You are on page 1of 16

Modyul 8:

Ang Lahat ng Bagay ay Gumuguho


Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga


Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan si
Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula Umuofia hanggang
Mbaino. Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang
mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang
tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa
kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-
iwan pa ito ng maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang
pamilya. Ang naging buhay na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang
naiiba siya sa kaniyang ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno,
pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging
asawa, nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag.
Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay
kinilalang lider ng kanilang tribo. Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo
ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng
pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay
ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo.
Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang
pangalawang magulang.
Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang taga-Umuofia, ang
planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag makialam sa planong ito si
Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat
isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito,
gumawa ng paraan si Okonkwo. Pinaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay
na ina. Naglakbay ang bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang
paglalakbay, sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang
bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si
Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata sa harapan nila
sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan
nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Wala na ang batang tumulong at gumabay
sa kaniya. Naging simula naman iyon ng malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya
makakain, hindi na makatulog, hindi na rin makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa kaniyang
sarili ang depresyong siya rin naman ang may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang
kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang
kaibigang si Obierika. Humingi siya ng payo rito at nakaramdam naman siya ng kaunting gaan
ng loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na babae ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa
tulong ng mga halamang gamot na ipinanlunas ng kaniyang ama.
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu.
Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay noong bigyan
siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng
malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng malakas na putok ng baril ang
maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang
bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-
anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang
nagawang kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng
lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian
at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina
dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-
aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman
silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina
Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na
pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo,
pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon
matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar.
Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong sipag niya itong ginagawa
hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang masamang balita naman noon ang
ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw
ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia.
Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter
na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta. Ayon sa
kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi katanggap-
tanggap sa simbahan. Lalong hindi maunawaan ng mga taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong
Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na
pagsamba sa iisa lamang na Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa
Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang
malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang
isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang
takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan,
sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.
Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa kanilang simbahan.
Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, pinosasan ang
mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Nakatikim ng pandudusta, masasakit na salita
at pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia.
Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at napagkasunduang
tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan na maghimagsik kung kaya’t gamit ang
machete pinatay niya ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan
naman ng tao na makatakas ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na hindi
handa ang kaniyang mga kaangkan sa isang giyera.
Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siya sa isang
pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo. Nagpatiwakal si
Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang
nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at
bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at malakas. “Ang taong iyan ay kilala
at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya
sa isang inilibing na aso.” sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.
Teoryang Eksistensyalismo
a. Binibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos, at gawi
ng tauhan. Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin anuman ang
magiging kahinatnan nito.Mahalagang makita ang kalakasan ng paninindigan ng
tauhan.Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at king paano niya ito harapin.Ito'y
namayagpag sa Panahon ng Kastila at Kasalukuyan.
b. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para
sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
c. Kung babasahin ang isang akda sa pananaw ng ito, maaring pagtuunan ng pansin ang
kalagayan ng tauhan na ang pokus ay nasa pagbuo niya ng paninindigan. Sinusuri ng akda
batay sa lakas ng paninindigan ng tauhan na nagpapakita ng pagbalikwas sa kanyang
kalagayan. Mahalaga na Makita ang pagtanggap niya sa nagging bunga ng pansariling
pagsisikap.
d. Para sa mga eksistensyalista, ang literatura ay kailangang:
− Malaya ang tao – siya lamang ang maaaring magdesisyon kung paano niya gugugulin
ang panahon niya habang siya ay buhay.
− Responsible ang tao- siya lamang ang responsible sa kanyang buhay kahit pa ang desisyon
niya ay para sa kanyang kabutihan o kasamaan.
− Indibidwal ang tao- walang isang tao na kaparehas niya. Ang kanyang pag-iisip,
damdamin, kaalaman at kamatayan ay kanya lamang.
− Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali maliban sa taong nakaranas sa
pinag-usapan.
− Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag-ugnayan sa lipunan at sa mundo.
− Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tao at ng pagtanggap niya sa naging
bunga ng pagpapasya.
Gawain 1
Panuto: Ilahad ang kultura o tradisyong African na masasalamin mula sa mga pahayag.

Pahayag Kultura o Tradisyon


Sapagka’t ang pagpatay ng kalahi ay Ang kulturang African na makikita sa pahayag na
isang kasalanan laban sa diyosa ng ito ay ang paniniwala ng mga Igbo na ang
lupa, mamumuhay si Okonkwo at ang kanilang diyosa ng lupa ay ikinikilala sila bilang
kaniyang pamilya sa malayong lugar iisang kolektibo sa nayon pagdating sa mga
bilang desterado (exile). kasalanang nagaganap laban sa kaniya. Ang
kanilang tradisyon ng pagkilala sa pagpatay ng
sariling lahi bilang isang napakalaking kasalanan
na kinakailangang ilayo ang mga inosenteng
bahagi ng lahing kolektibo mula sa bahagi ng
kolektibo na namantsahan ng kasalanan laban sa
diyosa ay nagbunga mula sa nakatatakot na
paniniwala ng mga marurunong na matanda sa
nayon na “kung ang isang daliri ay nagdala ng
langis, nadungisan na ang iba pa” kaya kung ang
isang miyembro ng lahi ay nakagawa ng kasalanan
laban sa diyosa ng lupa, tiyak mawawasak ang
buong nayon kasama na rin ang mga ala-ala ng
komunidad sa kanilang mga marurunong na
matanda at mga ninuno bilang paghihiganti ng
diyosa kung wala silang gagawing aksyon laban
sa miyembro ng kanilang kolektibo na nagsagawa
ng malaking kasalanan laban sa diyosa. Ang
kultura ng mga African na ang kanilang kagustuhan
para sa kanilang nayon na manatiling buo at hindi
mawasak ay ma-oobserbahan sa nobela
hanggang sa pinakadulo nito kung kailan humarap
si Okonkwo sa kaniyang pinakamalaking kabiguan.
