong
hindi nabibigyan ng tamang benepisyo, sahod, o proteksyon sa kanilang
pagawaan o pinagtatrabahuhan. Malinaw na malinaw na iba ang trato
ng lipunan sa mahihirap o dukha.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XII: Ang Poot ni Kapitang Loloy
Tungkol sa pagsandig sa sarili o self - reliance ang isa
sa pinakamahalagang kahingian o requirement sa
pag-unlad ng isang bansa.
Sa kabanata 12, makikita ang kaisipang tungkol sa pagsandig sa
sarili o self - reliance ang isa sa pinakamahalagang kahingian o
requirement sa pag-unlad ng isang bansa o ang buhay ay dapat ialay
o ilaan o idedicate sa isang dakilang paninindigan o prinsipyo.
Makikita at maipapamalas sa kabanatang ito ang pagsandig ni Felipe
sa kanyang sariling paninindigan kahit pa ang bunga nito ay ang
kapootan ng sariling ama. Ipinakita rin na nanindigan si Felipe
anuman kamuhi ang kanyang ama at si Don Ramon sa mga tinatawag
nilang "pulubi" o mahihirap. Idagdag pa ang paninindigan para sa
pagkakaibigan nina Delfin at Felipe, na patuloy na gumagawa ng
paraan para sa hustisya at pagkapantay-pantay ng mga tao
sa lipunan.
Tungkol sa pagbuo ng usapin na mga nasa ibaba
o pulube
Sa kabanatang ito’y patuloy na ipinakita na Ka Lope ang totoong kalagayan ng
mahihirap o pulube . Ito’y isang hamon sa lahat na Makita na ang bayan ay
hindi lamang pananahimik kundi dapat ay may paghahamak para sa
panghahamak o kasakiman. Ang pagwawakas sa lahat ng pang-aapi o
oppression, panlipunan (social), pampulitika(political) o pang-ekonomya
(economic) man ang siyang magdudulot o magbubunga ng pag-unlad ng
makabuluhan o meaningful na edukasyon na kailangan sa pag-unlad ng bansa.
Hangga’t matindi o grabe ang mga social inequalities at social injustices,
imposibleng magkaroon ng makabuluhang edukasyon na ang tuon o focus ay
ang pagbuo ng lipunang mapagkalinga (caring and sharing society) broken),
depektibo at kailangan tunawin (melt/dissolve). ”
NOBELANG
BANAAG AT
SIKAT:
KABANATA
XIII-XVIII
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XIII: Tinik ng mga Bulaklak
Tungkol sa mas matinding kasalanan kaysa sa paggawa ng
masama: ito ang HINDI PAGGAWA ng mabuti o ng nararapat
gawin (sin of o mission).
Sa kabanata 13, malinaw na ipinakita ni Ka Lope na anumang tinik o hamon sa mga
bulaklak o sa dalawang magkatid, hindi iniwan ni Talia ang kanyang kapatid. Gumawa
siya ng mabuti o ng nararapat gawin sa sitwasyon o sa hamong kanilang kinaharap o
ang pagbubuntis ni Meni. Naglaman man ito ng mga pagtatalo, takot, panganib, sa
bandang huli ay mananatili silang magkapatid. Isa itong hamon ni Meni (na nagpapakita
na hindi lahat ay kayang bilhin at paikutin ng salapi. Ang pagtalikod ni Meni sa
ipinangangakong yaman ng kanilang magulang ay pahiwatig na pananalig sa sariling
pagsisikap, sa mataas na pagpapahalaga sa “puri” o “dangal,” at ang anumang yaman
ng pamilya ay hindi dapat manatili sa pamilyang iyon lamang bagkus marapat
matamasa rin ng iba pang mahihirap na tao.) Anuman ang nangyari, sa kabanatang ito
ay may magkapatid na patuloy na gumawa ng mabuti o nararapat lalo na nangyayari.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XIV: Si Delfin

