You are on page 1of 4

Paglisan (Buod)

Things Fall Apart ni Chinua Achebe


Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Nagmula sa isang hindi kilala at hindi kalakihang tribo ng mga Umuofia,sa


Nigeria ang isang matapang na at respetadong mandirigma na si Okonkwo.

Bata palamang ay nagpamalas na ng angking katapangan si Okonkwo,


Dahil dito, kinilala si Okonkwo sa buong Umuofia hanggang Mbaino.
Dumaan pa ang mga panahon ay marami pang mga pagkakataon na
ipinamalas ni Okonkwo ang kanyang katapangan upang mapagtakpan ang
nilalaman ng kanyang loob para sa amang si Unoka.

Bukod sa katamaran ng kanyang ama,ay nag-iwan pa ito ng napakaraming


utang at pibabayaan sila. Pinatunayan ni Okonkwo na siya ay naiiba sa
kanyang ama at upang magawa ito, pinamunuan niya ang siyam na nayon.
Di naglaon ay tatlo ang nagging asawa ni Okonkwo, nakapag pundar din
siya ng mga ari-arian patunay lamang ng kanyang kasipagan. Dahil dito
siya ang kinilalang lider ng kanilang tribo at siya ang pinili ng mga kanayon
upang ipagtanggol si Ikemefuna. Ang ama ni Ikemefuna ay nakapatay ng
isang babaeng Umuofian kaya is Ikemefuna bilang tanda
ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang
nayon. Kinuopkop ni Okonkwo ang batang lalaki, magiliw na pinatira sa
kanilang tahanan at itinuring naman siya ng bata bilang pangalawang ama.

Habang sila ay naglalakbay,biglaan sinugod ng mga kasamang lalaki si


Ikemefuna upang patayin, ngunit nagawang makatakas ng kawawang bata.
Humingi ng saklolo si Ikemefuna sa kay Okonkwo. Habang nasa harapan
ng kanyang pinamumunuan kailangan mamili ni Okonkwo at upang ipakita
ang katapangan sa harap ng mga kanayon, pinili niyang patayin ang bata
sa kabila ng paghingi nito ng saklolo.

Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Dahil sa pagkamatay ni Ikemefuna, hindi


siya makatulog, hindi rin makakain at hindi makapag-isip ng maayos si
Okonkwo dahil sa ramdam pa rin niya ang pagkakamaling kanyang ginawa.
Kaya nagpasya ito na himingi ng payo sa kanyang kaibigan na si Obierika.

Lumipas ang mga panahon, nabalitaan nalamang ni Okonkwo na patay na


pala si Ogbuefi Ezeudu ang matandang nagbigay sa kanyan ng babala
tungkol sa pagpaslang kay Ikemefuna. sa di malamang dahilan,
umalingawngaw ng malakas na putok ng baril sa paligid habang nakaburol
si Ogbuefi Ezeudu. Tinamaan ng baril ni Okonkwo ang labing-anim na
taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangan pagbayaran ni
Okonkwo ang nagawang krimen dahil ito ay isang mortal na kasalanan sa
dyosa ng lupa. Napagpasyahan na ipatapon si Okonkwo at ang kanyang
pamilya sa Mbanta. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak lalo
na ng kanyang tiyuhin na si Uchendu. Sinuportahan si Okonkwo na
makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil
na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran.

Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga


taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni
Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan
kay Okonkwo. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni
Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo.
Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga
Umuofia.

Isang araw may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng


isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga
misyonero ang mga taga-Mbanta upang ipakilala ang simbahan, ngunit ito
ay hindi nagging madali. Hindi naglaon, nagkasakit si G. Brown at pinalitan
ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Habang
isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng
Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu ito ay
katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng
Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.
Ikinalungkot ng komisyoner ng distrito ang nangyari sa kanilang simbahan
at nagpatawag ito ng isang pagpupulong kasama ang mga pinuno ng mga
Umuofia. Sa pulong, ipina-aresto ang mga dumalong pinuno ng mga
Umuofia at ikinulong. Hindi rin nagtagal ay pinalaya na ang mga bilango at
napagkasunduang tumiwalag. Dahil sa pagaakalang nais ng mga
kaangkan na maghimagsik nagawang patayin ni Okonkwo ang pinuno ng
mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya ngunit ang totoo ay hindi
pa handa sa giyera ang mga kaangkan niya.

Dahil sa pagkakamaling ito, iimbitahan sana ng komisyoner si Okonkwo


para sa isang pandinig ngunit ng Makita nbila si Okonkwo, ito ay
natagpuang nakabigti. Nagimbal ang buong nayon sa nangyari sapagkat si
Okonkwo ay kilala dahil sa mga nagawa nito at sa katapangan at dahil sa
pagpapatiwakal ni Okonkwo, matutulad lamang siya sa isang inilibing na
aso. Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.

You might also like