You are on page 1of 4

Juan Balucas At Ang Bayabas

Paksa: Ito ay kwento ng pakikipagsapalaran ng isang batang lalaki upang


iligtas ang kanyang ama mulasa pagiging bato dulot ng Ibong Badarna.

Mga Tauhan:

Juan Balucas jr - Ang bata na gumawa ng lahat ng paraan upang mailigtas


ang kanayang ama, na napagkamalang si Juan Tamad.

Juan Balucas /John - Ang ama ni Juan Balucas Jr, siya ang ililigtas ng kanyang
anak na si Juan Balucas jr.

Maria – Ina ni juan balucas jr. at isang diwata noon pero piniling maging tao
dahil sa pag mamahal kay Juan balucas.

Ibong Badarna - Ginawa niyang bato ang ama ni Juan Balucas

Reyna Suki - Ang reyna ng mga Diwata.

Apo- Isang engkanto, ang tumulong sa kanya

Noni- Isang nuno sa punso ang tumulong sa kanya.

King Crab Sipit- May bagay siya na kailangan dito.

Tambo- Isang kapre

Diwata Pag asa- Diwatang walang pangalan

Fabio - Ama ni John

Sofia – Ina ni John


Tagpuan sa kwento:

.Paaralan
.Bahay nina John at Maria sa Maynila
.Kagubatan sa Probinsya kung saan nangyari ang lahat ng pangyayari.

Banghay ng kwento:

Simula
Ang pamilya ni Jaun Balukas,Si Maria isang guro at Juan Balucas Jr na isang
makulit na estudydate. Napagpasiyahan ng pamilya na umuwi sa probinsya sa
kaarawan ng lolo ni Juan Balucas Jr sapagkat ilang taon ng hindi nakapunta ang
pamilya doon.

Saglit na kasiglahan

Nakarating na ang mag-ama sa probinysa na masaya dahil kaarawan ng kanyang


Ama, at masaya ang ama ni Juan dahil naka kita siya sa kanyang apo na si Juan
Balukas Jr. At habang sila ay nasa probinsya ipinasyal si Juan jr ng kanyang ama sa
puno ng bayabas na naikwento ng kanyang lolo at kung saan dating tumabambay at
natutulo ang ama niyang si Juan/John.Nagpaalam si Juan Jr na iihi at
pinaaalahanan siya ni Apo na magpasintabi ngunit hindi nya ito nagawa naihian
niya ang isang nuno at nagalit ito.

Kasukdulan

Sa galit nais sanang parusahan ng nuno si Juan Jr ngunit tinapakan ni Juan jr ang
paa ng nuno kaya nagulat ito dahil nakikita siya ni Juan kaya kinuha niya ang
sombrero nito at tumakbo. Hinabol naman siya ni Juan jr at nakapasok si Juan Jr sa
mundo ng Diwata/Nuno at muling nagulat ito na nakapasok si Juan Jr. At lumabas
si Juan Jr na umiiyak at bumalik sa kanyang ama, ngunit naging bato ito na
nakahiga sa ilalim ng puno ng bayabas.
Kakalasan

Biglang dumating si Apo na siya namang pinagbintangan ni Juan Jr at umalis


naman ito parating si Reyna Suki. Humingi ng tulong si Juan sa Reyna at nangako
naman ito na tutulong ngunit may kondisyon.
Naglakbay si Juan Jr kasama si Apo at tumulong ang nuno sa utos ng diwatang
walang pangalan.

Katapusan

Sa tulong ng bagay na binigay ng hari ng mga Alimango, sa pagpapadaan ng kapre


at lalong lalo na sa tulong ni Apo at nuno ay napagtagompayan ni Juan Jr ang
kasundoan niya ni Reyna Suki. Dahil sa determinasyon na naipakita ni Juan Jr ay
nalagpasan pa rin niya ang huling pagsubok sa pamamagitan ng hindi paggaya sa
kanyang ama na naghintay lamang sa bunga ng bayabas. Noong siyay nagugutom
kaya siyay muling nabalik sa realidad kasama ang kanyang ama at kinain nila ang
bunga ng bayabas.

Mga aral na nakuha sa kwento:

Wag magiging tamad - wag natin pa iralin ang pagiging tamad dahil wala tayong
mararating kung katamaran ang ipa iralin sa ating buhay.

Maging masipag at di lang sa sarili at maging mapagmalasakit sa kapwa at sa


kalikasan.

Maging Positibo sa pananaw sa buhay.


Proyekto sa Filipino 1

Akademiko sa Wikang Filipino

Movie Review (Juan Balucas at Ang Bayabas)

Isinumite ni : Rowen Paul J. Estorco

Ipinasa kay: Ms.Gracelyn Deleña

You might also like