Tungkol sa pakikibahagi sa usaping


panlipunan
Sa Kabanata 14, malinaw na ipinakita ang pakikialam ni Delfin at
pananaw hinggil sa mga dinaramdam ng mga dalita o naaapi.
Ipinapakita sa bahaging ito na may mga tao pa rin na may
pakialam sa mga nangyayari sa lipunan. ang mga posibleng
solusyon sa paghihirap ng bayan at may malasakit (concern) sila
sa kapakanan (welfare) ng mga kapwa Pilipino. Dapat silang
tularan ng mga kabataan sa kasalukuyan.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XIV: Si Delfin

Tungkol sa pagkakaroon ng prinsipyo, ng paninindigan ay di


dapat mawala kailanman sa isang tao: ito ang ipinagkaiba ng
tao sa hayop
Makikita sa kabanata 14 “Pagkatao ni Delfin”, ang pagkakaroon
niya ng prinsipyo, ng paninindigan ay di dapat mawala kailanman
sa isang tao: ito ang ipinagkaiba ng tao sa hayop. Makikita si
Delfin na nagbibigay halaga sa kanyang pagiging ama at sa mga
pinagdaanang mga hamon na nangyayari sa kanila ni Meni.
Pinanindigan ni Delfin ang kanyang pagmamahal kaugnay sa
nangyayari sa kanilang mga manggagawa gayundin ang kanyang
paninindigan sa pag-ibig.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XV: ANG PURI NG MAYAMAN
Tungkol sa kayang gawin ng Mayaman: Ang kayamanan ay
maaaring gamitin sa paggawa ng mabuti at ng masama; sa
pagbuo at pagwasak.
Sa bahaging ito, malinaw na kayang gawin ng mayaman ang lahat
kaugnay sa kanyang puri masaktan man ang anak. Nangyari ito dahil
sa pagtutol ni Don Ramon sa pag iibigan nina Delfin at nang kanyang
anak na si Meni. Ikinahiya rin ni Don Ramon si Meni nang malaman
niyang ito'y nagdadalang-tao . Sa kaisipang ito,
ipinapakita na ang puri lamang ang mahalaga sa ibang mga
mayayaman na katulad ni Don Ramon.
KABANATA XVI: SI NORA LOLENG
Ano ang iyong mithiin?
PAGSUSURI
KABANATA XVII
DAIG PA ANG NAGTIPAN
Ano ang iyong gampanin?
KABANATA XVIII
PAGHUHUNOS-DILI
Ano ang iyong panukala?
KABANATA XIX
WALA NANG ALAPAAP
Ano ang iyong depinisyon?
KABANATA XX
ANG NAGAGAWA NG SALAPI
Ano ang iyong kinabukasan?
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXI : SI MENI, SA PAGKATIWALAG
Tungkol sa halaga ng tao at ginhawang hindi nabibili ng
salapi
Sa kabanatang ito, ipinahiwatig ni Ka Lope ang halaga ng tao
at ginhawang hindi nabiibli ng salapi sa katauhan ni Meni.
Ipinakita dito ang kalagayan ni Meni matapos siyang matiwalag
subalit wala itong pagsisisi dahil ang mas nangibabaw ay ang
kanyang desisyon at puso bilang tao, bilang ina, at bilang
maybahay.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXI : SI MENI, SA PAGKATIWALAG

Tungkol sa halaga ng paninindigan


Sa kabanatang ito, matutunghayan ang iba’t
ibang hamon na kinahaharap ni Meni bilang
anak, bilang ina, bilang minamahal (ni
Delfin) subalit ganoon pa man ay hindi siya
nagpadala sa iba. Tayo bilang tao ay
hinahamon ng mundong ito upang
manindigan sa ating mga desisyon sa
buhay lalo na’t itong para sa ating
kinabukasan.
Ang paninindigan para sa inyong kabutihan,
kaligayahan at kapayaan ang isa sa halaga
bilang tao lalo ngayon na sa dami ng mga
nangyayari sa ating bansa, hanggang saang
reporma at pagbabago natin kayang
panindigan.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXII: MGA LAYON NI MADLANG-LAYON

Tungkol sa motibo ng isang tao—masama o


mabuti
Sa kabanatang ito, masasaksihan ang layunin ni
Yoyong kaya talagang naging bahagi siya sa
pagpapaalis kay Don Ramon at kung paano niya
minamanipula ang mga yaman nito. Sa kabanata ay
masasaksihan ang tunay na halaga ng isang
tao—kung ito ay para lamang sa salapi o ito’y para sa
kabutihan ng nakararami.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXII: MGA LAYON NI MADLANG-LAYON

