You are on page 1of 72

MGA HULING KABANATA

KABANATA XXV-XXXI
KABANATA
XXV
KUMPARING FELIPE
• Delfin
• Meni
• Tentay
• Felipe
• “Ale” ni Delfin
• Kantanod
• Siano
MGA TAUHAN • Ruperto
MGA TALASALITAAN
Kasal-presidencia - Kasal Civil

Panhik – pagakyat sa hagdan

Talibugso - Buhol

Kasal na “Dikit Laway” – Mga kasal na madaling matanggal

Kuskus-balungos – Mga Walang kwentang Paguusap

Kuntil Butil- Kaguluhan

Paninikis- Galit o sama ng loob

Anarkista- Mga tumatangkilik sa Anarkiya

Martir – mga taong naghirap at namatay at hindi iniwan ang kanyang pananamapalataya

Likaw-likaw - pumulupot
ANG BUOD
NG
KABANATA
XXV

ANG UNANG YUGTO


NG KWENTO
ANG BUOD NG KABANATA XXV
Ang Unang Yugto
• Noong Sabado ng Hapon, bago maghiwalay sa limbagan si Delfin at Felipe, pinagusapan muna nila tungkol sa
pagpapabinyag ng bata. (Anak ni Meni)
• Kasama si Tentay sa pagdalaw sa mag-ina ni Delfin kinabukasan.
• Noong Makita ni Meni si Tentay at si Felipe, sinabi niya na si Felipe ay “Malaking tao” at madarang na siya dumalaw
sakanila noong siya’y magkaasawa.
• Sa sinabi ni Meni, Nanlamig at namutla si Tentay. Ramdam na ramdam ni Tentay ang hiya. Nahihiya si Tentay dahil
“Baguhan pa lamang sila ni Felipe sa buhay magasawa”.
• Dahil doon, bumulong si Tentay kay Meni na siya’y di pa nararapat na asawa ni Felipe. Sinabi niya iyun dahil siya’y
nahihiya at Kinakasama pa lamang ni Tentay si Felipe.
• Ito ang salitang angkop na itawag sa kanila dahil sa kanilang kalagayan kay Felipe. Ang magsama ng hindi nakasal sa
harap ng kahalili ng Diyos ( o Pari) ay hindi dapat tawagin na mag-asawa.
ANG BUOD NG KABANATA XXV
Ang Unang Yugto
• Kahit na ganoon, may natitira pa ring pag-asa si Tentay na mahihimok magpakasal sa Simbahan si Felipe upang hindi na
“magkasala”. At sa gayon, nanumbalik ang sigla ni Tentay sa pagkakahiya at siya’y natuluyan makibagay at matapat na
binati ang bagong kinikilalang sumasalubong.
• Ani naman ni Felipe na hindi pagmamalaking-tao kung bakit siya’y napapunta kala Meni. Sabad naman ng kanyang
kinakapatid na si Meni na kung si Tentay ba raw ang ayaw siyang papuntahin sa kanila. Pero ang totoo’y si Tentay pa nga
ang gustong makilala ng tuluyan si Meni. 
• Pagkatapos noon, sila’y nag-gunita at nakipagbiruan sila sa isa’t isa. 
• Magiliw na inanyaya ni Meni si Tentay upang tumungo sa silid kung saan natutulog ang kaniyang anak at sinabi rin ni Meni
na hayaan ang dalawa na si Felipe at Delfin na mag-usap .
• Nang makita ni Tentay ang anak ni Meni at Delfin agad ito’y napasabi na “Kamukhang-kamukha ng ama! Delfing-
Delfin!....” . Sabat pa ni Tentay kay Meni na dapat Delfin din dapat ang pangalan ng bata.
ANG BUOD NG KABANATA XXV
Ang Unang Yugto
• Pagkatapos, dahil sa sobrang panggigil ni Tentay sa bata, nagising ito ngunit, kamangha-manghang hindi umiyak ang
sanggol. Agad may sumabat sakanila at sinabing “Baka mainit ang iyong mga mata!”. Ito ang paalala ng isang
matanda sakanila. Kahit na ganoon, ngumiti pa rin kay Tentay ang sanggol.
• Pagkangiti ng sanggol ay biglang napakwento ang “Ale” o Lola ni Delfin. Kinwento niya ang naging buhay ni Delfin
at sinabing “Maraming bakod ang sisirain”. Tinanong naman ni Meni sa matanda kung parehas ba ng anak niya si
Delfin. Sagot naman ng matanda na mabait daw na nagbinata sakanya si Delfin.
• Nagtuloytuloy ang kwentuhan hanggang sa sinabi ni Meni “may mga asawa na sila’y malilikot pa” , tinutukoy sila
Delfin at Felipe.  Agad naman itong binawi ni Meni.
• Nagtuloy-tuloy ang tawanan, tuksuhan, at sayawan sa mga sandaling iyon hanngang sa mabanggit ni Meni kung
kalian magpapabinyag sila.
• Tanong naman ni Felipe na kung bakit pa raw papabinyagan pa ang bata dahil sayang lang ang kwarta na ibabayad sa
Simbahan.
ANG BUOD NG KABANATA XXV
Ang Unang Yugto
• Sabat pa ni Felipe na lahat ng seremonya na gagawin sa binyag ay puwedeng gawin sa bahay.
