You are on page 1of 2

Talambuhay ni Manny Pacquiao

Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala bilang Manny Pacquiao ay ipinanganak noong December
17, 1978 mula sa Kibawe, Bukidnon. Ang kanyang mga magulang ay sina Rosalio Pacquiao at Dionesia
Dapidran-Pacquiao. Ang kanyang mga magulang ay naghiwalay noong siya ay nasa ika-anim na baitang
pa lamang dahil nalaman ng kanyang ina na may ibang babae ang kanyang ama. Si Manny ay pang-apat
sa anim na magkakapatid na binubuo nina: Liza Silvestre-Onding and Domingo Silvestre (mula sa unang
asawa ng kanyang ina) and Isidra Pacquiao-Paglinawan, Alberto "Bobby" Pacquiao and Rogelio Pacquiao.

Ikinasal si Manny Pacquaio kay Maria Geraldine Jamora o mas kilala bilang “Jinkee” an biniyayaan ng
apat na supling: sina Jimuel, Michael, Princess, at Queen Elizabeth. Si Manny at ang kanyang pamilya ay
nakatira sa kanilang probinsya sa General Santos City, South Cotabato, Philippines. Subalit sa
kasalukuyan, dahil si Pacquiao ay naging kongresman ng kanilang distrito sa Sarangani, tumutuloy siya
ngayon sa Kiamba, Sarangani, na bayan ng kanyang asawang si Jinkee.

Si Manny Pacquiao ay isang relihiyoso at tapat na Katoliko. Siya ay kilalang masugid na deboto ng Itim na
Nazareno sa Quiapo, Manila. Sa katunayan, palagi siyang nagsisimba, nagdadasal at nag-aalay ng
pasalamat sa misa sa Mass in Minor Basilica sa nasabing simbahan sa Quiapo lalo na pagkatapos ng
matagumpay na laban mula abroad.

Si Manny Pacquiao ay pinagkalooban ng ispesyal na ranggo bilang Sergeant Major for the 15th Ready
Reserve Division of the Philippine Army. Sa kanyang kabataan, pangarap na niyang maging isang
sundalo. Sa katunayan, siya ay naging Army Private noon.

Nakatapos si Manny Pacquiao ng elementarya sa Saavedra Saway Elementary School sa General Santos
City subalit hindi niya ipinagpatuloy ang kanyang highschool dahil sa kahirapan sa buhay. Sa edad na 14,
iniwan niya ang kanyang pamilya para makipagsapalaran.

Dahil sa galing at talino, kumuha siya ng high school equivalency exam, isang kwalipikasyon para
makapag-college siya, noong Pebrero 2007, naipasa niya ang nasabing exam at siya ay ipinagkalooban
ng Department of Education ng highschool diploma. Pagkatapos noon, siya ay nag-enrol ng colegio sa
Notre Dame of Dadiangas University sa General Santos City at kumuha ng kursong Business
Management.

Si Manny Pacquiao ay nagkamit ng maraming recognition particular mula sa kanyang career sa boksing.
Isa siya sa Forbes The Celebrity 100 ngayong 2010, Time 100 Most Influential People noong 2009 at
naging cover pa ng Time Asia Magazine noong 2009.

You might also like