Ang kamatayan ni Ezeudu ay ipinaalam Ang kulturang African na makikita sa pahayag na
sa karatig-bayan sa pamamagitan ng ito ay ang paniniwala muli sa kolektibong
ekwe – instrumentong musikal. perspektibo ng lahi sa kanilang mga bayan, ngunit,
sa pahayag na ito, ang koneksyon ng bawat tao sa
isa’t-isa ay ang lenggwaheng napapahayag ng
instrumentong ekwe. Matutuklasan sa nobela na
ang tunog ng ekwe ay ginagamit ng mga African
bilang isang uri ng komunikasyon tungo sa malaking
bahagi ng demograpiya ng Nigeria o Africa, at
dahil sa kapasidad ng lenggwaheng ito upang
mabigyang pansin ang kolektibong elemento ng
mga African bilang isang lahi, maaaring
interpretahin ang pagpapatugtog ng instrumentong
ito bilang isang simbolo ng tumitibok na puso ng
mga African na may kapasidad upang
mapagkaisa ang bawat indibidwal sa mga gawi
ng mga nayon. Ang tradisyong ito ng mga Igbo ay
naisagawa sapagkat si Ezeudu ay isang
napakahalagang miyembro ng mga Igbo sa
kuwentong ito. Si Ezeudu ay ang pinakamatandang
miyembro ng nayon at isa sa pinakamahalagang
pinuno ng angkan at marunong na matanda. Si
Ezeudu ay nakatanggap ng isang seremonya para
sa mga mandirigmang may tatlong titulo na
maituturing na isang napakabihirang antas ng
tagumpay sa nayon kaya ang kaniyang buhay ay
inalala ng nayon sa pamamagitan ng pagtutugtog
ng ekwe nang sa gayon ay makiisa rin ang iba
pang mga bayan sa pagdadalamhati ng
pagkamatay ng isang napakahalagang tao sa
lipunan ng mga Igbo.
He was not afraid of war. He was a man Ang kulturang African na makikita sa pahayag na
of war. ito ay ang perspektibo ng mga Igbo sa kung ano
ang mga birtud na nararapat taglayin ng isang
kalalakihan. Ang pahayag na ito ay tumutukoy kay
Okonkwo at sentral sa konsepsyon ng kaniyang
pagkatao ay ang kaniyang tagong sama ng loob
para sa kaniyang ama na si Unoka. Si Unoka, hindi
tulad kay Okonkwo, ay takot sa mga digmaan
dahil hindi siya nasisiyahan sa paglalaban at siya
ay nandidiri sa dugo, at, dahil sa kaugalian niyang
ito, hindi siya naseseryoso ng mga tao sa nayon
sapagkat ito ay taliwas sa tradisyon. Ang
masasalamin ding kultura rito ng mga African ay
ang pagpapahalaga sa kasipagan,
responsibilidad, at paninindigan sapagkat, bukod
sa kagustuhan ni Okonkwo na hindi maging mahina
katulad ng kaniyang ama at makapagpundar ng
magandang reputasyon para sa kaniyang sarili
dulot ng nakahihiyang reputasyon na dala ng
kaniyang ama, mulat si Okonkwo na ang pagiging
isang mandirigma ay hindi lamang isang simbolo ng
pagiging isang marangal na kalalakihan para sa
mga Igbo kundi isa ring indikasyon na handa siyang
tumugon sa kaniyang responsibilidad sa lipunan at
maging kapaki-pakinabang sa kaniyang nayon sa
pamamaraan na tugma sa mga inaasahan ng mga
Igbo sa mga kalalakihan ng kanilang nayon at
nakapagbibigay pa sa kaniya ng oportunidad
upang umangat sa kaniyang katayuan sa lipunan.
Okonkwo had clearly washed his hands Ang kulturang African na nasasalamin ng pahayag
and so he ate with the kings and elders. na ito ay ang indibidwalistikong paniniwala ng mga
Igbo na, sa konteksto ng kuwento ni Okonkwo, hindi
nararapat na maging batayan ng pagkahatol ng
mga tao sa pagkatao ng isang indibidwal ang
reputasyon ng mga miyembro ng pamilya ng
indibidwal na iyon, partikular ang reputasyon ng
ama sa kaso ni Okonkwo. Ang isa ring kultura ng
mga African na maaaring ma-obserbahan sa
pahayag na ito ay ang meritokrasyang paniniwala
ng mga Igbo sapagkat ipinahihiwatig din sa
pahayag na ito na ang natatanging mga
kakayahan at pagkatao ng mga indibidwal ay
pinahahalagahan ng komunidad ng mga Igbo.
