You are on page 1of 7

Pagsusuri sa Bata, Bata...

Pa'no ka ginawa ni Lualhati


Bautista

Pamagat: Bata, Bata…Pan’no ka ginawa?


May-akda: Lualhati Bautista

May Akda
Si Lualhati Bautista ay isinilang sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945, siya
ay anak ni
Esteban Bautista at Gloria Torres. Siya ay nagtapos mula sa Emilio Jacinto
Elementary School sa
1958, at mula sa Torres High School sa 1962.. Siya ay isang mag-aaral sa
journalism sa Lyceum
ng Pilipinas, ngunit bago siya natapos ang kanyang freshman year. Sa kabila ng
kakulangan ng
pormal na pagsasanay,si Lualhati Bautista bilang isang manunulat ay naging
kilala para sa
kanyang matapat , matapang na pagsaliksik ng Philippine women's isyu,
at ang kanyang
nakakabighaning mga gawa, na harapin ang mga mahihirap na sitwasyon sa
tahanan at sa lugar
ng trabaho na may hindi karaniwang katapangan at lakas.
Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa ring
manunulat ng
mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang
pinakaunang
akdang-pampelikulang isinulat niya ay ang Sakadana. Nakatanggapsiya ng
pagkilala at parangal
na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas.
Ilan sa mga
ginantimpalaang sulating-pampelikula niya ang Bulaklak sa City Jail ,Kung
Mahawi Man ang
Ulap, at Sex Object. Nakatanggap rin siya ng pagkilala mula sa Metro Manila
Film Festival
Academy Awards, Star Awards, FAMAS at mga gantimapalang URIAN.
Nanalo ang huling
akda niya na pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula sa
Catholic Mass
Media Awards

