Professional Documents
Culture Documents
INTRODUKSYON
Sa kasalukuyang kultura ng mga komersiyalisadong stereotypes na matatagpuan sa mga
aklat, pelikula, at iba pang media, ang Its a Mens World ay isang magandat nakakatuwang
pagbabgo. Sa halip na mga rags to riches na kwento o mga binibining nahihibang sa pagibig,
ang mga sanaysay ni Bebang Siy ay nag-aalok ng kakaiba at mas makatotohanan na pamamaraan
sa pagsasalaysay. Binibigay ni Bebang sa kanyang mga mambabasa ang pakiramdam na
Naranasan ko na to! sa halip na mga sentimentong, Sana maranasan ko ito.
Ang Its a Mens World ay isang koleksyon ng dalawpung sanaysay na naghahayag ng
mga karanasan ng may-akda patungong kababaihan at ang mga katotohanan at isyu sa pagiging
babae. Ito rin ay naglalaman ng mga isyu tungkol sa komunidad ng mga Pilipino-Intsik, mga tao
na nabibilang sa mas mababang antas ng lipunan, at ang kanilang mga paniniwalat hinaharap
noon hanggang ngayon katulad na lamang ng pagkakaiba ng tagapagsalaysay sa kanyang mga
Intsik na pinsan; mga hangganang pinapataw sa mga kababaihan sa oras ng makuha nila ang
kanilang mens; at ang paghihirap ng may-akda sa panahon ng kanyang krisis pinansyal.
Ang papel na ito ay isang pagsusuri ng isa ring Pilipino-Instik sa aklat na Its a Mens
World at ang mga isyung pangkasarian, pangkabuhyan, at lahi na natatagpuan rito.
ANG MAY-AKDA
Si Beverly Wico Siy, o mas kilala sa palayaw na Bebang Siy, ay ang pinakamatanda sa
limang magkakapatid ng isang Intsik na ama at Pilpinang ina (De Vera).
hindi nakatapos ng kolehiyo at lulong sa bisyo (Siy 18); habang ang kanyang ina ay walang
ANG AKLAT
Noong una, ang Its a Mens World ay nakasadya para sa MA tisis ni Bebang pero dahil
hinikayat siya ng kanyang propesor, si Vim Nadera na ipalimbag nito, ito ay napalathala ng Anvil
Publishing sa taong 2011 (De Vera). Ang aklat ay naglikom ng mga positibong komento galing
sa mga mambabasa dahil sa pagbigay katatawanan at paghinahong realidad nito.
Ang aklat ay nagsasalaysay sa mga ibat ibang kabanata sa buhay ni Siy sa panahong
nagka-unang mens ang kanyang nakababatang kapatid na si Colay, ang paglaki niya sa isang
magulong pamilya, ang pagdadalaga niya, at hanggang siya ay naging isang babaeng responsable
sa kanyang pamilya at sa kanyang trabaho.
Ang gawa ni Bebang Siy ay madalas maihantulad sa mga sulat ni Bob Ong, isang
kapwang popular na manunulat (De Vera). Ang kanilang mga gawa ay may pagkakatulad sa anyo
ng pagsusulat hindi masyadong pormal, tunog pang-usap, at pranka. Pareho rin silang
"Taglish" kung magsulat. Ang mga simuno ng kanilang gawa ay parehong may kinalaman sa
araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa iba't ibang antas ng buhay.
KRITIKA
MGA ISYU SA KASARIAN AT PANLIPUNAN
Ang unang sanaysay sa aklat ay pinagatang It's a Mens World (katulad lamang ng titulo
ng mismong aklat). Kinuwento nito ang panahon na natanggap ni Colay, ang nakakabatang
kapatid ni Bebang, ang kanyang unang mens. Ang pangyayaring ito ay umusbong ng gulo at
atensyon na nakadirekta kay Colay, kung saan inaalala ng kanyang ama ang mga pinagagagawa
ni Colay bago siya magkamens, at kung saan tuwang-tuwa ang kanyang mga pinsan at tiyahin sa
pagpasok ni Colay sa pagdadalaga. Ang buong pamilya ay pinaguusapan si Colay at laging
binabahala si Colay (Siy 9).