Tungkol sa ugali ng mayayaman o


magpasamantala sa lipunan

Sa kabanatang ito ay malinaw din na


ipinakita kung paanong naging malabnaw
na ang pagmamahalan ng magkapatid na
Meni at Talia bunga na rin ng mga sinasabi
o layon ni Yoyong para sa kanyang asawa
(Talia). Samakatuwid, ang iniisip lang ng
mayaman ay ang lalo pang yumaman,
sila’y binulag na ng kayabangan at luho; at
dahil sila’y namumuhay nang masagana,
lalo na kapag sila’y may mga
makapangyarihang kaibigan, wala na
silang pakialam sa iba o sa kanilang
kapwa..
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIII : SALAMAT SA KANTANOD
Tungkol sa halaga ng pagbibigay tiwala sa lipunan
Sa kabanatang ito, ipinakita ni LPK kung sino lamang ang handing
alayan ng tiwala. Ipinakita sa kabanatang ito ang matinding mascara
ng kahalayan na nais gawin ni Kantanod na isa sa
pinakamapanghamon sa kalagayan ni Tentay bukod sa kanilang
pagiging mahirap. Sa bahaging ito pinatunayan ni Ka Lope na si
Felipe lamang ang dapat pagkatiwalaan at huwag basta magtitiwala
sa ibang tao na hindi naman lubusang kilala. Sa bahaging ito ng
nobela, naging pasasalamat ito ni Felipe dahil mas nakita ng Pamilya
ni Tentay ang kanyang halaga.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIII : SALAMAT SA KANTANOD
Tungkol sa pagtrato sa kababaihan o
mga tao
Sa kabanatang ito, maiiugnay natin ito sa
kasalukuyan kung paano natin binibigyan
ng tamang trato ang kababaihan o mga
tao. Sa bahaging ito ay binuksan ni Ka
Lope ang usapin sa pagnanasa o
kahalayan na ginagawa ng mga walang
puso o di makatao sa ating lipunan.
Nawa’y patuloy na magkaroon ng pangil
ang batas sa usaping ito at ang mga tao
ay wala nang masamang gawain o maling
pagtrato sa kababaihan o mga tao.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIV : INA AT ANAK
Tungkol sa gampanin/papel ng babae sa buhay-mag-asawa
at pagiging ina
Sa kabanatang ito, ipinakita ni Ka Lope ang gampanin ng isang babae bilang ina
at asawa. Kung papalawakin ang mensahe ng kabanata, matutunghayan ang
hamon na kanilang kinahaharap bilang mag-asawa at bilang ina subalit hindi na
pinaghinaan ng loob si Meni. Tinatagan niya at patuloy na lumalaban at
naninindigan sa kanyang buhay na pinili lalo na sa kanyang anak. Kung gayon,
ito ay kabanata na nagsasabing kung magiging asawa na, ay dapat tumulong sa
lahat ng hírap, palakasin ang loob ng lalaki, humati sa panganib, at alalahaning
lagi na walang hirap na di matitiis ng bayaning puso. Imulat ang mata ng anak
sa pag-iingat at pagmamahal sa puri, pag-ibig sa kapwa sa tinubuang bayan, at
sa pagtupad ng katungkulan o resposibilidad.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIV : INA AT ANAK

Tungkol sa halaga
ng Edukasyon

Sa kabanatang ito, ipinahayag


din ang pangarap na
edukasyon ni Delfin para sa
kanilang anak na siyang
magiging susi sa kanilang antas
ng pamumuhay. Ito ay isa
lamang patunay na ang
kasipagan sa pag-aaral o ang
pagtingin sa edukasyon ay
isang susi sa tagumpay at
kaunlaran.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIV : INA AT ANAK