Sumangayon din si Delfin rito at ibig ipangalan sa bata “Sinag-araw, Dakila, Bayani”. Dahil
doon, sinabi ng matanda na “Bakit ‘di pa Diablo na ang itawag mo riyan?”
• Dahil sa nangyari, ang matanda ay tinalikuran na lamang ang dalawa.
• Ngunit, nagkakatotohanan na ang usapin ni Delfin at Felipe tungkol sa pagpapabinyag ng bata at
sinabi ni Felipe na kung sila’y magkakaanak ni Tentay, walang binyag na magaganap.
• Sinaway naman ito ni Delfin at sinabing maghinay-hinay siya.
• At sinabi naman ni Felipe na “kung gayon, ang mabuting ingalan mo sa iyong anak ay
BANAAG”. Dahil gusto ni Felipe’y imulat na agad ang bata sa mundo, at isa pang rason ay
mararanasan ng bata ang ibang lakad ng pamayanan, pamumuhay, pananampalataya, at pag-aasal
ng mga Pilipino. At dahil rin likas na lalaki ang kanyang anak, nababagay na dapat tawaging
“BANAAG” ito.
ANG BUOD NG KABANATA
XXV Ang Unang Yugto
• Ayaw ni Meni ang pangalan na “Banaag” pati na rin si Delfin. Ang naiibigang pangalan ay
“Tiburcio”. Sinabi pa ni Delfin na ayaw ng “Nanay” na pabinyagan ang bata sa Simbahan kung
wala sa Kalendaryo ang ipapangalan sa sanggol.
• Giniit pa rin ito ni Felipe pero sinabi ni Delfin na ito’y anak nila ni Meni at hindi anak nilang
dalawa.
• Ipinaliwanag ni Delfin kay Felipe na isang malaking bahagi ang relihiyon sa mga Pilipino, dahil
dito nauukol ito sa budhi ng tao, at susunod ito sa ngalan ng relihiyon.
• Ipinaliwanag rin ni Delfin ang pagkakapareho ng Anarkismo sa Simbahang Katoliko at ang mga
“martir” sa Simbahang Katoliko sa mga Anarkista.
• Inahalimbawa rin ni Delfin ang pagkakapareho ng adhikain at suliranin ng Kristyanismo sa
Sosyalismo. Si Kristo raw ay “bantog na sosyalista-komunista”.
• Sinabi rin ni Delfin na hindi sila puwedeng masunod sa gusto nila kahit na siya’y ama at si
Felipe’y ang inaama.
ANG IKALAWANG
ANG BUOD NG
YUGTO NG
KWENTO
KABANATA
XXV
ANG BUOD NG KABANATA
XXV Ang Pangalawang Yugto
• Napagusapan ng apat, sina Delfin, Meni, Tentay, at Felipe ang sinapit ng dalawa dahil kay
Kantanod. Sinabi ni Delfin na “Kaunti nang maging asawa ni Aling Tentay si Kantanod”.
Kahangang-hanga na pinagtatawan nila ang sinapit nilang agaw-buhay at dito’y nagkwentuhan sila
sa nangyari.
• Sabi pa ni Felipe kung hindi lang daw siya umuwi agad ay baka daw napatay na ni Kantanod si
Tentay.
• Ikiniwento rin ni Felipe na nakatanggap rin siya ng Letra.
• Sinabi ni Delfin na baka gusto raw malagpasan ni Kantanod si Felipe at Huwag maniwala sa
kanyang mga sinasabi.
• Nagkaiyakan si Meni at si Tentay dahil doon, nagbiruan ang dalawa na si Felipe at Delfin na baka
raw dahil sa Init ng Kape o dahil baka may sibuyas ang suman.
• Pinagusapan ni Felipe ang malalaking-loob ng mga babae at ang mga pagiging makulit kung
kausapin.
ANG BUOD NG KABANATA
XXV Ang Pangalawang Yugto
• Gusto pang malaman ni Meni ang laman ng sulat ngunit siya’y sinaway na ni Delfin. Sabi naman
ni Felipe na wala naman daw laman ito kundi ang pirma nalang ni Kantanod.
• Tinanong naman ni Meni kung ano ang ginawa ni Felipe sa Letra. Sinabi ni Felipe na hindi niya ito
pinakita kay Tentay at sa kanyang Pamilya at sinigurado na lamang ang kaligtasan ng pamilya sa
gabing yaon. Dahil dito, pinuri ni Meni ang katapangan ni Felipe.
• Ngunit noong gabing iyon ay hindi pumunta si Kantanod. Dahil nga walang maipakitang letra si
Felipe ay pabirong sinabi ni Meni na baka gumagala lang daw siya dahil daw ang mga lalaki kahit
na katabing matulog ang kanilang asawa ay nagagawa pa ring umalis.
• Tinanong din ni Meni kung ano gagawin ni Felipe kung lumitaw si Kantanod noong gabing iyon.
• Kiniwento naman din ni Felipe ang kanyang kaibigan na si “Juan Karugdog”.
ANG BUOD NG KABANATA
XXV Ang Pangalawang Yugto
• Sa huli, sumabad naman ang matanda at sinabi na “Salamat sa Diyos dahil ganoon lamang ang
nangyari”. Dahil rito, nagkatinginan sina Delfin, Felipe, at Meni at sinabing “Nagsalita na naman
ang matanda natin!”.
ANG BUOD NG KABANATA XXV