Natural lang, naingit ang batang Bebang, at nagpasya siyang dapat magkaroon rin siya ng
mens agad agad (10).
Kinewunto sa salaysay kung paano tinangka ni Bebang na "makuha" ng mas maaga ang
kanyang mens. Siya ay kumain ng mas marami, naglaro ng mas grabe, alangalang sa regla (1011).
Ngunit ng makuha na nga niya ang kanyang hinihintay, ang reaksyon niya lang ay:
Malungkot kong tinitigan ang mantsa sa panty. Ay, ang dami mo namang
hinihinging kapalit. Demanding, parang ganon. Napakademanding naman pala ng
pagdadalaga (16-17).
At sa huli, Ano uli ang dapat ipagdiwang (17)?
Sa isang sulyap ng pribadong sandali na dinadaanan ng lahat ng babae, ipinakpakita ni
Siy ang kapalit ng pagkakaroon ng regla. Ang pagkakaroon ng mens ay ang senyas ng
pagdadalga, kung saan ang mga babae ay inaasahang tila magpalit ng anyo. Sa panahon na
tinatawag na pagdadalaga, ang mga kababaihan ay inaasahang umarte at umakto sa pamantayan
ng lipunan. Dapat batid ng mga dalaga ang kanilang pagkababae. Bawal na ang pagiging
magaslaw, dapat maging mahinhin (Gathering Books). Ang mga dalaga ay kailangang matuto ng
gawaing bahay, pero pagdating sa mga binata tila opsyonal lang ito. Ang tingin sa binata na hindi
gumagawa ng gawaing bahay ay hindi kasing mapanghusga kaysa sa dalagang hindi marunong
gumawa ng gawaing bahay.
Sa sanaysay na "Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Kuya Dims", ipinagtapat ng mayakda ang pagramdam ng ginhawa sa kaalaman na patay na si Kuya Dims (104). Ikinuwento niya
ang kanyang karanasan ng pangmomolestiya ni Kuya Dims noong siya ay siyam na taong gulang
pa lamang, at kung paanong hindi tinuturuan ang mga batang katulad niya noon kung paano
lumaban noong panahong iyon sa ganoong sitwasyon (105, 108).
Sa high school lang natanto ng may-akda na ang nangyare sa kanya noong bata pa siya ay
isang akto ng pangmomolestiya (109). Kinuwento niya ang mga flashback na mararanasan niya
kahit saan, kahit kelan, na nagsisilbing rason sa kanyang pagkawala ng kompiyansa sa sarili
(109-110) hanggang sa panahon na nagawa niyang ipagtapat ang nangyari sa kanyang malapit na
kaibigan at kasintahan (113).
Nakaklungkot sabihin na hanggang ngayon ang mga kabataan ay hindi parin handa at
kulang sa kaalaman kung paano nila maipagtatanggol ang kanilang sarili o kahit man lang paano
sila sasagot sa mga sitwasyong iyon. Ito ay marahil sa konsepto ng hiya na naguugat sa mga turo
ng simbahan na ang mga usaping sexual ay itinuturing "taboo."
Ang mga sitwasyong ito ay may mga matagalang epekto sa mga biktima. Katulad sa
kwento ni Siy, naalala pa rin niya ang mga nangyari at tuwing naiisip niya ito siya ay
nakakaranas ng pagkawalang kumpiyansa sa sarili at pagkahiya.
palayaw niya ay ang "Kampanerang Kuba" dahil siya ay laging nakayuko - dahil sa pagranas
niya ng pagkahiya sa sarili (109).
Sa kolehiyo, siya ay sumali sa isang NGO na pinaglalaban ang karapatan ng kababaihan.