I. Buod:
Nagsimula ang nobela sa pagmamartsa ng magtatapos sa kinder, isa si Maya, ang
anak ni Lea kay Ding ay gragradwayt ng oras ng iyon. Bago simulan ang pagbibigay
ng honors ay may inilatag na isang programa ang paaralan, yung ay ang Ms. Kinder ’83, kasali si
Maya sa mga kalahok. Hindi hinayaan ni Lea na lagyan ng kahit na anong panretoke sa mukha o
kahit lipstick man lang si Maya dahil naniniwala si Lea na ang ganda ng isang bata ay wala sa
mayk-up o kung anong kolorete sa mukha. Tumulo ang luha ni Lea nang tanghaling Ms. Kinder
ang anak, dali-dali niya itong pinicturan ngunit ubos na ang kaniyang film. Ginawaran din si
Maya bilang third honors. Nagkaroon ng konting salo-salo sa bahay ni Lea na kung saan ang
karamihan sa kanilang bisita ay mga bata, dumating naman si Pilar sa kanilang bahay at inalok si
Lea na isali si Maya sa contest ng Johnsons Johnsons at iisponsoran nito ang bata ngunit ayaw na
itong isali ni Lea sa kahit na anong contest. Nasa trabaho si Lea nang mga oras na iyon nang
tumawag si Raffy sa kaniya upang sila’y muling magkita at magka-usap. Humingi si Raffy ng
pabor kung maaaring makasama niya si Ojie, pumayag naman si Lea at agad na sinabi ito kay
Ojie, ngunit hindi sang-ayon dito si Ding, nagpumilit namang sumama si Maya, at mahigpit na
binilinan ito ni Ding na alamin ang bawat kilos ni Lea at Raffy. Nang magkitang muli ang mag-
amang Ojie at Raffy ay masayang-masaya ang dalawa, pumunta sila sa isang karnibal at doon
nagkaroon ng pagkakataon na magka-usap muli ng masinsinan sina Raffy at Lea, dito na umiyak
nang umiyak si Lea sa paglalabas ng sama ng loob nito kay Raffy, nalaman ni Lea na mayroon
na palang bagong asawa si Raffy at tatlong buwang buntis na ito. Tumira si Ojie sa kaniyang
ama sa loob ng isang buwan at pinayagan naman ito ni Lea ngunit ayaw itong paalisin ni Ding
dahil wala raw makakasama si Maya sa bahay pero wala nang magagawa pa si Ding. Nang
makabalik na si Ojie sa bahay ni Lea ay nagpatuli naman na ito, bagamang onse ayos pa lang ay
gusto na nitong magpatuli. Nagka-usap muli sina Lea at Raffy at sinabi ni Raffy na gusto niyang
isama si Ojie sa Amerika. Araw na nang pasukan at sinamahan na ni Lea si Maya sa silid nito,
nalito pa ang guro sapagkat akala nito ay De lara din ang apelyido ni Maya. Nagkaroon ng isang
miting ang lahat ng magulang sa eskuwelahan at nagpakilala ang bawat magulang. Nainis si Lea
at nung siya na ang magsasalita ay sinabi nito na huwag nang sayangin pa ang kanilang oras.
Nagbotohan naman sila ng officers at may isang lalaki doon na laging isinasali ang pangalan ni
Lea sa mga kandidato, muli ay nainis siya at saka nagsalita nang nagsalita. Nang mabasa ni Lea
ang balita ay dali-dali itong pumunta ng kaniyang opisina upang malaman ang nangyaring
pagkamatay ni Ninoy Aquino, laman ito ng balita at libo-libong tao ang nagprotesta dahil sa
nangyari.Natapos na ang unang kuwarter ng pasukan at ibinigay na sa mga bata ang
kanilang report card at dahil sa malalim na pag-iisip ni Lea ay nagkapalit nang pirma ito
sa report card ng mga bata, kaya naman nagbigay siya ng sulat sa guro nito na kung maaari ay
baguhin na lang at magbabayad na lamang siya, pero ang sabi ng mga guro ng mga bata ay
kanilan siyang kausapin ng principal. Nang magka-usap ang principal at si Lea ay nalaman ng
principal ang trabaho ni Lea at humanga ito sakaniya dahil kaya niyang ipaglaban ang karapatan
ng tao. Naging magkaibigan si Lea si Mrs. Zalamea. Nasa trabaho si Lea nang tumawag ang
kaniyang kapitbahay at ibinalita rito na naospital ang kaniyang mga anak. Pagdating niya sa
ospital ay bukol sa ulo ang natamo ni Ojie at gasgas naman ang kay Maya, galit na galit na
dumating sina Ding at Raffy, nanermon nang nanermon ang dalawa na para bang siya lahat ang
ay kasalanan sa nangyari, dahil din sa galit ni Lea ay iniwan niya ang mga bata sa kani-kanilang
ama. Dahil sa inis ay tinawagan ni Lea si Johnny ay niyayang manood ng sine, pagkatapos nito
ay inalok ni Lea si Johnny na makipag-anohan sa kaniya, nung una ay ayaw nito pero kalaunan
ay pumayag na rin. Nang makalabas na ng ospital ang kaniyang mga anak ay naghanda siya ng
kaunti upang makabawi sa mga ito dahil sa hindi niya pagdalaw. Pagkaraan naman ng gabi ay
tumawag ang asawa ni Johnny kay Lea at ibinalita rito ang pagkakakulong ni Johnny sa salang
PDA. Sumapit ang pasko at bagong taon, walang Ding na umuwi sa bahay ni Lea ngunit nang
umuwi ito ay sinabi ni Ding na may asawa na siya at nagpakasal sila noong pasko, at gusto
nitong isama si Maya. Natapos ang nobela sa pagpili ng kaniyang mga anak na sumama na
lamang sa kaniya kaysa sa kanilang mga ama at ang paggradwayt ni Ojie ng elementarya.

