You are on page 1of 6

Pamagat: Bata, Bata…Pan’no ka ginawa?

May-akda: Lualhati Bautista

I.                   Buod:

                        Nagsimula ang nobela sa pagmamartsa ng magtatapos sa kinder, isa si Maya, ang anak ni
Lea kay Ding ay gragradwayt ng oras ng iyon. Bago simulan ang pagbibigay ng honors ay may inilatag na
isang programa ang paaralan, yung ay ang Ms. Kinder ’83, kasali si Maya sa mga kalahok. Hindi hinayaan
ni Lea na lagyan ng kahit na anong panretoke sa mukha o kahit lipstick man lang si Maya dahil
naniniwala si Lea na ang ganda ng isang bata ay wala sa mayk-up o kung anong kolorete sa mukha.
Tumulo ang luha ni Lea nang tanghaling Ms. Kinder ang anak, dali-dali niya itong pinicturan ngunit ubos
na ang kaniyang film. Ginawaran din si Maya bilang third honors.   Nagkaroon ng konting salo-salo sa
bahay ni Lea na kung saan ang karamihan sa kanilang bisita ay mga bata, dumating naman si Pilar sa
kanilang bahay at inalok si Lea na isali si Maya sa contest ng Johnsons Johnsons at iisponsoran nito ang
bata ngunit ayaw na itong isali ni Lea sa kahit na anong contest. Nasa trabaho si Lea nang mga oras na
iyon nang tumawag si Raffy sa kaniya upang sila’y muling magkita at magka-usap. Humingi si Raffy ng
pabor kung maaaring makasama niya si Ojie, pumayag naman si Lea at agad na sinabi ito kay Ojie, ngunit
hindi sang-ayon dito si Ding, nagpumilit namang sumama si Maya, at mahigpit na binilinan ito ni Ding na
alamin ang bawat kilos ni Lea at Raffy. Nang magkitang muli ang mag-amang Ojie at Raffy ay masayang-
masaya ang dalawa, pumunta sila sa isang karnibal at doon nagkaroon ng pagkakataon na magka-usap
muli ng masinsinan sina Raffy at Lea, dito na umiyak nang umiyak si Lea sa paglalabas ng sama ng loob
nito kay Raffy, nalaman ni Lea na mayroon na palang bagong asawa si Raffy at tatlong buwang buntis na
ito. Tumira si Ojie sa kaniyang ama sa loob ng isang buwan at pinayagan naman ito ni Lea ngunit ayaw
itong paalisin ni Ding dahil wala raw makakasama si Maya sa bahay pero wala nang magagawa pa si
Ding. Nang makabalik na si Ojie sa bahay ni Lea ay nagpatuli naman na ito, bagamang onse ayos pa lang
ay gusto na nitong magpatuli. Nagka-usap muli sina Lea at Raffy at sinabi ni Raffy na gusto niyang isama
si Ojie sa Amerika. Araw na nang pasukan at sinamahan na ni Lea si Maya sa silid nito, nalito pa ang guro
sapagkat akala nito ay De lara din ang apelyido ni Maya. Nagkaroon ng isang miting ang lahat ng
magulang sa eskuwelahan at nagpakilala ang bawat magulang. Nainis si Lea at nung siya na ang
magsasalita ay sinabi nito na huwag nang sayangin pa ang kanilang oras. Nagbotohan naman sila
ng officers at may isang lalaki doon na laging isinasali ang pangalan ni Lea sa mga kandidato, muli ay
nainis siya at saka nagsalita nang nagsalita. Nang mabasa ni Lea ang balita ay dali-dali itong pumunta ng
kaniyang opisina upang malaman ang nangyaring pagkamatay ni Ninoy Aquino, laman ito ng balita at
libo-libong tao ang nagprotesta dahil sa nangyari.Natapos na ang unang kuwarter ng pasukan at ibinigay
na sa mga bata ang kanilang report card at dahil sa malalim na pag-iisip ni Lea ay nagkapalit nang pirma
ito sa report card ng mga bata, kaya naman nagbigay siya ng sulat sa guro nito na kung maaari ay
baguhin na lang at magbabayad na lamang siya, pero ang sabi ng mga guro ng mga bata ay kanilan
siyang kausapin ng principal. Nang magka-usap ang principal at si Lea ay nalaman ng principal ang
trabaho ni Lea at humanga ito sakaniya dahil kaya niyang ipaglaban ang karapatan ng tao. Naging
magkaibigan si Lea si Mrs. Zalamea. Nasa trabaho si Lea nang tumawag ang kaniyang kapitbahay at
ibinalita rito na naospital ang kaniyang mga anak. Pagdating niya sa ospital ay bukol sa ulo ang natamo ni
Ojie at gasgas naman ang kay Maya, galit na galit na dumating sina Ding at Raffy, nanermon nang
nanermon ang dalawa na para bang siya lahat ang ay kasalanan sa nangyari, dahil din sa galit ni Lea ay
iniwan niya ang mga bata sa kani-kanilang ama. Dahil sa inis ay tinawagan ni Lea si Johnny ay niyayang
manood ng sine, pagkatapos nito ay inalok ni Lea si Johnny na makipag-anohan sa kaniya, nung una ay
ayaw nito pero kalaunan ay pumayag na rin. Nang makalabas na ng ospital ang kaniyang mga anak ay
naghanda siya ng kaunti upang makabawi sa mga ito dahil sa hindi niya pagdalaw. Pagkaraan naman ng
gabi ay tumawag ang asawa ni Johnny kay Lea at ibinalita rito ang pagkakakulong ni Johnny sa salang
PDA. Sumapit ang pasko at bagong taon, walang Ding na umuwi sa bahay ni Lea ngunit nang umuwi ito
ay sinabi ni Ding na may asawa na siya at nagpakasal sila noong pasko, at gusto nitong isama si Maya.
Natapos ang nobela sa pagpili ng kaniyang mga anak na sumama na lamang sa kaniya kaysa sa kanilang
mga ama at ang paggradwayt ni Ojie ng elementarya.