Maaaring mahalaw sa pahayag ang mga
kulturang ito sa pamamagitan ng simbolismong
naganap sa unang kalahati ng pahayag. Maaaring
interpretahin ang paghuhugas ng kamay ni
Okonkwo bilang kaniyang pamamaraan upang
linisin ang kaniyang sarili mula sa impluwensya ng
maduming reputasyon ng kaniyang ama sa
pagtingin sa kaniya ng kaniyang kapwa at maaari
rin itong interpretahin bilang isang kilos na
nagbunga sa kaniyang paghihirap sa pagtutubo ng
mga yams sa kaniyang lupa na tunay ngang isang
napakahirap na trabaho. Ang simboliko at pisikal
na paghuhugas ni Okonkwo sa kaniyang kamay sa
pamamagitan ng kaniyang malayang pagpili ay
ang nagbigay sa kaniya ng oportunidad upang
maging isa sa pinakamarangal na tauhan sa
kaniyang nayon.
He has put a knife on the things that held Ang kulturang African na makikita sa pahayag na
us together and we have fallen apart. ito at ang nauukol na konteksto nito ay ang hindi
boluntaryong pagtaliwas ng mga African sa lahat
ng mga kondisyon ng iba pang mga lipunan sa
mundo bilang isang bunga ng pagkakaiba-iba ng
bawat tao bilang indibidwal at pagtitipon ng mga
lahing African upang makapagpundar ng lipunan
na maaaring manatili sa paglipas ng panahon dahil
sa mga kakaibang sistemang gumagalaw rito
bilang isang kabuuan. Idinidiin ng pahayag na ito
ang mismong kalikasan ng kultura ng lipunan ng
mga African at ang mga kakulangan nito na
pinagsamantalahan ng mga kolonyalista upang
kanilang maisagawa ang dekonstruksyon nito nang
sa gayon ay maaari nilang ipalaganap ang sarili
nilang mga kultura sa lugar ng mga tradisyonal na
kultura ng mga African. Bagamat ibinibigyang-
pansin dito ni Achebe ang gampanin ng mga
kolonyalista sa pagtumba ng lipunan ng mga Igbo,
hindi rin niya ikinakaligtaan ang gampanin ng
mismong mga Igbo sa pagtumba ng sarili nilang
lipunan. Ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito ay
ang natatanging pantaong aspekto ng kultura ng
African na matalinong ginamit ng mga Europeo sa
kanilang pagtatamo ng kanilang mga mithiin sa
kolonyalismo at imperyalismo.

Gawain 2
Panuto: Suriin ang akdang binasa batay sa sumusunod na aspekto.

Tema ng Nobela Pagsusuri


Kultura vs. Pagbabago Ipinakita sa akda ang tensyon sa pagitan ng kultura at
pagbabago noong dumating ang mga Europeong
kolonyalista sa lupain ng mga Igbo. Tiyak itong makikita
sa reaksyon ng mga Igbo sa mga iminumungkahing
pagbabago ng mga kolonyalista sa lipunan ng mga
Igbo. Makikita sa akda na ang mga tauhang
pangunahing na-udyok na ipagpalit ang kulturang Igbo
para sa kultura ng mga kolonyalista ay ang mga taong
itinakwil ng kulturang Igbo dahil sa mga
pagpapahalagang pinanghahawakan nito; at ang mga
tauhan namang pangunahing sumalungat sa dalang
pagbabago ng mga kolonyalista ay ang mga tauhang
mayroong dinadalang mataas o katanggap-tanggap
na katayuan sa kulturang Igbo. Ipinapahiwatig ng
pangyayaring ito ang kalikasan ng kulturang Igbo
bilang isang mayaman at pantaong kultura kung saan
ito ay mayroong kapasidad upang manatili nang
napakatagal na panahon dahil sa matutularang
kalidad ng mga proseso at sistemang namamayani sa
kultura at nagpapatakbo ng lipunan. Ngunit,
matatagpuan din sa kalikasan ng kultura ng mga Igbo,
katulad ng lahat ng iba pang mga kultura sa mundo,
ang mga pagkukulang at depektong dala nito dulot ng
mga pagkukulang ng mga taong lumalahok sa kulturang
ito. Tiniyak ni Achebe na ipakilala sa mambabasa ang
kultura ng mga Igbo bilang isang kulturang hindi
mabangis at hindi rin inosente; ito ay isang kulturang
gumagana at magpapatuloy sa paggana ngunit hindi
rito mawawala ang katotohanan na ito ay kulturang
mayroong tunay na mga tao sa buong kompleksidad ng
mga ito. Sa pamamaraan nito ni Achebe, ipinahiwatig
din nito ang katotohanan sa kung paano tinignan ng
mga kolonyalista ang kultura ng mga Igbo. Hindi nila ito
naintindihan dahil sa pagkakaiba ng kanilang mga
pananalita kaya ito ang nag-udyok sa mga kolonyalista
na magdala ng pagbabago sa mga Igbo. Bagamat
maaaring sabihin na ang isyung dala ng kultura at
pagbabago sa akda ay nagpakita lamang dahil sa
mga kolonyalistang nais pagsamantalahan ang mga
Igbo, mayroong tula na nagbubukas sa nobela na
nagsasabing maaaring nagkaroon ng isyu ng kultura at
pagbabago sa akdang ito dahil, kung ano man ang
kulturang titignan, ang totoong kalaban ng anumang
kultura ay ang hindi mapigilang pagtakbo ng oras
sapagkat ang lahat ng kultura sa mundo ay
itinadhanang gumuho balang-araw nang dahil sa
simpleng kadahilanan na ang mga kulturang ito ay
ibinubuo ng tunay na mga taong puno ng kompleksidad
at pagkukulang bilang indibidwal at bilang kolektibo.