II. Pagtalakay
A. Tauhan
 Si Lea Bustamante ay isang mapag-aruga at mapagmahal na ina kay Ojie at Maya.
Nagtratrabaho siya sa isang organisasyon na kung saan ipinaglalaban ang karapatan ng tao o
isang human rights organization. Nagkaroon ng dalawang asawa at matiyagang binubuhay ang
kaniyang dalawang anak. Naniniwala siya na mas mainam na sabihin na agad ang totoo sa mga
bata kaysa malaman pa nito sa iba. Siya ay maituturing na isang uri ng tauhang lapad sapagkat
mula umpisa ay hindi nagbago ang ugali at pananaw niya sa kaniyang buhay. Pinakita rin sa
nobela kung gaano siya katatag na ina sa kaniyang mga anak.

 Si Raffy ang naging unang asawa ni Lea at iniwan niya nang magkaroon ng trabaho sa Surigao.
Siya ang ama ni Ojie. Bumalik sa Maynila upang makasama ang kaniyang anak. Mayroon na rin
itong asawa at magtatatlong buwan na itong buntis. Gusto niyang isama si Ojie sa Amerika
upang makapiling na niya ito. Siya ay isang uri ng tauhang lapad dahil hindi nagbago ang
pakitungo nito kay Lea at ang pagmamahal nit okay Ojie, nandoon pa rin ang kaniyang
paglalaban na alagaan na lamang ni Lea ang mga bata kaysa sa magtrabaho pa ito sa
organisasyon.
 Si Ding naman ang pangalawang asawa ni Lea. Siya ang ama ni Maya. Naging karamay ni Lea
sa mga panahong hindi nabibigay ang nais ni Lea kay Raffy. Laging naroon sa kaniyang nanay.
Siya ay isang uri ng tauhang bilog sapagkat sa huli ay nagbago ang kaniyang pag-ibig kay Lea at
nagpakasal sa iba.

 Si Ojie ang panganay na anak ni Lea na nais sanang dalhin ni Raffy sa Amerika. Kahit na
kinaiinisan si Maya ay mahal na mahal niya ito at nais niyang ipakilala sa kaniyang tatay. Siya
ay isang uri ng tauhang bilog sapagkat noong una ay sumusunod ito kay Lea pero kalaunan ay
naging pabaya ito sa pag-aaral at nakita na lamang ni Lea na nagsusugal ng pool kasama ang
matatanda.

 Si Maya ang bunsong anak ni Lea. Masayin at madadal . Nanalo ng Ms. Kinder sa kanilang
paaralan. Isang uri ng tauhang lapad si Maya dahil hanggang sa huli ay ang pagmamahal niya
kay Lea ang naging dahilan sa pagpili niya rito kaysa sa pagsama sa kaniyang ama.

 Si Johnny Deogracias ang katrabaho ni Lea at kung minsan ay tumutulong ito sa kaniya at may
nangyari sa kanila. Dinakip siya ng mga pulis at kinasuhan ng PDA. Isang uri ng tauhang lapad
si Johnny dahil hanggang sa huli ay hindi nagbago ang kaniyang pananaw at pinaglalaban niya
pa rin ang karapatan ng tao kahit na siya ay nakulong na.

 Si Mrs. Zalamea ang principal ng pinapasukang paaralan ng mga anak ni Lea, nagalaskahan
silang dalawa ng unang magkita at nagakita ng paghanga kay Lea dahil kayang-kaya ni Leang
lumaban sa karapatan ng tao ngunit siya ay hindi dahil nasa kapahamakan ang kaniyang trabaho
kung saka-sakali siyang lumaban. Isang uri ng tauhang bilog dahil ng unang magkita sila ni Lea
at parang hindi ito gusto si Lea at sa huli ay naging mabuting magkaibigan silang dalawa.

