You are on page 1of 3

Ang Parabula ng

Mabuting Samaritano
(Luke 10:25-37)

Petsa: Ika-14 ng Oktubre

Pagsasanay Blg. 2.6

Pangalan: Ira Neil Caroro Suico


Grade 9 – St. Luke

Layunin: Nasusuri/Nailalarawan ang mensahe at aral na ipinahiwatig

sa

parabula ng Isang Mabuting Samaritano.


May isang lalaki na naglakbay mula Jerusalem patungong
Jerico. Sa daan ay hinarang siya, pinagnakawan, hinubaran,
binugbog, at iniwang halos wala nang buhay ng masasamang
loob. Isang pari ang napadaan kung saan nakahandusay ang
lalaki. Ngunit nang makita niya ang lalaki, sa kabilang gilid ng
daan siya lumakad.
Isang Ganito
Samaritanong rin ang ginawa
naglalakbay ang ng isang napadaang
napadaan at nang
Levite.
makita nito ang lalaki ay nakadama ito ng labis na pagkaawa.
Nilapitan niya ang lalaki at tinulungan ito. Pinahiran niya ng langis
at alak ang mga sugat ng lalaki at saka binendahan. Pagkatapos
ay isinakay niya ito sa kanyang kabayo at dinala sa isang inn
kung saan niya inalagaan ang wala pa ring malay na lalaki.
Kinabukasan, bago umalis ang Samaritano ay binigyan niya
ng dalawang pilak ang namamahala sa inn at ipinagbiling
alagaan ang lalaki.
Ang aral na nakuha ko sa parabulang “Ang Mabuting
Samaritano” ay ang pagtulong sa kapwa na walang pinipiling tao
o hinahangad na kapalit. Dahil kahit na hindi magkakakilala ang
Samaritano at ang nasugatan na lalaki, ginawa niya pa rin ang
lahat upang gumaling ito. Ang isa pang aral na natutunan ko ay
ang hindi manghusga sa katangian ng tao dahil sa kaniyang
pinagbibilangan, dahil masama ang reputasyon ng mga
Samaritano, inaasahan ng mga tao na hindi siya tutulong pero
nagkamali pala sila.
Ang napagnilayan ko ay kahit hindi ko kilala ang tao, kapag
kailangan niya ng tulong ay tutulungan ko siya. Dahil inilagay tayo
ng Panginoon sa mundong ito upang magtulungan at maging
masaya kasama ang isa’t isa. Dapat ay hindi ako manghusga sa
tao kung saan man siya nanggaling dahil hindi ko alam kung ano
ang mga pinagdadaanan nito. Kailangan kong maging mabait at
magalang sa mga tao at sa mundo.

You might also like