Kapalaran vs. Malayang Kalooban Makikita sa akda ang pilosopikal na tensyon sa pagitan
(free will) ng mga paniniwalang “ang tao ay mayroong malayang
kalooban” at “ang tao ay mayroong kapalarang hindi
nila mababago” sa kultura ng mga Igbo, ang
pagsabuhay ni Okonkwo sa kulturang ito, at ang mga
pangyayari na makikita sa buhay ni Okonkwo sa buong
nobela. Sa kultura ng mga Igbo, mayroon silang
relihiyon na nagsasabi na ang bawat indibidwal ay
ipinanganak na mayroong chi o sariling diyos na
namamahala sa daloy ng kanilang buhay. Ang chi na ito
ay mayroong kapangyarihan upang itakda ang
pagtagumpay at pagbigo ng mga tao sa sarili nilang
buhay, ngunit ito ay mayroong elemento ng kalayaan
sa bahagi ng indibidwal na matatagpuan sa kasabihan
ng mga Igbo na “kapag nagsabi ng oo ang tao, ang
kanilang chi ay nagsasabi rin ng oo” kung saan
matatagpuan ang paniniwala rin ng mga Igbo na kaya
rin nilang baguhin sa kanilang kagustuhan ang
kapalarang nakatakda para sa kanila. Ang
paniniwalang ito ay makikita kay Okonkwo kung saan
mula sa kaniyang pagkabata ay nakakita na siya ng
modelo ng kaniyang posibleng kapalaran sa hinaharap
sa pamamagitan ng kaniyang nakahihiyang tatay na si
Unoka at, kahit na ipinili niya mang mamuhay nang
takot sa lahat ng bagay na mahina at pambabae,
nakahabol pa rin ang nakatatakot na modelong ito ni
Okonkwo sa pamamagitan ng kaniyang anak na si
Nwoye na kinakitaan niya ng pagkakatulad sa
kaniyang amang kinamumuhian niya. Ang
pangyayaring ito ay maitutulad sa mga pangyayari sa
kuwento ni Oedipus Rex kung saan mula sa kaniyang
pagkasilang ay mayroong propesiya na
mapangangasawa niya ang kaniyang ina at
mapapatay niya ang kaniyang ama, at, katulad ni
Okonkwo, nilayuan ni Oedipus ang kaniyang sarili mula
sa propesiyang ito nang marinig niya ito para sa
kaniyang sarili. Sa kuwento ni Okonkwo, mayroong
punto sa akda na tunay siyang nagtagumpay sa
kaniyang layuning makalayo sa kondisyon ng tatay niya
kung saan siya ay iginalang ng mga tao sa mga nayon
at naging matagumpay siya sa sarili niyang mga
itinakdang pamantayan para sa kaniyang sarili. Ngunit,
mayroon ding punto sa akda na naging mas
makapangyarihan kaysa sa kaniyang malayang
kalooban ang kapalaran kung saan siya ay napilitang
harapin, sa pinakamakapangyarihan nitong anyo, ang
kaniyang mga kinatatakutan. Si Okonkwo ay
nakapatay ng tao nang hindi sinasadya (kinikilala
bilang pambabaeng pagpapatay), siya ay napilitang
manirahan sa nayon ng kaniyang ina, naranasan niyang
mapaglayasan ng anak na lalaki, naranasan niyang
mawalan ng suporta mula sa sarili niyang komunidad,
at siya ay namatay sa nakahihiyang pamamaraan ayon
sa kulturang ipinaglaban niya at buong itinanggap niya
sa kabuuan ng kaniyang buhay. Maraming aspekto ng
kwento ni Okonkwo ang maaaring ihalintulad sa mga
kaisipan na napapaloob sa kuwento ni Oedipus Rex.
Pareho silang mayroong hindi kaaya-ayang kapalaran
na kanilang tinatakbuhan ngunit, sa bandang huli,
hinarap pa rin nila ang mga kapalarang ito sa
pamamaraang hindi nila inaasahan. Ang diyalogo
tungkol sa kapalaran at malayang kalooban ay buhay
na buhay pa rin sa kasalukuyan, at mayroon pa itong
mga kaso kung saan kahit ang larangan ng agham ay
hindi makapagbigay ng maliwanag na pagpapalawak.