ANG IKATLONG YUGTO NG KWENTO


ANG BUOD NG KABANATA
XXV Ang Ikatlong Yugto
• Inabot na ng gabi sina Felipe at Tentay sa pagbisita kila Meni at Delfin dahil ito sa kawilihan ng
pag-uusap at pagkakilala nila.
• Si Tentay, mula sa madalang at sa pagkamahiyain na tao ay napabago ni Meni at ito’y nakita ni
Felipe at pabiro silang inahaligi o tinawag na mga “manok” dahil nakita nga ni Felipe ang
pagsasama ni Meni at Tentay. Sinuportahan naman ito ni Delfin.
• Dahil dito, sinita sila ni Meni at Tentay dahil kung ano-ano nga daw ang pinagsasabi sakanila
dahil itinulad pa daw sila sa “manok”.
• Sa mga birong nangyayari, sumaya na naman sila sa paguusap, pagsasagutan, at maiihalintulad nga
talaga sakanila na para silang magkakapatid. Ngunit nagising naman ang bata sa ingay ng apat.
• Magpapaalan na sana muli si Tentay ngunit siya’y pinigilan ni Meni.
• “Sa paguusap ng dalawa ay talagang nagkakabukasan na sila ng mga lalong liblib na laman ng
kalooban”
ANG BUOD NG KABANATA
XXV Ang Ikatlong Yugto
• Ngunit napatanong si Tentay na hindi inaasahan ni Meni. Napatanong si Tentay tungkol sa
kalagayan ng kaniyang Ama at pamilya. Tinanong din ni Tentay kung tanggap pa ba sila ng
kaniyang Ama. Sinabi naman ni Meni ang totoo na hindi na sila tatanggapin marahil sa kaniyang
pag-aasawa kay Delfin at umalis na sa bansa ang kanyang Ama, Dagdag pa rito, tinanong ni Tentay
kung bakit hinayaang umalis ang kaniyang Ama sa ibang bansa.
• Inihalintulad naman ni Tentay na kung sakanya iyon mangyayari, kahit ano pang galit ng kaniyang
pamilya sa kaniya, ay hindi niya papayagang makalayo ang isa sa kanilang pamilya.
• Upang maalwanan si Meni, sinabi ni Tentay na mas mabuti pa nga ang kaniyang kalagayan kesa
naman sa wala na talaga ang kaniyang Ama. Sinagot naman siya ni Meni na tunay nga siya ulila na
dahil wala na siyang Ina, hindi niya pa masabi kung patay ba o buhay ang kaniyang Ama dahil
wala siyang balita rito, at wala pang kapatid. Napatigil saglit si Meni at itinuloy muli ang
pagsasalita.
ANG BUOD NG KABANATA
XXV Ang Ikatlong Yugto
• Dagdag pa rito ni Meni na bago pa lamang siya umalis sa bansa ay ginawa na lahat ng kanyang
huling habilin pati narin ang testamento.
• Pagkatapos ay tinanong naman ni Tentay si Meni kung alam ba ng kanyang mga kapatid ang
kaniyang Ama. Sinagot naman ito ni Meni na binilinan si Talia na anim na buwan lamang siya sa
ibang bansa at siya’y uuwi na rin.
• Inaalwanan naman ni Tentay si Meni dahil siya’y umiiyak na. Sinabi ni Tentay na kung hindi
nagalit ang kaniyang Ama ay hindi sila magkikita at hindi niya magiging kumpari si Felipe sa
binyagan.
• Tinanong naman ni Tentay kung bakit matagal ng hindi napaparito kila Meni ang kaniyang mga
Kapatid. Mula doon, ikiniwento ni Meni ang nangyari sa kanilang magkakapatid. Ang kanilang
abogado na tumulong sa pagsisiyasat ng testamento, ang asawa ng kaniyang kapatid, at mismo ang
kaniyang kapatid ang siyang tumanggap lamang ng mana sakanyang Ama. Dahil doon sa
pangyayaring iyon, pinagbawalan ni Delfin na pumunta sa dati niyang bahay.
ANG BUOD NG KABANATA
XXV Ang Ikatlong Yugto
• Tinanong naman ni Tentay kung sumusulat direkta si Don Ramon kay Meni at sinabi
naman ni Meni na hindi nga ito sumusulat sapagkat galit pa rin ang kanyang Ama sakanya.
Nagpatuloy naman ang pagtatanong ni Tentay kung alam ng kanyang mga kapatid na
nanganak na si Meni. Ang sabi naman ni Meni na alam ni Talia na ilang araw na lamang ay
manganganak na siya. Dagdag pa rito kahit na alam ni Talia, ay hindi pa rin siya bumibisita
sa kaniya kapatid o sumusulat. 
• At sa huli, nagpulong ang apat at napadesisyonan na katapusan na ng buwan ang binyag sa
bata. 
• “Ikapito’t kalahating oras na ng gabi nang ang dalawang  panauhi’y magsipanaog”
Ang Pamagat ng Kabanata ay “Kumparing Felipe”
dahil ito ay tungkol kay Felipe kung saan siya’y
inimbitahan upang maging ninong sa binyag ng anak
nila Meni at Delfin.

