You are on page 1of 7

Ang Pinili ni Uncle Ben

Salin ni Delfin Tolentino Jr. ng: "Uncle Ben's Choice" ni Chinua Achebe

1.) Pagkilala sa May-akda

Bayograpiya ni Chinua Achebe

Si Albert Chinualumogu Achebe ay isang Nigerian na ipinanganak noong Nobyembre 15, 1930 sa Ogidi sa
Silangang Nigeria. Siya ay naging isang novelist, poet, professor, at critic. Ang kaniyang kauna-unahang
nobelang naisulat ay ang “Things Fall Apart” (1958) na naging sikat sa modernong literatura ng Africa.
Lagi siyang nangunguna sa klase noon kung kaya’y nakakuha siya ng pagkakataong maging iskolar at
makapag-aral ng medisina ngunit siya ay nag-aral ng English literature sa University College (ngayon ay
University of Ibadan). Nag-aaral pa lamang siya sa unibersidad ng magsimula na siyang magsulat ng mga
nobela at libro tungkol sa mga relihiyon at iba’t ibang tradisyon ng mapukaw nito ang kaniyang interes at
pansin. Pagkatapos niyang mag-aral ay nagtrabaho siya sa Nigerian Broadcasting Service at lumipat sa
Laos. Marami rin siyang natanggap na gantimpala tulad na lamang ng Margaret Wrong Prize, New
Statesman Jock Campbell Prize, Commonwealth Poetry Prize at 2007 Man Booker International. Itinalaga
si Achebe bilang deputy national president ng People’s Redemption Party noong 1983 at tinatag niya ang
Uwa ndi Igbo, isang bilingual na magasin. Taong 1990, habang ipinagdiriwang ang kanyang ika-60 na
kaarawan, nasangkot sa isang aksidente si Achebe na naging dahilan ng kaniyang pagkalumpo. Namatay
siya noong Marso 21, 2013 sa Boston, Massachusetts kung saan siya nagtuturo bilang university
professor ng African studies. Ilan sa kaniyang mga naisulat ay ang mga sumusunod:

➸Things Fall Apart

➸No Longer at Ease


➸Arrow of God

➸A Man of the People

➸Anthills of the Savannah

2.) Uri ng Panitikan

Ang pinili ni Uncle Ben ay isang maikling kuwento o ang isang salaysay hinggil sa isang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang nagpapakita ng moral na kritisismo. Ipinahahayag ng
manunulat na ang kayamanan ay hindi hihigit sa importansya ng pamilya at pagmamahal.

3.) Layunin ng Akda

Ang pangkalahatang layunin ng akdang ito ay magbigay aral sa pamamagitan ng pag-unawa sa umiiral na
suliranin sa storya, na kung saan ang kahalagahan ng pamilya kaysa sa kayamanan ay natitimbang at
napapahalagahan. Layunin din nitong magbigay kamalayan sa kontrol ng tao sa kanyang sarili, isang
halimbawa nito ay ang mga lalaki sa storya ay nagpakahangal sa mga babae ng Uhuru.

Ang nakikita naming mga umiiral na Teoryang Pampanitikan sa akda ay Eksistenspondyalismo at


Moralistiko. Naglalayon ito sa Eksistensyalismo sapagkat ang bida sa akda ang gumagawa at
nagdedesisyon kung ano ang gusto niyang gawin at ang mga desisyong ito ay may mga karampatang
resulta kaya kailangan maging maingat sa pagpili, halimbawa nalang ay nung pumipili si Uncle Ben kung
pamilya ba o kayaman, na pinili niya naman ang kanyang pamilya na nagresulta sa magandang wakas.
Ang akda naman ay naglalayon sa teoryang Moralistiko sapagkat bawat sitwasyon sa akda ay
nagkakaroon ng pagtitimbang sa mali at tama na maiihantulad parin natin sa sitwasyon kung saan mas
pinili ni Uncle Ben ang pamilya kaysa kayamanan.
4.) Tema o Paksa ng Akda

Ang tema ng maikling kuwento ay tungkol sa kung gaano kaimportante ang pamilya sa kultura ng
Nigeria. Kung saan hindi nagpadala si Uncle Ben kay Margaret para maging romano katoliko si Ben ngunit
mas pinili niyang makuntento sa kanyang sariling kultura. Ipinahayag ng manunulat ang halaga ng
kayamanan kung wala ka ring pamilyang pagbabahagian nito.

