You are on page 1of 21

Matagumpay na

mga Pilipino,
Pahahalagahan Ko
ESP 6, Q3, WEEK 2
MGA HAMON:
Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga
Pilipino sa pamamagitan ng:
a. pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay;
b. kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng
sarili para sa bayan;
c. pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa

pagtatagumpay ng mga Pilipino


Unang Araw
Tingnan ang mga
sumusunod na larawan at
sabihin kung sino sila.
MANNY PAQUIAO
Si Manny Paquiao ay isang Pilipinong boksingero, politiko, mang-
aawit, aktor, modelo, at basketbolista. Siya ay kasalukuyang
naglilingkod sa pamahalaan bilang senador ng bansa.
Mula sa bibig ni Manny: “Marami sa inyo ang nakakakilala sa akin
bilang napakahusay na boksingero at ipinagyayabang ko iyon.
Ngunit ang pinagdaanan ko ay hindi madali. Noong bata ako,
naging boksingero ako dahil kailangan kong mabuhay. Walang-
wala ako. Walang akong maaasahan kundi sarili ko. Naisip ko na
magaling ako sa boksing at nag-ensayo ako nang sobra-sobra
para mabuhay ako kasama ang aking pamilya.”
HIDILYN DIAZ
Hindi naging madali ang dinanas ni Hidilyn Diaz bago siya
nakagawa ng kasaysayan para sa Pilipinas.
Simula pagkabata, hindi mabilang na hamon sa buhay at
sa weightlifting ang kinailangang lagpasan ni Diaz para
matamo ang tinatamasang gintong medalya sa Olympics.
May mga pagkakataong naisipan ni Diaz na sumuko na
lamang, ngunit ang mga pagsubok na ito ang humubog sa
kaniya patungo sa pagiging kauna-unahang Filipino
Olympic champion.
EFREN “BATA” REYES
Efren “Bata” Reyes ay isang sikat na manlalaro ng bilyar na taga-Pampanga,
Pilipinas. Siya ay ipinanganak noong Marso 26, 1954, at lumaki sa isang mahirap na
pamilya sa Tondo, Maynila.
Sa edad na 5 taong gulang, nagsimulang maglaro si Efren ng bilyar gamit ang mga
gamit ng kanyang ama. Dahil sa kanyang husay sa larong ito, naging regular siya sa
mga liga ng bilyar sa mga kanto ng Tondo. Noong 1985, nagtungo si Efren sa
Estados Unidos upang maglaro ng bilyar sa international circuit. Sa kanyang unang
paglahok sa US Open, nagwagi siya at naging kauna-unahang non-American player
na nakapag-champion sa nasabing torneo. Mula noon, si Efren ay nakapagwagi ng
maraming mga kumpetisyon sa bilyar sa buong mundo, kabilang ang World Pool
Championships at Derby City Classic. Kilala siya sa kanyang kahusayan sa
paggamit ng kanyang kapangyarihan ng utak at kasanayan sa pagtutok ng bola,
na kanyang tinatawag na “the magic.” Sa kasalukuyan, si Efren Reyes ay kinikilala
bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro ng bilyar sa buong mundo, at isa sa
mga pinakasikat na personalidad sa larangan ng sports sa Pilipinas.
SUBUKIN ITO

Suriin ang sumusunod na larawan.


Ipaliwanag kung paano maipagmamalaki
ang pagiging isang Pilipino at talakayin
ang kanilang naging puhunan sa
pagtatagumpay.
Pangkatang Gawain
1. Hatiin ang mga mag-aaral sa apat (4) na
pangkat.
2. Bawat pangkat ay gagawa ng rap tungkol
sa pagpapahalaga sa mga natatanging
Pilipino.
3. Bigyan ng limang (5) minute ang bawat
pangkat para pag-usapan ito.
4. Pag-usapan ang ipinakita ng bawat grupo.
Ikatlong
Araw
Bago tayo
magsimula, inyo
munang sabayan ang
awiting “Pilipinas
Kong Mahal”.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5. Basahin ang mga sumusunod na
pahayag. Kunin ang iyong sagutang papel at lagyan ng marking tsek (/)
kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at (x) kung di-wasto.
_____1. Kaya kong magtagumpay kahit wala ang tulong ng iba.
_____2. Maaari rin akong magtagumpay kung ako ay magsisikap na
maabot ito.
_____3. Hindi ko kayang maabot kung ano ang naabot ng ibang tao
dahil natatakot ako.
_____4. Ang mga matagumpay na mga Pilipino ay nagbibigay ng
karangalan sa ating bansa.
_____5. Alam ko kung sino ang mga Pilipinong nagbigay ng karangalan
ngunit hindi ko sila tutularan.
Paglalahat

Ang kahusayan at kasipagan


ay katangi-tanging susi sa
tagumpay ng Pilipino.
Takdang
-Aralin
Ikaapat na
Araw
Lagumang
Pagsusulit 3.1

You might also like