You are on page 1of 2

Quianzon, Mc Dominic V.

PT2-A

10 pangyayaring hindi kapani-paniwala mula sa akdang Biag ni Lam-ang

1. Nang nanganak si Namongan, siya ay namangha at napansin niya na may kakatwang laki ng katawan at
nagsasalita na ang kanyang bagong sanggol. Kung iisiping maigi, ito ay hindi makatotohanan bagamat ang
normal na sanggol ay hindi malaki ang katawan at wala pa itong abilidad na makapag salita. Ang
pangunahing ginagawa ng mga bagong panganak na sanggol ay umiyak pagkatapos lumabas sa
sinapupunan ng kanilang ina.

2. Ipinangalan ni Lam-ang ang kanyang sarili at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging ninong at tinanong
agad kung nasaan ang kanyang ama. Ito ay imposible at tanging piksyonal lamang dahil walang kakayahan
o abilidad ang bagong silang na sanggol na magsalita at mag-isip na kanyang sariling pangalan.
Nakapagtataka rin na siya rin ang namili ng kanyang mga magiging ninong at tinanong pa niya kung nasaan
ang ama niya kung saan ito ay kinakailangan na higit na pag-iisip ng isang tao na hindi pa maaari sa isang
sanggol.

3. Pagdating ng siyam na buwan, mabilis ang paglaki ni Lam-ang kung saan nakuha niya ang taglay na laki ng
isang ganap na lalaki. Ito ay imposible dahil ayon sa siyensiya, ang siyam na buwan ng normal na tao ay
wala pang kakayahan magsalita at magtaglay na laki ng katawan ng isang ganap na lalaki. Ang normal na
gawain ng mga sanggol sa kanilang pang siyam na buwan ay dumede sa kanilang ina at maglaro ng mga
laruan.

4. Naligo si Lam-ang sa ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng tribo at namatay ang mga isda sa ilog at
nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang dahil sa dungis o sa libag na nanggaling kay Lam-ang. Ito
ay sobrang piksyonal dahil hindi kaya makapatay ng maraming isda at makaahon sa pampang ang mga igat
at alimasag ang dumi ng isang tao sa katawan gaano man ito kadungis o karumi.

5. Abilidad ng mahiwagang aso at mahiwagan tandang ni Lam-ang kung saan tumahol ang mahiwagang aso
at nabuwal ang bahay, at tumilaok ang mahiwagang tandang at muling tumayo ang bahay. Ito ay hindi
makatotohanan at piksyonal lamang dahil walang kakayahan ang manok at tandang na sumira at bumuo ng
isang buong bahay dahil ang kanilang tahol ay tanging nagbibigay ingay lamang.

6. Nakalaban ni Lam-ang ang isang higante na si humarang at hinipan niya ito at sumalipadpad sa ikapitong
bundok si Sumarang. Unang una, hindi totoo ang mga higante at pangalawa hindi kayang paliparin ng isang
hipan lamang ang isang higante dahil sa ubod na laki nito. Kahit ito’y piksyonal lamang, hindi kapani-
paniwala na kayang patalsikin ng isang hipan ang isang higante. Ipinapakita sa akda na ito na mayroong
hindi maipaliwanag na kapangyarihan si Lam-ang na hindi posible sa realidad.

7. Ipinagtapat ng mahiwagang tandang at aso ang layunin ni Lam-ang, yun ay ang pag-ibig ni Lam-ang at nais
niyang pakasalan si Ines, sa pamilya ni Ines. Itong pangyayari na ito ay hindi kapani-paniwala dahil walang
kakayahan ang tandang at aso na magpahayag sa mga tao. Walang abilidad na makapag salit ng salita ang
mga hayop sa aso dahil naiiba ang kanila pag-iisip at anatomy ng kanilang katawan.

8. Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto para mapasaya at matapatan niya ang
kayamanan ng pamilya ni Ines para pumayag na sila’y ikasal. Ito ay hindi kapani-paniwala dahil ito ay isang
“hyperbole” kung saan sobra-sobra ang pangyayari para lamang pumayag ang magulang ni Ines. Bagamat
nakapagtataka ito kung saan nakuha ni Lam-ang ang ginto at 2 barko pa kung saan punong-puno ng ginto.
Ito ay magiging kapani-paniwala kung ang laman ng barko ay mga prutas, hayop, gamit o ibang klaseng ari-
arian dahil iyon ang sikat na paraan noong unang panahon upang makipag “bargain” sa mga tao.

9. Natalo ni Lam-ang mag-isa ang mga Igorot na pumaslang sa kanyang ama. Ito ay imposible dahil si Lam-
ang ay napapaligiran at nasa loob siya ng teritoryo ng kalaban. Imposible na natalo niya ang mga kalaban
na mag-isa na wala man lang sugat na nakuha. Tanging piksyonal lamang ang ganitong pangyayari.
Quianzon, Mc Dominic V.
PT2-A

10. Ang tandang at aso ni Lam-ang ay umaliw at inukut-ikutan ang buto ni Lam-ang, kung saan sinabi niya kay
Ines na kolektahin ang mga buto kapag siya ay nakain ng isda, at biglang nabuhay si Lam-ang na para bang
galing sa bagong gising. Ito ay imposible dahil kapag ikaw ay nakain na ng buo ng isang pating, ikaw ay
patay na at hindi na maaaring mabuhay. Ang pangyayari sa akda na ito ay tanging mahika o “magic” na
sinasabi dahil imposible na mabuhay ka pa kapag ikaw ay buto-buto na.

You might also like