B. Tagpuan
 Sa bahay ni Lea nangyari ang halos lahat ng pangyayari sa nobela.
 Sa mall at karnibal nagkita muling si Lea at Raffy at nagbonding kasama ang mga bata.
 Sa eskuwelahan nagsimula ang nobela sa paggradwayt ni Maya sa Kinder at dito rin nagtapos
ang nobela sa paggradwayt ni Ojie at ang pagbigay ni Lea ng talumpati.
 Sa loob ng kuwarto ng principal nagkasagutan si Lea at ni Mrs. Zalamea na kalaunan ay naging
mabuting magkaibigan.
 Sa trabaho ni Lea inilahad sa nobela ang ginagawa ng isang miyembro ng organisation kung
paano nila ipinaglalaban ang karapatan ng bawat tao.
 Manila ang pinanggaganapan ng kuwento sapagkat naisaad dito ang nangyari sa pagkamatay,
paglibing kay Ninoy Aquino at pagprotesta ng mga tao laban sa gobyerno.

C. Panahon
 Ang nobela ay isinulat sa panahon ng Martial Law na kung saan ipinahayag sa nobela ang
patayang nagaganap sa bansa, ang pagpatay kay Aquino sa airport at ang pagprotesta ng
mamamayan.

D. Punto de vista
 3rd Person point of view dahil nakabatay ito sa obserbasyon at pananaw ng may-akda.

E. Tunggalian
 Tao laban sa Tao. Bagaman walang nangyaring labanan o suntukan sa mga karakter, makikita
pa rin ang tunggalian sa tao laban sa tao. Si Lea laban sa dalawa niyang asawa at ng lipunan. Si
Lea laban sa kaniyang dalawang asawa na sina Raffy at Ding, pinakita ni Lea sa nobela ang
kaniyang katatagan na kahit pilit na siyang pinaaalis sa kaniyang trabaho ay mas pinili niya ang
kaniyang trabaho at kahit na iniwan na siya ng dalawa ay nananitili pa rin siyang matatag para sa
kaniyang mga anak. Si Lea laban sa lipunan, sa ganitong panahon, marami ang mga taong
mahilig manghusga at dahil sa kalagayan ni Lea, dalawa ang kaniyang anak at magkaiba ang
ama hindi na maiiwasan ang mahusgahan ng mga taong nagmamalinis katulad na lamang noong
umatend siya ng miting sa paaralan nina Ojie at ang mga tingin sa kaniya ng mga tao ay parang
madaliang babae na kung sino-sino lang nagpapaano.
 Tao laban sa sarili sapagkat ipinakita ni Lea na kahit iniwan na siya nina Raffy at Ding ay
nanatili siyang matatag para sa kaniyang mga anak, nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang buhay
kahit wala ang mga ito.

F. Paksang-diwa
 Ang paksang-diwang binibigyang diin sa nobela ay ang pagmamahal ni Lea sa kaniyang mga
anak, ang paninindigan ni Lea sa karapatan ng tao at pagiging pantay-pantay ng babae sa lalaki
at ang mga nangyayari sa lipunan katulad na lamang ng kaliwa’t kanang pagpatay, pagprotesta
ng mga mangagawa at ang pagpatay ay Ninoy Aquino.
 Ang paksang umiiral sa nobela ay ang kasaysayang pag-ibig na kung saan ipinakita rito ang
pagmamahal ni Lea sa kaniyang mga anak at sa dalawang lalaking naging parte ng kaniyang
buhay.

G. Pamamaraan
 Ang istilong ginamit ng may-akda ay pinaghalo niya ang wikang Ingles at Filipino. Karamihan
sa parte ng kaniyang nobela ay ang kasalukuyang kaganapan ng mga panahon na iyon. Mas
umiiral din ang pagiging ina ng may-akda dahil mararamdaman ito ng mambabasa sa katauhan ni
Lea, na kahit anong mangyari ang kaniyang anak at sarili pa rin ang kaniyang pipiliin.

H. Pananalita
 Ang diyalogo ng bawat tauhan sa nobela ay makikita sa kanilang edad. Halimbawa na lang nito
ay kay Maya na kung saan makikita ang kainosentehan nito sapagkat tanong ito nang tanong na
nangyayari naman talaga sa ibang batang katulad niya. Si Lea na kung saan ang pananalita niya
ay makikita ang pagiging isang ina nito.

