You are on page 1of 4

Balangkas ng Pelikulang

Isinumite ni
Draniell James A. Yecla
IV – Sampaguita
kay
Gng. Airene A. Flora
Gurong Tagapayo
I. Pamagat: JUAN BALUCAS AT ANG BAYABAS
II. Mga Pangunahing Tauhan:
III. Tagpuan: Paaralan at bahay sa Maynila, Probinsya ni
John.
IV. Paksa: Ito ay kwento ng pakikipagsapalaran ng isang
batang lalaki upang iligtas ang kanyang ama mulasa
pagiging bato dulot ng Ibong Badarna.
V. Buod:
Hango sa sikat na kwento ni Juan Tamad, ang Juan
Balucas at ang Bayabas ay pinangungunahan ni Juan
Balucas Jr. anak ni John, na napagkamalang si Juan
Tamad at ginawang bato ng mahiwagang Ibong Badarna
upang maiwasang makahawa ng katamaran sa sang-
katauhan.
Upang illigtas ang kanyang ama nakipagkasundo si Juan
sa reyna ng mga diwata na si Reyna Suki kapalit ng ilang
kundisyon. Kinailangan nyang kunin ang tinig ng Ibong
Badarna at kumuha ng tubig sa “Bukal ng Buhay” bago
sumapit ang kabilugan ng buwan. Sa tulong ni Apo at ni
Noni, isang nuno sa punso, ay nakipagsapalaran si Juan.
Bago nya makuha ang tinig ng Ibong Badarna kinailangan
niyang makuha ang isang bagay mula sa kasindak-sindak
na si Haring Sipit. Lingid sa kanilang kaalaman na si
Haring Sipit pala ay minsan nang iniligtas ni John mula
sa pagiging ‘Ginataang Alimango at Gulay’. Kaya naman
nang malaman ni Haring Sipit na anak sya ni John,
walang pagaatubili nyang ibinigay ang isang kahon na
makakatulong upang kunin ang tinig ng Ibong Badarna.
Upang makapasok sa pugad ng Ibong Badarna kailangan
nya ding dumaan kay Tambo isang kapre na nagbabantay
sa puno kung saan naroon ang pugad. Dahil sa malinis
nyang intensyon napapayag nya si Tambo na paakyatin
sya sa puno.
Matagumpay nyang nakuha ang mga kailangan upang
maligtas ang ama ngunit pagkatapos nito ay naiwan sya
sa gitna ng dalawang mundo para sa huling pagsubok.
Naranasan nyang mag-isa at magutom, ngunit sa huli
napagtagumpayan nya ito at naipamalas na hindi sya
tamad o ang sang-katauhan.

VI. Aral: Ang kasipagan ay dapat nasa kalooban natin upang


magtagumpay tayo sa mga pagsubok ng buhay.

You might also like