You are on page 1of 4

I.

PAMAGAT NG AKDA
- “Bata, Bata… Pa’no ka Ginawa”
 KAHULUGAN NG PAMAGAT
“Bata, Bata… Pa’no ka Ginawa?, Paano ka ginawa sa lipunang ang
tungalian ay makauri, isang panahong bayan ay nasa krisis, sa isang pamilyang
nakikipaglaban sa taong tiwalag sa kapwa? Paano? Sa pag-ibig, at sa pag-ibig
kailangang ding mabuhay at mag alay ng buhay.”
Isa itong akdang masasabing may malaking kontribusyon sa mga Pilipino
upang maging mulat sila sa katotohanang bumabalot sa lipunan.
 MAY AKDA
Lualhati Bautista
- Pinanganak sa Tondo, Manila noong ika-2 ng Disyembre 1945. Nagtapos siya
sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School
noong 1962. Ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kuwento,
pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula. Ilan sa mga nobela niya
ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa
kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984.
 INTERNET
https://www.goodreads.com/book/show/1705415.Bata_Bata_Pa_no_Ka_
Ginawa_
http://gabaysafilipinoniley.blogspot.com/2017/06/pagsusuri-sa-bata-
batapano-ka-ginawa-ni.html

 TAUHAN
Lea Bustamante - isang mapagaruga at mapagmahal na ina kay Ojie at Maya.
Nagtrabaho siya sa isang organisasyon na kung saan
ipinaglalaban ang karapatan ng tao.
Raffy - Unang asawa ni Lea na nang iwan sa kanya nang magkaroon
ng trabaho sa Surigao. Ama ni Ojie.
Ding - Pangalawang asawa ni Lea. Ama ni Maya. Naging karamay
ni Lea sa mga panahong wala ang unang asawa nito.
Ojie - Panganay na anak ni Lea.
Maya - Bunsong anak ni Lea. Isang masayahin at madaldal na bata.
Johnny - Katrabaho at naging kaibigan ni Lea.
Mrs. Zalamea - Principal ng eskwelahan na pinapasukan nina Ojie at Maya.
Humanga kay Lea sa pag tatrabaho nito sa Organisasyon ng
Karapatang Pantao
II. BUOD
Bata, Bata…Pan’no ka ginawa?

