You are on page 1of 2

TALAMBUHAY NI MANNY PACQUIAO

Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala bilang Manny


Pacquiao ay ipinanganak noong December 17, 1978 mula sa Kibawe,
Bukidnon. Ang kanyang mga magulang ay sina Rosalio Pacquiao at
Dionesia Dapidran-Pacquiao. Ang kanyang mga magulang ay naghiwalay
noong siya ay nasa ika-anim na baiting pa lamang dahil nalaman ng
kanyang ina na may ibang babae ang kanyang ama. Si Manny ay pang-
apat sa anim na magkakapatid na binubuo nina: Liza Silvestre-Onding and
Domingo Silvestre (mula sa unang asawa ng kanyang ina) and Isidra
Pacquiao-Paglinawan, Alberto ”Bobby” Pacquiao and Rogelio Pacquiao.

Ikinasal si Manny Pacquiao kay Maria Geraldine Jamora o mas kilala


bilang “Jinkee” an biniyayaan ng apat na supling: sina
Jimuel,Michael,Princess at Queen Elizabeth. Si Manny at ang kanyang
pamilya ay nakatira sa kanilang probinsya sa General Santos City, South
Cotabato, Philippines. Subalit sa kasalukuyan, dahil si Pacquiao ay naging
kongresman ng kanilang distriko sa Sarangani, tumuloy siya ngayon sa
Kiamba, Sarangani, na bayan ng kanyang asawang si Jinkee.

Si Manny Pacquiao ay isang relihiyoso at tapat na katoliko. Siya ay


kilalang masugid na deboto ng itim na Nazareno sa Qiapo, Manila. Sa
katunayan, palagi siyang nagsisimba, nagdadasal at nag aalay ng
pasalamat sa misa sa Mass in Minor Basilica sa nasasabing simbahan sa
Quiapo lalo na pagkatapos magtagumpay na laban sa mula abroad.

Si Manny Pacquiao ay pinagkalooban ng espesyal na ranggo bilang


Sergeant Major for the 15th Ready Reserve Division of the Philippine Army.
Sa kanyang kabataan, panagrap niyang maging isang sundalo. Sa
katunayan, siya ay naging Army private noon.
Nakatapos si Manny Pacquiao ng elementary sa Saavedra Saway
Elementary School Sa General Santos City subalit hindi siya nagpatuloy
ang kanyang highschool dahil sa kahirapan sa buhay. Sa edad na 14,
iniwan niya ang kanyang pamilya para makipagsapalaran.

Dahil sa galling at talino, kumuha siya ng high school equivalency


exam, isang kwalipikasyon para makapag-college siya, noong pebrero
2007, naipasa niya ang nasabing exam at siya ay ipanagkalooban ng
Department of Education ng highschool diploma. Pagkatapos noon, siya ay
nag pa enroll ng colegio sa Notre Dame of Dadiangas University sa
General Santos City at kumuha ng kursong Business Management.

Si Manny Pacquiao ay nagkamit ng maraming recognition particular


mula sa kanyang career sa boksing. Isa siya sa Forbes The Celebrity 100
ngayong 2010, Time 100 Most influential People noong 2009 at naging
cover pa ng Time Asia Magazine noong 2009.

You might also like