III. Dulog
Ang nobelang Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa ni Lualhati Bautista ay gumamit ng dulog
na Feminismosapagkat babae ang pangunahing tauhan ng nobela, ipinakita sa nobela kung
gaano katatag si Lea sa mga pagsubok na dumating sa kaniya, naipakita rin ang kaniyang
pagmamahal sa kaniyang dalawang anak na kung saan na kahit na may posibilidad na sumama
ang kaniyang mga anak sa kani-kanilang ama pero hinayaan niya pa rin ang mga ito na sila
mismo ang pumili at magdesisyon kung kanino sila sasama. Pinakita rin sa nobela ang
pakikipagsabayan ng mga kababaihan sa mga kalalakihan na kung saan mas pinili ni Lea na
kaniyang trabaho kaysa kay Raffy, naisaad din sa nobela ang mga palaban na kababaihan sa
paglalaban nila sa kanilang karapatan. Naipahayag din ang pagsali ng mga kababaihan sa
protesta laban sa nagaganap na Martial Law sa bansa.
IV. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Kaisipan

Sa pagbabasa ng isang nobela ay kinakailangan ng maraming panahon para basahin ito, lalo na
kung ang nobelang binasa makaluma. Ang nobelang Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa ay
maituturing kong isang napakagandang nobela sa panahon ng Martial Law. Bagaman nakapokus
ang nobela sa karapatan ng mga kababaihan sa mundong ibabaw, ipinahayag din sa nobela ang
mga pangyayaring naganap ng Martial Law. Hindi man ganap na isinaad sa nobela kung sino ang
taong nasa likod ng Martial Law, malalaman kaagad na tungkol ito sa Martial Law sapagkat
nabanggit ang pagkamatay ni Ninoy sa airport at ang protesta ng napakaraming tao. Para saakin,
mas mainam pa rin ang magbasa ng mga makalumang nobela sapagkat may malalaman kang
impormasyon tungkol sa nangyari sa lipunan noong panahon, kaysa sa mga nobelang nababasa
ngayon tulad ng sa wattpad, puro pag-ibig at nakatuon lamang sa tauhan ang kuwento, pero ang
nobela talaga ay naglalaman ng mga pangyayari sa lipunan.

b. Bisa sa Damdamin
Ang pagiging isang babae ay mahirap, hindi lang dahil sa buwan-buwan itong dinadatnan o
kaya ay nanganganak. Noong panahon, ang mga babae ay ang tanging papel sa buhay ay maging
karamay ng mga lalaki, sila ay nasa bahay lang at nag-aalaga ng anak’t asawa. Walang karapatan
na gawin ang gusto niyang gawin sa buhay. Pero pagdaan ng panahon, dahil na rin sa pagbabago
sa lipunan, nagkaroon na nang karapatan ang mga kababaihan, hindi na lamang pambahay kundi
panlabas pa. Si Lea ay maituturing na kababaihan sa modernong panahon dahil sa ipinaglalaban
niya ang kaniyang karapatan bilang babae sa lipunan. Maraming parte sa nobela ang isinaad ang
pakikipaglaban ni Lea sa karapatan ng bawat tao sa lipunan, kung gaano kasaklap ang mga
nangyayari sa isang pamilyang iniwan ng ama, o di kaya’y nakulong o pinatay. Kahit pa na
babae ang isang tao, makakaya niyang gawin ang isang bagay kung gugustuhin niya at kaya na
nitong makipagsabayan sa mga kalalakihan, hindi na lamang ito pambahay. Mahirap din ang
maging isang ina sapagkat lahat ay kaniyang ginagawa para lamang sa kaniyang mga anak, si
Lea ay isang halimbawa ng babaeng matapang at mapagmahal. Lahat ng ina ay gagawin ang
ikakabuti sa kanilang anak.

