You are on page 1of 2

Buod ng mahiwagang tandang

Ang kwento ng Mahiwagang Tandang ay Isang alamat na nagbibigay

linaw sa tanong na “Bakit tumitilaok ang lalaking manok tuwing madaling araw?”.

Ang pangunahing tauhan dito ay si Sidapa na siyang Bathala ng Digmaan.

Katahimikan ang tanging nais niya, mapanatili

ang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga barangay ang pangunahin niyang gawain.

Maaga pa, naguumpisa na ang pagsangguni sa Bathala ng mga Sultan. Sa bigat ng

responsibilidad ni Sipada, at sa pagnanais

niyang mapigilan ng maaga ang gulo sa pagitang ng mga sultan, nangailangan siya

ng isang sundalo na magiging taga gising niya tuwing madaling araw. Dito ay

nagprisinta ang pangalawang tauhan sa kwento na si Sundalong Orasan. Naging

isang tapat na tagapagpaalala si Sundalong Orasan sa mga unang araw ng kanyang

pagsisilbi kay Sidapa, maayos nitong nagagampanan ang kanyang tungkulin kung

kayat walang sigalot na hindi naaayos. Ngunit hindi nagtagal ay unti unting

napapabayaan ni Sundalong Orasan ang kanyang tungkulin. Nahiligan nitong magpuyat at


makipagsayahan sa mga

kakilala, dahilan kung bakit unti-unting bumalik ang kaguluhan sa pagitan ng

mga Baranggay. Matapos siyang kausapin, at muling pagbigyan ni Sidapa,

paulit-ulit nitong ginawa ang pagwawalang bahala sa kanyang tungkulin. Ngunit

ang lahat ay may hangganan, isang araw nagkaroon ng malaking digmaan at dumanak

ang dugo, marami ang namatay at nasugatan. Naubos na ang pasensya ni Sidapa sa

pagpapabaya ng Orasan. Ito ay kanyang pinatawag at sa kabila ng pangako nitong

tutuparin na ang tungkulin, ay tuluyan na itong pinarusahan ng Bathala. Ang


Orasan ay nag iba ng hugis at kulay, ang balat ay naging malalapad nabalahibo,

nagpatuloy ang pagiibang anyo hanggang maging isang nilalang na ngayon ay

kinikilala natin na isang tandang. Mula noon ay wala ng pagkakataon na hindi

maririnig ang tilaok ng tandang tuwing madaling araw.

You might also like