You are on page 1of 4

Mark Jefferson David Pagbasa at Pagsusuri

ABM11-A

I. Pamagat at Petsa

Ang ngalang ng dula ay “Tagu-Taguan Nasaan Ang Buwan” ipinilabas noong ika-8 ng Pebrero
2020.

II. Mga Tauhan

Lola Luna- Ina ni Jepoy at si inang buwan. Dahil sa pagkatanda ay unti unting nalimutan ang
mga kwentong dati na ikinekwento niya sa anak niyang si Jepoy na kalaunan ay naikwento niya
pa sa anak nito na si Popoy.

Jepoy- Anak ni Lola Luna at tatay ni Popoy. Siya ang gumawa ng Saysay Lupalop gamit ng
imahinasyon niya noong bata pa siya. Noong tumanda na ay ayaw ng alahanin ang mga kwento
ng kanyang Ina sa dahilang hindi naman daw ito nakakatulong.

Mang Etsano- Kasamahan ni Popoy, Jeffrey at Lola luna sa bahay

Popoy- Anak ni Jeffrey at apo ni Lola Luna. Di inaasahang mapunta sa Saysay Lupalop na
naging Dilim Dilim land dahil sa kanyang ama. Nakakilala ng mga kaibigan na tumulong na
iligtas ang Saysay Lupalop at ibalik ang mga alaala ni Lola Luna

Ngo- Kaibigang daga na nakilala ni Popoy sa Dilm Dilim Land.

Princessa Mina- Prinesang nakaagapay kay Popoy sa kanyang paglalakbay sa Dilim Dilim Land
na may husay na kaalaman sa lugar

Little Match Girl/Gagamba- Babaeng may hawak na posporong mahiwaga na kailangan ni


Popoy para matalo si Papaw Halimaw

Mamang Pulis- Tagabantay sa Dilim Dilim Land at nanghuhuli ng mga sumasaway sa batas

Ismail at Isabel- Dating magkakaibigan na manlalayag ngunit nagging magkaaway dahil sa mga
batas at bawal na salita sa Dilim Dilim Land

Pepe at Pepito- Dalawang magkaibigan na mula sa ibang panahon kung saan si Pepe ay ang
batang Rizal at si Pepito naman ay isang batang bibo.

Papaw Halimaw- Ang kalaban ni Popoy at ang sumumpa sa Saysay Lupalop upang maging
Dilim Dilim Land na nakaapekto din sa mga naninirahan doon
III. Buod

Noong bata si Jepoy ay mahilig na siyang kwentuhan ng kanyang in ana si Luna kung saan
napalawak niya ang kanyang imahinasyon at nakabuo siya ng mundo na tinawag na Saysay
Lupalop kung san nakatira ang iba niyang mga imahinaryong kaibigan. Dahil narin sa paglipas
ng panahon at pagtanda ni Jepoy ay unti unti rin itong nawala. Pagkalipas ng ilang taon ay
bumisita sina Jepoy at ang kanyang anak na si Popoy sa bahay ni Lola Luna at doon nakilala ni
Popoy ang kanyang Lola Luna na pinipilit alahanin ang mga istoryang ikinikwento niya kay
Jepoy ngunit hirap na siya sa pagalala. Noong pagkaalala ni Lola Luna kung nasaan niya naitago
ang mga kwento ay hinanap niya ang baul na naglalaman ng mga ito na kung saan may
makikitang luminaryo na nagsasabing “Tagutaguan maliwanag ang buwan, masarap maglaro sa
dilim-diliman.” Sa pag kuha ni Popoy sa baul at pagkita sa nilalaman nito mistula siyang
naiwang magisa sa bahay kung saan nakilala niya si Ngo na isang daga na naghihingi sakanya ng
tulong upang iligtas ang Saysay Lupalop na nagging Dilim Dilim Land. Sa pagbanggit nilang
dalawa ng luminaryo ay napadpad na sila sa Dilim Dilim Land kung saan ipinaliwanag ni Ngo na
kailangan ni Popoy ng kumikislap na puso, espada, libro at bangka upang malabanan si Papaw
Halimaw.