c. Bisa sa Kaasalan

May nabasa akong isang pahayag mula sa facebook na ang mga kabataan ngayong panahon ay
maagang nabubuntis, hindi katulad noong panahon na kapag may asawa na saka mabubuntis.
May nagkomento sa pahayag na iyon na nakapukaw ng aking pansin, ganito ang kaniyang sinabi
“Sadyang matapat na kasi ang mga kabataan ngayon kaysa noon, lola ko nga pinagbuntis si
mama na 17 pa lang siya, tapos ngayon sasabihin niyo na mas mabuti pa ang kababaihan noon
kaysa ngayon” para saakin, may nabasa na akong ilang akda na nagsasaad na kapag nagustuhan
ang isang babae ng isang lalaki noong panahon na kahit na ang babae ay bata pa, ay ikinakasal
na ito, kaya para nagmumukhang mas mabuti ang ginawa ng mga babae noon kaysa ngayon. Sa
lagay ni Lea na dalawa ang naging anak sa magkaibang lalaki, hindi na ito bago sa panahon
ngayon, mayroon pa nga na iba’t ibang lalaki ang ama ng isang anak dahil sa kung sino-sino lang
ito nagpapaano. Malungkot man isipin pero ganito na ang nangyayari sa lipunan ngayon, mas
pinapairal ang puso kaysa utak. Sarap bago hirap. Kapag nagbunga ang ginawa, iiyak,
pagkatapos kapag hindi pinanagutan ng lalaki, ipapalaglag ang bata o di kaya ay magsu-sucide.
Malikot na mag-isip ang mga kabataan ngayon, lahat gustong maranasan agad-agad, hindi iniisip
ang mga mangyayari. Pagkatapos, ano? Iiyak sa magulang at hihingi ng tawad. Hindi masama
na gawin ang gustong gawin, pero kung maaari lamang ay isipin ang mga posibleng mangyari
bago gawin ang gusto. Ipairal muna ang utak bago puso. Masasaktan ka lang pagnagkataon.

V. Mensahe
Ang “Bata, Bata.. Pa’no ka Ginawa” ay isang nobelang isinulat ng batikang manunulat na si
Lualhati Bautista. Tungkol ito sa mga dating Filipinong babae na asawa lang dapat ng
kalalakihan. Napakagandang nobela na kung saan malalaman ang mga nangyari sa lipunan ng
panahong isinulat ito at ang katatagan ng isang ina na may dalawang anak sa magkaibang lalaki.
Noong panahon sunud-sunuran lamang ang mga kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga
asawang lalaki at mga kaibigang kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na
gumagawa lamang ng mga gawaing bahay, taga pag-alaga ng mga pangangailangan ng asawa o
kaya ng mga bata, wala silang karapatan at hindi nararapat na makielam ayon sa nakaugalian
hinggil sa paksa at usaping panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit nabago ang gawi at
anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa lipunang kanilang ginagalawan sapagkat nagbago rin
ang lipunan. Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa,
nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing hinggil sa kanilang
mga karapatan, na buhay ang kanilang kaisipan na may tinig sila sa loob at labas man ng
tahanan. Sinalaysay sa nobelang ito ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina na may
dalawang anak, -isang lalaki at isang babae. Kung kaya’t makikita rito ang paglalarawan ng
pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina at kung paano gaganapin ng ina ang
kaniyang pagiging magulang sa makabagong panahon. Sa pamamagitan ni Lea, ipinakita ng
manunulat na hindi sa lahat ng panahon magiging tahimik ang buhay ng isang tao, kailangang
magpasya at makibaka sa agos ng buhay. Patuloy tayong naghahanap ng kalayaan, tulad ni
Lea na ayaw manatili sa kaniyang maliit na papel na pagiging asawa lang ng kalalakihan mas
mainam na sa kaniya ang magkaroon ng silbi sa lipunang kaniyang ginagalawan. Ngayong
modernong panahon, ang mga kababaihan ay masasabi nang karamay ng kalalakihan sa lahat ng
bagay, kaya na nitong gawin ang kahit na anong trabaho ng isang lalaki.

http://gabaysafilipinoniley.blogspot.com/2017/06/pagsusuri-sa-bata-batapano-ka-ginawa-ni.html

You might also like