You are on page 1of 5

Proyekto sa Filipino 3 Mabisa at Masining na

Pagpapahayag

JUAN
BALUCAS AT
ANG
BAYABAS
MOVIE REVIEW

Ipinasa ni: Anecito T. Tubog Jr.


Ipapasa kay: Bb. Lislelyn Saycon
Araw at oras: M-W-F 1:00-2:00 PM Section: G
I. BALANGKAS

a. Tauhan

 Juan Balucas Jr.  Noni (nuno sa punso)


(protagonista)  Haring Sipit (Hari ng mga
 Juan Balucas Sr. (John; Ama Alimango)
ni Juan Jr.)  Tambo (Kapre; tagabantay
 Maria (Ina ni Juan na isang ng puno na lagusan patungo
diwata) sa ibong badarna)
 Ibong Badarna (antagonista)  Pag-asa (diwatang walang
 Reyna Suki (reyna ng mga pangalan)
diwata)  Fabio (Ama ni Juan/ John
 Apo (engkanto; matandang Sr.)
lalake na tumulong kay Juan
Jr.)

b. Tagpuan

 Lungsod (Maynila)
 Paaralan
 Probinsya
 Gubat
 Ilalim ng punong Bayabas
 Sankwaryo ng mga Diwata
 Ilog
 Malaking Puno na lagusan patungo sa ibong Badarna

c. Banghay

 SIMULA- Sa araw na iyon, makikita ang paggiging makulit at pilyo ng batang si


Juan Jr., inimbita ng mga kasamang guro si Maria (ina ni Juan) na pumunta sa
isang seminar, ngunit may kasunduan sila ni John (ama ni Juan) na bumisita sa
probinsya at kanila itong isusurpresa dahil kaarawan ng lolo nya na si Fabio (ama
ni John). Hindi nakasama si Maria na pumunta sa probinsya kaya’t ang mag ama
nalang ang tumuloy na pumunta.
 SAGLIT NA KASIGLAHAN- Ng dumating sila sa bahay ng magulang ni John,
makikita nag sabik na pagyakap ng ama at ina ni John, mayroong kainan at
kwentuhan ng biglang nag brownout, napagpasyahan ni lolo Fabio na mag
kwento tungkol kay Juan Tamad ang bayabas kalaunay bumalik ang ilaw at di ito
natapos. Kinaumagahay napagpasyahan ng mag ama na pumasyal sa gubat kung
saan naroon ang dating pahingahan ni John, ang puno ng bayabas na sa panahong
iyon ay patay na. Dumating sila sa puno at biglang dumating ang matandang si
Apo na dating kakilala ni John. Nagpaalam ang batang si Juan na iihi habang nag-
uusap sila John at Apo. Sa kanyang pag-ihi ay di nakita ni Juan ang nuno sa
punso na si Noni. Kinuha ni Noni ang sombrero ni Juan hanggang napadpad sila
sa sanktwaryo ng mga diwata at doon nakita ni Reyna Suki ang hari ng mga
diwata ang batang si Juan. Naisip ni Reyna Suki na sya (si Juan Jr.) ang batang
isinasaad sa propesiya na bunga ng katamaran na syang mag-lulugmok ng buong
Pilipino.
 KASUKDULAN- Bumalik ang batang si Juan sa puno ng bayabas at natagpuang
bato na ang ama nya. Tinulungan ni Reyna Suki si Juan at doon nag simula ang
kasunduan nila Juan Jr., kapalit ang kaligtasan ng kanyang ama. Dahil sa
determinasyon at pagmamahal ni Juan sa kanyang ama sinunod niya ang utos ng
Reyna, sa tulong ni Noni at Apo. Marami silang napagdaanan na pag-subok at
reyalisasyon, nakilala nila si Sipit ang hari ng mga alimango, napag alaman nila
na sina Sipit ay tinulungan ni John ng silay ibebenta na sana. Ng dumating sila sa
puno ng lagusan patungo sa Ibong Badarna ay naroon naman si Tambo, ang
gwardya sa nasabing puno, napag alaman ni Juan ang kahalagahan ng puno at
kalikasan, hanggang nakaabot na ang batang si Juan sa Ibong Badarna at nakuha
nya ang dalawang bagay na mag-liligtas sa kanyang ama, ang huni ng ibong
badarna at tubig ng buhay.
 Kakalasan- Dahil sa kondisyon ni Reyna Suki, nanatili si Juan sa gubat kung saan
naroon ang puno ng patay na bayabas, nakita nya ang kanyang konsensya, pinilit
nyang makalabas sa gubat ngunit hindi nya magawa.
 KATAPUSAN- Sa huli ay nanaig pa rin ang tunay na katauhan ni Juan Balucas
Jr. Nagawa niyang labanan ang katamaran, ibinuhos niya ang tubig ng buhay
galing sa bukal, inakyat niya ang puno ng bayabas kung saan naroong ang kaisa-
isang bunga ng bayabas upang ito’y kainin. Dahil dito, napatunayan ni Juan Jr.,
ang isinasaad sa propesiya.
 SYNOPSIS- Ang Juan Balucas at ang bayabas ay hango sa kwento ni Juan tamad
at Ibong Adarna. Makikita ang pagka malikhain sa pelikula, ginawa nilang
halimbawa ang ibong badarna na tagapigil ng paglaganap ng katamaran sa buong
bansa.
Dahil sa pagmamahal ni Juan Jr. sa kanyang ama ay iniligtas nya ito sa
tulong ng Diwatang si Reyna Suki kapalit ang ilang kasunduan at kundisyon.
Kailangang makuha ang huni ng ibong badarna at tubig ng buhay sa bukal bago
sumapit ang kabilugan ng buwan. Napagtagumpayan ni Juan ang pagsubok sa
tulong nina Apo at Noni, nalagpasan nya ang hari ng mga alimango at ang
kapreng si Tambo.
Nang maligtas ni Juan ang kanyang ama sa pamamagitan ng ay nakulong
siya sa gubat malapit sa puno ng bayabas, naiwan lamang sa kanya ang tubig ng
buhay. Hindi nawalan ng pag-asa si Juan Jr., sinaboy nya ang tubig ng buhay sa
dating puno ng bayabas, at sa paggiging pursigido, sipag at lakas ng loob ay
nakuha nya ang bunga ng bayabas at nagbalik sa dati ang lahat. Ang buong
kwento ay nagpapakita ng kahalgahan ng pagiging masipag at pagmamahalan.