Sa paglalakbay nila sa Dilim Dilim Land ay natagpuan nila si Prinsesa Mina na may lubos na
kaalaman sa lugar at alam kung saan makukuha ang mahiwagang espada. Sa mahabang
paglalakbay ay kalaunan din silang nakapunta sa lugar ni Match Girl na nakatago sa kanyang
kahon. Pinaliwanag niya kung paano makukuha ang kanyang mahiwagang posporo na espada ay
kinakailangan muna maglaro sila ng pick-up-sticks. Natalo sina Popoy, Mina at Ngo ngunit
natuwa si Match Girl at ibinigay na lamang ang espada bago pa dumating si Papaw Halimaw.
Matapos dumaan sa lugar ni Match Girl ay napunta naman sila sa isang lugar na tila’y natuyot na
ang tubig dtto nakita nila si Ishmael at Isabel ang magkapatid na kambal. Nadatnan nila Popoy
ang magkapatid na pinagaagawan ang isang lubid na naglalaman ng mga batas na hindi dapat
gawin o sabihin at sinusunod nila ito upang hindi mahuli ni mamang pulis. Nang sumuway sila
batas gamit ng kanilang imahinasyon ay nagkatubig muli sa lugar at dahil doon ibinigay nina
Ismael at Isabel and libro kay Popoy. Gamit ang bangkang papel ay nakaalis sila agad bago pa
maabutan ni Papaw Halimaw. Sa kanilang pamamangka ay napadpad sila sa lugar na Walang
Hanggan at doon nakilala sina Pepe at Pepito. Dahil sa kaharutan ng dalawa ay kinuha nila ang
libro mula kay Popoy at upang makuha niya ulit ito ay dapat sumagot muna siya ng mga bugtong
kung saan siya ay nagtagumpay at nanumbalik rin ang alaala nina Pepe at Pepito. Nakuha na
nina Popoy ang mga gamit at ang pusong kumikislap nalang nag natitirang kulang. Kalaunan ay
dumating narin si Papaw Halimaw at hawak hawak niya ang mga taong nakilala ni Popoy sa
kanyang paglalakbay sa Dilim Dilim Land kung saan naglaban at bumagsak siya sa lupa na
nagging sanhi ng pagkabalik niya sa totoong mundo.

Sa pagkabalik ni Popoy sa totoong mundo mapapansing nirerepresenta pala ni Papaw


Halimaw si Jepoy na tila pinapagalitan si Popoy at sinasabihan ang kanyang Ina na si Lola Luna
na itigil na ang pagkwekwento niya kay Popoy dahil wala naming “happy ending” sa buhay. Sa
pagkausap ni Popoy at Lola Luna kay Jepoy ay natauhan rin siya at napansin muli ang
katotohanan sa mga kwento ni Lola Luna na ito’y naitataglay ng sino man bata man o matanda.
Unti unting nanumbalik ang alaala ni Lola Luna at nagkasundo na sina Popoy at Jepoy na
nagging sanhi ng pagkaligtas ng Saysay Lupalop.

IV. Pagsusuri

Ang tema ng dulang “Tagu- Taguan Nasaan Ang Buwan” ay pagmamahal at pagbibigay
kahalagahan sa turo ng mga nakaktanda at lakas ng loob sa magpursige. Makikita na hindi
man naisip ni Popoy na sumuko sa gitna ng kanyang paglalakbay para matalo si Papaw
Halimaw at matulungan ang mga naninirahan sa Saysay Lupalop, at para narin manumbalik
ang alaala ng kanyang lola na si Lola Luna. Isa sa mga puntong binibigyang diin sa dula ay
ang pagbibigay ng tiwala at lakas ng loob sa sarili na makikita sa kilos ni Popoy sa buong
paglalakbay niya. Makikita ring binigyang diin ang kahalagahan ng imahinasyon, bata man o
matanda dahil ito’y nakakatulong rin sa paglutas ng problema sa buhay. Nabigyan ding diin
ang pagpapahalaga sa relasyon ng isang Ama/Ina sa kanyang anak na makikita kela Popoy,
Jepoy at Lola Luna. Ang dulang ito ay hindi lamang pampalibang, ngunit ito rin ay
nagpapahayag ng mahalagang mensahe sa kabataan at nakakatanda na ang imahinasyon ay
parte parin ng tao na nakakabit rin sa kanilang alaala at iba pa. Natutunan ko sa dula na ito na
huwag pigilan ang imahinasyon ng aking sarili o ng sino man dahil ito ay isa sa magiging
dahilan ng kasiyahan sa ating buhay.

You might also like