Bagamat ganito man ang kasalukuyang kalagayan ng
mga tao, ang kuwento ni Oedipus Rex at ni Okonkwo
ay nakapagbibigay sa mga tao hanggang sa
kontemporaryong panahon ng perspektibo sa
pilosopikal na diyalogong ito sa kaso kung saan ang tao
ay mayroong posibilidad na nagtataglay ng
nakatakdang kapalaran at ilusyon ng malayang
kalooban.
Pagtataksil Makikita sa nobela ang mga mahahalagang
pagtataksil na naganap sa pagpapatakbo ng kuwento.
Isa sa mahalagang tema na aking nakita sa ilang mga
pagtataksil sa nobela ay ang mga pagtataksil na
mayroong kinalaman sa itinatawag na Oedipal complex.
Ang mga pagtataksil na maaaring ihanay sa teoryang
ito ay ang pagtataksil ni Okonkwo sa sarili niyang ama
sa pamamagitan ng kaniyang galit na dala para sa
kaniyang ama na maaaring kilalanin bilang emosyonal
na pagpapatay sa sarili niyang tatay; ang pagtataksil
ni Okonkwo sa kaniyang anak-anakan na si Ikemefuna;
at ang pagtataksil ni Nwoye kay Okonkwo nang
itinakwil niya ang mga diyos ng mga Igbo. Isa ring
mahalagang pagtataksil na naganap sa kuwento ay
ang pagtataksil ng mga Igbo sa sarili nilang kultura
nang hindi nila samahan si Okonkwo sa kaniyang plano
ng pagbabawi sa kanilang kultura sa pamamagitan ng
karahasan. Ang pagtataksil ay ikinikilala bilang isa sa
pinakamataas na kasalanan sa lahat ng iba pang
kasalanan para sa ilang mga tao at sistema ng
paniniwala. Ang lahat ng nabanggit na pagtataksil ay
hindi magiging kasinglalim ng pagtataksil na
nagaganap sa kalooban ni Okonkwo sa kuwento. Ang
pagtataksil ni Okonkwo sa kaniyang pantaong aspekto
ng sarili ay maaaring ituring bilang pinakamataas na
pagtataksil sa kuwento sapagkat ang isang pilosopikal
at sikolohikal na kaisipan na maaaring i-ugnay rito ay
ang kaisipan na ang pinakamataas na uri ng
kasinungalingang maaaring ibuo ng mga tao ay ang
kasinungalingang idinedeklara nila sa kanilang mga
sarili. Ang pagtataksil ni Okonkwo sa kaniyang sarili ay
pangunahing ibinubuo ng kaniyang pagpapasiyang
ikamuhian ang mga bulnerableng bahagi ng kaniyang
pagkatao, itanggi ang kaniyang mga pantaong mga
emosyon, at ipilit ang pamamayani ng kaniyang
kayabangan bago ang lahat pa ng iba niyang
pagpapahalaga sa kaniyang buhay.

Gawain 3:
Panuto: Manood ng isang nobelang isinapelikula at ihambing ito sa nobelang tinalaky batay sa
sumusunod na dimension. Gumamit ng mga pangatnig na bagama’t, upang, at, kapag, kung, at iba
pa sa pagpapaliwanag.

Batayan “The Pearl” ni John Steinbeck Paglisan


Paksa Ang mga epekto ng napakabilis Panloob at panlabas na perspektibo
na pagtatagumpay sa sa pagsira at dehumanisasyon ng
indibidwal at kaniyang mga tao at kultura sa Africa dulot ng
kapaligiran. kolonyalismo at imperyalismo sa
pamamagitan ng mga Igbo.
Katangian ng Tauhan Kino (Pangunahing tauhan) Okonkwo (Pangunahing tauhan)
- Mapagmahal na asawa at - Lubusang takot sa mga kahinaang
tatay. pambabae.
- Nagtataglay ng simpleng - Masipag, matalino, at marangal na
pamumuhay bilang isang miyembro sa nayon.
masipag na maninisid ng perlas. - Marahas at hindi madamdamin.
- Mataas ang mga pangarap. - Maaaring ituring bilang isang
- Maaaring ituring bilang isang Tragic Hero ayon sa modelo ni
Tragic Hero ayon sa modelo ni Aristotle.
Aristotle.