2. ARAL NA NAPULOT SA PELIKULA

 Sipag - kailangang mag  Ang paggiging mabuting


banat ng buto upang may anak ni Juan Sr. na
makain dahil hindi sa maiihalintulad sa
lahat ng panahon ay paggiging malapit natin
maroon mag dudulot sa sa ating pamilya bilang
atin ng pagkain upang isang Pilipino.
tayo’y mabuhay.  Matulungin
 Matibay na loob  Maunawain
 Kahalagahan ng pagiging  Mapag mahal sa kapwa,
mabuting magulang para kalikasan at kapaligiran
sa kanilang anak  Pagmamahalan

3. KAUGALIAN NG PILIPINO

 Pagmamahal sa mga magulang


Ang isang kaugalian ng Pilipino ay ang pagtanaw ng utang na loob sa
kaniyang mga magulang, sa kwentong Juan Balucas at ang bayabas ay
makikita ang pagmamahal ni John sa ama niya na si Fabio, kaarawan niya at
binigyan niya ito ng surpresa sa pag-uwi sa probinsya. Ang pag MANO sa
mga nakakatanda ay isang kaugaliang pag respeto sa mga matatanda sa atin,
“po” at “opo” ay kasama na rin, gayundin ang pagmamahal ng mga magulang
sa kanilang mga anak.

 Mga kwentong pam-pilipino


Ang mga Pilipino ay nakahiligang mag kwento na may napupulutan ng aral,
makikita sa palabas ang pagkukwento ni lolo Fabio sa kaniyang mga apo,
kahit hindi ito natapos. Makikita sa palabas ang iba’t ibang uri ng kwentong
pinoy, Juan Tamad at ibong adarna, kapwa may napupulutan ng aral.
Mayroon ring mga kilalang pinaniniwalaang lamang lupa o enkanto na nag
nagbabantay sa ating kapaligiran, mga diwata (Reyna Suki at Pag-asa, kapre
(Tambo) at nuno sa punso (Noni).

 Tibay at lakas, Kasipagan


Ang kwento ay nag papakita ng tibay ng loob, at kasipagan. Ang Pilipino ay
taas noo sa pagharap ng mga problema, mabigat man o hindi. Tumutukoy ito
sa abilidad ng tao na magpursiga sa halip ng kahirapan. Madalas, lumalabas
ang lakas ng loob ng isang tao kapag nais niyang ipaglaban ang kanyang
dangal. Subalit, hindi lamang ang sariling mga interes ang iniisip kapag
tinatalakay ang mga dahilan kung bakit nagpapakita ng lakas ng loob ang
mga Pilipino, lumalabas din ang lakas ng loob ng isang tao para ipaglaban
ang katarungan para sa kanyang kapwa. Dahil dito, masasabi na ang lakas ng
loob ay isang damdamin, o pangkaloobang pakiramdam, na mahalaga para
makamit ang kabutihan para sa lahat.

You might also like