You are on page 1of 2

Ang Mahiwagang Tandang

Naging tanyag ang bathala dahil sa mga payo niyang nakalutas sa maraming sigalot dapat sana'y
pinagmulan na ngmaraming digmaan. Dahil dito'y maraming datu ang laging sumasangguni sa
kanya. Sa tuwina'y mahaba ang pila ngmga datung nais humingi ng payo kay Sidapa.Sa mga
pagkakataong labis siyang nagiging abala at hindi agad nakakausap at nakapagbibigay-payo sa
mga datu aysumsiklab ang digmaan at maraming dugo ang dumadanak.
Labis itong nakapagpapalungkot kay Sidapa. Ayaw naayaw niyang namamtay nang dahil lang sa
mga digmaang walang kapararakan.Subalit tila namihasa na ang sundalo sa masamang
nakasanayan. Saglit lang ang pagsunod nito sa kanyang pangakoat katagala'y nakalimutan na
naman niya ito. Madali siyang nahihikayat ng mga kaibigan upang makipag-inuman. Athindi
basta patagay-tagay lang. Maramihan at matagalan sila kung mag-inuman.
Noong unang panahon sa malayong lalawigan ng Antique ay naninirahan ang isang iginagalang
at minamahal na bathala. Siya'y si Bathalang Sidapa, ang bathalang lubos na nagpapahalaga sa
kapayapaan kaya't madalas siyanghingan ng payo ng mga datu upang maiwasan ang
pakikipagdigma at mapanatili ang pakikipagkaibigan sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Dahil sa dami ng mga pinuno at maging ng mga karaniwang taong lumalapit kay Sidapa at
nagdudulog ng kani-kanilang mga problema ay kailangan na rin niya ng taong magpapaalala sa
kanya ng mga nakalaang gawin para sa bawat araw. Ang nasabing tao ay siya na ring gigising sa
kanya tuwing madaling araw.!inulong niya ang kanyang mga sundalo at tinanong ang mga ito
kung sino sa kanila ang maaring makagawa ngganung responsibilidad para sa kanya.
"Ako po kayang-kaya ko pong gawin iyan" ang may himig pagmamalaking sabi ng isang matikas
na sundalo.
"Sige yamang ikaw ay nagpriprisinta, tatanggapin kita," ang malugod na wika bathala sa
sundalong tinawag niyang Sundalong Orasan.
Labis naman niyang ikinatutuwa kapag napagkakasundo niya ang mga pinuno at naiiwasan ang
anumang madugongdigmaan. $sa sa kanyang mga pangarap aya ang tuluyan nang mapalitan ng
respeto, pakikipagkaibigan at pagmamahalan ang galit at karahasang nagbubunga ng di
pagkakaunawaan at digmaan sa mundo. Alam niyang malaki ang papel na ginagampanan ng
pagiging mahinahon, ng pag-uusap, at ng pagkakasundo upang maisagawa itokaya naman lagi
siyang naglalaan ng panahon sa sinumang datu o pinunong nais humingi ng payo sa kanya.
Sa mga unang araw ay naging masigasig si Sundalong Orasan sa pagtupad ng kanyang mga
tungkulin subalit habangtumatagal ay nahihirapan siyang gumising ng madaling-araw dahil na
rin sa pagpupuyat niya sa mga gabingnagkakatuwaan sila ng kanyang mga kaibigan. Kapag
nahuli siyang gumising ay nahuhuli rin siya sa paggising kay Bathalang Sidapa.
Madalas sa tuwina'y nagpapasensiyan ni Sidapa ang ganitong mga pagkukulang ng Sundalong
Orasan. Nag-isip siya ng paraan upang higit na sipagin ang sundalong panggising sa kanya at
isang bagay na naisip niyang gawin ay ang pagbibigay pa rito ng karagdagang pilak bilang
insentibo. Tuwang-tuwa naman ang sundalo at nangakong pagbubutihin na niya ang kanyang
tungkulin. Dahil sa kalasinga'y nagiging matabil pa ang sundalo at naikukuwento sa mga
kainuman ang mga sikretonginilalahad ng mga sumasangguni kay Bathalang Sidapa na dapat
sana'y di na nalalaman ng iba. Dahil sa labis na kalasingan ng Sundalong Orasan ay maraming
mga umagang hindia niya nagigising si Sidapa. Dahil dito'y may mga digmaang sana'y
naaganapan dahil sa mahuhusay na payo ni Sidapa ang natuloy kaya'tmaraming sundalo na rin
ang nagbuwis ng buhay.
Naging sanhi rin ng pagkakaroon ng mga digmaan ang pagkalat ngmga lihim na isiniwalat ng
Sundalong Orasan kapag siya'y nalalasing. Dahil dito ipinatawag ni Bathalang Sidapa ang
Sundalong Orasan. Humarap itong lasing na lasing sa bathala." Sundalo dahil sa kapabayaan
mo'y nagkaroon ng madugong digmaang dapat sana'y napayapa at napigilan kungnakausap ko
lang ang mga pinuno ng mga kasangkot na baranggay," ang
nagpipigil na wika ng bathala."!a... patwarin muli ako... mahal na bathala" ang nagkakadauntal-
utal na sagot ng sundalo dahil sa labis niyang kalasingan.
"Ang kapabayaan mo'y nagbunga ng pagkawala ng maraming buhay dahil sa digmaan. Ang mga
lihim naipinagsasabi mo sa lahat ay lalo pang nakapagtulak sa mga pinuno upang ituloy ang
digmaan. Ang hindi mo paggising sa akin sa mga umagang dapat sanang nakausap ko ang mga
datung nasasangkot ay nakaaapekto rin nangmalaki sa mga usaping pangkapayapaan" halos
manginig sa galit na wika ng bathala.
"!a... pasensiya na po. Di ko lang po talaga maiwasan..." Hindi nagawang tapusin ng sundalo ang
sasabihin sapagkat sumambulat ang pagtitimpi ng bathala sa mga pagkukulang ng sundalo.
"Sapat na ang pagbibigay ko sa iyo nang ilang beses, Sundalo. Bilang parusa sa iyong mga
kapabayaan, ikaw ay magiging isang hayop na tagagising ng lahat ng tao tuwing madaling-araw"
ang umaalingawngaw na sabi ng galit nagalit na bathala sa sundalo.
Pagkawika nito'y ikinumpas ng bathala ang kanyang kanang kamay at kasabay nito'y
umalimbukay ang makapal nausok na bumalot sa buong silid. Nagkahawi ng usok ay nakita ang
pagbabagong-anyo ng pabayang sundalo. Lummitsiya at ang mga bisig ay napalitan ng
mabalahibong pakpak. Ang buong
katawan ay nabalutan din ng balahibo. Nagbago rin ang kanyang mukha at ang mga labi'y
naging tukang nilalabasan na lamang ng tilaok sa halip na mgasalita.
"Ang lahat ng pagbabago sa iyo ay TANDA ng iyong kapabayaan. Hinding-hindi mo na
malilimutang manggising ngayon at bilang TANDA ng iyong mga kasalanan ay tatawagin kang
TANDANG upang maipaalala sa lahat ng taona sa bawat paggising nila sa umaga ay mayroon
silang misyon o tungkuling dapat tuparin ng maayos" ang wika ng Bathala.
Magmula nga noon ay maririnig na ang malalakas na tilaok ng tandang sa madaling-araw bilang
TANDA na oras nang pagising ng mga tao.

You might also like