You are on page 1of 4

Balangkas ng Pelikulang

Ipapasa kay:
Bb. Diane Rose Andol

Ipinasa ni:
Almira T. Jaluag
BS-BIOLOGY

I. Pamagat: Juan Balucas at ang Bayabas


II. Mga Pangunahing Tauhan:

III. Tagpuan:
Paaralan at bahay sa Maynila, Probinsya ni John.

IV. Paksa:
Ito ay kwento ng pakikipagsapalaran ng isang batang lalaki upang iligtas
ang kanyang ama mula sa pagiging bato dulot ng Ibong Badarna.

V. Buod:
Hango sa sikat na kwento ni Juan Tamad, ang Juan Balucas at ang
Bayabas ay pinangungunahan ni Juan Balucas Jr. anak ni John, na
napagkamalang si Juan Tamad at ginawang bato ng mahiwagang Ibong
Badarna upang maiwasang makahawa ng katamaran sa sang-katauhan. Upang
illigtas ang kanyang ama nakipagkasundo si Juan sa reyna ng mga diwata na
si Reyna Suki kapalit ng ilang kundisyon. Kinailangan niyang kunin ang tinig
ng Ibong Badarna at kumuha ng tubig sa “Bukal ng Buhay” bago sumapit ang
kabilugan ng buwan. Sa tulong ng isang engkanto na si Apo, at si Noni na
isang nuno sa punso, itinakda ni Juan ang kanyang pakikipagsapalaran. Bago
nya makuha ang tinig ng Ibong Badarna kinailangan niyang makuha ang isang
bagay mula sa kasindak-sindak na si Haring Sipit. Lingid sa kanilang
kaalaman na si Haring Sipit pala ay minsan nang iniligtas ni John mula sa
pagiging ‘Ginataang Alimango at Gulay’. Kaya naman nang malaman ni
Haring Sipit na anak siya ni John, walang pagaatubili nyang ibinigay ang
isang kahon na makakatulong upang kunin ang tinig ng Ibong Badarna. Upang
makapasok sa pugad ng Ibong Badarna kailangan niya ding dumaan kay
Tambo, na isang kapre na nagbabantay sa puno kung saan naroon ang pugad.
Dahil sa malinis niyang intensyon napapayag niya si Tambo na paakyatin siya
sa puno.

Matagumpay niyang nakuha ang mga kailangan upang maligtas ang


ama, ngunit pagkatapos nito ay naiwan siya sa gitna ng dalawang mundo para
sa huling pagsubok. Naranasan niyang mag-isa at magutom, ngunit sa huli
napagtagumpayan niya ito at naipamalas na hindi siya tamad o ang sang-
katauhan.

VI. Aral:
Ang kasipagan ay dapat nasa kalooban natin bilang isang nilalang upang
magtagumpay tayo sa mga pagsubok na dumating sa ating buhay. Paggalang
sa nakatatanda ay nararapat nating gawin upang tayo ay igalang din nila.
Magsikap ka hindi para lamang sa iyong sarili kundi pati na rin para sa iyong
kapwa o mahal sa buhay. At ang pagkakaroon ng determinado sa sarili na
gawin ang isang bagay ay kailangan natin bilang isang tao. Marunong tayong
tumupad ng kasunduan kagaya ng ginawa ni Juan Balucas Jr. kay Reyna Suki
nang sa ganon ay pagkatiwalaan tayo ng isang tao. Ang kailangan nating
gawin upang mapabalik ang tiwala at mapatawad tayo ng isang tao, ay dapat
taus puso nating iparamdam sa kanya na nagbago na tayo. Hindi lamang sa
paraan ng pasalita kundi pati na rin sa gawa.

You might also like