PUNONG KAISIPAN
KABANATA XXVI

LUNGKOT SA
GITNA NG SAYA 
 TALASALITAAN 
TUMITIMYAS – TUNAY AT DALISAY 
LUMULUPAYPAY - NANGHIHINA 
LUMALAMLAM - LUMULUNGKOT 
PARAPARA - LAHAT 
PAGPAPAYUPYOP KUMUYOS – PINISAT O KINUSOT GAMIT
ANG KAMAY 
BINUBULAY BULAY - PINAGIISIPAN 
PAGHINUHOD – PAGSUNOD 
BUMIMBIN - PIGILIN 
BATUBATONG – KALAPATI 
• DELFIN – ASAWA NI • MADLANG LAYON • TIBURCIO – ANAK NI
MENI – ASAWA NI MENI AT DELFIN;
• MENI – ASAWA NI TALIA; MANUGANG APO NI DON
DELFIN, KAPATID NI NI DON RAMON RAMON 
TALIA • MATANDANG BABAE • DOROTEO MIRANDA
• TALIA -  ASAWA NI – TIYAHIN NI DELFIN  – PINSAN NILA MENI
MADLANG LAYON; • FELIPE – KAIBIGAN AT TALIA 
KAPATID NI MENI NI DELFIN; IROG NI • TIKONG – ALILA NI
• DON RAMON – AMA TENTAY DON R AMON
NILA MENI AT TALIA; • DR. GATDULA – • SIANO- KAPATID NI
BIYENAN NI DELFIN NAGALAGA KAY MENI AT TALIA
AT MADLANG LAYON MENI
ANG BUOD NG KABANATA XXVI
• NAGBUBULAY-BULAY SI DELFIN SA KAHILINGAN NG ASAWA NYANG SI
MENI HABANG NAGLALAKAD PAPUNTANG PASULATAN
• HINDI MUNA TUMULOY SI DELFIN SA PASULATAN NOONG ARAW NA IYON
SAPAGKAT DI MATAHIMIK ANG KALOOBAN NI DELFIN SA NAKARAANG
ALITAN NILA NI MENI
• NATIGILAN SI DELFIN HABANG NAGLALAKAD PAUWI SA KADAHILANANG
NAGBAGO ANG ISIP NYA NA HUWAG NA PUMAYAG SA KAHILINGAN NI
MENI
• HABANG NAGLALAKAD PAUWI SI DELFIN AY NASALUBONG NIYA ANG
MAGHIPAG NI TALIA AT ASAWA NI SIANO 
ANG BUOD NG KABANATA XXVI
• NAGUSAP ANG MAG ASAWANG DELFIN AT MENI TUNGKOL SA NAGANAP
NA PAGSASALUBONG NI DELFIN AT TALIA PATI NA RIN ANG BINYAG NG
KANILANG ANAK SA LINGGO PAGKAUWI NITO
• MARIIN ANG PAGTANGGI NI DELFIN SA PAGGASTOS NG MALAKI SA
HANDAAN SAPAGKAT WALA SILANG SAPAT NA PERA PARA DITO
• ISINANLA NI DELFIN ANG BRILLANTENG HIKAW NI MENI SA BAHAY
PASANLAAN NG ISANG AMERIKANO 
• BININYAGAN ANG ANAK NINA MENI AT DELFIN SA NGALANG TIBURCIO
• HINDI INASAHAN NA MAYROONG MGA PUPUNTA NA HINDI IMBITADO SA
PIGING KUNG KAYA'T NAMOMROBLEMA SI DELFIN DAHIL MAARING
MAGKULANG ANG HANDA NILA AT IYON AY KAHIHIYAN PARA SA KANILA
ANG BUOD NG KABANATA XXVI
• NAKAISIP NG PLANO ANG KUSINERO KUNG PAANO
NILA MASOSOLUSYONAN ANG PROBLEMANG ITO
• GUMANA ANG NAGING PLANO NG KUSINERO AT NAGPATULOY ANG
KASIYAHAN SA PAGAWIT NI MENI 
• MAY RUMARAGASANG NANGANGABAYO ANG BIGLA BIGLANG TUMIGIL
SA TAPAT NG KANILANG BAHAY NA NAGRESULTA NG PAGKUHA NITO NG
ATENSYON NG MGA BISITA 
• SINALUBONG NI DELFIN AND DUMATING NA KUTSERO AT MAY
IPINADALANG TARHETA SI TALIA
• KALAKIP NG TARHETANG IYON ANG BALITANG MULA PA SA PINSAN NI
MENING SI DOROTEO MIRANDA NA NASA ESTADOS UNIDOS NA PINATAY
SI DON RAMON NG ALILANG KASAMA NITO SA NEW YORK
ANG BUOD NG KABANATA XXVI
• MAKIKITAAN ANG BANGKAY NI DON RAMON NG TATLONG MALALAKING
SUGAT SA SUSONG KALIWA, SA MUKHA, AT SA LEEG
• NANG MALAMAN NI MENI ANG KARUMAL DUMAL NA BALITA AY ITO'Y
NAHIMATAY 
• GINAMOT NI DOKTOR GATDULA NA NAROROON SA PIGING ANG
WALANG MALAY NA SI MENI
PUNONG KAISIPAN 

•ANG PAMAGAT NG KABANATA NA ITO AY


LUNGKOT SA GITNA NG SAYA SAPAGKAT SA
KALAGITNAAN NG KASIYAHAN SA PIGING AY MAY
DUMATING NA ISANG MALUNGKOT NA BALITA.
IPINAPAHAYAG DIN NG KABANATANG ITO ANG
MALAKING PAGKAKAIBA SA TRADISYON NG MGA
MAYAYAMAN AT DUKHA.
KABANATA XXVII

Pag-uwi sa Sarili
Ruperto

• Kapatid ni Tentay
• Anak nina Andoy at Teresa

Doroteo Miranda
Mga Tauhan • Pamangkin ni Don Ramon
• Kaklase ni Ruperto

Felipe

• Asawa ni Tentay
• Kaibigan ni Delfin
Tikong

• Katiwala ni Don Ramon

Iba pang tauhan Don Filemon

• Kasosyo ni Don Ramon sa negosyo

Delfin, Meni, Talia, Siano, Madlang


Layon
Talasalitaan
• Pamimintuho – debosyon, pagsamba, o
malaking paggalang
• Pagpapahingalay – pagpapahinga o
pamamahinga
• Kamalak-malak – kamalay-malay
• Nagkagungo - nagkagulo
• Mapanimdim – mapag-isip, mapagmuni-
muni
• Pagsungaw – pagsulyap o pagsilip
• Dudulangin - hahanapin
Dumating na ang bangkay ni Don
Ramon sa Maynila na nagmula sa New
York.

Sapilitang ipinatigil ni Don Filemon ang pa
Buod gawaan sa El Progreso upang salubungin n
g lahat ang bangkay.

May kapansin-
pansing dalawang lalaki na namataan
 habang ibinababa ang kabaong.
Dinala si Don
Ramon sa kanyang bahay.

Dumating si Meni. Makikita ang 

Buod pansaman-
talang pagkawala ng alitan sa ma
gkaka-pamilya

Nag-usap sina Ruperto at Felipe. Nalaman


ni Felipe na si Ruperto ang kapatid ni Talia
na nag-aaral sa ibang bansa.
Ang kabanatang ito ay pinamagatang, "Pag-
uwi sa Sarili" sapagkat tinalakay dito ang
pagbabalik ni Ruperto sa Pilipinas upang
puntahan ang kanyang pamilya na
napawalay sa kanya sa loob ng pitong taon.

