Professional Documents
Culture Documents
Pagtuga: Handog ko’y ginto’t alahas para sayo. Handa kong ibigay lahat ng hilingin mo.
Mapasaakin ka lang, iniibig ko.
Daragang Magayon: Hindi ko kailangan ng kayamanan mo. Dahil mas importante ang
taong kaya akong ipaglaba’t protektahan, ng walang ginagamit na dahas at
kapangyarihan.
Ulap: Aking titiisin, mahirap mang damhin. Tanging nakaw sa sulyap ang siyang aking
gagawin. Aking dadahandahanin upang ang kwento’y mas maging makadamdamin.
Mahal kong Daragang Magayon, balang araw magiging akin ka din.
Narrator: Tiniis niyang magnakaw nalamang ng mga sulyap sa babaeng lihim niyang
minamahal. Tanging tagong tingin ang siyang kaya niyang gawin mula sa
malayo,habang pinapanood ang pagtampisaw ni Daragang Magayon sa ilog ng Yawa.
Ulap: Wala pong anuman, tungkulin ko lang na tulungan ang mga taong siyang
nangangailangan tulad ng turo ng aking amahan.
Narrator: Ngunit ang bagay na iyo’y hindi nagustuhan, ng taong may nalilihim na
kasakiman. Na nais na kaniya lamang, ang pag-iibigin. Sa gusto’t hindi,tao’y di
makatanggi. Si Pagtugang handog ng ginto’t alahas. Ay ang sa pag-iibigin ni Magayo’t
Ulap na ahas.
Narrator: Si Pagtuga, at ang ama ni Magayo’y biglang nagtagpo. Sa gubat kung saan si
Datu Makusog ay nangaso.
Datu Makusog: Oh Pagtuga! Andito ka pala! Anong ginagawa mo dito, nangangaso ka din
ba?
“ Daragang Magayon. Hawak ko ang ‘yong ama. Siya’y aking papatayin,kung ang
kagustuhan ko’y hindi mo susundin. Ako’y iyong pakasalan, upang mailigtas ang buhay
ng iyong amain.”Ang kahilingan ni Pagtuga’y sinunod ni Magayon, Labag man sa
kalooban, si pagtuga’y kanyang pakakasalan at agad-agad,sa isang iglap,inihanda
ang kasalan. Ang balitang ito’y dumating kay Ulap, ang pangyayaring magaganap na
siyang pinakamasaklap. Siya’y nagmadaling bumalik sa Rawis,kasama ang kanyang
magiting na mandirigma,kahit punong-puno ng pawis . Sa kanyang pagdating sa
kasalan, ay noong pag-uumpisa ng seremonya. Sa halip na nakakakilig na eksena’y
isang madugong labanan ang kaganapan.”
Ulap: Itigil ang kasalan.Ang babaeng kanyang pinakakasalan ay pinilit niya lamang.
Magayon, sabihin mo. Hindi ba’t ako ang mahal mo?
Narrator: Isang ligaw na palaso ang siyang sa dilag ay tumama. At sa pagyakap ni Ulap
sa kanyang minamahal, isang kawal ang siyang sa kanya’y sumibat. Tagos sa likod,
nakakalungkot. Silang dalawa’y napaslang. Agad ni Makusog na hinataw ang kawal ng
kaniyang minasbad.
Narrator: Halos luha nalamang ang siyang nakikita ni Datu Makusog habang siya’y
patuloy na naghu. Inilibing niya ang natatangi niyang anak kasama ang kauna-unahan
niyang pag-ibig.
Narrator: Habang lumilipas ang mga araw. Unti-unting tumaas ang lupang
pinaglibingan nila Magayo’t Ulap. At habang tumatagal ng tumatagal, ito’y patuloy na
tumataas habang ito’y sinasabayan ng pausing ng lupa’t pagtilapon ng nagbabagang
mga bato.