5.) Mga Tauhan/ Karakter sa Akda

Mga Tauhan:

A. Uncle Ben – Kilala rin bilang “Jolly Ben”. Isa siyang clerk sa Niger Company sa Umuru na sumusweldo
ng two pounds ten. Kasali sa African Club kung saan siya ay naglalaro ng tennis at bilyar.

B. Margaret – Isang babaing mataas at manila-nilaw ang balat. Inaya si Uncle Ben na gawing Romano
Katoliko ang kaniyang relihiyon.

C. Doktor na Aleman – Pinaalalahanan si Uncle Ben na kasing-itim na ng kaldero ang kanyang puso sa
paninigarilyo.

D. Senior clerk – Nabilanggo dahil nagnakaw ng ilang paldo ng kaliko; pinalitan ni Uncle Ben.

E. G.B. Olivant – Nakatira sa lugar na makikita ang Ilog Niger.

F. Mami Wata – Diwata ng Niger na bumisita at sinubukang akitin si Uncle Ben.

G. Matthew Obi – Kaibigan ni Uncle Ben na sinabing si Mami Wata ang babaeng nasa kwarto niya.

H. Dr. J.M. Stuart-Young – Isang komersiyanteng puti na naging kalaguyo ni Mami Wata. Ang
pinakamayamang tao sa buong mundo, ngunit namatay ng walang anak.

6.) Tagpuan/ Panahon


Tagpuan:

A. Sa Niger Company kung saan nagtatrabaho si Uncle Ben

B. Sa Club kung saan siya umiinom at nakikisama sa iba

C. Sa kaniyang bahay, kung saan siya binisita ni Mami Wata

D. Sa bahay ni Matthew Obi, kung saan niya nalaman ang pagkakakilanlan ng babeng bumisita sa kanya

Panahon

Taong mil nuwebe siyentos disinuwebe.

7.) Nilalaman/ Balangkas ng mga Pangyayari

Galaw ng Pangyayari:

A. Pangunahing Pangyayari (Expository) – Ikinukwento ni Uncle Ben ang kaniyang mga naranasan
noong taong mil nuwebe siyentos disinuwebe, kung saan siya ay isang klerk sa Niger Company na
sumusweldo ng two pounds ten. Sumapi rin siya sa African Club kung saan siya’y naglalaro mga sports,
ngunti ang gusto niya talaga ay yung sayawan kung saan maraming magagandang babae. Ikinukwento
niya rin kung paano siya maging maingat sa mga babaeng nakapaligid sa kanya, kung paano siya
“matulog ng dilat ang isang mata”, at kung paano niya nakilala si Margaret, isang kakaibang babae na
sinabihan si Uncle Ben na maging Romano Katoliko.
B. Pataas na Pangyayari (Rising Action) – Ikinuwento niya kung paanong isang klase lang ng alak ang
kaniyang iniinom sa isang araw, at kung paano siya tumigil sa paninigarilyo dahil sa sinabi ng Alemang
doctor sa kaniya. Hindi siya nalalasing dahil alam niya kung kalian dapat siya tumigil sa pag-inom ng alak.
Ikinuwento niya kung paano nabilanggo ang senior clerk at siya ang pumalit, at kung paano siya nakakita
ng isang babae sa kaniyang kama pagkauwi niya.

C. Kasukdulan (Climax) – Ikinuwento ni Uncle Ben ang kaniyang karanasan sa babaeng nakita niya sa
kama. Inakala niyang si Margaret ito at nagagalit ito dahil hindi niya sinama si Margaret sa Club. Inamo-
amo niya ang babae at tinanong kung tulog, kung saan nalaman niya na hindi si Margaret iyon at
tinanong kung sino ang babae. Sinabi ng babae ang mga salitang “Biko akpakwana oku”, at itinanong ulit
ni Uncle Ben kung sino ang babae, ngayong nalaman niyang hindi puti ang babae. Inakit ng babae si
Uncle Ben, ngunit sinindihan lamang ni Uncle Ben ang posporo para makita ang itsura ng babae.