Punong Kaisipan
KABANATA XXVIII
MGA TALASALITAAN
KASAYSAYAN NG PITONG TAON
Ruperto 
Tentay
Felipe
Aling Tere
Lucio  
Victor
Juleng
MGA TAUHAN
• Dalahungan - pagsugod
• Hagulgol – biglaang pag-
iyak
• Kaka – tawag paggalang sa
nakatatandang kapatid
• Mawawatasan –
makasama, makaintindi
• Kolera – isang uri ng
MGA TALASALITAAN nakakahawang sakit
ANG BUOD NG KABANATA XXVIII 

• Nawalay siya sa kanyang pamilya simula taong 1898 hanggang 1905


• Nang makabalik sa bansa ay naging bagong tao na at mukhang
amerikanong-amerikano ang datingan
• Ang pagtatagpo ni Ruperto at ng kanyang pamilya
• Ang pagyaya ni Felipe na pumunta sa libing ni Don Ramon
• Pag-uusap nila Ruperto at ng kanyang pamilya tungkol sa kanyang
naging buhay sa ibang bansa
• Nakilala ni Ruperto si Don Ramon at Tikong sa Nuweba York
• Isinalaysay ni Ruperto ang kanyang nalalaman tungkol kay Don
Ramon at Tikong
PUNONG KAISIPAN
Pinamagtan ang
kabanatang ito bilang
"Kasaysayan ng Pitong
Taon" dahil ang
kabanatang ito ay
umiikot sa naging
buhay at mga karanasan
ni Ruperto sa ibang
bansa.
KUNG MAGLIBING SI SALAPI
KABANATA XXIX
• Don Ramon • Talia
• Felipe • Meni
MGA TAUHAN • Delfin • Nora Loleng
• Ruperto • Don Filemon
• Marcela • Sela
Suteang –
Yabag -  yapak o Alpombra - Magkamayaw – Kanugnog –
MGA tunog ng paa carpet mapakali
magandang
kwarto
katabi
Puntos
TALASALITAAN Alingawngaw –
Balintataw -
Suspensivos –
Baldosa – tiles ng
tunog ng putol na Pagnaog - yuko
"pupils" ng mata sahig
boses/echo konteksto sa
pananalita
ANG BUOD NG KABANATA XXIX
• Inilalarawan ang senaryo ng lamay ni Don Ramon sa ikaapat ng hapon.
• Ihahatid na ang labi ni Don Ramon sa libingan. Magkasamang naglalakad sina Felipe at Ruperto na kung saan pinag-uusapan nila ang
gagawin nila pagdating nila sa libingan. Habang nag-uusap at naglalakad, hinahanap ni Felipe si Delfin mula sa madla upang magsama
silang tatlo
• Napadaan silang dalawa sa isang paliguan, na kung saan biglang lumabas rito si Marcela na umiiyak. Nagkamustahan ang dalawang
kapatid at ipinahayag ni Marcela na nandito rin ang tatay nila. Galit pa raw sa kanya ang tatay nila kay Felipe sa mga ginawa niya noon
(pagpapabaya ng pag-aaral etc.) kaya naman sinabihan niya si Marcela na huwag kausapin si Delfin kung sakaling magkita sila. Ihinantad
rin ni Marcela na nandito sina Talia at Meni na magkakasama. 
• Pumasok silang tatlo sa paliguan. Nagandahan at napamangha si Ruperto kay Marcela. Nagkatinginan ang dalawa at inakala ni Marcela
na pamangkin ni Don Ramon si Ruperto dahil sa pagka-Amerikanong nitong itsura. 
ANG BUOD NG KABANATA XXIX
• Nagpakilala rin si Ruperto kay Sela. Inakala ni Sela na magkaibigan sila ni Felipe, kaya
hindi sigurado si Ruperto kung paano siya iimik sapagkat kakikilala pa lang niya si Felipe.
Napilitan sumang-ayon si Ruperto kaya nanahimik lamang si Marcela. Kinabahan ng sobra
si Ruperto kaya hinabol niya si Sela.
• Inalala ni Ruperto yung buhay niya sa Amerika: basta may pera ka ay madali na lamang
humanap ng pag-ibig. Hinarap niya si Sela sa halip na maipaliwanag ang sarili.
• Lumabas na silang lahat mula sa paliguan upang sundan ang lamay, na kung saan inilalakad
na ang labi ni Don Ramon.
ANG BUOD NG KABANATA XXIX
• Naiwan sina Talia at Meni dahil sadyang hindi sila makikisama sa libingan. Ito ay dahil sa mga gawain ng mga Kastila na hindi
dapat sumama ang asawa, ang mga anak at iba pang malalapit na kaibigan sa lamay ng ililibing. 
• Si Nora Loleng ay nagdadalamhati sa nangyari kay Don Ramon. Bago umalis sina Felipe, sinalubong siya ni Nora Loleng at
sinugod ng maraming katanungan. Naghahanap siya ng paliwanag sa nangyari kay Don Ramon. Hindi umiimik at tahimik lamang si
Felipe. 
• Bago nila nalaman ang nangyari kay Don Ramon, naibalita ito ni Nora Loleng sa kanila habang nasa tahanan sila ni Don Ramon.
Napuno ng dalamhati ang magkakapatid.
• Sa sobrang dalamhati, napatid/nadulas si Nora Loleng at sumalpok sa sahig. Nagising siya mag-isa sa isang kwarto matapos suyuin.
Nalungkot si Nora Loleng dahil walang tumulong sa kanya kahit nakita nila Felipe ang buong kaganapan.   
ANG BUOD NG KABANATA XXIX
• Habang hinahatid ang bangkay ni Don Ramon, inilarawan ang ginagawa ng iba pang
mga tauhan.
• Si Delfin ay nanatili muna sa bahay dahil inaayos niya ang mga gamit at kasangkapan
sa salas na ikinahigaan ni Don Ramon kanina. 
• Si Madlanglayong ang namamahala at nanguguna sa paglakad at paghatid ng libing. 
• Nakita ni Kapitang Loloy si Felipe, ngunit hindi siya pinansin.
• Si Sela, Ruperto, at iba pang mga tao ay nakisunod lamang sa lakad.
ANG BUOD NG KABANATA XXIX
• Nakarating na sa lupa ng lilibingan ngunit naabala ang paglakad dahil sa pagsisipanhik ni Don Filemon at sa
pagkarating ni Nora Loleng. Siya ay nagdadalamhati hindi na dahil pagkawala ni Don Ramon kun'di sa
natamo niyang sugat matapos sumalpok ang kanyang ulo.
• Hindi na nakisama ang karamihan sa pagnaog sa katawan ni Don Ramon sa lupa maliban kay Madlanglayon
dahil siya ang namumuno ng lakad. 
• Idinaan ang labi sa simbahan upang bigyan ito ng mga malalakas na panalangin dahil isang katoliko rin si
Don Ramon.
ANG BUOD NG KABANATA XXIX
• Inilarawan ang senaryo ng lakad. Hinihila ng walong kabayong itim ang karo ni Don Ramon.
Sumunod dito, ang mga karo ni Siano at Kapitang Loloy. Sobrang daming tao ang naglalakad.
Maikukumpara ang kanilang kasuotan sa naging kasal nina Talia. Naiwan sina Nora Loleng at
Isiang dahil kay Don Filemon. Ihahatid na ang labi sa isang libingan sa Paco.
• Nagsimula na ang mga pagtatalumpati. Puno ito ng puri sa lahat ng mga ginawa ni Don Ramon,
lalo na sa talumpati ni Don Filemon.
• Di maiwasang tumawa nina Delfin at Felipe kaya lumabas muna sila ng libingan upang hindi
mahalataan.
• Matapos magtalumpati si Madlanglayon, ibababa na ang labi ni Don Ramon sa lupa.
•Ang pamagat ng kabanata ay "Kung maglibing
si Salapi" dahil ito ay sumisimbolo sa paglibing
ni Don Ramon at ang kanyang mga yaman.
Sobrang laki at dami ang naging kontribusyon
niya sa bayan kaya maraming mga tao ang
dumalo sa kanyang lamay, na tila parang salapi o
kayamanan na mismo ang inilibing.