Tungkol sa ugnayan ng ina (bilang inang bayan) at


anak (bilang tayong mamamayan)
Ang pagsasakripisyo ng ina na kaya niyang harapin ang
mga hamon o pagsubok para sa kanyang anak ay isang
usapin ng ating inang bayan para sa atin bilang mga
Pilipino. Ito ay isang laban kung hanggang saan natin
kayang maniwala na ang bayan ay dapat iisa at tayo
bilang mga Pilipino (anak) ay nag-iisip ng mga reporma
para sa kabutihan ng Pilipinas (Ina). Nawa’y ang
kabanatang ito’y maging hamon sa atin bilang mga anak
ng bayang ito kung paano nga ba tayo magbabalik ng
magagandang pangarap para sa patuloy na pag-unlad
ng ating bayan.
IKAPITONG LINGGO

NOBELANG
BANAAG AT
SIKAT:
KABANATA
XIX-XXIV
KABANATA XIX
WALA NANG ALAPAAP
Ano ang iyong depinisyon?
KABANATA XX
ANG NAGAGAWA NG SALAPI
Ano ang iyong kinabukasan?
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXI : SI MENI, SA PAGKATIWALAG
Tungkol sa halaga ng tao at ginhawang hindi nabibili ng
salapi
Sa kabanatang ito, ipinahiwatig ni Ka Lope ang halaga ng tao
at ginhawang hindi nabiibli ng salapi sa katauhan ni Meni.
Ipinakita dito ang kalagayan ni Meni matapos siyang matiwalag
subalit wala itong pagsisisi dahil ang mas nangibabaw ay ang
kanyang desisyon at puso bilang tao, bilang ina, at bilang
maybahay.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXI : SI MENI, SA PAGKATIWALAG

Tungkol sa halaga ng paninindigan


Sa kabanatang ito, matutunghayan ang iba’t
ibang hamon na kinahaharap ni Meni bilang
anak, bilang ina, bilang minamahal (ni
Delfin) subalit ganoon pa man ay hindi siya
nagpadala sa iba. Tayo bilang tao ay
hinahamon ng mundong ito upang
manindigan sa ating mga desisyon sa
buhay lalo na’t itong para sa ating
kinabukasan.
Ang paninindigan para sa inyong kabutihan,
kaligayahan at kapayaan ang isa sa halaga
bilang tao lalo ngayon na sa dami ng mga
nangyayari sa ating bansa, hanggang saang
reporma at pagbabago natin kayang
panindigan.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXII: MGA LAYON NI MADLANG-LAYON

Tungkol sa motibo ng isang tao—masama o


mabuti
Sa kabanatang ito, masasaksihan ang layunin ni
Yoyong kaya talagang naging bahagi siya sa
pagpapaalis kay Don Ramon at kung paano niya
minamanipula ang mga yaman nito. Sa kabanata ay
masasaksihan ang tunay na halaga ng isang
tao—kung ito ay para lamang sa salapi o ito’y para sa
kabutihan ng nakararami.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXII: MGA LAYON NI MADLANG-LAYON