D. Kakalasan (Falling Action) – Hindi maalala ng buo ni Uncle Ben ang mga pangyayari sa loob ng
kaniyang kwarto, ngunit sigurado siyang kumaripas siya ng takbo papuntang bahay ni Matthew Obi, kung
saan siya ay pinapasok at nalaman niya sa kanilang pag-uusap na si Mami Wata ang bumisita sa kwarto
ng gabing iyon.

E. Wakas (Denouement) – Nalaman ni Uncle Ben na kung yaman ang hanap niya, dapat nagpaakit siya
ngunit kung pamilya naman ang mas importante sa kanya, tama lang ang kaniyang ginawa. Ikinukwento
na lamang niya ang kaniyang naranasan sa kaniyang mga anak, at kung anong nangyari kay Mami Wata
pagkatapos ng gabing iyon. Nagpunta si Mami Wata kay Dr. J.M. Stuart-Young, at naging kalaguyo nito si
Mami Wata ngunit wala silang naging anak. Naging pinakamayamang tao nga si Dr. J.M. ngunit noong
kamatayan niya, ang lahat ng yaman niya ay napunta lamang sa iba.

8.) Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda

Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda

➸Ang isang tunay na anak ng bayan ay dapat matutong matulog ng dilat ang isang mata.

➸Kung hindi ko kayang bumili ng bago tumatahimik na lang ako, iyan ang aking prinsipyo.

➸Ang mga doktor na yon ay parang mga espiritu.

➸ Kung ayaw mong malasing, matuto kang sumagot ng hindi.

➸For every rule there must be an exception.


➸Kung yaman ang hanap mo, magkamali ka sa ginawa mo, pero kung ikaw ay tunay na anak ng ama
mo, tanggapin mo ang aking pagbati

➸Hindi sinabi sa atin n gating mga nuno na ang dapat nating piliin ay yaman sa halip na mga asawa at
anak.

9.) Istilo ng Pagkakasulat ng Akda

Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay parang nagkukwento lang ng informal o pasalaysay na nagbibigay
imahe rin sa lipunan ng may akda. Ang akda ay gumamit ng pamilyar na bokabularyo at conventional na
lengwahe na kung saan ang nakararami ay nakakaintindi, maliban nalang sa mga salitang hindi namin
alam ang kahulugan, halimbawa nalang ay yung “Biko akpakwana oku”. Naging informal ang dating nito
dahil sa parang pagka-friendly environment ng pakukuwento ng mga pangyayari.

Mapapansin din ang pattern sa akda na sa bawat na magkakaibang sitwasyon ay may parang prinsipiyo o
kasabihan ang bawat isa, halimbawa nalang ay sinabi ni Uncle Ben na ayaw niyang pinupuntahan siya ng
mga babae sa bahay at sumunod ay may naka-quote na “For every rule there must be an exception”, isa
pang halimbawa ay sa parte na kung saan ang mga lalaki ay nagpakahangal sa mga babae ng Uhuru at
sumunod ay may naka-quote na “Mag-ingat kapag labis na magiliw ang pagbati sa iyo.”.

