You are on page 1of 3

MARY JANE BISNAR PPAP

BEEd1 FEBRUARY 14,2023

I. PAMAGAT
"LOLA"

II. PANIMULA
● Sa unang bahagi, ipinakita doon na pumunta si Lola Sepa sa lugar kung
saan napatay ang kanyang apo at nagtirik siya ng kandila, tumingin din
siya ng murang kabaong na para sa kanyang namatay na apo. Ang apo
ni Lola Sepa ay namatay dahil sa pagkakasaksak ng cellphone snatcher
at iyon ay ang apo ni Lola Puring na si Mateo.

III. URI NG MGA TAUHAN


● Anita Linda - Lola Sepa
<< Siya ang lola ng namatay dahil sa saksak ng cellphone snatcher.
● Rustica Carpio - Lola Puring
<< Siya naman ang lola ng sinasabing suspek sa pagkamatay ng apo ni
Lola Sepa.
● Tanya Gomez - Ditas
<< Siya ang laging kasama ni Lola Sepa sa bahay at kapag may
pupuntahan ito.
● Jhong Hilario - Bebong
<< Ang isa pang apo ni Lola Puring at kapatid ni Mateo.
● Ketchup Eusebio - Mateo
<< Siya ang sinasabing suspek sa pagkamatay ng apo ni Lola Sepa.
IV. TAGPUAN
● Palengke
● Simbahan
● Morgue
● Ilalim ng Tulay
● Presinto
● Sitio Ilog
● Lending Office
● Hukuman ng Hustisya
● Barangay Soledad
● Munisipyo

V. KATAWAN
● Si Lola Sepa at Lola Puring ay parehas na kapos sa buhay o sa madaling
sabi ay mahirap. Nagtitinda lamang ng mga gulay si Lola Puring kasama
pa ang kanyang isang apo na si Bebong. Si Lola Sepa naman ay
ginagawa ang lahat para maipalibing ng maayos ang kanyang namatay na
apo at ang lagi niyang kasama sa pagaasikaso ay si Ditas na kapatid ng
kanyang namatay na apo.

VI. KAKALASAN/KASUKDULAN
● Parehas ipinaglalaban ni Lola Sepa at Lola Puring ang kanilang apo.
Lahat ay ginagawa ni Lola Puring para makaipon siya ng pera para sa
kalayaan ni Mateo, si Lola Sepa naman ay gustong makamit ang
katarungan na para sa kanyang apo at ginawa niya ang lahat para
magkaroon ng maayos na libing ang kanyang apo. Gustong makalaya ni
Lola Puring si Mateo kaya pumunta siya sa bahay ni Lola Sepa at
mayroon silang pinagkasunduan.
VII. KONKLUSYON
● Pumayag si Lola Sepa sa kasunduan nila ni Lola Puring, ang mga naipon
ni Lola Puring ay ibinigay niya ng pasikreto kay Lola Sepa ngunit
nagkapatawaran din bandang huli.

VIII. REPLEKSYON
● Makikita sa palabas na ito ang pagmamahal ng dalawang lola sa kanilang
mga apo, gagawin nila ang lahat para sa ikabubuti ng kanilang apo. Isang
pagmamahal na hindi ko naranasan at alam kong hindi ko mararanasan.
Ipinakita din dito na kahit anong sitwasyon, kapag mahal mo ang isang tao
o ang pamilya mo gagawin mo ang lahat para lang sa kanila at sa
madaling sabi pagmamahal at pagpapatawad ang dumadaloy sa palabas.

You might also like