You are on page 1of 1

Filipino 9 ST6: Teoryang Romantisismo 3rd Qrtr

Pangalan___________________________________________________ Petsa _______________Iskor_______


I. Basahin ang mga bahagi mula sa iba’t-ibang kwento at suriin kung ito teoryang romantisismo o hindi.
Sinabi ni Florante sa kanyang sarili na kaya niyang tiisin ang pagdurusa, kung ito ang gustong mangyari ng Maykapal. Iisa lamang
ang tangi niyang hiling, ang maalala siya ng kanyang minamahal sa si Laura. Di niya maiwasang maalala ang kanilang suyuan, at
iniisip niya na baka agawin si Laura ng kanyang karibal na si Adolfo.

Pagpapaliwanag

Hindi dumating si Don Pedro sa kaharian kaya’t inutusan ni Haring Fernando si Don Deigo na hanapin ang Ibong Adarna at si Don
Pedro. Naglakbay si Don Diego ng limang buwan at nakarating siya sa Bundok Tabor at sa Piedras Platas. Nakita niya na walang
ibon nagppupunta sa sanga ng Piedras Platas. Humiga siya sa isng kakaibang bato na nasa ilalim ng Piedras Platas para maghintay
sa Ibong Adarna. Pagdating nag Ibong Adarna, kumanta ito ng pitong beses at nagbago ang balahibo ng pitong beses. Nakatulog si
Don Diego dahil sa kanyang kanta at dumumi ulit ang Ibong Adarna. Napatakan ng Dumi si Don Diego kung kaya’t naging bato din
ito tulad ni Don Pedro.
Pagpapaliwanag

Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay
Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng
binatang sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang patlang
ang sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan.
Pagpapaliwanag

Sa pagnanais ng kanyang pinsang si Benvolio at kaibigang si Mercutio na maaliw ito, inaya nila ito sa isang sayawan sa bahay ng
mga Capulleto. Pumayag naman si Romeo nang mapag-alaman nitong dadalo rin si Rosalina. Sa naganap na sayawan sa bahay ng
mga Capuletto, nakita ni Romeo si Julieta na anak ng kaaway ng kanilang angkan, na sila Senyor at Senyora Capuletto. Sa unang
araw ng kanilang pagkikita ay nahulog na sila sa isa’t isa. Kapwa nila batid na sila ay mga anak ng magkaaway na pamilya, ngunit
nagkaunawaan pa rin sila. At dahil dito nagkasundo silang magpakasal kinabukasan, sa tulong ni Fray Lozenzo, ang padre
kumpesor ni Romeo.

Pagpapaliwanag

Dalawang araw bago ang kasal, sumulat si Rosa kay Nardo na sila’y muling magkita. Kasulukuyang mag sau-salo sa tahanan Nang
makabalik siya sa kanyang kwato, nakita nya si Nardo na sugatan. Bigla niya itong niyakap at sinabi niya kay Nardo na siya lamang
ang tangi niyang maha.. Nagtangka si Rosa na uminom ng lason ngunit napigilan ni Nardo. Hindi sinasadyang may magpatak na
nagsanhi ng pagpanaog ng mga tao sa kwarto ni Rosa. Dahil ditto, naisipan ni Nardo na magpanggap na lang na magnanakaw.

Pagpapaliwanag

You might also like