Nakumbinsi niya ang sarili na wala siyang kasalanan sa nangyari ngunit ito ang isinulat niya:
...pero kahit nalaman ko ang lahat nang ito ay hindi pa rin natanggal ang imbisibol na pabigat sa
puso ko (111). Ipinapakita nito ang malalim na sugat na nadadanas ng mga biktima ng sexual
harassment.
Ang dalawang sanaysay na "Milk Shakes and Daddies" at "First Date" ay tumatalakay sa
magkaibang paksa ngunit pareho silang may pag-i-stereotype sa ngalan ng kasarian at sa
panlipunan.
Ang "Milk Shakes and Daddies" ay ang kwento ni Bebang kasama ang kanyang tatay sa
Rosie's Diner, kung saan siya ay umiinom ng milkshake. Sa mga araw sa Diner, pinapakinggan ni
Bebang ang kanyang tatay maghumyaw tungkol sa "kasamaan" ng kanyang nanay (118-124).
Naririnig ng labing-isang taong Bebang mula sa kanyang itay ang mga bagay na: Tarantado
yang nanay mo (121), Pineperahan lang ako niyang lola mo at niyang nanay mo (121),
Sabagay, pareho silang mukhang pera (121). At meron pa: Tamo, nanlalaki na yang nanay
mo? (122), at Di makontento. Napakalandi niyang nanay mo (122).
Sabi nga ni Bebang (na narinig niya rin sa isang "henyo"), "Manhid ang mga lalaki
(121). Habang siya ay tumatanda, patuloy-tuloy na nilalarawan ng kanyang tatay na isang
masamang babae ang kanyang nanay, hanggang dumating si Bebang sa punto na siya mismo ay
inisip na ang kanyang nanay ay hindi mabuting ina (123).
Sa pagsasalita ng tatay ni Bebang, makikita kung paano nito ihalintulad ang mga babae sa
mga magkakatulad na katangian - mahilig sa pera, malandi, at nagpapahaba lang ng buhok dahil
sa kasabihan na "ang mga lalaki kasi, mas mabilis daw maakit sa mga babaeng mahaba ang
buhok" (122).
Sa "First Date" naman napapakita rin ang mga isyu sa pag-i-stereotype sa mga papel ng
kasarian. Kinukwento ni Bebang ang pag-papayo nito kay G sa kanyang first date.
Ang unang isyu ni Siy sa sitwasyon ay, "Pa'no kung manyak ang lalaki (126)? Ang
katanungan na ito ay normal at otomatik na na iniisip ng mga kababaihan. Sa lipunan, ang mga
babae ang dapat maging alerto laban sa harrassment; ngunit kailangan din tandaan na ang
kabaligtaran ay posible ring mangyari. Hindi lang mga lalaki ang pwedeng magkasala sa
harrassment, pwede rin na ang babae ang gumawa nito.
Inilarawan rin ni Siy ang kanyang ideyal na first date. Ayon sa kanya, gusto niya na
maglakad-lakad sila, bumisita sa mga museo habang naguusap (130-135). Dito makikita rin ang
pag-ii-stereotype na mas gusto ng kababaihan na "kumonek" sa kanliang katambal sa mas
emosyonal na paraan sa halip na pisikal.
Sa ideyal na first date ni Siy, sinabi niya na mas gugustuhin niya na mapaghatian ang
bayarin. Kung ang lalaki ang magbabayad para sa lahat, baka mahiya ang babae na umorder
kung ano talaga ang ninanais niya. Subalit, kung ang babae naman ay ang sumagot sa bayarin,
eto ay magdudulot ng pinsala sa dignidad at karangalan ng lalaki bilang isang lalaki. Idinagdag
pa sa sanaysay na baka maglaslas pa si lalake dahil hinayaan niya magbayad si babae (127).