Maikling Buod Ang nobela ay tungkol sa isang Ang nobela ay nagbukas sa
pamilya na nanirahan sa isang pagpapakilala kay Okonkwo, isang
nayon sa Gulf of Mexico. Si Kino napakasikat at respetadong
at Juana ang mag-asawang mambubuno at lider sa nayon ng
ipinag-usapan sa kuwento, at si Umuofia. Lumaki siyang
Coyotito ang kanilang lalaking kinamumuhian ang kaniyang ama na
anak. Bagama’t tunay na tahimik tamad at maaksaya, at kinamuhian
lamang talaga ang buhay nina niya rin ang lahat ng katangiang
Kino sa kanilang nayon, itinaglay ng kaniyang ama kaya siya
isinalaysay ng nobela ang mga ay naging determinado na maging
pangyayaring lubhang isang makapangyarihan at mayaman
nakapagbago sa pamilya ni na miyembro ng kaniyang nayon sa
Kino. Nagbukas ang nobela sa pamamagitan ng pag-iwas sa lahat
pagtutukoy sa karaniwang araw ng mga katangiang nakita niya sa
sa buhay ng pamilya nina Kino. kaniyang ama. Bagama’t lumaking
Napansin nina Kino at Juana ang naghihirap si Okonkwo, naging
biglang pag-uga ng nakasabit matagumpay si Okonkwo sa
na kuna ni Coyotito nang makita kaniyang nayon at sa kaniya
nila ang isang alakdan na ipinagkatiwala ng iba pang mga
bumababa tungo kay Coyotito lider ng nayon ang isang alay ng
habang nagtatangkang siya ay malapit na nayon, si Ikemefuna,
kakagatin. Sinubukang upang maging kapabayaran sa
sunggaban ni Kino ang alakdan pagpapatay nila sa isang babaeng
ngunit mas mabilis pa ang nagmula sa Umuofia. Naging mabuti
alakdan sa kaniya at nakagat ang pagtanggap ng pamilya ni
niya nang mabuti si Coyotito. Okonkwo kay Ikemefuna at
Sinubukang pumunta sina Kino at patahimik na natuwa rin si Okonkwo
Juana sa doktor na nakapwesto sa idinala ni Ikemefuna sa kaniyang
sa bayan kung saan nakatira pamilya. Sa pagdaan ng panahon,
ang mga mayayaman na naging mas marahas si Okonkwo.
mamamayang Noong Linggo ng Kapayapaan ng
pinagsasamantalahan ang mga nayon ay nagsagawa siya ng isang
mahihirap. Kung mayroon malaking paglabag sa tradisyon
lamang pera ang pamilya nina nilang iyon sa pamamagitan ng
Kino, tutulungan na sana sila ng pagbubugbog niya ng kaniyang
doktor, ngunit alam ng doktor na asawa dahil sa kapabayaan ng
mahirap sina Kino kaya kaniyang asawa sa pagpapakain ng
sinabihan niya na lamang ang kanilang pamilya, at nagawa ring
kaniyang katulong na sila ay ibaril ni Okonkwo ang isa pa niyang
paalisin sapagkat wala ang asawa ngunit hindi ito tumama.
doktor sa kaniyang opisina. Matapos dumating ang mga balang
Galit na lumisan na lamang si sa Umuofia, mayroong ipinadalang
Kino kasama ang kaniyang mensahe si Ogbuefi Ezeudu, ang
pamilya, at naghanda sila pinakamatandang miyembro ng
upang sumisid si Kino. Sumisid si nayon, kay Okonkwo mula sa
Kino sa malalim na bahagi ng kanilang orakulo. Isinasaad ng
dagat upang maghanap ng mga mensahe na nararapat nang
perlas. Mayroong nakitang mamatay si Ikemefuna ngunit hindi
napakalaking talaba si Kino dapat si Okonkwo ang
bago siya makabalik sa magsasagawa ng pagpapatay sa
kaniyang maliit na bangka. Isa- sarili niyang anak-anakan. Subalit,
isa niyang binuksan ang bawat hindi sumunod si Okonkwo sa turo ni
talabang mas maliit sa kaniyang Ezeudu at napatay niya si Ikemefuna.
huling nakuha sa harap nina Hindi ito nagustuhan ni Nwoye, ang
Juana at Coyotito. Nang panganay na anak ni Okonkwo, at
mabuksan ni Kino ang malaking pati na rin si Okonkwo ay nalumbay
talaba ay nandoroon ang isang sa kaniyang pagpapatay kay
napakalaking perlas. Kapag Ikemefuna. Hindi nagtagal matapos
nakita ng mga tao ang perlas na ang insidenteng ito ay nagkasakit
ito, tiyak sila ay tunay na ang minamahal na anak na babae ni
maiintriga sa ganda nito. Okonkwo na si Ezinma na agad ding
Tinagurian ang perlas na ito nagawang alagaan nina Okonkwo at
bilang Perlas ng Daigdig dahil hindi nagtagal bago gumaling si
ito ay kasinglaki ng itlog ng Ezinma. Sa libing ni Ezeudu, napatay
tagak. Nagkalat ang mabuting ni Okonkwo ang labing-anim na
balita sa buong nayon at pati na taong gulang na anak ni Ezeudu nang
rin sa buong bayan. Kapag hindi niya sinasadya. Sa kultura ng
tinatanong si Kino tungkol sa mga Igbo, kung nakapatay ang isang
kaniyang mga pangarap tao sa kaniyang kalahi, isa itong
matapos matamo ang perlas na napakalaking kasalanan sa mata ng
ito, mabilis na sumasagot si Kino kanilang diyosa sa lupa. Bilang
na nais niyang pakasalan si kaparusahan, ipinatapon ang
Juana sa simbahan, bumili ng pamilya ni Okonkwo sa katutubong
bagong damit para sa buong nayon ng kaniyang ina sa Mbanta
pamilya, bigyan ng edukasyon nang pitong taon at isinunog lahat ng
ang kaniyang anak, at bumili ng ari-arian ni Okonkwo na naiwan sa
baril. Ang pari sa lokal na Umuofia. Matapos nang dalawang
simbahan ang unang naging taon ni Okonkwo sa Mbanta, ibinalita
bisita nina Kino na nais sa kaniya ng kaniyang matalik na
pakinabangan ang kanilang kaibigan na si Obierika na ang mga
perlas. Ipinaalala ng pari ang tao sa malapit na nayon na ang
utang nina Kino sa Diyos at sa Abame ay napatay ng mga lalaking
simbahan nang dumating naman puti. Hindi nagtagal bago dumating
ang masakim na doktor. din ang mga puting misyonero sa
Bagama’t malapit nang Mbanta kung saan sinubukan nilang
gumaling si Coyotito ay iginamot ipalaganap ang kanilang
pa rin ng doktor ang bata nina Kristiyanismo sa nayon. Hindi
Kino at Juana habang sinasabi naunawaan ni Okonkwo ang kanilang
na malapit nang mamatay si relihiyon ngunit na-engganyo si
Coyotito. Maiging tinago ni Kino Nwoye sa mga sinasabi ng mga
ang perlas sa isang sulok ng misyonero. Matapos disiplinahin ni
kanilang bahay sa ilalim ng Okonkwo si Nwoye sa pamamagitan
kanilang sahig na putik dahil ng kaniyang karahasan ay tuluyan
nadadama ni Kino ang nang naging Kristiyano si Nwoye.