II.                 Pagtalakay

A.    Tauhan

·         Si Lea Bustamante ay isang mapag-aruga at mapagmahal na ina kay Ojie at Maya. Nagtratrabaho
siya sa isang organisasyon na kung saan ipinaglalaban ang karapatan ng tao o isang human rights
organization. Nagkaroon ng dalawang asawa at matiyagang binubuhay ang kaniyang dalawang anak.
Naniniwala siya na mas mainam na sabihin na agad ang totoo sa mga bata kaysa malaman pa nito sa iba.
Siya ay maituturing na isang uri ng tauhang lapad sapagkat mula umpisa ay hindi nagbago ang ugali at
pananaw niya sa kaniyang buhay. Pinakita rin sa nobela kung gaano siya katatag na ina sa kaniyang mga
anak.

·         Si Raffy ang naging unang asawa ni Lea at iniwan niya nang magkaroon ng trabaho sa Surigao. Siya
ang ama ni Ojie. Bumalik sa Maynila upang makasama ang kaniyang anak. Mayroon na rin itong asawa at
magtatatlong buwan na itong buntis. Gusto niyang isama si Ojie sa Amerika upang makapiling na niya
ito. Siya ay isang uri ng tauhang lapad dahil hindi nagbago ang pakitungo nito kay Lea at ang
pagmamahal nit okay Ojie, nandoon pa rin ang kaniyang paglalaban  na alagaan na lamang ni Lea ang
mga bata kaysa sa magtrabaho pa ito sa organisasyon.

·         Si Ding naman ang pangalawang asawa ni Lea. Siya ang ama ni Maya. Naging karamay ni Lea sa
mga panahong hindi nabibigay ang nais ni Lea kay Raffy. Laging naroon sa kaniyang nanay. Siya ay isang
uri ng tauhang bilog sapagkat sa huli ay nagbago ang kaniyang pag-ibig kay Lea at nagpakasal sa iba.

·         Si Ojie ang panganay na anak ni Lea na nais sanang dalhin ni Raffy  sa Amerika. Kahit na kinaiinisan
si Maya ay mahal na mahal niya ito at nais niyang ipakilala sa kaniyang tatay. Siya ay isang uri ng tauhang
bilog sapagkat noong una ay sumusunod ito kay Lea pero kalaunan ay naging pabaya ito sa pag-aaral at
nakita na lamang ni Lea na nagsusugal ng pool kasama ang matatanda.
·         Si Maya ang bunsong anak ni Lea. Masayin at madadal . Nanalo ng Ms. Kinder sa kanilang
paaralan. Isang uri ng tauhang lapad si Maya dahil hanggang sa huli ay ang pagmamahal niya kay Lea ang
naging dahilan sa pagpili niya rito kaysa sa pagsama sa kaniyang ama.