PUNONG KAISIPAN
KABANATA XXX DILIM AT KALIWANAGAN
• DELFIN AT FELIPE
- MATALIK NA
MAGKAIBIGAN

• TAGAPANGASIWA
- MAY HAWAK NG SUSI SA
LIBINGAN NI DON RAMON

MGA TAUHAN
• KAMALAK-MALAK SALAGIMSIM
-MALAY -"PREMONITION",
KUTOB
• NANANAGHILI
-NAGSESELOS DILI DILI
• KINAGISNANG -REPLEKSYON
-"BACKGROUND" KAKAMBALUKOL
• SUGAPA -NAPUPUNO, NAHIHIYA
- ADIK
NAGBUBULAY-BULAY
• SANSINUKOB -REPLEKSYON
-UNIVERSE
• DIKAWASA PAKAKAK
-PUMALAKPAK NG
-BUKAS NA BUKAS
MALAKAS
MGA TALASALITAAN
YUTA-YUTA
-MILYON-MILYONG
ANG BUOD NG KABANATA XXX
ANG PAGHIWALAY NINA DELFIN AT FELIPE SA
LIBING
• NAGSIMULA ANG KWENTUHAN NILANG DALAWA SA PAKSA NG
PAGPATAY NI TIKONG KAY DON RAMON, AT MGA IBANG PANGYAYARI.
• IBINANGGIT NI DELFIN ANG PAGSELOS NIYA SA BAYAW NI DELFIN
DAHIL SA KASALUKUYANG KALAGAYAN NIYA. GAGAWIN DAW NIYA
ANG LAHAT PARA LANG MAKAPUNTA AT MATUTO SA IBANG BANSA.

KWENTUHAN UKOL SA REBOLUSYONG


SOSYALISMO
• ANG PAG-IIBANG BANSA NG MGA PILIPINO AY HINDI MAKATWIRAN
PARA SA SIBILISASYON NATIN. AT SA PAGBALIK NILA DITO,
NAGMUMUKHANG MASAMA ANG KALAGAYAN NATIN KUMPARA SA
EUROPA AT AMERIKA.
• "TALAGANG GANYAN ANG TINATAWAG NA SIBILISASYON"
• "ANG SIBILASASYO'Y PARANG ALAK; ANG SIBILISADO'Y PARANG
ANG SIMULA NG KWENTUHAN NILA SA
SOSYALISMO
• ANG SIBILISADO AY TULAD TALAGA SA ISANG LASINGGERO,
PAKIRAMDAM NILA NA SILA ANG NASA GITNA NG MUNDO, AT
TAGILID PA ANG MGA KANILANG TIWALA.
• ANG PARIRALA NA "ANG DI UMIINOM NG ALAK AY DI NANAKYAT SA
LANGIT", AY MAITUTURING RIN KATULAD SA INTERPRETASYON NA,
"ANG BAYANG HINDI NAG-UUSIG NG SIBILISASYON AY HINDI
MAAARING GUMINHAWA".