masasamang intensyon mula sa Dito napagtanto ni Okonkwo sa
kaniyang mga bisita. Nang kaniyang sarili na kapag ang
umalis lahat ng kanilang bisita nabubuhay na apoy ay mayroon
ay itinago ni Kino ang perlas sa mang maililikha, matatamo lamang
ilalim ng kaniyang tulugan. nito ang malamig at walang-silbing
Pagkalipas ng ilang oras ay abo. Hindi nagtagal bago dumami
mayroong madilim na taong ang mga Igbong lumipat sa
umatake kay Kino. Matapos ng relihiyong Kristiyanismo lalo na ang
insidenteng ito ay sinabihan ni mga Igbong ikinilala bilang mahina
Juana si Kino na itapon na ang sa nayon. Matapos ang oras nina
perlas sapagkat Okonkwo sa Mbanta at nakabalik na
nakapagdadala lamang ito ng sila sa Umuofia, napansin ni Okonkwo
kapahamakan sa kanilang ang napakalaking mga
pamilya, ngunit hindi na ito pagbabagong idinala ng mga puti sa
napansin ni Kino sapagkat kanilang nayon at nagtaka si
determinado na siyang Okonkwo kung bakit hindi gumamit
magdala ng kasaganahan sa ng karahasan ang kaniyang nayon
kaniyang pamilya. Sinubukang upang ipaalis ang mga dayuhan.
ibenta ni Kino ang perlas sa mga Bagama’t naisip ni Okonkwo na hindi
mamimili sa sumunod na araw gumagamit ng karahasan ang
ngunit nadarama niya na siya kaniyang mga kanayon, noong
ay nadadaya dahil sa baba ng tinanggal ni Enoch, isang masigasig
kanilang mga nais ibayad kaya na Igbong Kristiyano, ang maskara
bumalik sina Kino sa kanilang ng isang egwugwu, isinunog ng
bahay at naging determinadong egwugwu ang tirahan ni Enoch at ang
pumunta na lamang sa ulong- simbahan ng mga Kristiyano. Nang
bayan upang ibenta ang perlas. makabalik ang komisyoner ng distrito
Pagkalipas ng ilang sandali ay sa Umuofia, ipinatawag niya ang
mayroong umatake nanamang anim na pinuno ng nayon na kasama
madilim na tao sa kaniyang si Okonkwo upang sila ay kilalanin.
bahay, ngunit muli itong hindi Nang makipagkita ang mga pinuno
nagtagumpay sa pagtamo ng at ang komisyoner, agad na
perlas. Nilapitan muli ni Juana si ipinakulong ang mga pinuno at
Kino upang sabihan na itapon na ipinahiya ng mga bantay ang mga
lamang ang perlas, subalit hindi pinuno sa bilangguan, at nagsingil
pa rin sumang-ayon si Kino. ang komisyoner ng malaking multa sa
Hinintay ni Juana na matulog si nayon upang ipalaya ang kanilang
Kino upang siya na mismo ang mga pinuno. Matapos maging
magtapon ng perlas, ngunit malaya ang mga pinuno, agad silang
nahuli siya ni Kino bago pa man nagsagawa ng pagpupulong upang
niya ito ibato sa dagat at siya pag-usapan ang pagtrato ng mga
ay malakas na sinampal ni Kino. kolonyalista sa mga bilanggo.