Tungkol sa ugali ng mayayaman o


magpasamantala sa lipunan

Sa kabanatang ito ay malinaw din na


ipinakita kung paanong naging malabnaw
na ang pagmamahalan ng magkapatid na
Meni at Talia bunga na rin ng mga sinasabi
o layon ni Yoyong para sa kanyang asawa
(Talia). Samakatuwid, ang iniisip lang ng
mayaman ay ang lalo pang yumaman,
sila’y binulag na ng kayabangan at luho; at
dahil sila’y namumuhay nang masagana,
lalo na kapag sila’y may mga
makapangyarihang kaibigan, wala na
silang pakialam sa iba o sa kanilang
kapwa..
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIII : SALAMAT SA KANTANOD
Tungkol sa halaga ng pagbibigay tiwala sa lipunan
Sa kabanatang ito, ipinakita ni LPK kung sino lamang ang handing
alayan ng tiwala. Ipinakita sa kabanatang ito ang matinding mascara
ng kahalayan na nais gawin ni Kantanod na isa sa
pinakamapanghamon sa kalagayan ni Tentay bukod sa kanilang
pagiging mahirap. Sa bahaging ito pinatunayan ni Ka Lope na si
Felipe lamang ang dapat pagkatiwalaan at huwag basta magtitiwala
sa ibang tao na hindi naman lubusang kilala. Sa bahaging ito ng
nobela, naging pasasalamat ito ni Felipe dahil mas nakita ng Pamilya
ni Tentay ang kanyang halaga.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIII : SALAMAT SA KANTANOD
Tungkol sa pagtrato sa kababaihan o
mga tao
Sa kabanatang ito, maiiugnay natin ito sa
kasalukuyan kung paano natin binibigyan
ng tamang trato ang kababaihan o mga
tao. Sa bahaging ito ay binuksan ni Ka
Lope ang usapin sa pagnanasa o
kahalayan na ginagawa ng mga walang
puso o di makatao sa ating lipunan.
Nawa’y patuloy na magkaroon ng pangil
ang batas sa usaping ito at ang mga tao
ay wala nang masamang gawain o maling
pagtrato sa kababaihan o mga tao.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIV : INA AT ANAK
Tungkol sa gampanin/papel ng babae sa buhay-mag-asawa
at pagiging ina
Sa kabanatang ito, ipinakita ni Ka Lope ang gampanin ng isang babae bilang ina
at asawa. Kung papalawakin ang mensahe ng kabanata, matutunghayan ang
hamon na kanilang kinahaharap bilang mag-asawa at bilang ina subalit hindi na
pinaghinaan ng loob si Meni. Tinatagan niya at patuloy na lumalaban at
naninindigan sa kanyang buhay na pinili lalo na sa kanyang anak. Kung gayon,
ito ay kabanata na nagsasabing kung magiging asawa na, ay dapat tumulong sa
lahat ng hírap, palakasin ang loob ng lalaki, humati sa panganib, at alalahaning
lagi na walang hirap na di matitiis ng bayaning puso. Imulat ang mata ng anak
sa pag-iingat at pagmamahal sa puri, pag-ibig sa kapwa sa tinubuang bayan, at
sa pagtupad ng katungkulan o resposibilidad.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIV : INA AT ANAK

Tungkol sa halaga
ng Edukasyon

Sa kabanatang ito, ipinahayag


din ang pangarap na
edukasyon ni Delfin para sa
kanilang anak na siyang
magiging susi sa kanilang antas
ng pamumuhay. Ito ay isa
lamang patunay na ang
kasipagan sa pag-aaral o ang
pagtingin sa edukasyon ay
isang susi sa tagumpay at
kaunlaran.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIV : INA AT ANAK

Tungkol sa ugnayan ng ina (bilang inang bayan) at


anak (bilang tayong mamamayan)
Ang pagsasakripisyo ng ina na kaya niyang harapin ang
mga hamon o pagsubok para sa kanyang anak ay isang
usapin ng ating inang bayan para sa atin bilang mga
Pilipino. Ito ay isang laban kung hanggang saan natin
kayang maniwala na ang bayan ay dapat iisa at tayo
bilang mga Pilipino (anak) ay nag-iisip ng mga reporma
para sa kabutihan ng Pilipinas (Ina). Nawa’y ang
kabanatang ito’y maging hamon sa atin bilang mga anak
ng bayang ito kung paano nga ba tayo magbabalik ng
magagandang pangarap para sa patuloy na pag-unlad
ng ating bayan.
NOBELANG
BANAAG AT
SIKAT:
KABANATA
XXV-XXXI
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXV : KUMPARENG FELIPE
Tungkol sa tunay na halaga ng pinaniniwalaan sa buhay

Sa kabanatang ito, matutunghayan ang iba’t ibang paniniwala ng mga


karakter—Felipe, Tentay, Meni, Delfin na bumubuo sa halaga ng kanilang
pagkakaibigan. Sa kabanatang ito ay malinaw na ginalang ni Ka Lope na ang tao
ay may kanya kanyang pinaniniwalaan sa relihiyon, kasal, edukasyon, politika
subalit ang mahalaga ay kung paano ito bumubuo ng relasyon at komunikasyon
sa buhay. Paanong ang bawat paniniwala ay hindi nagdadala ng kapahamakan
bagkus ay nagpapalalim ng samahan at patuloy na nangangarap para sa
magandang bukas.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXV : KUMPARENG FELIPE