Ang kaisipan na ito ay naglalarawan kung paano inaasahan ang mga lalaki na maging
"padre de pamilia" - dapat sila ang magsustento sa kanilang pamilya; ang pagkabigo sa tungkulin
nito ay mag-aalis ng kanilang dignidad at karangalan bilang lalaki. Ang mga salitang "dignidad"
at "karangalan" ay ginamit sa konspeto ng ideyal na kalalakihan ng lipunan. Ang paggamit ng
mga salita at konsepto na ito bilang panakot upang ipaalala sa mga kalalakihan na sang-ayunan
ang ideyal na imahe ng lipunan sa kung ano ang ibig sabihin ng pagiging lalaki ay ipinapakita
ang pagpapahalaga ng lalaki sa kanyang pagkamakaako, kumapara sa paggamit ng emosyon
bilang pagtukoy sa pagkababae ng isang babae.
lang ng lugaw ang binili ng kaniyang ama, dahil wala na siyang pambili para sa kanyang sarili
(42-22).
Ibinahagi ni Siy ang kaniyang mga realisasyon ngayoy matanda na siya, na: naisip
kong pareho ang problema ng tatay at nanay ko nong time na iyon: PERA (46)
Magandang pagtuunan ng pansin ang pagkaugnay ng sitwasyon ni Bebang sa lipunan
noon at ngayon, kung saan ang mga kapos palad ay nagkakaroon ng maraming mga anak na
hindi naman nila kayang buhayin ng maayos. Dagdag pa ang katotohanan na madalas na salot ng
problema sa pamilya ay ang kawalan ng pera na umiikot sa tahanan, kung saan madalas
lumulubog sa bisyo ang mga magulang ng mga bata, kung alak, sigarilyo, o pagsusugal man
iyon. Ipinapakita ni Siy sa Ang Lugaw, Bow ang paninigarilyo ng kanyang ama (46), at sa
Kwits niya naman ipinapakita ang bisyo ng kanyang ina na ang pagbabaraha, lalo na ang
tongits (30).
Masisilip ng mga mangbabasa ang kabuoang kahirapan ng pamilya ni Bebang sa
sanaysay na Shopping, kung saan mangiyak-iyak na ang kanyang ina sa natanggap na pera
galing sa kanyang ama para magshopping para sa kanyang gamit pangeskuwela. Pagdating nila
sa SM, agad-agad hinanap ng kanyang ina ang mga SALE na karatula, maski may pera silang
nakalaaan para sa pagbili ng mga kagamitang ito (54-55).
Ang kabuoan ng kahirapan ng may akda ay maaring makita habang minamasdan niya ang
mga putting papel at hinihimas-himas ang pahina, dahil alam niyang imposibleng mapasakanya
iyon. Alam niya na ang makukuha niyang papel ay ang tipong pamunas lang ng kaklase ko
sa naputikan niyang sapatos (55). Dinugtungan ni Siy ang pasadang ito ng mensahe ng kanyang
ina na ang importante ang sagot na nakasulat, at hindi ang papel, na nagpapakita ng kakayahan
ng estadong sosyoekonomikal na magpaiba ng prioridad ng tao sa buhay.
Pangalawa, naaalala ni Bebang ang pagtingin niya sa mga Intsek niyang pinsan:
magagaling at matatalino (20). Wikang Ingles o Intsek lang ang ginagamit nila, kung saan
naninibago ang batang Bebang dahil ika niya, ginagamit lang nila ang Ingles sa mga school
programs. Kaya ring bigkasin ng isang pinsan niya angmga kapitolyo ng mga bansa, at iyong isa
naman, kayang bigksin ang ibat-ibang dinousaur (20).
Sa masmalawakang pananaw, ang isyu dito ay ang pagturi ng mga wikang banyaga
bilang tagatantsa ng katalinuhan. May ugali ang mga Pilipino na tanghaliking matalino ang isang
taong magalingmagsalita ng ibang lengguahe, lalo na pag Ingles ito.