INIWAKAS NA NINA DELFIN AT FELIPE ANG UNANG BAHAGI NG


KANILANG KWENTUHAN, AT BUMALIK NARIN SA LIBINGAN NI DON
RAMON. NGUNIT PAGBALIK NILA, NAKAALIS NA ANG LAHAT NG TAO AT
KASAMA NARIN ANG MGA SUMUYO SA LIBINGAN NI DON RAMON.
PAGKAUPO NILA SA TABI NG ISANG PUNONG KALASUTSE, NAPANSIN
NILA NA NAKATAMBAY LANG ANG TAGAPANGASIWA SA MAY LABASAN.
ANG PAGPAPAHAYAG NG REBOLUSYONG SOSYAL
• KAHIT SILANG DALAWA NALANG ANG NAIWAN SA LIBINGAN NI
DON RAMON, IBINANGGIT SA KWENTO NA HINDI SILA NATATAKOT
KAHIT MAY NARARAMDAM SILANG KAKAIBA SA SIMOY NG
HANGIN(DAHIL HINDI SILA NANINIWALA SA MGA ABUBOT AT
PAMAHIING SABI-SABI LAMANG).
• PINAG-USAPAN NILA ANG MGA MAS MALALIM NA DILIDILI,
KATULAD NG KAMATAYAN, KABUHAYAN, MGA MASASAMANG TAO
KASAMA SA SIMBAHAN AT IBA PA.
• MAY NAGTANONG SA KANILANG DALAWA TUNGKOL KAY DON
RAMON, "ANU-ANO ANG MGA NAGAWA NI DON RAMON BAGO
MAMATAY?" AT SAN MAPUPUNTA ANG KANYANG YAMAN?
• NAGKATANUNGAN RIN SILA TUNGKOL SA ETIKA NG TAMA AT MALI,
NA UMIIKOT SA MGA TANONG NA, "BAKIT GANOON, BAKIT
GANITO?", ETC.
• NANAHIMIK SILA DAHIL SA MGA KAISIPANG IYON AT NAUNA NA SI
DELFIN MAGSALITA, "IGALANG NALANG NATIN ANG PATAY."
• NAGKAALITAN NA SILANG DALAWA TUNGKOL SA SINABI NI DELFIN
(DAHIL IBA ANG KANILANG INTERPRETASYON SA LIBING NI DON
RAMON).
• PARA KAY DELFIN, DAPAT SIYANG RESPETUHIN KASI SIYA'Y TATAY NI
MENI, PERO PARA KAY FELIPE, DAPAT ITRATO PARIN SIYA BILANG ISANG
DEMONYO.
 MGA ASPETO NG REBOLUSYONG SOSYALISMO
• ANG LAHAT AY NAGIGIBA SA REBOLUSYON (PINAPATUNAYAN ANG
KAHALAGAHAN NG REBOLUSYONG SOSYAL) ANI NI FELIPE.
• PERO HINDI PA DAW PWEDE KASI HINDI PA RAW NAGHIHIRAP ANG MGA
MANGGAGAWA NATIN, ANG SAGOT NI DELFIN.
• ANG PAGKAKA-DIYOS NG MGA BAYANI NG ATING BAYAN (SILA ANG
NAKAKAPAG-IBA SA LAKAD NG BAYAN, MAPA NEGATIBO O POSITIBO
• NAGIGING REBOLUSYONG PAM-POLITIKA ANG NAIS NI FELIPE.
• SA NGAYON, NASA PANGALAWANG TAPAK PA TAYO SA REBOLUSYONG
SOSYAL, YUNG NAKAGAWA TAYO NG MGA MAS MARAMING BAYANI.

WAKASAN NG KANILANG KWENTUHANG


REBOLUSYONG SOSYAL
• NAGPASALAMAT SILA SA MGA NAKATULONG SA NGALAN NG
ANARKISMO (KATULAD NINA ANGIOLILLO, MGA MARTYR NG
ANARKISMO, AT IBA PA.)
• KUNG MATUTULOY ANG ANARKISMONG REBOLUSYON, MAAASAHAN
NATIN ANG MASAGANANG PAGSASAMAHAN NG TAO, ANI NI FELIPE.
• NAGTANONG SI DELFIN, "ANO NAMAN MANGYAYARI PAGLIPAS NG
KALAGAYAN NA IYON?"
• IPAPAGTULOY DAW NI FELIPE ANG ANARKISMO KAHIT NAITUMBA NA
NILA ANG MGA TAONG MAY KAPANGYARIHAN.
• GINAMIT NI DELFIN ANG REBOLUSYONG PRANSESA UPANG
IPAHAYAG ANG PUNTO NIYA.
• ANI NI DELFIN, KAILANGAN NA DAW MAGSIMULA ANG
REBOLUSYONG SOSYALISTA KASI WALANG MAS MAGANDANG
ORAS KUNG NGAYON.
• SA HULIHAN, PINASALAMATAN NILA ANG K.K.K. (KATAAS-TAASANG,
KAGALANG-GALANGAN KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN)
PARA SA MGA IDEYA NILA NA DAPAT PANTAY-PANTAY ANG MGA TAO.
• "KAILANGAN MUNA NATIN NG SARILING BUHAY", ANI NI DELFIN
(KUMBAGA, KAILANGAN MUNA NILA HANAPIN ANG TOTOONG
"SILA" BAGO NILANG MAGING TOTOONG ESTADONG-SOSYALISTA
SILA.
•  SA HALIP NG PAGKAMATAY NI DON RAMON, YAONG NAGPAPLANO PARIN SINA DELFIN
AT FELIPE NG MGA GAWAIN PARA SA KANILANG BINABANTANG REBOLUSYONG
SOSYALISMO. IBINAHAGI RIN NILA ANG MGA KONTRIBUSYON NG IBA'T IBANG MGA
PUNONG REBOLUSYONG  NAG-BIGAY INSPIRASYON SA KANILANG SARILING PLANO. SA
NGAYON, NAGHAHANAP SILA NG GANAP NA ORAS PARA SIMULAN ANG KANILANG
REBOLUSYON.

KAISIPAN
•  NAPAISIP RIN AKO, MAGANDANG MAG-ISIP NG MGA PLANONG PAN-SOSYALISTA SA
HARAP NG ISANG CAPITALISMO, PARANG MAY SARILI KANG BATAYAN SA HARAP MO.
NGUNIT PATAY NGA LANG SI DON RAMON, KAYA DI SIYA NAKAKASAGOT SA MGA ULAT
NILA.
DILIM AT
KALIWANAGAN

•TINAWAG SIYA BILANG DILIM AT


KALIWANAGAN DAHIL SA
PAGKAMATAY NI DON RAMON, AT
IDEYANG SOSYALISTA BINALANGKAS
NILA PATUNGO SA HULING
PAGKAAYOS NG HUKBO NILA.
KABANATA
XXXI
•YOYONG 
•DON FILEMON 
•KAPITAN LOLOY 
•SIANO 
•TURING 
•ISIANG 
•DELFIN 
•FELIPE 
•MENI 
•RUPERTO 
•DOROTEO 
•MARCELA 
•NORA LOLENG
MGA TALASALITAAN
•Sapapanhik – umakyat 
•umpukan – maliit na pag pupulong o pag gugrupo 
•Nagpapamitak – nagpapakita 
•Tighaw – pagkaraos 
•Sapantaha – agam-agam 
•Paanas – pabulong 
•Nasesekretahan – minamasid ng palihim 
•Marubodob – maningas sa apoy o sa damdamin ng tao 
•Namimintuho – pagpapakita ng matinding paggalang 
•Komedor – silid-kainan
• Pagkatapos makipaglibing ng mga tao humantong na
sila sa bahay ng namatay na si Don Ramon, hindi
tulad ng normal na pakikiramay ay pagtapos halos