Tungkol sa gampanin ng kabataan sa


pagpapaunlad ng bayan at pagbabagong
panlipunan
Sa bahaging ito ng nobela, matutunghayan
na ginamit na simbolismo ni Ka Lope ang
mga pamimili nila ng pangalan sa bata
upang bigyang halaga na ang pangalan ay
kaakibat ng kanilang gampanin sa
hinaharap. Sa pamamagitan ng pamimili nila
ng pangalan ay nilalahad nila ang kalagayan
ng bayan at kung paanong nawa ay ang
kabataan sa hinaharap tulad ng anak ni
Delfin ay maging bahagi ng pag-unlad ng
bayan. Kaya naman sa ating panahon
ngayon, nawa’y patuloy na maging bahagi
ang ating kabataan ng pangangarap at
pagbuo ng mga reporma para sa pag-unlad
ng Pilipinas.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXVI : LUNGKOT SA GITNA NG SAYA

Tungkol sa iba’t ibang mukha ng pag-ibig


Sa kabanatang ito, ipinakita ni Ka Lope ang iba’t ibang mukha ng pag-ibig.
Una, dahil sa pagmamahal ni Meni sa kanyang kapatid na si Talia ay
gustong-gusto niyang makilala ni Talia ang anak niya na si Tiburcio kahit pa
(alam niyang iba na ang kaisipan ng kapatid bunga ng mga naunang
pangyayari tungkol sa mana). Ikalawa, ang labis na pagmamahal ni Delfin
sa kanyang mag-ina na gagawin niya ang lahat kahit wala silang pera maging
espesyal lang ang binyagan. Ikahuli, nang malaman ni Meni na namatay ang
kanyang ama ay labis pa rin itong nalungkot kahit na pinagmalupitan siya nito.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXVII : PAG-UWI SA SARILI
Tungkol sa patuloy na paghahanap ng tao ng halaga sa lipunan
Sa kabanatang ito ay malinaw na ipinakita ni Ka Lope ang kinalagyan ng karakter ni Don
Ramon matapos patayin ng katulong. Sa kabanatang ito ay nagpokus na ang mensahe sa
halaga ng tao sa lipunan habang ito’y buhay o namatay na. Sa pagpanaw ni Don Ramon,
makikita na pumunta pa rin ang kanyang pamilya upang makiramay dahil sila ay pamilya (kahit
masama ang loob ng kanyang mga anak sa kanya, at pinagpaliban muna ang mga personal na
samaan ng loob). Sa labas naman ng pamilya, masasaksihan ang iba’t ibang opinyon kaugnay
sa kung paano ba naging mahalaga si Don Ramon hindi lamang sa kanyang pamilya kundi sa
kanyang mga nasasakupang mga manggagawa at kung bakit kamatayan ang kanyang
kinasapitan. Ito ay isang mensahe na sikaping magkaroon ng halaga sa lipunan—hindi sa
kaisipan ng pang-aabuso, kundi sa kaisipan ng pagtulong at pakikibahagi para sa magandang
lipunan.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXVIII : KASAYSAYAN NG PITONG TAON
Tungkol sa kalagayan at halaga ng ating mga manggagawa sa ibang bayan
Sa kabanatang ito, matutunghayan ang pagbabalik halaga ni Ka Lope sa kalagayan ng mga
manggagawa hindi lamang sa ating bansa kundi sa ibang bayan sa pamamagitan ng kanyang
pagsentro sa pagsasalaysay ni Ruperto sa buhay ng mga manggagawa sa ibang bansa. Sa
kanyang pag-lalahad, nabanggit niya ang kahirapanng buhay manggagawa sapagkat
naramdaman niya ang hirap ng magsilbi para sa mga banyagang magkakaiba ang gusto at
minsan pa ay mapang-abuso. Ang kabanatang ito ay naglahad ng mga pananaw ng isang
manggagawang Pilipino sa ibang bansa at kung ating titingnan ay isa ring malaking usapin lalo
na sa kasalukuyan. Maraming pag-aaral ang naglahad ng kalagayan ng ating mga
manggagawa sa ibang bansa na patuloy na may epekto sa ating pamumuhay bilang mga
Pilipino kaya naman nawa ay magbigay ng magagandang reporma ang ating bansa kaugnay sa
kanila.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIX : KUNG MAGLIBING SI SALAPI
Tungkol sa nagagawa ng salapi sa isang bayan
•Sa kabanatang ito, malinaw na ipinakita ni Ka Lope kung paano maglibing si
salapi sa isang bayan—maaaring ikaw ay isang bayani subalit ikaw ay isang
kaaway. Sa bahagi ng isang lipunan, depende na lamang ito sa kung sino
ang may kamalayan o mananatiling bulag sa salapi. Iugnay natin sa mga
nagsabi ng magagandang papuri kay Don Ramon subalit sa pagtalikod ay
alam ang ginawang pang-aabuso nito. Magbukas nawa ito ng ating
kamalayan hinggil sa paano nga ba tayo bumubuo ng ating dignidad bilang
mga Pilipino na hindi umaayon sa salapi.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXX : DILIM AT KALIWANAGAN
Tungkol sa kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas

