You are on page 1of 1

Salenga, Charles Christian O.

CE-1/B19

Student No. 2018103925 Ika-3 ng Disyembre, 2018

FIL110 - Prof. Wilma Bantay

Maikling Pagsusulit Bilang 2

I. Buod ng Kabanata Ikalabing-Siyam: “Wala ng alapaap”

Ang ikalabing-siyam na kabanata ay pinanimulaan ng mga pagsalaysay at mga malalalim


na paglalarawan sa dinaranas ni Meni na inilalarawan bilang isang gabing walang
makahahalintulad, at ang kalumbayang dinaranas ni Talia na kanyang kapatid na umuwing
halos wala ng diwa kundi dahil kay Yoyong dahil sa bagsik ng lasong dala ng paghihiwalay.
Pawang ipinapahayag sa mga sinapit ng dalawa na ang pag-aasawa ay isang matalim na
panlansag ng ubod ng tibay na relasyon sa pagitan ng magkakapatid at maging relassyon sa
magulang, ngunit si Delfin ay pawang ay masasabing alipin ng puso dahil nagpakita ng
pagiging malambot at katapatan kay Meni. Ipinahayag din ang mga kayamanang dati’y
tinatamasa ni Meni na mga sinamsam at ipinagkait sa kanya nung inibig niya ang maralita
ngunit may dunong at tanyag na ngalan sa bayan na si Delfin. Natalakay din ang muling
pagkikita nina Delfin, Meni at Felipe na ikinagalak naman nila ng husto ngunit, ikinagulat din
ni Felipe ang nadatnan sapagkat ibang-iba ang itsura ng nasilayan nito si Meni at inilarawan
ito bilang isang litrato ng libingan.

You might also like