You are on page 1of 3

KABANATA X: “Huling Pati” ng isang Ama

 Ikinukwento ni Tentay kay Felipe ang alaala sa pangyayari noong ang kanyang ama ay tila

namamaalam na sa kanilang mag-iina. (sa bahay ang lokasyon)

 (see p.134 – “Asawa ko, mga anak ko, (biglang uubo) tila ako’y hindi na uumagahin…

Patawarin mo ako, aking asawa, kung nagkulang sa pagmamahal sa iyo… - Ay si Ruperto!” –

Ama ni Tentay)

 (see p. 135 – “Tatay ko, huwag niyo nang ikablisa ang bagay na iyan! Ako po’y susunod ng

lubos sa mga tagubilin… - manila kayo’t ako’y nalilinawan na ngayon!” - Tentay)

 Labis ang saya na nararamdaman ni Felipe nang kanyang malaman na napasagot na niya

ang kaniyang irog, na para kay Tentay ay ito ay sa kadahilanang ipinangako niya sa kanyang

ama. (see p.135-136 – “Oo, Ipeng,…” hanggang “Pataying mo na ako!” – Pag-uusap ni Felipe at

Tentay)

 Sa sayang nadarama ni Felipe, sinabi nito, (see p.136 – “Oo – anong tamis! Salitang pumahid

sa kabuhayan ko ng lahat ng pait… paglililuhan ng inoohan mo.” - Felipe)

 Dumating sa bahay nila Tentay si Aling Marta upang makatulong ito sa kanila sa mga bagay-

bagay.

 Ilang araw ng hindi nakakapasok si Tentay sa El Oriente, pagawaan ng tabako, sapagkat

mahina din naman ang kinikita nito lingo-linggo.

 Ilang araw na ng mamatay si Mang Andoy kung kaya’t naisipan ng mag-iina na tumanggap

na lamang ng mga patahi upang mayroon silang ikinabubuhay.

KABANATA XI: Si Talia at si Yoyong


 Nagsimula na ang paghahanda para sa kasal nina Talia at Yoyong sa darating na araw ng

sabado.

 Isang magarbong kasalan ang naganap, ngunit sa hapong iyon ay umulan, subalit hindi ito

nakasagabal sa kasiyahang ng okasyon. (Simbahan ang lokasyon) (see p.157 para sa salitan

ng pag-I do ng magkasintahan)

 Mula sa cathedral papuntang Santa Cruz ay nagsidatingan na sa resepsyon ang mga bisita.

 Bawat dalaga’y tinitingnan ang pagdating ni Talia na wari’y nahihili sa kaniya.

 Pinagbubulungan ng mga babae si Talia kung saan ang kasuotan niya ay lihim na kanilang

pinagtatawanan. (see p.159)

 Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay tila nawawala si Meni, kung kaya’t hinanap ito ni Talia.

 Si Meni ay nagtatago sa araw ng kasal ng kanyang kapatid, nag-iiyak, sapagkat

ikinalulungkot niya ang kaisipang aalis na ang kanyang kapatid sa kanilang pamamahay.

 See p.161 para sa pinagusapan ng magkapatid.

KABANATA XII: Poot ni Kapitang Loloy

 Si Kapitang Loloy ay lumuwas at nakituloy sa tahanan nila Don Ramon. Nakita ito ni Talia na

nakaupo sa kanilang salas. (see p.177 – “Kayo pala! …”, “Oo, sa bapor.”)

 Gabi gabi’y nasa tahanan nila Tentay si Felipe. Ang dalawa ay tila nagiging komportable na

sa isa’t isa, at habang sila ay nagpupulong ay napansin ng binata na may lungkot na

nadarama si Tentay (see p.181-183) (Sa bahay nila Tentay ang lokasyon)

 Sa paggising ni kapitang Loloy, siya ay lumabas sa sala at doon umupo habang inuubos ang

kanyang sigarilyo. Pagkatapos, siya ay bumaba sa silong upang makita kung naroon na ang

kanyang anak na si Felipe. At naroon nga si Felipe, nakaupo at nagsusulat sa kanyang

lamesa. Hindi natanaw ng binata ang pagdating ng ama sapagkat siya ay nakatalikod.
 Nag-uusap ang mag-ama hanggang sa nalaman nitong kina Tentay siya nanggaling kung

kaya’t gusting palayuin ni kapitang Loloy ang kanyang anak kay Tentay dahil hindi raw nila

ito kapantay. (see p.186 – “Felipe! Halika!” hanggang p.188)

 Matapos ang kanilang pag-uusap, ninais ni kapitang Loloy na isama sa Silangan si Felipe

upang makahanap siya ng pwedeng ipalit kay Tentay.

 Sumulat si Felipe kay Delfin upang humingi ng tulong upang ipaalam kay Tentay na siya ay

mawawala muna ngunit hindi niya ipinabatid sa dalaga ang dahilan kung bakit siya

mawawala. Binigyan din ng dalawampung piso ni Felipe si Delfin na iaabot niya para kay

Tentay.

 Nang matanggap ni Delfin ang sulat ni Felipe ay sumunod nga ito sa kaniya. Pumunta siya sa

bahay nila Tentay ngunit sa unang punta niya ay wala siyang nadatnan, at sa ikalawang

pagkakataon ay nahagilap niya si Tentay at ang kanyang ina sa kanilang bahay.

You might also like