Sa kabanatang ito, Dilim at Kaliwanagan ay ang usapin sa pagitan ng mga mayayaman at


mga mahihirap partikular na sa mga manggagawa. Batay sa kabanata, ang mga mayayaman
ay lalong yumayaman at ang mga mahihirap ay lalong nasasadlak sa kahirapan dahil sa hindi
makatarungang trato ng mga namumuhunan sa kanilang mga manggagawa. Dagdag pa nga,
utang na loob ng mga mayayaman sa mga mangagawa ang kanilang karangyaan
sa buhay subalit sa halip na pasasalamat, pang-aabuso ang isinukli ng mga mayayamang tulad
ni Don Ramon sa mga mahihirap. Kaya naman nang mapag-usapan ni Delfin at Felipe ang mga
problemang kinakaharap ng bayan ay hindi sila nanatili roon subalit nagkaroon sila ng mga
kaisipan o kongkretong solusyon kung papaano tutugunan ito. Samakatuwid, malinaw sa mga
karakter ang dilim (mga problema) subalit malinaw rin sa kanila kung paano magkakaroon ng
kaliwanagan (reporma) para sa pagpapaunlad ng ating bayan.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXXI : MGA BAYANI NG KATUBUSAN

Tungkulin ng lahat para sa pagsikat ng magandang bukas


para sa Pilipinas
Sa kabanatang ito na may pamagat na “Mga Bayani ng Katubusan” ay
ipinakita pa rin ni Ka Lope ang patuloy na banggaan ng mga
paniniwala,prinsipyo at anumang bagay na mas mahalaga para sa mga
karakter na sina Madlang layon, Kapitang Loloy, Felipe, Meni at Delfin. Kaya
naman hanggang sa huli ng kabanata ay isang hamon ang iniwan ni Ka
Lope sa karakter ni Ruperto na naging bukas o malay na may mga tao pa rin
pa lang may kamalayan sa kanyang panahon. Ito ay hamon para sa lahat ng
mambabasa na patuloy makita kung paano magiging malay sa iyong
lipunan.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXXI : MGA BAYANI NG KATUBUSAN

Tungkulin ng lahat para sa pagsikat ng magandang bukas


para sa Pilipinas
Samakatuwid, ang kabuuan ng Banaag at Sikat banggaan ng ideya at kamalayan para
ipagpatuloy ang tungkulin ng mga karakter sa Kwento. Kaya naman sa ating panahon,
tayo ay may tungkulin rin sa ating bayan. Kaya bilang guro at mga mag-aaral, tungkulin
natin bilang mga progresibong guro at mag-aaral ang pagpapalaganap ng Makabayan,
Siyentipiko at Makamasang Edukasyon sa loob at labas ng mga pormal na institusyong
pang-edukasyon. Sa ganitong paraan ay malilinang at maipapalaganap ang isang
edukasyon na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang
mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami. Isa itong
mabisang sandata laban sa rumaragasang neoliberal na opensiba sa edukasyon at may
napakahalagang papel sa pagkakamit ng tunay, ganap at malalimang pagbabago.

You might also like