10.) Buod

Noong taong mil nuwebe siyentos disinuwebe, isa akong Klerk sa Niger Company sa Umuru. Ang
Klerk noong panahong iyon ay para ring ministro ngayon. Natatandaan ko pa, ang Aprikanong may
pinakamataas na posisyon sa kompanya noon ay isang taong saro. Sa tingin namin, para na rin siyang
Gobernador-Heneral. Sumapi ako sa African Club at taon-taon nakikipagtorneo kami sa European Club.
Pero hindi ito ang interes ko talaga. Meron akong bagong-bagong bisikletang Raleigh, at Jolly Ben ang
tawag ng lahat sa akin. Sabi ng ama ko, ang isang tunay na anak ng bayan ay dapat matutong matulog
nang dilat ang isangmata. Matatalas ang mga babae ng Uhuru; bago ka pa man makapagbilang ng isa ay
nakakabilang na sila ng dalawa. Kaya lagi kong tinatandaan ang sinabi ng amo ko, “ Mag-ingat kapag labis
na magiliw ang pagbati sa iyo.” Ang masasabi ko lang na naiiba sa kanila ay si Margaret, isang babaing
mataas at malinaw ang balat. Naglalakad si Margaret at pagkasara ng simbahan ay bumalik siya at
sinabihan ako na gusto niya akong maging Romano Katoliko. Lagi talagang may sorpresa sa mundong ito!
Margaret Jumbo! Pagkaganda-ganda nito. Sa Bagong Taon ay makapal nanaman ang bulsa kaya Naman
ay pumunta ako sa Club. Natatawa ako sa mga kabataan dahil hindi nila alam ang ibig sabihin ng
umiinom at ang mga umiinom ko ay hindi pinaghahalo. Lasing? Wala sa bokabularyo ko yun kaya naman
umuwi na ako para matulog ngunit noong panahon na iyon ay nabilanggo ang aming senior clerk kaya
ako ang pumalit sa kanya. Kay ako ang nakatira sa isang maliit na bahay ng kompanya na may dalawang
kuwarto. Binuksan ko ang pinto at ako’y pumasok, sa pagod ko ay hindi ko na inapuhan pa ang ilawan.
May nakita akong babae sa Katre ko! Inisip ko agad nab aka si Margaret iyon. Inamo-amo ko siya pero
ayaw parin niya magsalita at totoo ang sinabi ko na ayokong pinupuntahan ako ng mga babae sa bahay,
pero sabi nga natin “For every rule there must be an exception.” Kaya naman kasinungalingang nagalit
ako nung gabing iyon. Napaigtad ako sa Kama at napasigaw ako: “Sino ka?” Maliyo-liyo ako,
nangangatog. Bumangon siya, umupo at inabot ang kanyang kamay na parang Tinatawag ako. Sinabi
niya, “Biko akpakwana oku.” Sagot ko, “Samakatuwid ay Hindi ka babaeng, sino ka?” Pinapalit niya ako sa
Katre at sasabihin daw niya. Kung sino siya ngunit sinungaling ang magsabi ng pamilyar na boses na iyon.
Kung magkukuwento ako kung paano ako nakalabas sa kuwarto na iyon, haka-haka ko lang ang mga iyan.
Ang tanging naalala ko ay kumaripas ako ng takbo papunta sa bahay ni Matthew at pagdating ko
kinalampag ko ang pinto. Isinigaw ko ang pangalan ko pero ang boses na lumalabas ay parang hindi ko
boses. Binuhusan ako ni Matthew ng tubig at nakuha kong ilahad ang Bali-Baliktad kong kuwento sa
kanya. “Hindi ko masasabi na tama ang ginawa mo na tinakot mo siya,” ang sabi ni Matthew. Naunawaan
ko na ako’y binisita ni Mami Wata, ang Diwata ng Niger. “Depende yan sa kung ano ang gusto mo sa
buhay. Kung yaman ang hanap mo, nagkamali ka sa ginawa mo, pero kung ikaw ay tunay na anak ng ama
mo, tanggapin mo ang aking pagbati.” Kaya kapag naiinis ako sa mga asawa ko ay sinasabi ko na dapat
pinili ko nalang si Mami Wata at agad naman silang magtatawanan. Pero alam naming lahat na iyon ay
biro lamang. Si Dr. J.M Stuart-Young ang pinakamayamang tao sa bansa. Pero hindi pumayag si Mami
Wata na magpakasal sa kanya. Nang mamatay siya, anong nangyari? Ang lahat ng kayamanan niya ay
napunta sa iba. Iyan ba ang yaman na hanap natin? Tinatanong kita.

You might also like