Bumalik si Kino sa kanilang Dumating ang limang mga mensahero
bahay ngunit mayroon na ng korte upang itigil ang
namang madilim na tao sa pagpupulong ng mga pinuno. Agad-
bahay na matagumpay na agad na ipinugot ni Okonkwo ang ulo
napatay ni Kino, subalit ng isang mensahero gamit ang
nakatulog si Kino dahil ibinato kaniyang palataw, at, sa sandaling
ng madilim na tao ang kaniyang nakatakas ang iba pang mga
katawan sa matigas na sahig mensahero, napagtanto ni Okonkwo
bago ito mamatay. Itinago ni na hindi lalaban ang mga Igbo para
Juana ang katawan ng madilim sa kanilang nayon laban sa mga
na tao sa mga palumpong at kolonyalista. Hindi nagtagal bago
hinintay niyang magising si Kino. madiskubre ng komisyoner na
Nang magising si Kino, dumiretso nagbigti si Okonkwo. Nabighani ang
ito sa kanilang bangkang komisyoner sa naging buhay ni
sasakyan sana tungo sa ulong- Okonkwo, ngunit napagtanto niya na
bayan, ngunit kanilang mas mainam kung kahit iisang talata
nadiskubre na ito ay mayroong lamang ang ilalaan para kay
napakalaking butas sa gitna Okonkwo sa kaniyang isinusulat na
nito. Sinubukang bumalik sina libro ukol sa kanilang panghihimasok
Kino sa kanilang tahanan ngunit sa mga tribo ng Niger.
hindi nila napansin na ito ay
nasunog na nang buo kaya sila
ay dumiretso sa bahay ng
kaniyang kapatid bago sila
lumakbay tungo sa ulong-bayan
sa pamamagitan ng
paglalakad. Nalaman ni Kino na
mayroong sumusunod sa
kanilang mga tao. Nagtago sina
Kino sa isang kwebang
mahahanap sa mga bundok.
Malapit itong kweba sa anyong
tubig kaya tumungo rin dito ang
mga tagasubaybay. Nang
lumabas ang pagkakataon,
tinalunan ni Kino ang tatlong
sumusubaybay sa kaniyang
pamilya habang hawak niya
ang malaking kutsilyong
ibinigay sa kaniya ng kaniyang
kapatid bago sila lumakbay.
Nakuha ni Kino ang baril ng
isang tagasubaybay at sunod-
sunod niyang ibinaril ang mga
tagasubaybay. Ang huling
taong ibinaril niya sa noo ay
nagbigay ng kaba kay Kino.
Bumalik sina Kino at Juana sa
kanilang nayon habang hawak
ni Juana ang kaniyang balabal
sa kaniyang balikat na
nagdadala ng bangkay ni
Coyotito. Nagtapos ang nobela
nang ibinato ni Kino ang Perlas
ng Daigdig sa ipinanggalingan
nito.
Mensahe/Aral Naipapahayag nang maigi ng Isang importanteng aral na maaaring
nobela ang makapangyarihang ipulot sa nobela ay ang nararapat na
kapasidad ng pangako ng maging kaugalian ng mga tao upang
materyal na kasaganahan sa maging birtuoso. Kinamuhian ni
pagpapalabas ng itinatagong Okonkwo ang kaniyang tatay dahil
kadiliman ng pagkatao ng sa mga pagpapahalagang
bawat indibidwal. Isinalaysay pinanghawakan nito na
sa nobela ang pagkabulag ni nakapagdulot sa kanila ng lubhang
Kino dulot ng kaniyang paghihirap. Bagama’t ang galit na
idinadalang mga pangarap ito ni Okonkwo ay nagbunga sa
para sa kinabukasan ng masamang kaugalian niya sa huli,
kaniyang pamilya. Katulad ng ang naging ugali ni Okonkwo tungo
karakter ni Okonkwo sa sa naging masamang kapalaran ng
Paglisan, marangal man ang kaniyang tatay ang tunay na
mga naging intensyon ni Kino sa nagtulak din sa kaniya upang
kaniyang bawat aksyon, natamo magtagumpay sa kaniyang buhay sa
pa rin ni Kino ang kapalarang nayon. Ang maaaring mapulot na
kaniyang tinatakbuhan noong aral dito sa karanasan ni Okonkwo
simula. Isa ring mensahe na ay nararapat para sa tao na hayaan
maaaring idinadala ng ang kanilang sarili upang makita nila
kuwentong ito ay ang ideya na ang pinakamasamang posibleng
ang responsibilidad ng tao ay kapalaran nila sa kanilang
proporsyonal sa panlipunang kinabukasan at ikatakot nila na sila
katayuan ng indibidwal sa ay mayroong kapasidad upang
panlipunang hirarkiyang mahantong sa kapalarang ito, ngunit
kaniyang ginagalawan. Sa hindi dapat hayaan ng tao ang
kuwento ni Kino, makikita ang kanilang sarili na manatiling
manipestasyon ng napakalaking nakabukas sa mga bahagi ng
responsibilidad sa kaniyang kanilang sarili na mayroong
buhay nang mapagtanto niya na kapasidad upang ihantong sila sa
maraming tao ang nais siyang kapalarang ito sapagkat ito ay
pagsamantalahan. Ang mabilis mayroong kapangyarihan upang
na pagtaas ng panlipunang gawing korap ang pinakamalalim na
katayuan ni Kino ay pagkatao ng isang tao, nang sa
kinailangang mabigyang- gayon ay maging birtud para sa tao
katuwiran sa pamamagitan ng ang kaniyang reaksyon sa
kaniyang matalinong paggalaw masasamang bahagi ng kaniyang
sa mga mekanismong sarili na mayroong kakayahang
nagpapatakbo sa kanilang igabay siya tungo sa masama niyang
lipunan. kapalaran sa hinaharap.

You might also like