Mga buod  lahat ng bisita ay nagsi alisan na at ang mga natira ay


sila sila nalang rin.
• Di rin katulad ng normal na libing na dapat ang
Unang parte: paguusap ay nakalaan sa buhay ng patay o tungkol
man lang sakaniya ang usapan na naganap ay
Ang pagbabalik nabalot sa kwento ni Doroteo Miranda na pamangkin
ni don ramon. Ang kwento niya ay tungkol sa buhay
sa bahay ng niya noong siya’y nag aaral sa Estados Unidos, ang
mga kakwentuhan niya naman ay sina Madlang
namatay Layon at Kapitan Loloy na halata sa dalawa na sila
ay naaaliw.
• Walang ano-ano’y sapapanhik ni Delfin, ngunit siya
lamang ang kasama dahil si Felipe ay piniling
magpaiwan sa silong dahil sa takot na makaharap
ang kaniyang ama na naging kaaway niya simula
noong makipagtanan na siya ng tuluyan doon sa
kaniyang iniirog na si Tentay. 
• Ipinakilala ni Yoyong sina Kapitang
Loloy at Doroteo kay Delfin at ng
magkaabutan ng kamay nagtaka ang
dalawa na bakit hindi naipakilala
sakanila yung lalakeng kakapasok
Mga buod 
lamang at kaya nagtanong si Doroteo sa Unang parte:
pangalan ng kaniyang kakamayan. 
• Nakita ni Delfin si Ruperto na tila may Ang pagbabalik sa
kausap sa may halamanan dahil sa labis  bahay ng namatay
niyang pag dungaw, ngunit siya’y
nagkamali dahil wala sa lupa ang
madalas niyang pagdungaw ngunit nasa
dakong kanan at isa sa mga bintana ng
dalawang kwartong magkanugnog, sa
kwarto na nga ni Meni.
• Ipinatawag ni Felipe sa kotsero ang kaniyang
bayaw na si Ruperto upang makausap nila ni
Delfin. Kahit na medyo masama ang loob ni
Ikalawang Ruperto dahil naistorbo ang kaniyang ginagawang
pagdungaw sa kaniyang iniirog na si Marcela, hindi
parte: Ang   
na siya nakahindi sa dalawa. 

pagtulong ni •  Ang pag pasok ni Ruperto sa umpukan nina Don


Filemon, Madlang Layon, Kapitang loloy atsaka ni
Ruperto kay Doroteo. Malayo sa isip ni Yoyong na magiging
espiya si Ruperto nina Delfin at Felipe kaya wala
Delfin at silang kamalay malay na nagkwekwentuhan parin
tungkol sa mga plano nila. 
Felipe. •  Ang plano nilang pag hiwalayin nalang ang mag
asawang Meni at Delfin sa kadahilanang
nanghihinayang sila kay Meni at nais nalang nila na
mahiwalay ito kay Delfin.
• Ngunit hindi sinangayunan ni Kapitang Loloy at ni Yoyong
ang planong maghiwalay nalang dahil naniniwala sila na
hindi na maghihiwalay pa ang dalawang ito. Sinusulsulan

Ikalawang
ni Kapitang Loloy si Yoyong na maging matatag sa
iniwang testament ni Don Ramon na huwag mabigyan ng
mana si Meni kaya’t ayaw rin nalang nila pumayag sa
 parte: planong maghiwalay ang dalawa at mabuting masarili ni
Yoyong at ng asawa niyang si Talia, pati narin si Doroteo
Ang pagtulon ang mana ni Don Ramon.
• Naglabas ng sama ng loob si Kapitang Loloy tungkol sa

g ni Ruperto kaniyang anak na si Felipe at kung bakit ito lumalaban sa


mga kagustuhan niya at nagiging matigas ang ulo. 
• Umakyat ang tatlo at naiwan na parang basing sisiw si
kay Delfin Ruperto na iniisip ng mabuti kung itutuloy niya pa ba ang
kaniyang plano na magsilbeng sikreta para kaila Felipe at
at Felipe. Delfin.
• Ang muling paguusap nina Ruperto, Delfin at Felipe. 
• Muling pagkikita at paguusap ni Ruperto at Marcela
• Tumunog ang isang munting
batingaw na naghuhudyat na
oras na ng hapunan. 
•       Nagtipon tipon na ang lahat
maliban kay Nora Loleng at
Felipe. 
•       Dito na nagsalita si Meni
Ikatlong parte: tungkol sa kaniyang mga
nalaman tungkol sa pagplaplano
Ang hapunan nilang paghiwalayin sila ni Delfin
at ang paninirang puri nila sa
kaniyang asawa. 
•       Huling banat ni Felipe.
•Hindi mananaig ang masama
laban sa mabuti sa kahit anong
paraan at sitwasyon. 

•Hindi porket nasa ibabaw ka


na ay diyan ka na mananatili
habang buhay dahil
magkakaroon ng pagkakataon
na magpapantay ang dating
PUNONG mahihirap sa mayayaman at
huwag magpakampante dahil
KAISIPAN bilog ang buhay 

•Hindi kahit kalian mabibili ng


yaman ang isang tao at ang
kaniyang prinsipyo lalo na ang
kaniyang pagmamahal para sa
isang tao.
Mga bayani ng
katubusan

• Ito ang pangalan ng kabanata na ito dahil


ipinamalas dito ang matinding prinsipyo at
kung paano manindigan sa iyong
paniniwala at ideolohiya. Bayani na
itinuturing ang ating mga pangunahing
tauhan dahil hindi sila kahit kalian
nagpatalo sa mayayaman kahit pa’y ilang
ulit na sila nitong sinubukan pabagsakin.
Nagawa rin nilang lumaban ng hindi
gumagamit ng dahas ngunit gamit ang
matutulis at matatalinong salita upang
magsilbeng aral sa mga kinauukulan.

You might also like