·         Si Johnny Deogracias ang katrabaho ni Lea at kung minsan ay tumutulong ito sa kaniya at may
nangyari sa kanila. Dinakip siya ng mga pulis at kinasuhan ng PDA. Isang uri ng tauhang lapad si Johnny
dahil hanggang sa huli ay hindi nagbago ang kaniyang pananaw at pinaglalaban niya pa rin ang
karapatan ng tao kahit na siya ay nakulong na.

·         Si Mrs. Zalamea ang principal ng pinapasukang paaralan ng mga anak ni Lea, nagalaskahan silang
dalawa ng unang magkita at nagakita ng paghanga kay Lea dahil kayang-kaya ni Leang lumaban sa
karapatan ng tao ngunit siya ay hindi dahil nasa kapahamakan ang kaniyang trabaho kung saka-sakali
siyang lumaban. Isang uri ng tauhang bilog dahil ng unang magkita sila ni Lea at parang hindi ito gusto si
Lea at sa huli ay naging mabuting magkaibigan silang dalawa.

B.     Tagpuan

·         Sa bahay ni Lea nangyari ang halos lahat ng pangyayari sa nobela.

·         Sa mall at karnibal nagkita muling si Lea at Raffy at nagbonding kasama ang mga bata.

·         Sa eskuwelahan nagsimula ang nobela sa paggradwayt ni Maya sa Kinder at dito rin nagtapos ang
nobela sa paggradwayt ni Ojie at ang pagbigay ni Lea ng talumpati.

·         Sa loob ng kuwarto ng principal nagkasagutan si Lea at ni Mrs. Zalamea na  kalaunan ay naging
mabuting magkaibigan.

·         Sa trabaho ni Lea inilahad sa nobela ang ginagawa ng isang miyembro ng organisation kung paano
nila ipinaglalaban ang karapatan ng bawat tao.

·         Manila ang pinanggaganapan ng kuwento sapagkat naisaad dito ang nangyari sa pagkamatay,
paglibing kay Ninoy Aquino at pagprotesta ng mga tao laban sa gobyerno.

C.     Panahon

·         Ang nobela ay isinulat sa panahon ng Martial Law na kung saan ipinahayag sa nobela ang patayang
nagaganap sa bansa, ang pagpatay kay Aquino sa airport at ang pagprotesta ng mamamayan.

D.    Punto de vista
·         3rd Person point of view dahil nakabatay ito sa obserbasyon at pananaw ng may-akda.

E.     Tunggalian

·         Tao laban sa Tao. Bagaman walang nangyaring labanan o suntukan sa mga karakter, makikita pa
rin ang tunggalian sa tao laban sa tao. Si Lea laban sa dalawa niyang asawa at ng lipunan. Si Lea laban sa
kaniyang dalawang asawa na sina Raffy at Ding, pinakita ni Lea sa nobela ang kaniyang katatagan na
kahit pilit na siyang pinaaalis sa kaniyang trabaho ay mas pinili niya ang kaniyang trabaho at kahit na
iniwan na siya ng dalawa ay nananitili pa rin siyang matatag para sa kaniyang mga anak. Si Lea laban sa
lipunan, sa ganitong panahon, marami ang mga taong mahilig manghusga at dahil sa kalagayan ni Lea,
dalawa ang kaniyang anak at magkaiba ang ama hindi na maiiwasan ang mahusgahan ng mga taong
nagmamalinis katulad na lamang noong umatend siya ng miting sa paaralan nina Ojie at ang mga tingin
sa kaniya ng mga tao ay parang madaliang babae na kung sino-sino lang nagpapaano.

·         Tao laban sa sarili sapagkat ipinakita ni Lea na kahit iniwan na siya nina Raffy at Ding ay nanatili
siyang matatag para sa kaniyang mga anak, nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang buhay kahit wala ang mga
ito.

F.      Paksang-diwa

·         Ang paksang-diwang binibigyang diin sa nobela ay ang pagmamahal ni Lea sa kaniyang mga anak,
ang paninindigan ni Lea sa karapatan ng tao at pagiging pantay-pantay ng babae sa lalaki at ang mga
nangyayari sa lipunan katulad na lamang ng kaliwa’t kanang pagpatay, pagprotesta ng mga mangagawa
at ang pagpatay ay Ninoy Aquino.

·         Ang paksang umiiral sa nobela ay ang kasaysayang pag-ibig na kung saan ipinakita rito ang
pagmamahal ni Lea sa kaniyang mga anak at sa dalawang lalaking naging parte ng kaniyang buhay

You might also like