You are on page 1of 3

TALAMBUHAY NI MANNY PACQUIAO

Unang Bahagi ng Buhay

Si Emmanuel “Manny” Dapiran Pacquiao ay ipinangank noong Disyembre 17, 1978 sa

Kibawe, Bukidnon. Siya ang ikalawa sa apat na anak ng mag-asawang Rosalio

Pacquiao at Dionisia Dapidran. Mayroon din siyang dalawang kapatid sa

ina.Nakapagtapos is Manny ng elementarya ngunit tumigil rin nang mag-hayskul dahil

kapos sa pera ang pamilya. Noong 13 taong gulang lamang siya, lalong naghirap ang

katayuan nila sa buhay nang iniwan sila ng kanyang ama para sa sumama sa ibang

babae. Mayroong maliit na sari-sari store si Aling Dionisia na tulong-tulong na

binabantayan ng pamilya. Huminto siya sa pag-aaral at tumulong sa mga gastusin sa

pamamagitan ng paglalako ng tinapay at iba pa. Lumipat ang pamilya Pacquiao sa

General Santos City para makapaghanap ng mas mapagkakakitaan. Dito unang natuto

ng boxing si Manny dahil maraming mga lokal na boksingero ang nagti-training sa

lungsod. Sa murang edad pa lang, nakitaan na si Manny ng kapuna-punang hilig sa

pagbo-boksing. Sa isang panayam kay Aling Dionisia, sinabi niya “Pati mga titser niya

nagsabi: ‘Misis ang anak mo laging lumalabas, malikot, suntok nang suntok sa hangin’.”

Paglalayas at Buhay sa Maynila

Nais ni Aling Dionisia na mag-pari ang anak. At kahit na si Manny ay relihiyosong bata,

batid niya ang hirap ng pamilya sa pagpapaaral sa kanila. Kaya naman, lubos na

ikinadismaya ng ina nang iniwan ni Manny ang pamilya para sundin ang pangarap

nitong maging isang matagumpay na boksingero, para na rin makatulong sa mga

gastusin. Kasama ang ilang kabataan, si Manny ay 14 na taong gulang lamang nang

palihim na lumulan sa isang barkong papuntang Maynila. Hindi naging madali ang

buhay niya sa Maynila. Kinailangan niyang maghanap ng iba’t-ibang klase ng


trabaho. Namasukan siya bilang construction worker. Nasubukan rin niyang mangiskis

ng kalawang sa isang junkyard para magkapera man lang na gagamitin pantawid-

gutom. Ang L&M Gym kung saan siya nagti-training ang siya na ring tinutulugan niya

dahil talagang walang-wala siya. Sa mismong boxing ring siya natutulog, amoy pawis,

walang unan, walang kumot. Trivia: Noong 2008, binili niya ang gym, pinagiba at

tinayuan ng 7-storey building na may boxing gym, billiard room, recording studio at

dormitoryo para sa mga nagti-training.

Pagsisimula Bilang Professional Boxer

Inabot ng pitong buwan bago siya nabigyan ng laban. Masayang ibinalita ng batang

Manny sa kanyang ina na lalaban siya sa isang boxing show na pinamagatang Blow by

Blow. Noong ika-22 ng Enero 1995, sa edad na 16 lamang, naipanalo ni Manny ang

kanyang kauna-unahang laban bilang propesyunal na boksingero. Napansin ng may-ari

ng gym na si Rod Nazario at mga prodyuser ng Blow by Blow ang kakaibang galing at

potensyal ni Manny. Naging madalas ang kanyang paglaban sa palabas at untiunting

dumami ang kanyang mga taga-hanga. Si Rod Nazario ang naging promoter ni Manny

mula 1995 hanggang 2005. Nang maubusan si Manny ng kompetensiya sa Asya, si

Rod Nazario ang nagdala kay Manny sa Wild Card Gym kung saan nagsimula ang

tambalang Manny at Coach Freddie Roach. Ang tamabalang ito ay nagresulta sa

pagkamit ni Manny sa kanyang katangi-tanging 8-division world titles. Matapos ang

kanyang unang laban at panalo sa Amerika, sinundan na siya ng milyunmilyong

tagahanga mula sa lahat ng sulok ng mundo. The rest, wika nga ng mga banyaga, is

history.

You might also like