You are on page 1of 1

Ang Pagsilim ng Dilim

Ang isla ng magkabilang dako ay nahahati sa dalawang bahagi, ang kanluran at silangan. Sa
kadahilanang napatay ang isang magsasaka sa dakong hilaga kung saan nagaganap ang pakikipagpalitan
ay umugat sa matinding digmaan. Dulot ng galit, ng sakim na mga konseho ng Mataas na Puri, ay
kinausap nila ang Datu na humantong sa dahas at patalim upang mapaangat ang kanilang imahe bilang
ang konseho. Ang nakatakdang kasalan ng dalawang magkasintahan ay napalitan ng poot ng
magkabilang dako, ngunit hindi ito naging dahilan upang mawala ang pag-ibig nila sa isa’t-isa kaya
gumawa parin sila ng paraan upang makita ang isa’t isa. Kaya bawat gabi ay nagkikita-kita silang dalawa,
upang makapiling ang isa’t-isa sa ilalim ng buwan habang nagsasayawan upang matamasa ang pag-ibig
nila sa isa’t-isa. Ngunit isang gabi, sa likod ng mga punong humahagaspas at nagsasayawang mga dahon
ay mayroong tao na nakasuot ng mascara habang pinapanood ang magkasintahang nakangiti. Tumutulo
ang kanyang luha, at bigla siyang nawala. Kinaumagahan, makalipas ang isang linggong digmaan tulong
ang dahas at patalim, ipinatawag ang Anak ng Datu upang mamuno sa digmaan upang matapos na ang
lahat dahil sa kanyang anking galing sa hasa ng espada ay madaling niya itong magagawa ngunit ito ang
isang bagay na maaring magdala ng pighati at sakit sa kanyang mahal dahil upang manalo sa digmaan ay
kailangan niyang mapaslang ang Datu ng Silangan. Lubos niyang inisip ang mga bagay bagay, dahil sa
kanyang posisyon bilang anak ng Datu, maari siyang itakwil at parusahan ng kamatayan ng sambayanan
dahil sa siya’y isang traydor. Kaya buhat ang kanyang mga kamay, itinaas niya ang kanyang espada at
itinuro sa kabilang isla. Hindi mabilang na buhay ang kanyang itinakwil, ilang buhay ang kanyang nawala,
natuyong mga dugo sa katawan ng mga namatay na sundalo sa magkabilang dako. Nakatayo ang
prinsepe, habang itinaas niya ang kanyang espada. Papalapit ang hari, dala ang kanyang sibat habang
ito’y itinaas upang makipagdwelo sa prinsepe. Makalipas ang ilang saglit, ang dulo ng sibat ay naka-ayon
na sa mata ng prinsepe. Dumating ang prinsesa dala ang kanyang damit na puno ng putik at hibla ng
dahon. Isang tinig ang kanilang narinig, nanghihingi na tumigil na ang lahat.

Tumulo ang luha ng prinsepe, nagpapasalamat siya na sa huling sandali ay nakita niya ang
kanyang minamahal. Lumayo ang hari, at ang buhay ng prinsepe ay nailigtas. Ngunit sa hindi, inaasahan
ay mayroong isang pana na bumulusok sa puso ng prinsesa, habang siya’y nakangiti, bigla siyang
natumba. Sa kanyang huling sandali, sinabi ng prinsesa ang isang tula na nais niya sana marinig ng
prinsepe. Tumulo ang luha ng prinsepe at ng prinsesa, dumating ang hari habang ito’y nakaluhod sa
kanyang paa. Hindi makapanilawala sa pighati na kanyang nararamdaman habang ang mata ng prinsesa
ay unti-unti sumasara. Nakaluhod at umiiyak ang prinsepe habang sinabi niya na “Kung maari po ba, ay
kunin na rin ninyo ang aking buhay upang siya’y aking makasama”. Tumahimik ang hari habang hawak
niya ang kanyang sibat, mabilisan niyang tinamaan ang puso ng prinsepe. Sa nalalabing oras ng lalaki,
iniisip niya ang isang bukirin na puno ng bulaklak habang nakahawak ang kanyang kamay sa prinsesang
kanyang iniibig. Unti-unti ng pumipikit ang kanyang mga mata, habang ang luha’y tumutulo sa kanyang
mata kasabay nito’y hinawakan niya ng maiigi ang kamay ng prinsesa at sa huling sandali ngumiti na
para bang siya’y nananaginip.

You might also like