Sa pagtatapos ni Maya ng kinder nalaman ni Lea ang pagbabalik ni Raffy,


ang kanyang dating asawa mula Estados Unidos. Anak nito si Ojie ang
panganay na lalaking anak ni Lea. Humiling ito kay Lea na makipag kita ito sa
kanya at pumayag naman si Lea para sila rin ay makapag usap. Masayang
nakita ni Raffy ang anak na si Ojie. Habang naguusap naman si Lea at Raffy ay
dito na hindi mapigilang umiyak ni Lea dahil sa paglabas ng sama ng loob nito
kay Raffy. Nalaman din ni Lea na may roon ng bagong asawa si Raffy at tatlong
buwan na itong buntis. Nais patirahin ni Raffy si Ojie sa kanila habang ito’y nasa
Pilipinas pa at nag babakasyon, pumayag naman si Lea ukol sa hiling ni Raffy
ngunit tutol dito si Ding dahil wala daw makakasama si Maya at tiyak na
malulungkot ito kapag umalis si Ojie, pero wala ng nagawa si Ding dahil
pinayagan na ang batang lalaki. Tumira si Ojie ng isang buwan sa kanyang ama.
Sa pag uwi ni Ojie sa kanila galling kila Raffy ay muling nag usap si Lea at Raffy,
nais ni Raffy na isama na si Ojie sa Amerika para doon na manirahan kasama
niya, hinayaan naman ni Lea na mag pasya ang anak na kung ito ay sasama o
hindi, dahil naniniwala siyang si Ojie ang may hawak ng kaniyang sariling buhay.
Nagkaroon ng miting ang lahat ng magulang sa eskwelahan nina Ojie at
Maya, hindi naging maayos ang miting dahil sa hindi pagkakaintindihan ng mga
magulang dahilan ng pang iinsulto ng lalaki kay Lea. At dahil rin sa pag aalitan
ng mga guro nina Ojie at Maya tungkol sa apelyido ni Lea. Nalaman ni Ojie ang
mga pagtatalong ito at siya’y lubhang naapektuhan dahil dito, hindi siya
pumapasok sa eskwelahan at inuubos na lang ang oras sa pag gala at pag sama
sa barkada. Isang araw nakita ni Lea si Ojie sa bilyaran at pinauwi nito agad si
Ojie. Sa pag uwi nila, dito na sila naglabas ng sama ng loob sa isa’t isa. Dahil sa
bugso ng damdamin nasampal ni Lea si Ojie. Dahilan ng mga nangyayari sa
buhay ni Lea at sa pag ramay lagi sa kanya ng kanyang kaibigang si Johnny ay
hindi naiwasang mahulog ang loob ni Lea sa kaibigan niyang ito. Nang makakita
siya ng pag kakataon na pumunta sa Bagiuo at mapag isa kasama si Johnny,
ibinigay niya agad ang mga anak niya kay Raffy upang ito ang mag alaga. Ngunit
hindi natuloy ang usapan nilang iyun ni Johnny dahilan ng hindi pagsipot ni
Johnny. Isang araw na aksidente ang dalawang bata sa bisekleta at dinala ang
mga ito sa ospital. Sinisi ng dalawang ama ng mga bata si Lea dahil sa nangyari,
sinabi nila na wala ng panahon at napapabayaan na ni Lea ang mga anak dahil
sa trabaho. At dahil dito galit na galit si Lea, at iniwan na lamang niya ang mga
bata sa kanilang ama para sila ang mag alaga. Ngunit umuwi pa rin ang mga
bata sa bahay. Lumipas ang Pasko at Bagong Taon na hindi na kapiling ni Lea si
Ding. Dahil sa mga problema ay sila ay naghiwalay. Sa pag balik naman ni Ding
kay Lea ay dala naman nito ang balita na siya ay kasal na at buntis ang kaniyang
kinakasama, nais ni Ding na isama si Maya sa kanya at gaya ng sinabi niya kay
Raffy, ang pinagpasya niya ay si Maya kung gusto ba nitong sumama o hindi.
Sa huli ay naipakita pa rin ng dalawang anak ang pagmamahal nila sa
kanilang ina, sa kabila ng pag kasabik nila sa kanilang mga ama ay pinili pa rin
nila na makasama ang kanilang ina sa huli.
Sa pagtatapos ni Ojie ay naimbitahan si Lea bilang maging isang maging
panauhing pandangal. Pinaunlakan naman ito ni Lea at sa kanyang talumpati,
nagbigay siya ng paksa na kung paano umiiral ang buhay, at kung paano
sadyang kaybilis ng panahon na kasing bilis ng paglaki, pagbabago at pag-unlad
ng mga tao. Nagiwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa
paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng pagsubok sa buhay ng isang
tao. Dala ang inosenteng tanong na…. “Bata, Bata… Pa’no ka Ginawa.”
III. PAGSUSURI
A. URING PAMPANITIKAN
Isa itong nobelang tagalog na nabuo mula sa malikhaing kaisipan ng may akda.
Hingil ito sa ginanapang papel ng babae katulad ng may akdang si Lualhati
Bautista, sa lipunan ng mga Pilipino na dating pinaiinog ng mga kalalakihan.
B. ISTILO NG PAGLALAHAD NG MAY AKDA
Pagsasalaysay ang ginamit na istilo ng may akda, na tinalakay ang buhay ni
Lea. Kung kaya’t makikirta rin dito ang pagalalarawan ng pananaw ng lipunan
tungkol sa kababaihan, pagiging ina, at ang kung paano ganapin ng ina ang
kanyang pagiging magulang sa makabagong panahon.
C. PANAHONG KINABIBILANGAN
Ang nobelang ito ay napapanahon noong panahong Martial Law at Inilimbag
naman ng may akda ang nobela noong taong 1988.
D. TEORYA O PANALIGANG PAMPANITIKAN
Mga teoryang nakapaloob sa nobela ay isinaad namin sa tatlong uri. Una ang
Femenismo, kaya ito ang aming napabilang ay dahil inilahad sa nobela ang
Femenismo - Mahirap para kay Lea na alagaan ang mga anak niya, lalo na at
wala siyang asawa na makakasama, ngunit kahit na ganito naibigay pa rin niya
ang pagmamahal ng isang ina at mga pangangailangan ng mga anak niya.
Realismo - Hindi na bago sa atin ang mga pangyayaring ito, maraming pamilya
ang nasisira, mga mag asawang naghihiwalay dahilan ng mga problema at iba
pang mga dahilan.
Impresyonismo – Mahirap magkaroon ng hiwalay na mga magulang, para sa
mga batang wala pang malay sa mundong kanyang ginagalawan. Maraming tao
ang huhusga sayong pag katao at may mga tao din na hihila sayo pababa. Ito
ang mga bagay na nangyari kay Lea at sa kanyang mga anak na hindi nila
naiwasan.
E. TAYUTAY
Metapora -
F. GINTONG KAISIPAN O BALYUS
Iminulat ng may akda ang mga mambabasa sa Realidad ng buhay sa
mundo sa pamamagitan ng pananaw ng isang bata. Sa pamamagitan ni Lea,
ipinapakita na hindi sa lahat ng panahon ay magiging tahimik at puno na lang ng
problema ang buhay. Kailangan natin harapin ang mga problema sa buhay, at
sumabay sa takbo ng panahon.
Ang mga tao sa ating kapaligiran ay may malaking impluwensya sa ating
buhay,marahil ay tinuturuan nila tayong maging matatag at maging matalino sa
pamummuhay.
G. PAGPAPAHALAGANG KAISIPAN
G.1. PANLIPUNAN –
G.2. KAISIPAN – Ang pagkakaroon ng problema sa mundong ibabaw ay
sadyang kadugsong na na ating buhay. Naipamulat sa mga mambabasa na ang
problema ay panandilaan lamang, may mga taong mananakit sayo pero may
mga tao din namang magmamahal sayo.
G.3. MORALISTIKO – (WEDNESDAY)
H. SARILING REAKSYON
I. SARILING PUNA
J. MGA MUNGKAHI

You might also like