Sa sanysay na ito, ang kagalingan at katalinuhan na ito ay nagsilbeng paraan para
mas mapalayo ang isip ni Bebang sa kanyang mga kalahing Intsek. Ang pagpili ng legguaheng
gagamitin ng kanyang mga pinsan ay lalo pang nagpa alienate sa kanya, kung saang sinasabi ni
Bebang na: kahit katabi nila ako at ang mga kapatid ko, parang wala silang nakikita. Kaya hindi
rin naming sila kinakausap (20). Hindi naguusap ang magpipinsan, naglalaro sa taas ang mga
kapatid ni Bebang, habang nagbabantay ng tindahan ang kanyang mga pinsan sa ibaba (21).
Binibigyang tanaw ng Super Inggo ang isa pang popular na gawain ng Intsek noon, ang
arranged marriage, at ang kagustuhan ng mga Intsek sa kaayusan at sistema. Sa sanaysay na ito,
sinimulaan ni Siy ang pagbibigay aral sa mga mangbabasa kung papaano ang tawagan ng mga
magkakamaganak sa kulturang Intsek gamit ang isang chart na nagsasaad kung ano ang
terminong kelangan gamitin at kung ano ang ibig sabihin nito (73).
Kinukwento ni Bebang ang kanyang Ape (panganay na kapatid na lalake) at ang kanyang
kasipagan sa pagbabantay ng tindahan. Ang Ape niya ay ang nagbubukas nito sa umaga at
nananatili siya sa tindahan hanggang sa magsara ito ng gabi, maliban sa panahong kumakain siya
ng tanghalian (74-76). Maski matapos maparalisa ang kalahating katawan ng Ape ni Bebang
dulot ng stroke, nagbabantay parin ng tindahan ang kanyang Ape, hanggang sa kanyang
kamatayan, kung saan ang asawa niyang si Garet Aso ang nagging tagapamahala nito(79-80).
Isinasaad rin ng may akda kung paanong hindi niya nasulyapan ang lambingan ng
magasawa. Sa palagay ng manunulat, ang pagkaarranged marriage na ayos ng kasal ang may
pakana nito (78). Popular na gawain kasi iyon noong panahong yon. Galit na galit ang ina ni
Bebang kay Garet Aso, dahil hindi nito inaalagaan si Ape (78), ngunit ang nakakatawa rito ay
hindi rin naman inaalagaan ng ina ni Bebang ang kanilang ama.
Tinapos ni Bebang ang sanaysay sa pagsasabi na noong namatay na si Ape, minsan ang
mga bantay sa tindahan ay nagchichikahan at nagsasabing minumulto raw ni Ape ang tindahan
paminsan minsan (80-81). Sangayon naman dito si Bebang, kung saan isinaad niya na:
Malamang nga, si Ape yon. Wala nang iba. Paakyat na siya ng bahay matapos ang
maghapong pagbabantay sa grocery at ang maghapong pakikinig sa usap-usapan ng mga
tinder ant ng masipag niyang asawa (81).
KONKLUSYON
Ang mga isyung isinaad sa libro at ibinaggit sa papel na ito ay nahahanap parin sa
lipunan ngayon, mula sa pagkakaiba ng kulturang Pilipino-Intsek at Intsek, patungo sa mas
seryosong usapan ng sexual harassment.
Ang Its a Mens World ay puno ng katotohanan na napulot ng manunulat habang siya ay
naglalakbay sa buhay at lipunan. Pwedeng maituring unibersal ang akda sa loob ng
pangpilipinong lipunan, sa kontexto na nakakaya nitong makipagrelate sa ibat-ibang uri ng tao,
mula sa kapos palad, hanggang sa mga Pilipinang may dugong Instek, sa pamamagitan ng
pagpapahiwatig ng mgapersonal na karanasan ng manunulat.
SANGGUNIAN
Cantor, Libay Linsangan. "(En)Gendered Form and Content: Pinay Artists Speak Up and Stay
Strong. Rappler. Rappler, Inc., 27 Feb 2014. Web. 16 May 2015.
De Vera, Ruel S. "Funny Girl." Inquirer.net. Inquirer.net, 7 Jan 2012. Web. 15 May 2015.
Gathering Books. Its a Mens World by Bebang Siy. Gathering Books. Wordpress.com, 16