You are on page 1of 4

“SURING-PELIKULA”

---------HENERAL LUNA----------
I. PAMAGAT
 Heneral Luna

May-akda:

 Jerrold Tarog
 Henry Hunt Francia
 E.A Rocha

Genre:

 Ito ay isang uri ng pelikula.


II. BUOD
 Si Heneral Antonio Luna ay ang pinakamatapang at ang
pinakamagaling na heneral sa Pilipinas sa panahon ng
panunungkulan ni Presidente Aguinaldo at pananakop ng
mga Amerikano. Dahil sa kaniyang angking kagalingan at
pagiging pursigido sa pagtatanggol sa Pilipinas laban sa
mga Amerikano,marami ang nainggit at nagagalit sa
kaniya tulad ng mga kapwa niya Heneral dahil tila siya ay
nagiging mayabang. Nagsumikap si Heneral Luna magapi
ang mga Amerikano ngunit hindi niya itomatalo-talo,kahit
na madaming Pilipino na ang patay at duguan,ngunit sa
kabilangbanda,may mga kawal na tila’ynagpapakasaya
lang kaya nman nagalit si Heneral Luna sa kanilang
Kapitan at pinahiya ito,habang binabanggit ang Artikulo
Uno,na siyang pinagmulan ng pagtawag kay Heneral Luna
ng Heneral Artikulo Uno. Naging matagumpay ang
ilang labanan nila Heneral Luna sa ibang mga
bayan,ngunit hindi sa lahatsa pagkat nagkaroon sila ng
alitan ng kapwa niya Heneral ukol sa pakikipaglaban sa
Amerikano,at dahil ditto kailangang pumili ni Presidente
Aguinaldo kung sino sa kanila ang papanigan,at si Heneral
Luna ang kaniyang pinanigan.Isang araw,nakatanggap si
Heneral Luna ng isang telegrama,galling kay Presidente
Aguinaldo na kung saan siyay pinapupunta nito sa isang
pulong.Si HeneralLuna at ang dalawang kapitan nalang
niya ang nauna sa pulong sa kadahilanang nagkaroon n
gproblema ang ibang mga kawal sa pagtawid sa ilog.Ang
pagpunta na pala niya sa pulong na iyon ang kaniyang
magiging huling sandali,sapagkat siya ay walang awa na
pinatay ng mga kawal at ng kapitan na kaniyang
pinahiya.Siya ay pinagbabaril at pinagsasaksak ng mga ito
hanggang sa masigurado nila ng hindi na talaga siya
humihinga.
Walang sinuman ang nakakaalam kung sino ang tunay na
nagpatay sa tunay na heneral Luna.

III.PAKSA
 Ang paksa ng pelikulang Heneral Luna ay ukol sa kung
paano kinaharap ng isang magiting na Heneral Antonio
Luna ang mga pagsubok sa kaniyang buhay tulad nalang
kung paano siya at ang kaniyang hukbo na
nakipagsapalaran laban sa mga mababagsik na Amerikano
para makuha ang kalayaan ng Inang Bayan (Ang Pilipinas)
kahit kapalit pa nito ang kanilang mismong buhay at kung
paano namatay si Heneral Luna sa kamay ng mga kapwa
niya Pilipino sa kabila ng kaniyang pagmamahal sa bayan
at kung papaano siya naging inspirasyon sa mga ito.Ang
pelikula naito ay tungkol rin sa mga problema ng ating
pamahalaan noong datipa man,tulad nalang ng may mga
takwil sa ating pamahalaan at hindi tayo nagkakaisa sa
iisang layunin/paraan,tulad nalang ng layunin na makaalis
sa pananakop ng mga Amerikano o tayo na mismong mga
Pilipino ay nagkakagulo na sa ating pamahalaan..
IV. BISA
(Sa isip)
 Naimpluwensiyahan ng pelikula na ito ang pagiisip ng mga
manonood ukol sa ating pamahalaan at maging sa
kasaysayan. Namulat nito ang mga kaisipan na hanggang
ngayon ay hindi parin talaga natin lubusang kilalaang ating
mga bayani , at naipakita rin dito sa kanila na may mga
bagay na nangyari dati na nakaaapekto sa mga
pangyayari ngayon sa bansa.
(Sa damdamin)
 Napukaw ng pelikulang ito ang damdamin ng bawat
manonood bata,matanda,estudyante o mga magulang
man.Halo-halong emosyon ang nadama marahil ng mga
manonood,maaaring nalungkot dahil sa nangyaring
kalupitan kay Luna na sinaksak at binaril ng mga kapwa
niya mismo Pilipino,nagalit sa mga taong walang awa na
pinatay si Heneral Luna sa kabila ng mga ginawa nito para
sa Bayan,nainis sa ibang tao na nasa pamahalaan na
walang ginawa kundiang magpakasaya sa kabila ng
paghihirap ngibang Pilipino,natuwa dahil sa mga
binitiwang kataga ni Heneral Luna o naiyak dahil kahit sa
huling sandal ng kaniyang buhay ay naging matapang
parin si Luna at siyay kinatakutan parin ng mga kawal.
V. MENSAHE
 Gustong ipabatid ng pelikulang Heneral Luna na dapat
mahalin natin ang ating sariling bansa,bago pa man
angibang bansa,bago pa ang ating sarili.Dapat nating
ipagtanggolang ating bansa sa mga mananakop,gaya ng
ginawa niHeneral Luna.Huwag rin tayong magiging sakim
sa ating kapangyarihan,dapat nating alamin ang mga
limitasyon natin sapagkat lahat ng kasamaan ay may
masamang bunga.Higit sa lahat,bago pa man natin ayusin
ang problema na dala ng mga dayuhan,dapat ay
resolbahin muna natin ang mga problema nating mga
kapwa Pilipino sapagkat paano nga ba natin maaayos
angibang bagay kung tayong mismong mga Pilipino ay
watak-watak na.
VI. TEORYANG GINAMIT
 Humanismo

Danica Amor A.Roa~


X-Einstein~
Mrs.Adajar~

You might also like