You are on page 1of 4

MGA TAUHAN:

Juan Balucas Jr. → Anak nila Maria at Juan Balucas, ang bata na gumawa ng lahat ng paraan upang
mailigtas ang kanyang ama.

Juan Balucas(Jhon) → Ang Ama ni Juan Balucas Jr. Ang napagkamalang Juan Tamad dahil sa ubod ng
katamaran nito.

Maria →Diwatang gustong maging tao dahil ito’y umibig kay Juan Balucas(Jhon). Ang ina ni Juan
Balucas Jr.

Lena → Kapatid ni Juan Balucas(Jhon)

Sofia- Ang ina ni Juan Balucas(Jhon)

Ibong Badarna → Ginawa niyang bato ang ama ni Juan Balucas.

Reyna Suki →Ang reyna ng mga diwata, dito nakipagsundo si Juan Balucas upang mailigtas ang kanyang
ama.

Apo → Ang tumulong kay Juan Balucas Jr. sa kanyang misyon.

Noni → Isan nuno sa punso na tumulong kay Juan Balucas Jr.

Sipit → Ang hari ng mga Alimango.

Tambo → Isang kapre.

Pag-asa → Ang diwatang nagkaroon ng pangalan dahil na rin sa tulong ni Juan Balucas Jr.

MGA TAGPUAN:

Santuaryo → Lugar o tahanan ng mga diwata.

Ilog → Kung saan naniniharahan ang mga Alimango.

Mahiwagang Puno → Kung saan si Tambo ang tagabantay ng lagusan papunta sa tahanan ng Ibong
Badarna.

Pugad → Kung saan matatagpuan ang Bukal ng Buhay. Ito ring ang tirahan ng Ibong Badarna.
BANGHAY NG KWENTO

Maraming taon na ang nakalipas kung saan nagsimula ang kwento ni Juan Tamad, ayon sa kwento
ng Lolo ni Juan Balucas Jr. natagpuan daw ni Juan ang isang puno na may bungang napapakalaking
bayabas, dahil sa gutom na napagpasyahan niyang kainin ito, ngunit sa katamaran ay naisipan niyang
matulog at hinayin na mahulog ang bayabas sa kanyang bibig.

Mataposmag kwento ng kanyang Lolo, kina umagahan napagpasyahan ng kanyang Ama na ipasyal
ang kanyang anak sa mga paborito niyang tambayan dati, dun sa puno ng bayabas. Nakita nila si Apo na
naglalakad sa gubat. Di kalauna’y na isipan ni Juan Balucas Jr. na umihi sa Punso ni Noni. Nagalit ang
nuno at dahil dun ninakaw niya ang kanyang sumbrero at tumakbo papasok sa santuaryo. Di niya
namalayan na nasundan siya ni Juan. Matapos ang insendente, bumalik siya sa kanyang Ama, napansin
niya na naging bato ang ito gawa ng Ibong Badarna at dahil dun nakipag sundo siya kay Reyna Suki
upang mailigtas ang kanyang Ama bago pa ang kabilugan ng buwan.

Para mailigtas ang kanyang Ama, kailangan niyang kunin ang tinig ng Ibong Badarna at tubig galing sa
bukal ng buhay bago pa ang kabilugan ng buwan. Sa tulong ni Apo at Noni na pinaki usapan ng diwatang
walang pangalan na tulungan ito at wag pabayaan. Para mag tagumpay, sinimulan nila ang kanilang
misyon papunta sa ilog kung saan ito pinamumunuan ni Sipit, dito medyo naging madali ang kanyang
misyon dahil nagkaroon ng utang na loob si Sipit sa kanyang Ama. Kailangan nito makuha ang
mahalagang bagay na kailanganin niya sa kanyang misyon. Pagkatapos ay kailangan niya malagpasan si
Tambo na nagbabantay sa lagusan patungo sa Pugad ng Ibong Badarna, dito nasubok ang tapang at pag
papahalaga ni Juan sa kalikasan, walang awa ng mga tao inaabuso kung ano man ang meron ito at hindi
man lang pinapahalagahan ito. Ngunit nadarama ng Kapre ang sinseridad ni Juan sa kalikasan, kaya ito’y
pinapasok sa lagusan. Ng makarating siya sa Pugad ng Ibong Badarna agad nitong ginawa ang kanyang
misyon dito.

Matapos mapag tagumpayan ang misyon, siya ay nakulong sa santuaryo habang buhay kapalit ng
kanyang hiling na mailigtas ang kanyang Ama. Tanging tubig ng Bukal na Buhay ang meron siya. Dito
naranasan niya ang salungatan sa sarili, hirap at gutom sa ilalim ng patay na puno ng Bayabas.Idinilig nya
ang tubig ng Buhay sa puno ng Bayabas, kalauna’y nabuhay ito at dahan-dahan niyang kinuha ang bunga
ng bayabas. Bumalik siya sa tunay na mundo at doon nga napatunayan niya na hindi siya tamad at siya ay
matapang na harapin ang mga pagsubok alang-alang sa kanyang mga mahal sa buhay.
MGA ARAL NA NAKUHA SA KWENTO:

Ang natutunan ko sa kwento ay hindi lahat ng bagay na gusto mo ay kusang dumadating,kailangan mo


itong pagsikapan at pag trabahuan upang ito’y makamtan. At ang pagpapahalaga sa kalikasan, dahil sa
ngayon ay nararanasan na natin ang kapalit ng mga nagawa natin sa ating kalikasan. Ngayon tayo ay
nakaharap sa mataas na pagkalipol o “Mass Extinction” at walng kasiguraduhan ang ating hinaharap.
Kung hindi natin magawang masolusyunan ito, tuloyan na mawawalan tayo ng tirahan.

TATLONG UGALI NG MGA PILIPINO BASI SA KWENTO:

1. Hindi lahat ay puro salita, dapat may aksyon. Lagi tayong nagre-reklamo ngunit walang aksyon
na nagagawa.Nakalimutan natin na hindi lahat ng bagay ay nakukuha ng basta-basta lang. Dapat
natin itong pagsikapan at paghirapan, upang ito’y makamtan.
2. Nakatuon sa Pamilya. Tayong mga Pilipino ay laging nakatuon sa pamilya.Lagi tayong nagsa
sakripisyo alang-alang sa ating pamilya, yung respeto at pagpapahalaga nito ay parti ng ating
tradisyon.
3. Laging Bumabangon. Dahil kahit ano man ang pagsubok ay lagi natin kinakaya. Kahit man gaano
ito kahirap lalong-lalo na kung para sa Pamilya natin, lahat ay kakayanin. Palagi Tayong
bumabangon at umaasa na kinabukasan ay may bagong Pag-asa.
Ticket no.16775

PROYEKTO
SA
FILIPINO
Ipinasa ni:
Matiban, Catherine A.
Ipapasa kay:
Bnb. Jean Ronor Amarante

You might also like